Share

Kabanata 4

Author: Wolf Cloud
Si Noelle at Shawn ay tumungo sa kumpanya pagkatapos kumain. Ngunit, ipinilit niyang maupo sa likod dahil nandidiri siya kapag naiisip niyang umupo sa harap.

“May motion sickness ako,” paliwanag niya. “Mas kumportable sa backseat dahil puwede ko ibaba ang bintana at enjoyin ang hangin.

Hindi siya pinilit ni Shawn na lumipat sa harap. “Sige. Magiging banayad ang maneho ko hanggat maaari.”

Noong dumating sila sa kumpanya, nagjogging siya sa tabi ng sasakyan niya para pagbuksan si Noelle ng pinto. Rush hour kaya sabay-sabay halos ang dating ng mga empleyado. Pinanood nila ng bumaba siya ng sasakyan.

Ilang mga senior executives ang nagsalita ng malungkot, “Nandito ka na, Mrs. Pitt/ Binabanggit lagi ni Mr. Pitt ang milk tea na gusto mo araw-araw. Ikukuha kita ngayon.”

Sinabi pa ng isa, “Ikukuha kita ng snacks. Alam ko na mahilig ka sa tinapay.”

Natawa si Shawn at sinabi, “Huwag ninyo siyang pakainin. Nadagdagan na nga ang timbang niya at hindi na masuot ang wedding ring niya.”

“Dyan ka nagkakamali, Mr. Pitt,” kontra ng isang executive. “Sobrang payat ni Mrs. Pitt kaya mukhang kasalanan ng singsing kaya hindi na niya masuot. Sa tingin ko lumiit ito!”

“Kayo talaga. Okay lang na bolahin ninyo si Mrs. Pitt, pero hindi ba’t sumosobra na kayo? Hindi puwede lumiit ang silver!”

“Hindi mo alam ang sinasabi mo. Mahal na mahal ni Mr. Pitt si Mrs. Pitt ng sobra na magiging masaya siya kung masaya din siya. Mas magiging maganda ang buhay para sa ating lahat!”

Natawa si Shawn at sinabi, “Sige na, sige na. Alam ninyo kung anong kahinaan ko.”

Nagtawanan ang lahat.

Napalilibutan si Noelle habang patungo sa opisina ni Shawn. Mayroon siyang mga prutas, snacks at milk tea—lahat ng kailangan niya.

Nag-stream pa si Shawn ng palabas sa laptop niya. “Kailangan ko na magtrabaho, Elle. Puwede ka magsaya dito, okay? Tawagin mo si Wilson kung may kailangan ka. Nasa labas lang siya.”

Sadya niyang itinanong, “Paano si Jessica, ang personal assistant mo? Bakit hindi ko siya nakikita dito?”

“Hindi ako sigurado,” sagot niya. “Tatawag ako sa HR para itanong.”

Bago umalis, hinimas niya ako ng malambing. “Hintayin mo ako, okay? Para sabay tayo mananghali.”

Umalis si Shawn, kasama ang mga senior executives. Doon napansin ni Noelle na ang phone niya ay nasa desk pa. Nagmadali siyang humabol sa kanila ng marinig ang mga senior executives na nagbubulungan.

“… Sa rooftop? Kung ano-ano na ang ginagawa ni Mr. Pitt ang Jessica ngayon.”

“Well, wala naman silang pagpipilian, hindi ba? Nandito si Mrs. Pitt ngayon. Kailangan nila mag-ibang lugar.”

“Kailangan pa din ba natin siyang dalhan ng condom?”

“Hindi na. Nakita ko kanina na marami siyang inilagay sa bulsa niya bago umakyat kanina.”

“Heh. Grabe si Mr. Pitt—paano niya nagawa bumili ng maraming condom habang kasama si Mrs. Pitt?”

“Nagpadeliver siya. Alam mo naman kung gaano kadali ngayon sa panahon. Puwede nila bilhin ang lahat ng kailangan mo.”

Doon niya napagtanto ang lahat. Ang tawag kaninang umaga ay mula sa delivery guy. Nag-order ng maaga si Shawn para sa ihanda ang mga condom niya. Mukhang sobrang excited niya sa pagkikita nila sa rooftop, dahil sa maaga niyang paghahanda.

“Iniisip ko kung sapat ba ang ilang kahon. Buong araw sila ni Jessica sa sasakyan, at kakaiba siyang maglakad kinabukasan.”

“Puwede naman natin siyang dalhan kung mauubusan siya. Mga empleyado niya tayo, nararapat lang na panatilihin natin siyang masaya.”

“Hindi ba’t may sinabi ka kanina tungkol sa pagpapasaya kay Mrs. Pitt?”

“Tsk. Anong malay niya? Masaya na siya sa isang baso ng milk tea at ilang mga tinapay. Anyway, normal lang sa katulad ng estado ni Mr. Pitt na magkaroon ng ilang mga kabit. Mayaman siya at makapangyarihanm kaya inaasahan lang na nakikipaglaro siya sa iba ng hindi nalalaman ng asawa niya. Okay lang basta hindi niya malaman.”

“Mukhang tama ka naman. Mukha rin siyang walang alam. Hindi mahirap na itago ito mula sa kanya.”

Nagpakita si Shawn bigla habang nag-uusap sila. “Huwag kayo magsabi ng kung ano-ano kapag nandito si Elle. Naiintindihan ninyo?”

Tumango agad ang mga senior executives. “Siyempre, Mr. Pitt. Alam namin kung hanggang saan lang kami.”

Nagtanong ang isa sa kanila, “Bakit mo isinama si Mrs. Pitt ngayon, sir? Kailangan tuloy ninyo na magtago ni Jessica sa rooftop at kailangan namin mag-ingat sa mga sinasabi namin.”

Galit siyang tinitigan ni Shawn. “Asawa ko si Noelle, ibig sabihin pagmamayari din niya ang kumpanya. Puwede siyang pumunta dito kung gusto niya. Anong kinalaman nito sa inyo?”

“Oo nga pala, oo nga pala, sir…”

Tinignan niya ang senior executive na parang binabalaan siya. “Alagaan ninyo ng mabuti si Elle. Hindi maganda ang sikmura niya kagabi, kaya huwag ninyo siya pakainin ng sobra. Bukod pa doon, ang sinuman na magsiwalat nito ay puwede ng umalis. Naririnig ba ninyo ako?”

Tumango ng malakas at mabilis ang mga senior executives.

Hindi na nanatili si Noelle para marinig pa ang natitira nilang mga pag-uusapan. Nagmadali siya sa opisina ni Shawn at inilagay ang phone niya sa desk.

Hindi nagtagal, pumasok si Shawn sa opisina, mukhang gentleman pa din. “Anong kinakain mo, ikaw na hindi makuntentong babae ka? Mukhang masarap.”

Masuka suka ang pakiramdam ni Noelle sa paraan ng pagtawag sa kanya ni Shawn. Ngunit, pinigil niya ang pandidiri niya at nagtanong, “Hindi ba’t nasa meeting ka? Bakit ka nakabalik agad?”

“Naiwan ko ang phone ko. Nakita mo ba?”

Umiling-iling si Noelle. “Hindi.”

Naghanap siya sa mga snacks at nakita din ito. “Oh, nandito pala. Enjoy ka sa mga snacks mo. Aalis na ako.”

Sa oras na iyon, tumunog ang phone ni Noelle. Sinagot niya ito.

“Hello, kausap ko ba si Ms. Aria Byrd?”

“Oo, ako nga.”

“Magandang araw, Ms. Byrd. Nagbook ka ng flight patungong Neloria sa susunod na linggo. Naibigay na ang ticket mo. Ang kailangan mo na lang gawin ay dalhin ang passport mo at sumakay sa flight.”

“May iba pa ba maliban sa passport?”

“Hindi, iyon lang.”

“Sige.”

Matapos ibaba ang tawag, naguguluhan siyang tinignan ni Shawn. “Passport? Bakit mo ito kailangan bigla?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 21

    Sinabi na nakakaantig ng husto ang performance ni Shawn sa video. Sobrang nakakakumbinsi ito na kahit ang mga ibang tao na hindi naiintindihan ang lenguwahe ay batid kung gaano siya kadesperado base sa ekspresyon niya at subtitles.“Hindi iyon mangyayari,” sambit ni Noelle, hawak ang pusa sa mga bisig niya at yumuko siya. “Kasi, kanya-kanya tayaong mga tao na hindi required na umasa sa iba para mabuhay.“Kung pinili niya na sukuan ang sarili niya dahil dito, problema na niya iyon. Ang ibig ko sabihin, walang dapat na magsakripisyo ng kaligayahan nila para sa kanya.”Final na ang desisyon niya. Kahit na magpakita si Shawn sa harap niya, umiiyak at nagmamakaawa, hinding-hindi siya babalik sa kanya.Ngumiti ng kaunti si Cameron at mahinang sinabi, “Mabuting bagay iyon kung ganoon. Puwede ka manatili dito ng payapa. May mabigat na snowstorm kailan lang, at naharangan ang mga daan papunta sa lungsod.“Kung may tao man na mapagkamalan ka na ikaw ang nasa missing person notice, hindi sil

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 20

    Matagal ng kinain ng kalungkutan ang pag-iisip ng tama ni Shawn. Noong nagbigay lang ng hindi malinaw na domestic address ang caller at nagawa niyang ngumiti at ibinaba ang tawag.Hindi naman nakakagulat na nagsinungaling ang caller. Pero, hindi niya sinisi ang tumawag dahil masyado na siyang pagod para magkaroon ng pakielam.Simula sa araw na iyon, walang tigil ang mga natatanggap na tawag ni Shawn.Paulit-ulit siyang nilalapitan ng mga tao na sinasabing nakita nila si Noelle, ang bawat isa ay humihingi ng pabuya. At kahit na alam niyang ang karamiha nsa kanila ay nagsisinungaling, patuloy si Shawn sa pagbabayad sa kanila, kumakapit sa maliit na pag-asa. Sa huli, naglaho ang mga pabuya kasama ng mga tumatawag, walang balita o impormasyon na iniwan.Pero walang pakielam si Shawn. Kaunting pag-asa ang dahilan para magpatuloy siya, at kahit na may tao na gustong makipagkita mismo, pupunta siya ng walang alinlangan.Dagdag pa dito, may mga babae na gusto siyang puntahan kahit ganito

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 19

    Ang lahat ng mga papel na nakakalat sa sahig ay parehong mga papel na ginamit ni Noelle sa sulat niyang ibinigay kay Shawn. Ginamit niya ang lahat ng mga hindi nagamit na notebook ni Noelle sa kuwarto at matinding nagsusulat—ng walang pahinga—ng ilang araw na.Mukhang hindi na mahalaga ang oras sa mga sandaling ito.Hindi mapigilan ni Lydia na umiyak at sabihin, “Malinaw na araw kang makita ni Noelle. Ano pa ang silbi ng pagpuno sa kuwartong ito ng mga sulat ng paghingi ng tawad? Dapat sinabi mo sa kanya ang mga salitang iyan mismo.”Noong marinig ito ni Shawn, natigilan sandali si Shawn at nag-isip ng mapansin na may punto si Lydia. Pero, masyado na siyang malalim sa ginawa niya para umatras.Tinignan niya si Lydia habang namumula ang mga mata niya at sinabi, “Alam ko na patatawarin niya ako. Kapag natapos ako magsulat, siguradong patatawarin niya ako! Kailangan ko ipakita sa kanya kung gaano ako kasinsero—”Paos ang boses niya, pero ramdam ang gana niya, at kakaiba ang tindi ng

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 18

    Nagmamadali si Shawn, pero ang pagsecure ng visa at flight ticket ay hindi bagay na magagawa agad.Makalipas ang tatlong araw, matapos dumating sa Neloria, doong lang nasimulan ni Shawn na kontakin ang embassy para hanapin si Noelle.Kumatok si Shawn sa pinto ng apartment, isinigaw ang pangalan ni Noelle at nagmadaling pumasok sa loob. Pero, pinigilan siya ng landlord, na si Cameron Abner, na nasa gitna ng paglilinis.“Sino ka?” maingat niyang tanong.“Hinahanap ko si Noelle,” sagot ni Shawn. Agad niyang idinagdag, “Asawa ko siya, at nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kailan lang. Gusto ko lang siyang makausap para linawin ang mga bagay-bagay.”Noong marinig ito, sumenyas lang si Cameron at sinabi, “Walang tao na ganyan ang pangalan dito.”“Ang buong pangalan niya ay Noelle Anderson.”Ipinilit ni Cameron, sinabi niya, “Sinisiguro ko sa iyo, walang Noelle Anderson na nakatira dito. Isa lang ang tenant ko na ang pangalan ay Aria Byrd.”Noong marinig ang pangalan, naguluhan

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 17

    Si Karen Green, isang middle-aged na babaeng kakahiwalay kailan lang dahil sa asawa niyang nangaliwa, ay galit na galit. Humakbang siya palapit at humarang sa daan ni Jessica para sabihin, “Paano nagawa ng babaeng katulad mo na piliin maging homewrecker at sirain ang pagsasama ng iba? Isa ka lang walanghiyang homewrecker!”Matapos makita na ipinapahiya siya ng isang estranghero, galit na sumagot si Jessica, “Ikaw, kumpara sa lahat ng tao dito, ay tinatawag akong homewrecker? Baka hindi mo kaya maging homewrecker sa pagmumukha mong yan. Baka tinatawag mo ako ng ganyan dahil hindi mo kaya panatilihing iyo lang ang lalake mo at ipinagpalit ka, tama?”“Hmph! Mas mabuti pa din ito kaysa itapon ka lang sa kalsada ng halos walang saplot!” galit na sagot ni Karen, sinunggaban niya si Jessica. Agad na nagkagulo.Dahil malapit lang ang tahanan ni Karen, agad niyang natipon ang mga kaibigan niya para ipahiya si Jessica bilang walang hiyang homewrecker. Matapos makita ang lumalalang sitwasyon,

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 16

    “Wala ka sa posisyon para husgahan si Noelle!” galit na sinabi ni Shawn. “Bukod pa doon, ang kumalat ang mga litratong iyon ang habol mo mismo, hindi ba?”“Malinaw ang mga kuha mong litrato sa akin pero sinasadya mo na hindi ka makunan ng litrato. Alam ko ang sinusubukan mo gawin, Jessica. Balak mo akong iblackmail!”Kahit na nalaman na niya sawakas ang mga nangyayari, alam ni Shawn na huli na ang lahat.Gusto pa din depensahan ni Jessica ang sarili niya. Pero, nandidiri ng husto si Shawn sa kanya. Ayaw niyang bigyan siya kahit kaunting pagkakataon.Agad na kinuha ni Shawn ang phone niya, tinawagan ang security ng villa at sinabi, “Kailangan ko magpadala kayo ng tao dito para alisin ang isang tao na hindi nababagay dito ngayon din.”Dahil ang security personnel ng villa ay nakaduty lagi, agad silang dumating matapos matanggap ang tawag.Ayaw umalis ni Jessica at nagpupumiglas. “Ikaw ang nagpapunta sa akin dito, Shawn! Aalis ako kung gusto mo na umalis ako, pero huwag mo akong tra

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status