“AH, NAKU, hindi ko na maalala. Baka natapon na rin ng mga maids nung nagpa-general cleaning ako. Alam mo naman ang mga katulong, minsan hindi na nagtatanong, basta kung anong maisipang itapon, tinatapon na lang.” Sagot ni Devorah, “By the way, tumawag si Joan at nakwento sa akin na nagpangita kayo sa loob ng kanilang mall. Galit na galit nga. Ang kapal daw ng mukha mong tumuntong sa pag-aari nila. Naku, hindi ka na siguro mapapatawad ni Joan. Sabagay, napakalaki naman kasi ng kasalanang nagawa mo.”Hindi siya makaimik.“Kaya iha, kung ako saiyo, ikaw na lang ang magpapasensya, tutal ay kasalanan mo naman ang lahat. Saka bakit sa dinami-dami ng lugar na pwede mong puntahan, duon ka pa nagpunta?”“Nakalimutan ko hong sa mga Montejar pala ang property na iyon,” sagot ni Aubrey. Bigla siyang natigilan nang mapansin ang suot na bracelet ni Devorah, “Kay Mommy yan, hindi ba?” tanong niya dito.“Ha eh. . .”“Pwede ko ho bang makuha ang bracelet na yan?” Sabi niya.“Naku, pati ba naman
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-06 อ่านเพิ่มเติม