Share

Kabanata 3

Penulis: Black Rose
OLIVIA

Habang nakatayo ako sa selda, lumipad ang isip ko sa lola ko. Anong mangyayari sa kanya ngayon at nakakulong ako? Humigpit ang dibdib ko ng maisip ko siya at maselan niyang kalusugan. Baka mamatay siya kapag narinig niya ang tungkol sa pagkakaaresto ko.

Humarap si Nick sa pulis. “Hindi siya maaaring magkaroon ng mga bisita at hindi rin puwede lumabas. Hayaan siyang mabulok sa kulungan. Wala akong pakielam kung mamatay siya!”

Nadurog ng husto ang puso ko. Mainit ang pakiramdam ko at nahirapan akong huminga. Paano malalaman ng lola ko na okay lang ako kung bawal ako magkaroon ng mga bisita? Mamamatay siya! Pakiramdam ko pasarado na ang lalamunan ko, hindi na ako makakahinga. Gusto ko ng sumuko. Pero nakita ko ang kuntentong kinang ng mga mata ni Sandra. Nakaramdam ako ulit ng bugso ng determinasyon. Hindi ko hahayaan ang bruhang iyon na magtagumpay.

Sa mga oras na iyon, pawis na pawis na ako, at nanlalaki ang mga mata ko. Sigurado akong namumutla ako ng husto.

Natakot ang mabait na pulis. “Sir, hindi po siya makahinga. Dapat po ba akong tumawag ng doktor?”

Baka dapat sabihin ko kay Nick na buntis ako at dinadala ang anak niya? “Nick, sa totoo lang—”

“Bakit ka tatawag ng doktor?” tanong ni Nick, galit na humarap sa pulis. “Umaarte lang siya para manipulahin ako—magaling siya doon.”

Patuloy na tumulo ang mga luha ko aking mukha. Ito ang lalaki na hindi matiis kapag nakikita niya akong nasasaktan, at ngayon siya na ang nagdudulot sa akin ng matinding sakit.

Ano ba ang ginawa ni Sandra sa asawa ko at nagbago siya ng husto? Hinihiling ko na sana alam ko ang ginawa niya at kung paano niyang namanipula si Nick para sundin ang kagustuhan niya sa loob ng anim na buwan.

Hindi ko na sana hiniling sa kanya na tumira sa amin noong nakabalik siya galing abroad. Dapat tinulungan ko siya na humanap ng sarili niyang lugar para marentahan. Kung alam ko lang ang tunay niyang mga intensyon, dumistansiya na sana ako. Pero ang iniisip ko ay tulungan ang aking kaibigan. Nagmakaawa pa ako kay Nick na bigyan siya ng trabaho sa kanyang kumpanya.

Kinalaunan bumigay si Nick at binigyan siya ng trabaho sa finance department. Habang nagtatrabaho doon, nagawa niya pagmukhain na nagnakaw ako sa asawa ko, at naniwala naman siya.

“Sandra?” sambit ko, gusto ko magmakaawa sa kanya muli, na sabihin niya ang totoo.

Humarap sa akin si Nick, humarang siya sa harap ni Sandra, lalo akong nasaktan. Sobrang protective na niya sa kanya.

“Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na manahimik ka?” Tumagilid ang ulo niya, na parang hinahamon ako na magsalita pa. Nilunok ko ang mga salitang dapat ko na sasabihin. “Sapat na ang pananakit mo sa babaeng ito. Wala ka ng karapatan na kausapin siya. At nangangako ako sa Diyos, Olivia, pagbabayaran mo ito.”

Gusto ko magsalita, na magmakaawa sa kanya na pakinggan ako. Gusto ko sabihin sa kanya na huwag sabihin sa lola ko, na magsinungaling siya at sabihin na nag-travel ako o kung ano. Alam niya kung gaano kaselan ang kalusugan niya, at siguradong mamamatay siya sa balitang ito.

Bigla, tumigil ang kanta sa radio sa estasyon ng pulis, at maririnig ang boses ng reporter. Makalipas ang kaunting pagpapakilala, narinig ko ang mga salita na naging dahilan para maramdaman ko na wala na sa kontrol ang mundo ko. “Ang asawa ng nagmamayari ng Jones Enterprise ay inaresto ngayong gabi. Ang asawa sa pamilya Jones at dating Financial Manager ng kumpanya ay inakusahan ng pagnanakaw ng milyones. Ang sabi ng pinagmulan ng aming balita ay tumawag si Mr. Jones ng pulis at ipinaaresto siya. Magsasabi pa kami ng karagdagang impormasyon habang kumakalap pa kami ng balita.”

“Hindi! Nick, pakiusap, huwag! Malalaman ito ng lola ko! Hindi ko gusto na magkasakit siya ulit. Alam mo kung gaano kaselan ang lagay niya. Pakiusap, Nick, puntahan mo siya. Gumawa ka ng kuwento—sabihin mo na kasinungalingan lang ang lahat ng iyon. Sabihin mo na okay lang ako.”

Nadudurog ang puso ko. Ang lola ko na lang ang mayroon ako dahil wala na sa akin si Nick. Hindi ko siya puwedeng hayaan mamatay; kailangan ko pa siya.

“Ang galing mo talaga magsalita ng kung ano-ano?” ngumisi si Nick. “Isang salita pa at personal ko na sisiguruhin sa pinakamamahal mong lola kung anong pakiramdam magkaroon ng apong magnanakaw. Ipapakita ko sa inyo pareho ang isang side ko na hindi pa ninyo nakikita.”

Ibinuka ko at isinarado ang bibig ko, masyado akong natakot na magsalita. Sa halip, mga mata ko na lang ang ginamit ko para magmakaawa, pero tumalikod lang si Nick at naglakad palayo.

Pinanood ko siya hanggang sa lumiko siya sa kanto at nasamd ako, nagkaroon ng bara sa lalamunan ko na naging dahilan para mahirapan akong huminga. Ang taong lahat para sa akin, taong hindi kaya palipasin ang isang oras ng hindi ako kinukumusta, ang nagpapahirap sa akin ngayon. Pakiramdam ko mamamatay na ako—baka nga mamamatay na ako at hindi ko lang alam.

Nagmadali ang pulis na lumapit sa akin dala ang tubig. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinutulungan, pero nagpapasalamat ako. Kailangan ko iyon.

“Hindi ko alam kung anong ginawa mo para kalabanin ang lalaki na tulad niya,” sambit niya, inabot sa akin ang bote ng tubig, “pero mukhang malaking pagkakamali ang nagawa mo.”

Habang nanginginig ang mga kamay, tinanggap ko ang alok niyang tubig, at ininom ito. Nanginig ng sobra ang mga kamay ko at natapunan ang baba ko ng tubig, at nabasa ang aking dibdib. Ngumiti ako ng malungkot sa pulis. “Ang ginawa ko lang ay tulungan ang best friend ko,” sambit ko, “at ngayon binaliktad niya ako. Kung alam ko lang na gagawin niya ito sa akin, hindi ko na sana siya tinulungan.”

Natawa ako ng mapait. Hindi na ako ang pinoprotektahan at minamahal na asawa ng pamilya Jones. Ngayon, ako na ang pinagtatawanan ng buong New Village, ang asawang ipinakulong sa pagnanakaw sa kanyang asawa ng milyones. Tunay akong nakakaawa.

Ang pagtawa ko ay naging mga hikbi muli.

“Oh, miss,” sambit ng pulis, “Masama talaga minsan ang mga tao. Pasensiya na at natutunan mo ito sa ganitong paraan.”

May pumalakpak, at humarap ang pulis doon. Nakatayo si Sandra, nakangisi.

“Magaling ka, Olivia,” sambit niya. “Aaminin ko iyon. Ngayon at nakumbinsi mo na ang tanga na ito na ikaw ang biktima. Anong ipinangako mo sa kanya? Papatikimin mo siya? Dahil pareho nating alam na nawala na sa iyo ang lahat. Ang katawan mo na lang ang mayroon ka.”

Gusto ko siyang abutin at sakalin matapos marinig ang kanyang boses. “Hindi ako tulad mo,” sagot ko.

Umalis ang pulis, binigyan kami ng privacy.

“Oh, sa tingin mo ba nakahihigit ka pa din sa akin? Kahit na inagaw ko ang lahat mula sa iyo?” tawa niya na parang baliw, ineenjoy ang kalungkutan ko.

Bakit ba hindi ko pa napansin noon ang tunay niyang kulay? “Ang sama mo,” sambit ko, “at hindi ito magtatagal. Makakalabas din ako, lilinisin ko ang pangalan ko, at dudurugin kita gamit ang lahat ng mayroon ako.”

Tumigil si Sandra sa pagtawa, naging madiin ang ekspresyon niya sa paraang nayanig ako hanggang sa kaibuturan ko. “Makinig ka sa akin, Olivia. Hindi ito high school o kolehiyo. Lumaki na ako, nabuhay at nakakita ng mga bagay-bagay. Hindi na ako ang parehong Sandra noon. Nagbago na ako. At nangangako ako, kapag naglakas loob ka na kalabanin ako, higit pa sa pambibintang sa pagnanakaw ang gagawin ko. Papatayin kita.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 100

    OLIVIAKinain ako ng guilt, dahil nalaman ko na ngayon na hindi si Nick ang nagpadala ng mga taong iyon para saktan ako sa kulungan. Guilty ang pakiramdam ko dahil sa mga ginagawa ko sa kanya. Oo, ginawan niya ako ng mga bagay na nakasakit sa akin, pero hindi ko gusto na mamatay siya. Balang araw magtatanong si Samuel kung bakit wala ang ama niya sa kanyang buhay.Gusto ko magawang tignan ang anak ko sa mga mata niya at sabihin sa kanya kung sino ang ama niya at kung bakit wala siya sa buhay niya habang lumalaki siya. Napakasakit na sabihin sa kanyang namatay ang ama niya at may kinalaman ako doon. “Ethan, hindi ko gusto si Nick sa buhay namin, inosente man siya sa ilang mga bagay, pero marami siyang nagawa sa akin at ang presensiya niya sa aming buhay, inilalagay niya ang anak ko at mga mahal ko sa buhay sa panganib.”Tumango si Ethan, alam niya din na hindi dapat maliitin ang desisyon ko na lumayo kay Ethan. Gusto ko humingi ng tawad dahil may sakit siya pero kahit na guilty ang p

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 99

    OLIVIANatawa ako ng kaunti, gising na siya at inalis ang tubo sa bibig niya. Paos ang boses niya dahil sa tubo. Sandali! Ang ngiti ko ay napalitan ng simangot. “Bakit mo inalsi ang tubo, baka nasaktan mo ang sarili mo.” Pinagalitan ko siya at tumabi sa kanya. Ngumiti siya sa akin.“Kung hindi ako nasasaktan ng mga bala, walang magagawa sa akin ang maliit na tubong ito. Wala akong kasing tibay.” Nagbiro siya. Nakabalik na siya. Oh, Diyos ko salamat. Ngayon oras na para gawin ko ang dapat ko gawin. “Tatawag ako ng doktor para tignan ang lagay mo.” Noong tumalikod ako, hinawakan niya ang kamay ko.“Hindi muna, bigyan mo muna ako ng tubig.” Ipinagbuhos ko siya ng tubig sa tabi ng kama niya at tinulungan siyang uminom. Ibinalik ko ang baso sa lamesa. Hawak pa din niya ang kamay ko. “Sabihin mo, bakit ka umiiyak?” Ngumiti ako sa kanya. “Hindi na iyon mahalaga ngayon.” Tinignan niya ako at hindi namilit.“Ano itong naririnig ko na gusto mo akong iwan.” Ngumiti ako ng malungkot; narinig n

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 98

    OLIVIALalong lumalim ang simangot ko, hindi ko alam kung pathological liar siya o ganoon siya kagaling paglaruan ang mga tao. Kahit alin pa sa dalawa, hindi ko iyon gusto. “Hindi mo naman ako kinontak, anong sinasabi mo? Ang natanggap ko ay ang pagtorture sa akin ng taong iyon dahil kaya niya at para sa anumang rason na hindi ko na malalaman ngayon!”Nanginginig ako sa galit; dapat nilayuan na lang niya ako kung alam niyang may ganitong mangyayari sa akin. Dapat hindi na niya ako kinontak sa simula pa lang at kailan ba niya ako kinontak? “Hindi kita kinontak ng direkta, pero may mga tao akong nagbabantay sa iyo. Sa oras na ipaalam nila sa akin ang pagkakakulong mo, nalaman ng Don at hindi siya natuwa.”Bumuntong hininga siya at hinimas ang kanyang buhok. “Nagpadala siya ng mga tao para saktan ka at turuan ako ng leksyon, na kapag may sinabi siya sa akin, gawin ko iyon, walang tanong tanong kung hindi, may masamang mangyayari.” Natawa siya ng kaunti. “As if naman na pisikal akong na

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 97

    OLIVIANanakit ang puso ko ng makita ang dami ng mga tubong nakakonekta sa kanya. Ilang oras lang ang nakararaan, masaya kaming nagdidinner at hinahalikan niya ako. Ngayon nakaratay siya sa kama ng ospital at maraming tubo na nakakonekta. May moment kami, isang panandaliang moment ng kapayapaan at katahimikan bago naging impyerno muli ang aming buhay.Nagsisimula na akong isipin na tama ang nanay ni Nick. Isa akong sumpa, dahil lahat ng nalalapit sa akin ay nasasaktan. Tignan mo na lang si Lola Susan at Lupita. Okay lang sila at payapang namumuhay sa Summer Strand bago ako dumating sa buhay nila.Isinama ko sila dito pabalik at tignan mo ang nangyari. Muntik na mamatay si lola, pati si Lupita. Nakikipaglaban si Marcus para sa buhay niya kung saan wala siyang tiyansang magising. Okay lang sana kung ako lang ang nasasaktan lagi pero ang mga taong mahal? Sobra na ito.“Tignan mo ang sarili mo, social climber. Ngayon at wala ka ng Nick, naghahanap ka ng bagong lalaki na mayaman para su

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 96

    NICKTinignan ko si Luke at ng sabihin iyon ni Olivia, mukahng nasaktan siya ng sobra. May pagkakapareho kami, na pareho namin mahal si Olivia, pero kinamumuhian niya kami sa magkaibang dahilan. Kinamumuhian niya ako para sa ginawa ko sa kanya at pagprotekta kay Sandra. Pero hindi niya alam na ginagawa ko ito para sa kapakanan niya ngayon.Ang pagpapadala ko kay Sandra sa psychward ay hindi para protektahan siya kung hindi para parusahan. Gusto ko magdusa siya doon at laging ginagamitan ng gamot hanggang sa puntong hindi na niya alam kung mabubuhay ba siya o mamamatay. Kung umaga ba o gabi.Gusto ko mawala na siya sa sarili at magigising na lang siya makalipas ang limang taon ng walang alaala sa kung sino ba siya. Pero hindi ko iyon masabi sa saknya. Hinayaan ko siyang kamuhian ako para makita niya mismo ang lagay ni Sandra matapos ko siyang asikasuhin.Pero hindi ko inaasahan na itatakas siya ni Faren, hindi ko man lang talaga siya naisip ng ipadala ko doon si Sandra at hindi ko p

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 95

    OLIVIANakaupo kami doon ng tahimik habang hinihintay ang mga tao niya na ipadala sa amin ang footage. Hindi ko na kailangan makita para malaman na si Sandra at paulit-ulit na sinasabi ni Ethan na kausapin ko ang ama ko. Paano ko iyon gagawin kung hindi ko alam kung paano siyang tatawagan?“Puwede ko ba agamitin ang phone mo; kailangan ko balitaan si Lupita tungkol sa lola niya.” Inilabas ni Ethan ang phone niya at inabot sa akin. Kinuha ko ito at tinawagan ang hotel, ikinonekta nila ako sa kuwarto. Sinabi ko ang sinabi sa akin ng doktor, at narinig ko ang ginhawa sa boses niya ng matanggap ang balita.Ibinalik ko ang phone kay Ethan pero tinignan ko muna ang oras. Tatlong oras na simula ng operahan si Marcus, at wala pa kaming balita. Nag-aalala ako ng husto. Kailangan ko malaman ang lagay niya. “Nick, saan ka pupunta?” Tumingala ako at nakita ko si Nick na lalampasan na ang waiting room.Hindi siya mukhang okay. Namumutla siya habang matinding sakit ang pinagdadaanan. Hawak niya

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status