Share

Book 2 - Chapter Eight

"Mom, may nabalitaan po ba kayong naging boyfriend ni Paige?" kunyari ay hindi interesadong tanong niya sa kanyang ina. Ni hindi ito tinapunan ng tingin sa halip ay tuloy-tuloy siya sa pagsubo ng pagkain. Sandaling natigilan si Mrs. Thomas, pilit inaaninag sa mukha ng anak ang intensyon nito. At ng sa tingin niya ay wala lang rito ang tanong ng anak ay makahulugang sumagot.

"Maraming nanliligaw sa kanya, anak. Kaya lang ay wala naman akong nabalitaang naging nobyo ni Paige. Naka-focus lagi ang isip ng batang iyon sa kanyang pag-aaral kaya nga naging top sa board exam." sandali itong tumigil na tila nag-iisip. Samantalang gusto ng ngumiti ng malapad ng binata dahil sa sinabi ng ina.

'May pag-asa pa siya sa dalaga!'

"I think a certain Harold Ramos ang nanliligaw sa kanya ngayon. He's our newest client, son." Doon na nagtaas ng tingin ang binata. Halata sa itsura niya ang di naitagong inis sa narinig mula sa ina.

"I already declined his project, mom. Paano?" naguguluhang tanong niya rito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status