Share

Six

Blake run through her built-in closet. Para maghanap ng disenteng damit pamalit sa dalaga. Wala siyang makita dahil lahat ng damit nito ay puro sexy ang tabas. Kaya naman nagpasya siyang lumabas muna ng silid nito. Naisipan niyang kumuha ng damit sa closet niya para ipasuot sa dalaga.

"Blake!" Nang makabalik ay dinig niyang tinatawag siya nito.

"Yes, sweetheart?" Agad niya itong pinuntahan sa loob ng banyo.

"Tapos na akong maligo." Nakapout ang labi na saad niya sa lalaki. Napangiti ang binata dahil sa kacutan nito. Inalalayan ni Blake ang dalaga para makatayo at ipinasuot nito ang bathrob sa dalaga. He also put a towel in her hair. At walang sali-salitang pinangko ang dalaga palabas ng banyo. Muli inilapag niya ang dalaga sa may paanan ng kama nito. Siya na rin ang nagkusang punasan ito at bihisan ng kanyang puting t-shirt. Napasimangot si Zuri nang mapansin na umabot iyon sa tuhod niya. Maluwang iyon sa dalaga na parang naka duster ito.

" This isn't my dress. I want my dress!" Napapadyak pa ito sa paa. Ngunit napangiwi dahil sumakit ang pagitan ng mga hita nito.

" Aw! Ouchy!" Maarte nitong reklamo sa binata. Mabilis naman itong naalalayan ni Blake sa mga braso nito. Nakadama ng pagkaawa ang binata sa dalaga.

"I'm sorry sweetie. Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan ngayon." Hinging-paumanhin nito sa dalagang napapangiwi sa hapdi. Napuruhan yata ang pempem niya kagabi dahil sa hilig nito.

"Kasi naman ang hilig hilig mo kagabie. I told you to stop na pero sige ka pa rin. Ang sakit sakit na pero ayaw mo pa rin tumigil." Paglilitanya nito sa lalaki. Natawa ang binata sa nakitang pagnguso ng labi nito.

" Ang cute cute mo talaga!" Ani Blake sabay gawad ng halik sa nakausling labi ng dalaga.

" Blake!" Saway nito sa lalaki at baka kung saan na naman mapunta ang lambingan nila. Hindi niya pa kaya. Ang hapdi hapdi pa nga ng vagina niya. Maya-maya ay pinupo siya ng binata sa kama. Pinasandal siya nito sa headboard ng kama niya. Bago nito kinuha ang pagkain sa side table at inilagay sa kandungan ng dalaga. Agad iyong nilantakan ng dalaga dahil talaga namang gutom na gutom na siya.

Gutom na si Zuri kaya mas piniling mag concentrate nalang sa pagkain. Pilit niyang isinasantabi ang pagkailang. Ganoon din ang ginawa ng binata. Wala silang salitaan habang kumakain.

'What now? ' Anong susunod na mangyayari pagkatapos ng lahat. Ano na ang status nilang dalawa ng binata?' Naisip ng dalaga.

Nang matapos ay seryong nagsalita ang binata.

" I want to marry you, Zuri. " Simula nito. Biglang nag-angat ng mukha ang nakayukong dalaga.

" Huh?! " Gulat niyang na wika sa binata. Hindi mapaniwalaan ng kanyang pandinig ang sinabi nito. Hindi siya makapaniwala.

"I said I want to marry you. Pananagutan ko ang nangyari sa atin kagabi." Ulit ng binata sa kanya. Napanganga siya. Gusto lang siya pakasalan ng lalaki dahil gusto nitong panagutan ang namagitan sa kanila kagabi? Ni walang pagmamahal na kasali? Ano pa nga ba ang ini-expect niya? Na sabihin nito na I want to marry you because I love you? Gustong kutusan ng dalaga ang sarili.

" No, ayokong pakasal sa'yo Blake." Muntik nang pumiyok ang tinig niya. Sa kailaliman ng kanyang puso ay gusto niya itong maging asawa ngunit hindi maaari dahil purely physical lang naman ang namagitan sa kanila. Hindi niya ito oobligahing panagutan siya. Ginusto rin naman niya ang nangyari kagabi at hindi siya pinilit nito.

" What happened between us was just a spur of the moment! Hindi mo ako pinilit. Ginusto kong mangyari iyon dahil, dahil gusto kong maranasan iyon. Ikaw ang napili kong magdevirginize sa akin kaya hindi mo kailangang panagutan ang nangyari." Umilap ang mga mata niya. Hindi niya kayang salubungin ang nanunuring titig nito at baka mabuko siya sa tunay niyang nararamdaman. May pride din naman ang dalaga kaya hindi niya ito pipiliting pakasalan siya.

Hindi napansin ng dalaga ang pagtiim ng bagang ni Blake. Kumuyom din ang mga kamao nito dahil sa tinitimping inis sa mga sinabi niya.

'Kung sinabi sana ni Blake sa kanya na kaya siya pakakasalan nito ay dahil mahal siya nito. Ura-urada agad siyang magpapakasal rito.'

Pero hindi. Iba ang dahilan nito.

"That is the right thing to do. Ano na lang ang sasabihin ng Baba mo pag nalaman niya ang nangyari sa ating dalawa." Seryosong turan ng lalaki na nagsalubong na ang mga kilay.

Sinalubong niya ang mga mata ng binata.

"Are you going to tell him? "She asked him wearily. Kabado ang dibdib niya sa lakas ng pintig doon.

Hindi nakakibo ang binata. Nakatitig lamang sa dalaga. Malalim ang iniisip nito habang nakatitig sa dalaga. Maya-maya ay nagsalitang muli.

"You were a virgin ng makuha kita. Hindi ba importante sa'yo ang dangal mo?" Galit ang nakikita niyang nakasalamin sa mga mata ng binata.

Pinamulahan ng mukha ang dalaga. Paano ba niya ipagtatanggol ang sarili gayong humabi na siya ng kwento rito? Pinilit niyang salubungin ang seryosong mukha ng binata. Nilunok muna ni Zuri ang bara sa kanyang lalamunan bago sumagot sa lalaki.

"You were the one available when I wanted to get rid of my virginity. Kung hindi ikaw ay iba." Trying her best not to crook her voice.

Sukat doo'y hinaklit ng binata ang mga balikat niya. Napatiim-bagang ito. Nag-aapoy ang mga matang nakatingin sa kanya. For a moment she feared him.

"Are you playing games with me? "He said between gritted teeth.

Napapiksi ang dalaga.

"Bitiwan mo ako, ano ba!" Sigaw niya sa lalaki. Alam niyang magpapasa ang mga iyon maya-maya lang dahil sa higpit ng hawak nito roon.

"I am not your goddam conquest!" Sigaw ng binata sa kanya. Mariin pa rin ang pagkakahawak sa dalaga. Ang kaninang saya na nadama ni Zuri ay naglahong parang bula.

Halos pigain na siya sa matinding galit na naramdaman ng lalaki.

"I'm not making you my conquest!" Asik din ng dalaga.

"At ano ang rason na ayaw mo akong pakasalan?" Napataas ang isang kilay ni Blake na tanong.

Umilap ang mga mata ng dalaga para maitago ang tunay na nadarama.

"L-love. It should be the reason para magpakasal tayo. No other reason." She answered him with all honesty.

Hindi nakaimik si Blake sa sinabi ng dalaga. Nanatiling Nakatitig rito. Buong akala niya ay maghahabol ito sa kanya.

Pero kabaliktaran ang nangyari. She turned down his proposal. Maya-maya'y lumuwang ang pagkakahawak niya sa dalaga.

"Please, I want to be alone."Taboy ng dalaga sa kanya.

Matagal niyang tinitigan si Zuri bago nagpasyang lisanin ang kwarto nito.

Hinayaang maglandas ang mga luha sa mga mata niya. Kanina pa niya ito pinipigalan. Mabuti na lamang at nakalabas na ang binata bago tuluyang bumagsak ang mga iyon. Tuluyan na siyang napahagulgol.

Anong nangyari at nagkaganoon sila? Masaya naman sila kagabi at kaninang kumakain sila.

Bakit biglang di nagkasundo at nauwi sa pag-aaway ang lahat?

Makakaya kayang burahin ang sakit na dulot ng sagutan nila kanina?

At ang binata, wala ba itong katiting na nararamdaman para sa kanya? Is she not desirable enough para magustuhan nito.

'Oh Blake, if only you feel the same way I do.' Wala talaga siyang pagdadalawang isip na magpakasal rito.

She loved him the moment she laid her eyes on him. Nabihag agad nito ang pihikan niyang puso.

"Fuck! fuck!" Nagpaulan ng sunod-sunod na suntok ang binata sa matigas na dingding.

Naiinis siya sa kinalabasan ng pag-uusap nila ng dalaga.

Papaano niya ngayon haharapin ang ama ng dalaga? Inutusan siya nito para maturuan ng kagandahang-asal si Zuri. Pero anong ginawa niya? He deliberately take advantage of her weakness a couple of times last night.

At ngayon nga ay ayaw nitong panagutan niya ang nangyari sa kanila. Dahil naniniwala ito sa letseng pagmamahal na ayaw naman niyang paniwalaan pa. His past. Na gusto na niyang kalimutan magpakailanman.

Sumasakit ang sentido ni Blake sa nangyaring sagutan nila ni Zuri kanina. Hindi niya alam ngayon ang gagawin

Kailangan niya bang sabihin sa ama nito ang namagitan sa kanila ng dalaga?

At paano kung mabuntis ito? Ilang beses niyang ipinutok sa loob nito ang semilya niya. Ewan ba niya at nakalimutan niyang magsuot ng kapute kagabi.

Inaamin niya. Sexually attracted siya sa dalaga.

---

Pasado alas tres na nang magising ang dalaga. Nakatulogan niya ang pag-iyak kanina. Pakiramdam niya'y namamaga ang dalawang mata niya.

Bumangon siya. Pinakiramdaman ang sarili. At nang sa tingin niya'y okay na siya, nagpasya siyang lumabas ng silid.

May kaunti pa siyang sakit na naramdaman sa pagitan ng hita niya habang paika-ikang naglakad papuntang kitchen.

Nakalimutan niyang mananghalian kanina at ngayon nga'y gutom na siya.

Muntik na siyang bumalik sa pinanggalingan nang makita roon ang lalaki. Nagtagpo ang mga mata nila.

"Sorry, hindi ko alam na nandito ka. Babalik na lamang ako." Mabilis na saad ni Zuri. Akmang tatalikod na sa lalaki.

"It's okay, you can stay." Napabuntung-hinga ang binata. Nakatingin pa rin sa kanya.

"Ahm, babalik na lang ako mamaya."Mabilis na umiling ang dalaga bilang pagtanggi rito. Nahihiya si Zuri sa mga sinabi niya sa lalaki kaninang umaga.

Sumeryoso ang mukha nito.

"I insist. Bahay mo 'to kaya ako dapat ang mag adjust." tumigas ang tinig nito at walang paalam na tinalikuran siya ng binata.

Napaawang ang labi ni Zuri sa inakto ng lalaki. Hindi makapaniwala sa narinig mula rito.

Lumapit siya sa dinning table. Nakita niya ang pritong isda na nakahain sa mesa. May masarap na sawsawan at kanin. Napansin niya ang platong iniwan ng binata.

Konti pa lang ang nabawas roon. Di yata't kakasimula pa lang ng binatang kumain. Pero bakit ito nag walked out bigla.

'Sira! Dahil 'yon sa kaartehan mo. Buti nga ipinagluto ka pang mahadera ka.' Pakli ng isip niya.

Parang mas apektado ito sa sagutan nila kanina. Mukhang iniiwasan din siya ng lalaki.

Kagabi halos hindi sila mapaghiwalay ng binata sa kama niya. Pinapadama nila ang pangangailangan ng bawat isa. Pero ngayon pagsapit ng umaga ay nag-iiwasan na sila?

Minabuting kumain na lang ng dalaga para maibsan ang gutom na nadarama. Matapos makakain ay nagligpit na siya.

Palabas na siya ng kusina nang masalubong naman niya ang binata. Pagkuwa'y nagtama ang paningin nila.

Out of courtesy ay nagpasalamat ang dalaga.

"Salamat nga pala sa pagkain na niluto mo." Tumango lamang ito at nilagpasan na siya.

Tawag sa telepono ang nagpaputol sa ginagawa ng dalaga. Nagmamadali naman niyang sinagot iyon.

"Hello! who's on the line, please?" Bungad na bati at tanong ni Zuri sa kabilang linya. Ito ang unang pagkakataon na siya ang nakasagot sa landline nila. Madalas kasi iyong gawin ng mga katulong nila noong naririto pa ang mga ito.

" It's Cherry, can I talk to Blake? "Ani ng maarteng boses sa kabilang linya.

She arched her left brow.

"What do you want from Blake?"Tanong niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status