เข้าสู่ระบบHINDI DAPAT. PERO KAHIT anong pilit ang gawin kong pagkukunwari, bakit hindi ako masaya sa ipinagtapat sa akin ni Ate Lindsay? Iyon ang paulit-ulit na tanong ni Aubrey sa kanyang utak kung kaya’t makailang beses niyang ipiniling ang ulo pakaliwa at pakanan. Pinipilit niya ang sariling makatulog ngunit hindi siya dalawin ng antok. Hanggang ngayon ay masakit na masakit ang dibdib niya na para bang ilang beses siyang sinasaksak habang iniisip na magkakaanak na ang Ate Lindsay niya at si Anthony. Ang dami namang ibang babae, bakit ang kapatid pa niya ang pinili nitong pakasalan?
Pero gusto niyang unawain ang sitwasyon. Saka siya na nga itong nagkasala, siya pa ba ang may karapatang manumbat? Gaya nga ng paliwanag ng Ate Lindsay niya, hindi nito ginusto ang sitwasyon. Nagkataon lamang na dinamayan nito si Anthony sa oras ng kailangan nito ng karamay. At nahulog ang loob nito dito.
Masisisi ba niya ang kanyang Ate Lindsay? Kahit naman sinong babae, mahuhulog talaga ang loob sa isang gaya ni Anthony.
And yet nagawa ko itong talikdan sa mismong araw ng aming kasal?
Bumangon siya at naupo sa gilid ng bintana ng kanyang kuwarto. Mula duon ay tanaw ang garden nila sa labas. Matagal siyang nakatingin sa kawalan. Hanggang mamataan niya si Devorah na inihahatid palabas ng gate si Hector.
Huh, buong akala niya ay kanina pa nakaalis si Hector? Ngayon pa lang pala ito uuwi ng bahay nito? Si Doctor Hector Bonifacio ay isang neurologist na ipinakilala sa kanila ni Devorah ten years ago. Actually, sa kanyang Ate Lindsay ito inirereto ni Devorah pero sa kanya ito nagkaroon ng interes. Guwapo si Hector, mabait at napakamaaalalahanin. Almost perfect nga dahil ni minsan ay hindi pa niya ito nakitang nagalit. Maski nga nuong nasa Amerika pa sila at sinasamahan siya nito sa pagpapagamot, napakatiyaga nito sa kanya. Ni minsan man ay hindi niya ito naringgan na nagreklamo. Kaya nga nang magpropose ito, kahit may pagdadalawang isip pa siyang nararamdaman ay tinanggap na rin niya ang proposal nito.
GUSTO NIYANG MURAHIN ANG KANYANG SARILI. Bakit ba apektado siya nang muli nilang pagkikita ni Aubrey? Damn. At nagawa siya nitong harapin ng ganun-ganun na lamang? Na para bang wala itong malaking kasalanang nagawa sa kanya? Napangisi siya, punong-puno ng pait ang kanyang mga labi, naalaa niya ang engagement ring na suot-suot nito.
Wish nya lang na hindi nito gawin kay Hector ang ginawa nito sa kanya. Natatandaan pa niya ang pakiramdam nang makatanggap ng message mula kay Aubrey; ‘I’m sorry, hindi ko pala kayang lokohin ang sarili ko. Alam mo naman siguro ang totoong dahilan kung bakit ako nakipagrelasyon saiyo, hindi ba? Pero hindi ko pala kayang patuloy na dayain ang sarilli ko. Hindi kita mahal kaya kalimutan mo na lang ako.’
Muntik na niyang ibato ang bote ng alak na hawak niya, kung hindi pa pumasok sa loob ng library si Lindsay at kuhanin sa kanya ang boteng hawak niya, baka ngayon ay nakakalat na sa sahig ang basag na bote. “You’re drinking again?” Mahinahong sabi nito sa kanya.
Nagi-g-guillty siya. Si Lindsay na handang ibigay sa kanya ang lahat-lahat para lang matiyak na wala na siyang kailangang hanapin pa. Si Lindsay na alam nito kung ano ang totoong damdamin niya pero never siyang sinumbatan bagkus ay nandito lang ito sa tabi niya, handa siyang unawain sa lahat ng bagay.
What am I doing?
Bakit hindi ko na lamang ilaan ang damdamin at pagmamahal ko sa taong deserve niyon? Bakit ba iniaksaya ko ang sarili ko sa isang walang kwentang tao?
Hiniwakan ko sa bewang si Lindsay at iniupo ko ito sa aking mga hita, saka isinubsob ko ang aking mukha sa dibdib nito, “I’m sorry,” halos paanas ko lamang na sambit dito.
Naramdaman ko ang paghagod nito sa aking ulo, “Naiintindihan kita,” sabi nito. Mas lalo akong nakaramdam ng guilt. Ano pa bang kailangan kong hanapin, heto si Lindsay, mapagmahal, maaalalahanin, maasikaso, a perfect wife, at higit sa lahat, hindi ako ginagago. Sira ulo lang talaga ako, daing niya sa sarili, nag-angat siya ng mukha at tinitigan ang mga mata nito.
Sa lahat-lahat ng mga naging kasalanan niya rito ay gusto niyang paulit-ulit na humingi ng pasensya. Pero bakit habang tinititigan niya ito, paulit ulit na nanunuot sa isipan niya ang mukha ni Aubrey?
“May good news nga pala ako saiyo,” masayang sabi ni Lindsay sa kanya.
Kumunot ang nuo niya.
Mula sa bulsa ng suot nitong bestida ay may inilabas ito.
“I’m three months pregnant, Anthony. Magiging tatay ka na!”
Napakurap-kurap siya.
“M-magiging tatay na ako. B-buntis ka?”
Niyakap ni Lindsay nang buong higpit si Anthony, “Oo, Anthony. Sa wakas, nagbunga na rin ang lahat. Ang tagal kong hinintay ito. . .”
Hindi niya alam ang eksaktong mararamdaman ng mga oras na iyon. Nunit nakikita niya sa mga mat ani Lindsay ang ganap na katuwaan kung kaya’t kahit na paano ay naibsan ang bigat ng kaloobang nararamdamlan niya.
GINISING ng isang masamang panaginip si Aubrey kung kaya't hindi na siya muling dalawin pa ng antok. Bakit ba palagi na lamang niyang napapanaginipan ang Ate Lindsay niya na humihingi ng tulong sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nanaginip ng ganon samantalang safe naman ang 'Ate Lindsay' niya sa piling ni Anthony. Swerte ring hindi naman naapektuhan ang ipinagbubuntis nito sa nangyari. Kung nagkataon ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.Ipinagtanggol siya ng kapatid niya kay Hector ngunit ito pa ang napahamak. Hindi niya masisisi si Anthony kung mapag-isipan man siya nito na napaka-selfish niya. Bumangon siya at uminom ng tubig. Miss na miss na niya si Anthony.Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit nauulit na naman ang mga pangyayari. Damn. Bakit ba hindi siya nakahalata sa mga ginagawang ito ni Hector? Hindi na lamang pagdududa ito, alam niyang may ginagawang masama ang lalaking iyon sa kanya kung kaya't bigla na lamang siyang nawawala sa k
NAKAHINGA nang maluwag si Lindsay nang maya-maya ay lumabas na rin ang doktor sa kwarto niya. Kailangang matiyak muna niya na wala na ito sa hallway bago siya lumabas. Pero paano ba niya iyon gagawin? Tumatakbo ang oras.11:40May ilang minuto pa siya para makalabas dito sa loob ng ospital. Saktong 11:50 muli niyang kinuha ang susi ng kwarto at ipinasok iyon sa lock. Natataranta siya at nagpapanic kaya makailang beses siyang huminga nang malalim bago tuluyang buksan ang lock niyon. Pinakalma niya ang sarili at pasimpleng naglakad sa hallway patungo sa likuran.Ang bilis-bilis ng pintig ng puso niya habang naglalakad. Kung pwede nga lang ay tumakbo na siya. Bahagya pa siyang tumutungo kapag may nasasalubong siya. Hindi siya pwedeng mamukhaan ng kahit na sino.Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang makalabas sa likuran ng ospital. Mula sa may pinto ay natanawan na niya si Mia, kumakaway sa kanya. Tumakbo na siya sa kinaroroonan nito. Naiiyak na niyakap siya ni Mia."God,
PASIMPLENG iniabot ni Mia kay Lindsay ang susi na ninakaw niya mula kay Dr. Bonifacio. Kinausap na niya ang kaibigan niyang si Gerald para tulungan siya nitong maitakas nila si Lindsay. Nakapagplano na rin sila ni Lindsay kung saan niya ito aabangan at kung anong oras.Mula sa likuran, bandang alas-dose ng hatinggabi, halos tahimik na ang ospital at kakaunti na ang mga tao, duon dadaan si Lindsay. Palihim na rin niya itong binigyan ng damit na pampalit, pati make up at nang walang makahalata na isa ito sa mga pasyente duon.Kinakabahan siya ngunit hindi siya matatahimik kung alam niyang may isang taong nagdurusa at may kakayahan naman siyang tumulong. Hindi siya mananatiling bulag sa katotohanan lalo pa at alam niyang illegal detention ang ginagawa ni Dr. Bonifacio kay Lindsay.Bahala na.Alam niyang papatnubayan sila ng Diyos lalo pa at hindi naman mali ang ginagawa niya. Nangako rin siya kay Lindsay na tutulungan niya itong makamit ang hustisya.Samantala ay hindi na makapaghin
HABANG NAKAHIGA ay paulit-ulit na inaanalisa ni Aubrey ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay. Bakit gustong sirain ni Hector ang buhay niya? Nang araw ng kanyang kasal, may ipinainom ba ito sa kanya kung kaya't naisama siya nito sa kung saan at wala siyang kahit na anong maalala? Kinilabutan siya sa mga naiisip.Hindi siya dalawin ng antok. Maraming gumugulo sa utak niya. Doctor si Hector kaya hindi imposible ang hinala niya tungkol dito. Bumangon siya at kinuha ang kanyang cellphone para magresearch tungkol sa lalaki. At si Jenny? Kailangang mahanap niya ang kaibigan dahil baka may alam ito sa totoong nangyari sa kanya ng araw na iyon. Natatandaan niyang ito ang kasama niya ng araw na iyon. Ngunit saan ba niya hahanapin ang kanyang kaibigan?Saan siya mag-uumpisa? Kumuha siya ng tubig sa fridge. Nasa malayong lugar na siya at hindi na siya masusundan pa dito ni Hector. Not unless palihim siya nitong minamatyagan. Kinilabutan siya. Muli niyang tsinek ang mga binta
NAG-USAP NA SINA MIRABELLA at Hector kung kaya't alam na nitong nandito siya ngayon sa condo unit ng kapatid. Pasimple niya itong hinudyatan thru text na umakyat na rin habang naririto siya para maisagawa ang susunod na hakbang nila nang sa gayon ay tuluyan nang magalit si Anthony kay Aubrey at hindi na ito mapatawad pa kahit na kailan.Ilang sandali pa ay narinig na niyang kumakatok sa pinto si Hector. Nilingon niya si Aubrey, "May ini-expect ka bang bisita? Or baka si Anthony yan at. . ." di na niya tinapos ang sasabihin, pinagbuksan niya ang kumakatok. Kunway nagulat pa siya nang makita duon si Hector, "Anong ginagawa mo dito, Hector?" Tanong niya saka nilingon si Aubrey, "Totoo nga palang hindi mo pa rin hinihiwalayan si Hector!" Sumbat niya sa dalaga."Hindi totoo yan!" Mariing tanggi ni Aubrey saka galit na hinarap si Hector, "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sabi ko tigilan mo na ako?"Kunwa'y galit rin siya kay Hector nang harapin ito, "Bakit ba ginugulo mo ang buhay ni Aub
DINATNAN SIYA ng 'Ate Lindsay' niya na nag-iimpake na ng kanyang mga gamit. Namumugto ang kanyang mga mata at ang laki na rin ng inihulog ng katawan niya dahil halos hindi na siya kumakain sa labis na depression na nararamdaman. Buong akala niya ay magiging masaya na siya sa piling ni Anthony ngunit muli ay nasira iyon dahil kay Hector."Kung hindi ako mapapatawad ni Anthony, mabuti pang magpakalayo-layo na lang ako, ate." aniya dito. "K-kumusta na nga pala siya?"Nagkibit ito ng balikat, "Ayun, galit na galit pa rin saiyo.""Ate, maniwala ka sana sa akin. May ginagawa sa akin si Hector kaya parang napapasunod ako sa kanya," sabi niya sa 'kapatid.'"Aubrey, pwede ba, huwag mo akong pagmukhaing tanga. Alam naman natin ang totoo," sagot nito sa kanya, "Sayang. Handa na akong magparaya para sa kaligayahan mo. Sa kaligayahan ni Anthony. Iyon naman pala, sasaktan mo lang siya.""Ate, pati ba naman ikaw, naniniwala kang niloloko ko si Anthony?" Tanong niya sa kapatid."Anong gusto mon



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



