OLIVIAKinain ako ng guilt, dahil nalaman ko na ngayon na hindi si Nick ang nagpadala ng mga taong iyon para saktan ako sa kulungan. Guilty ang pakiramdam ko dahil sa mga ginagawa ko sa kanya. Oo, ginawan niya ako ng mga bagay na nakasakit sa akin, pero hindi ko gusto na mamatay siya. Balang araw magtatanong si Samuel kung bakit wala ang ama niya sa kanyang buhay.Gusto ko magawang tignan ang anak ko sa mga mata niya at sabihin sa kanya kung sino ang ama niya at kung bakit wala siya sa buhay niya habang lumalaki siya. Napakasakit na sabihin sa kanyang namatay ang ama niya at may kinalaman ako doon. “Ethan, hindi ko gusto si Nick sa buhay namin, inosente man siya sa ilang mga bagay, pero marami siyang nagawa sa akin at ang presensiya niya sa aming buhay, inilalagay niya ang anak ko at mga mahal ko sa buhay sa panganib.”Tumango si Ethan, alam niya din na hindi dapat maliitin ang desisyon ko na lumayo kay Ethan. Gusto ko humingi ng tawad dahil may sakit siya pero kahit na guilty ang p
OLIVIANatawa ako ng kaunti, gising na siya at inalis ang tubo sa bibig niya. Paos ang boses niya dahil sa tubo. Sandali! Ang ngiti ko ay napalitan ng simangot. “Bakit mo inalsi ang tubo, baka nasaktan mo ang sarili mo.” Pinagalitan ko siya at tumabi sa kanya. Ngumiti siya sa akin.“Kung hindi ako nasasaktan ng mga bala, walang magagawa sa akin ang maliit na tubong ito. Wala akong kasing tibay.” Nagbiro siya. Nakabalik na siya. Oh, Diyos ko salamat. Ngayon oras na para gawin ko ang dapat ko gawin. “Tatawag ako ng doktor para tignan ang lagay mo.” Noong tumalikod ako, hinawakan niya ang kamay ko.“Hindi muna, bigyan mo muna ako ng tubig.” Ipinagbuhos ko siya ng tubig sa tabi ng kama niya at tinulungan siyang uminom. Ibinalik ko ang baso sa lamesa. Hawak pa din niya ang kamay ko. “Sabihin mo, bakit ka umiiyak?” Ngumiti ako sa kanya. “Hindi na iyon mahalaga ngayon.” Tinignan niya ako at hindi namilit.“Ano itong naririnig ko na gusto mo akong iwan.” Ngumiti ako ng malungkot; narinig n
OLIVIALalong lumalim ang simangot ko, hindi ko alam kung pathological liar siya o ganoon siya kagaling paglaruan ang mga tao. Kahit alin pa sa dalawa, hindi ko iyon gusto. “Hindi mo naman ako kinontak, anong sinasabi mo? Ang natanggap ko ay ang pagtorture sa akin ng taong iyon dahil kaya niya at para sa anumang rason na hindi ko na malalaman ngayon!”Nanginginig ako sa galit; dapat nilayuan na lang niya ako kung alam niyang may ganitong mangyayari sa akin. Dapat hindi na niya ako kinontak sa simula pa lang at kailan ba niya ako kinontak? “Hindi kita kinontak ng direkta, pero may mga tao akong nagbabantay sa iyo. Sa oras na ipaalam nila sa akin ang pagkakakulong mo, nalaman ng Don at hindi siya natuwa.”Bumuntong hininga siya at hinimas ang kanyang buhok. “Nagpadala siya ng mga tao para saktan ka at turuan ako ng leksyon, na kapag may sinabi siya sa akin, gawin ko iyon, walang tanong tanong kung hindi, may masamang mangyayari.” Natawa siya ng kaunti. “As if naman na pisikal akong na
OLIVIANanakit ang puso ko ng makita ang dami ng mga tubong nakakonekta sa kanya. Ilang oras lang ang nakararaan, masaya kaming nagdidinner at hinahalikan niya ako. Ngayon nakaratay siya sa kama ng ospital at maraming tubo na nakakonekta. May moment kami, isang panandaliang moment ng kapayapaan at katahimikan bago naging impyerno muli ang aming buhay.Nagsisimula na akong isipin na tama ang nanay ni Nick. Isa akong sumpa, dahil lahat ng nalalapit sa akin ay nasasaktan. Tignan mo na lang si Lola Susan at Lupita. Okay lang sila at payapang namumuhay sa Summer Strand bago ako dumating sa buhay nila.Isinama ko sila dito pabalik at tignan mo ang nangyari. Muntik na mamatay si lola, pati si Lupita. Nakikipaglaban si Marcus para sa buhay niya kung saan wala siyang tiyansang magising. Okay lang sana kung ako lang ang nasasaktan lagi pero ang mga taong mahal? Sobra na ito.“Tignan mo ang sarili mo, social climber. Ngayon at wala ka ng Nick, naghahanap ka ng bagong lalaki na mayaman para su
NICKTinignan ko si Luke at ng sabihin iyon ni Olivia, mukahng nasaktan siya ng sobra. May pagkakapareho kami, na pareho namin mahal si Olivia, pero kinamumuhian niya kami sa magkaibang dahilan. Kinamumuhian niya ako para sa ginawa ko sa kanya at pagprotekta kay Sandra. Pero hindi niya alam na ginagawa ko ito para sa kapakanan niya ngayon.Ang pagpapadala ko kay Sandra sa psychward ay hindi para protektahan siya kung hindi para parusahan. Gusto ko magdusa siya doon at laging ginagamitan ng gamot hanggang sa puntong hindi na niya alam kung mabubuhay ba siya o mamamatay. Kung umaga ba o gabi.Gusto ko mawala na siya sa sarili at magigising na lang siya makalipas ang limang taon ng walang alaala sa kung sino ba siya. Pero hindi ko iyon masabi sa saknya. Hinayaan ko siyang kamuhian ako para makita niya mismo ang lagay ni Sandra matapos ko siyang asikasuhin.Pero hindi ko inaasahan na itatakas siya ni Faren, hindi ko man lang talaga siya naisip ng ipadala ko doon si Sandra at hindi ko p
OLIVIANakaupo kami doon ng tahimik habang hinihintay ang mga tao niya na ipadala sa amin ang footage. Hindi ko na kailangan makita para malaman na si Sandra at paulit-ulit na sinasabi ni Ethan na kausapin ko ang ama ko. Paano ko iyon gagawin kung hindi ko alam kung paano siyang tatawagan?“Puwede ko ba agamitin ang phone mo; kailangan ko balitaan si Lupita tungkol sa lola niya.” Inilabas ni Ethan ang phone niya at inabot sa akin. Kinuha ko ito at tinawagan ang hotel, ikinonekta nila ako sa kuwarto. Sinabi ko ang sinabi sa akin ng doktor, at narinig ko ang ginhawa sa boses niya ng matanggap ang balita.Ibinalik ko ang phone kay Ethan pero tinignan ko muna ang oras. Tatlong oras na simula ng operahan si Marcus, at wala pa kaming balita. Nag-aalala ako ng husto. Kailangan ko malaman ang lagay niya. “Nick, saan ka pupunta?” Tumingala ako at nakita ko si Nick na lalampasan na ang waiting room.Hindi siya mukhang okay. Namumutla siya habang matinding sakit ang pinagdadaanan. Hawak niya