LOGINHINDI ALAM NI ANTHONY KUNG ANO ANG EKSAKTONG MARARAMDAMAN NG MGA SANDALING IYON. Ngunit habang nakikita niya sa mga mata ni Lindsay ang ganap na kaligayahan, kahit na paano ay masaya na rin siya. Ngunit may isang bahagi sa puso niya ang tila nagtatanong, handa nga ba talaga siyang magkaroon ng anak kay Lindsay? Gusto niyang magalit sa kanyang sarili dahil Lindsay is a perfect woman, halos wala siyang makitang kapintasan dito ngunit bakit hindi pa rin niya tuluyang maipagkaloob ang buong puso niya sa babaeng ito?
Muli ay nanumbalik sa kanyang mga alaala nang para siyang mababaliw dahil sa labis na pangungulila niya kay Aubrey.
Araw-araw, wala siyang ginawa kundi ang magpakalunod sa alak. Isang buwan rin yatang hindi niya inaasikaso ang kanyang kompanya. Parang tumigil saglit sa pag-ikot ang buhay niya. Kung hindi siguro siya sinampal ng isang masakit na katotohanan at ipinagtapat sa kanya ni Lindsay na bakit niya sisirain ang kanyang buhay kay Aubrey na wala namang pagmamahal sa kanya? Hindi ba mas lalo lamang siyang magmumukhang talunan?
And Lindsay was always with him sa mga gabing nangungulila siya. Yes, he was so selfish, ginamit niya si Lindsay para punuan ang mga pangungulila niya. Kaya nang makaramdam siya ng konsensya, matapos ng anim na buwang pagkawala nito para magtungo sa Amerika upang duon isagawa ang operasyon, pagkatapos nitong magbalik sa isang matagumpay na operasyon, nagpropose siya ng kasal. Kahit ang totoo, pagkatapos ng proposal na iyon ay parang gusto niyang pagsisihan ang lahat. Oo, pinakasalan niya si Lindsay out of pity and conscience.
Ang totoo, naging maayos naman ang takbo ng kanilang relasyon.
She is always available for him.
Tuwing uuwi siya ng bahay, kahit may mga katulong naman ay ito pa ang personal na nag-aasikaso sa kanya.
Kasundong-kasundo rin ito ng buong pamilya niya, lalo na ng kanyang ina na napakalaki ng galit kay Aubrey dahil sa ibinigay nitong kahihiyan sa kanya. Sabagay, ano nga bang hindi magugustuhan ng mga ito kay Lindsay?
Isinalba siya nito sa isang malaking kahihiyan.
Palagi itong naroroon, hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina. Sabi nga ng Mommy niya, baka raw talagang niloob ng Diyos na hindi matuloy ang kasal nila ni Aubrey para makilala niya ang isang babaeng mas deserving sa kanyang buhay.
Inaayunan na lamang niya ang ina. Kahit ang totoo, deep inside ay nangungulila pa rin siya kay Aubrey.
At bakit kailangan na naman nitong sumulpot sa buhay niya after all these years?
Na para bang wala man lamang nangyari at ni hindi nga ito apektado sa mga ginawa nito sa kanya. Tama ang Mommy niya, Aubrey is so selfish at hindi naman siya nito totoong minahal. Lahat ng mga ipinakita nito sa kanya nuong magkasintahan pa sila ay mga pawang pagkukunwari lamang. At siya ay gagong napaniwala rito.
At heto, bakit nga ba hinahayaan pa rin niyang maapektuhan siya ng walang kwentang babaeng iyon? Heto si Lindsay, magkakaanak na sila, hindi ba dapat na ito na lamang ang pagtuunan niya ng pansin?
“Tiyak na matutuwa si Mommy Joan kapag nalaman niyang magkakaapo na siya saiyo,” Masiglang sabi ni Lindsay sa kanya na nakapagpabalik ng kanyang isip sa kasalukuyan. Kinuyumos niya ang kanyang buhok.
Sa totoo lang, gusto na niyang burahin sa kanyang puso at isipan ang nakaraan lalo na ngayong magkakaanak na sila ni Lindsay.
Hah, what was I thinking? Hindi ba dapat maging masaya ako dahil magkakaanak na kami ng babaeng ito na karapat dapat lang maging ina ng aking mga anak sa lahat ng mga sakripisyong ginawa nito sa akin?
Hinagod niya ang mga balikat ng asawa, “Thank you,” halos paanas lamang na sabi niya dito. “Thank you for making my life easier.”
Niyakap siya nang mahigpit ni Lindsay, “I’ll do everything for you, Anthony. Ganyan kita kamahal. Handa kong tanggapin kung anuman ang ibalik mo sa akin basta alam kong nandito ka lang.”
“SO TOTOO PALANG NAGBALIK KA NA?” Malamig at nanunuya ang bawat tingin na pinakawalan ni Yuri habang sinusuri siya nito, “Sa araw ng wedding, nagawa mong talikuran si Kuya Anthony para sumama sa ibang lalaki? Kapal rin naman ng mukha mo to think na naging napakabait namin saiyo?”
Napatungo si Aubrey. Naging close siya kay Yuri at hindi lamang parang isang nakababatang kapatid ang turing niya rito kundi bestfriend na rin since two years lang naman ang tanda niya dito. Yuri used to adore her. Ginagaya nga nito pati ang hairstyle niya at pananamit. Natatandaan pa nga niyang sinabi nito nuon sa kanya na ang tagal nitong nagwish na magkaroon ng isang Ate na maituturing kung kaya’t masayang-masaya ito nang makilala siya. Sabi nga sa kanya ni Anthony, siya lang ang nagustuhan nito sa lahat ng mga ipinakilala nito. Gandang-ganda rin sa kanya si Yuri. Kaya hindi na siya magtataka ngayon kung ganito na lamang ang galit na nararamdaman nito ngayon sa kanya. Kung paano sya nito minahal nuon ay ganito naman siya nito kinasusuklaman ngayon.
“I’m sorry, hindi ko rin alam kung paano ko iyon nagawa,” tila maiiyak na sabi niya rito. “Pero kaya ginusto kong makipagkita saiyo ngayon ay dahil hindi ako makapaniwalang nagawa kong pagtaksilan ang Kuya mo. . .at nasaktan ko ang damdamin ninyo.”
“Ang kapal mo talaga, may mukha ka pang humarap sa akin ngayon? Tagal kitang hinintay, Aubrey. Pero after five years? Hah, it’s too late.,” sabi nito sa kanya, “Nuong una, akala ko wedding jitters lang yan. . .akala ko after a week, magpapakita ka rin, kung hindi man kay Kuya, sa akin man lang. Sobrang close natin, akala ko wala tayong mga secrets, gosh, paano mo nagawang itago sa akin ang Doctor Hector na iyon? Akala ko family doctor nyo lang sya, no more no less?”
Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot. Umaagos lang ang kanyang mga luha. Blangko ang utak niya.
Ginagap niya ang kamay ni Yuri ngunit mabilis nito iyong hinila palayo sa kanya, “How dare you. Ni matabi sa balat mo, pinandidirihan ko,” naniningkit ang mga matang sabi nito sa kanya. Napakagat labi siya. Hindi niya ito masisisi at maski siguro siya ang nasa kalagayan nito ngayon ay ganuon rin ang mararamdaman niya.
She betrayed her.
She betrayed Anthony.
She betrayed his family. Sinira niya ang tiwala ng mga ito sa kanya.
“K-kumusta na si Tita Joan?”Halos paanas lamang na tanong niya rito.
Napangisi ito saka tumawa ng malakas, “Hah, at nagawa mo pang kumustahin si Mommy ha?” May sarcasm na sumbat nito sa kanya. Kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo sa kaha at sinindihan.
“Akala ko nag-quit ka na sa paninigarilyo?” Malumanay na tanong niya rito.
Napangisi ito, “Wala ka ng karapatang pagbawalan ako sa kung ano ag gusto kong gawin. Simula nang pagtaksilan mo si Kuya Anthony, binura na kita sa buhay ko.”
Napasinghap siya. Parang dinidurog ang puso niya lalo a at tila bumabaon sa kanyang dibdib ang bawat katagang binibitiwan nito. Ngunit paano ba niya ipapaliwanag ang kanyang sarili kung maging siya, hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin sa mga nagaganap? Dahil habang hinihimay niya ang mga pangyayari ay mas lalo lamang siyang nagugulumihanan. Haanggang ngayon ay hindi pa rin niya maisip kung paano niya nagawang sumama kay Hector sa araw ng kasal nila ni Anthony?
Mahal na mahal niya si Anthony.
Kung may isang malinaw sa kanya, iyon ay ang damdamin niya para kay Anthony.
“At bakit nga ba ako nag-aaksayang makipag-usap pa sa isang kagaya mo? By the way, mabuti na lang, hindi mo kapareho ng ugali si Ate Lindsay. Siguro iyon na lang ang dapat kong ipagpasalamat sa mga kasalanan mo. At least may kapatid kang sumalo sa lahat ng mga kasalanan mo. Oo, hindi ako masyadong close kay Ate Lindsay. But at least nakikita ko kung gaano niya kamahal si Kuya Anthony!” Tumayo na ito, “Sayang. . .” Mabilis na siya nitong tinalikuran.
Sunod-sunod ang kanyang paghagulhol habang sinusundan ng tingin si Yuri.
“AUBREY, TULUNGAN MO AKO. . .TULUNGAN MO AKO,” Humihingal si Aubrey nang magising. Napanaginipan na naman niya ang kanyang Ate Lindsay na humihingi ng saklolo. Napailing sya. Ano ba namang klaseng panaginip iyon? Paanong hihingi sa kanya ng saklolo ang Ate Lindsay niya, maayos naman na ang buhay nito kasama ni Anthony. Masaya rin siyang malaman na naging matagumpay ang operasyon nito at maayos na itong nakakalakad ngayon.
Bumangon siya at lumabas ng kanyang kuwarto, sa may hallway ay nasalubong niya si Devorah. “Hindi ka rin ba dalawin ng antok?” Tanong nito sa kanya.
“N-napanaginipan ko na naman si Ate Lindsay, humihingi raw ng tulong sa akin,” halos paanas lang na sabi niya sa madrasta.
Ewan kung totoong nakita niya ang panic sa mga mata nito or guni-guni lamang niya iyon, “Bakit naman hihingi ng tulong saiyo ang Ate Lindsay mo eh ang sarap nga ng buhay nun sa piling ni Anthony. Nakita mo naman na mahal na mahal nila ang isa’t-isa. And by the way, siguro naman ay ipinagtapat na rin niya saiyo na buntis siya?”
Tumango siya.
“Kanina ko nga lang nalaman. Kung hindi pa ako tinawagan ng Mommy ni Anthony, hindi ko pa malalaman. Yang Ate mo talaga, akala ko naman ay natanggap na niya ako bilang isang tunay na ina. Pero hanggang ngayon, parang may distansya pa rin siya sa akin, kagaya mo.”
“Hindi yan ang nakikita ko sa inyong dalawa,” matapat na sabi niya, “Actually, iyong ibang makakakita sa inyo, iisipin na tunay kayong mag-ina ni Ate Lindsay. In fact malaki nga ang pagkakahawig ninyong dalawa at kung hindi kayo kilala, iisipin na ikaw ang biological mother niya.”
Tumawa ito ng pagak, pero parang may nerbiyos sa halakhak nitong pinakawalan, “T-talaga ba? Sabagay, marami nga ang nagsasabi niyan. Paano naman kasi, kamukha ko ang Mama mo. Kaya nga siguro ako inasawa ng Papa mo dahil sa malaking pagkakahawig ko sa Mama mo. Kaya hindi na ako magtatakang tumatanda si Lindsay na kamukhang kamukha ko. Madalas rin pati kaming magkasama.”
Nagkibit siya ng balikat, “Siguro nga.”
“Halika sa kusina, igagawa kita ng tsaa.”
Tumango siya.
Naobserbahan nga niya na simula nang mag-aral ang Ate Lindsay niya sa isang pribadong paaralan sa probinsya pagkamatay ng Papa niya, hindi na sila naging close nito kahit na kailan. Pansin rin niya, naging malapit na ito kay Devorah. Sobrang lapit na akala mo ay tunay na mag-ina.
Siguro, sabi lang ng Ate Lindsay niya ay hindi ito galit sa kanya dahil siya ang naging dahilan ng pagkapilay nito para hindi siya gaanong ma-guilty. But deep inside ay masama pa rin ang loob nito sa kanya kaya hindi na nanumbalik pa ang dating closeness nilang magkapatid. Bago mangyari ang aksidente, ramdam niya ang sobrang pagmamahal nito sa kanya, palibhasa dalawa lang silang magkapatid at medyo malaki rin ang agwat ng edad nila kaya nang mamatay ang Mama niya, ito ang tumayo niyang ina-inahan.
She was eight years old nang ipadala ni Devorah ang Ate Lindsay niya sa malayong probinsya. Pareho silang nag-iiyakan. Ayaw nilang magkalayo. Pero sabi ni Devorah, kailangan raw nitong maghigh school duon dahil hindi na nito kayang tustusan ang gastusin sa pribadong paaralan. Kung bakit duon sa malayong probinsya nito pinili, hindi niya alam. Ang tanging malinaw lang, menor de edad sila para magdesisyon para sa kanilang mga sarili.
Nang bumalik ito after five years, malayo na ang loob sa kanya ng Ate Lindsay niya. Minsan nga, pakiramdam niya ay napipilitan na lamang itong kausapin siya. Na para bang ibang tao na ito sa kanyang paningin. Sabagay, ang daming nabago sa Ate Lindsay niya sa loob ng limang taon nilang pagkakalayo.
Nakamsid lang siya habang gumagawa ng tsaa si Devorah. Nakita niyang nilagyan nito iyon ng gatas. Maski na nuong maliliit pa sila ng Ate Lindsay niya ay palagi sila nitong pinipilit uminom ng tsaa. Maganda raw iyon para sa kanilang kidneys. At nang hindi raw sila matulad sa kanilang Papa na namatay sa sakit sa kidney.
Naisip niya ang ama.
Kung ngayon siguro nangyari ang pagkakasakit ng ama, baka naagapan pa nila iyon. Willing siyang ibigay ang isa niyang kidney mabuhay lang ang ama. Ngunit hindi na niya maibabalik pa ang mga nakalipas.
MAHIHINA ANG HAKBANG NA GINAWA NI LINDSAY. Nahihirapan pa siyang igalaw ng tuluyan ang kanyang mga binti kung kaya’t nag-iingat siyang mabuti sa kanyang mga galaw. Araw-araw siyang nag-eensayong maglakad. Kailangan niyang palakasin ang kanyang mga binti. Kailangan niyang makatakas sa kwartong ito. Napapaiyak siya sa tuwa nang malayo-layo rin ang naihakbang niya. Ngunit nang maramdaman ang mga yabag mula sa labas ng kanyang kuwarto ay nagmamadali siyang bumalik sa gilid ng kama at nagkunwang lutang ang isipan. Medyo nanakit pa ang kanyang mga binti kapag binibilisan niya ang paghakbang. Ngunit kailangan niyang magtiis.
“Kumusta ang pasyente?” Narinig niyang tanong ng babaeng pamilyar na pamilyar ang boses sa kasabay nitong doktor na pumasok sa loob ng kanyang inuukupahang silid.
“Ganyan pa rin sya, walang nakikilala. Kaya nga hindi ko na kailangan pang taasan ang dosage ng gamot niya.”
Napangiti ang babae, “Tiyakin mo lang na mananatili siya sa loob ng kwartong ito,” sabi nito sa kausap na doktor na tantiya niya ay nasa 70’s na ang edad. Si Doctor Rolando Bonifacio. Sixteen years old pa lamang siya nang ipasok siya ni Devorah sa ospital na ito. Simula nuon ay hindi na siya nakalabas pa. Ang sabi nito nuon sa kanya, mag-aaral lamang siya dito dahil masyado nang malaki ang gastos kung sa Maynila siya magpapatuloy ng kanyang pag-aaral. Hindi niya akalaing ikukulong pala siya nito sa loob ng ospital na ito sa isang malayong probinsya.
Hah, isang beses pala, pagkatapos niyang makulong dito ay nakalabas siya. Pinakuhanan siya ng passport at dinala sa Amerika para mapaoperahan. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ginusto ni Devorah na maoperahan sya samantalang ikukulong lang naman siya dito. Pero nagpapasalamat na rin siya dahil naging matagumpay ang operasyon.
Pero patuloy siyang nagpapanggap na tulala at walang nakikilala. Ang totoo, simula nang matuklasan niyang hindi maganda ang epekto ng ipinapainom na gamot sa kanya ng doktor, palihim niya iyong itinatapon.
Kapag walang nakakakita, nag-eensayo siyang maglakad. Kahit masakit, pinipilit niya sa paniniwalang isang araw ay makakatakas rin siya sa kuwartong ito at muli silang magkikita ni Aubrey. Sa ngayon, kailangan lang muna niyang magpalakas at umarteng parang wala siya sa kanyang sarili. Pero walang araw na hindi siya nangarap na makatakas at mabawi ang lahat ng mga nawala at ninakaw ng babaeng ito sa buhay niya. Sa buhay nilang magkapatid.
Walang araw yatang hindi siya nag-aalala para sa kanyang pinakamamahal na kapatid. Talagang itinatak niya sa utak niya ang itsura ni Aubrey. Alam niyang magbago man iyon, nanduon pa rin ang makikinang nitong mga mata na waring nangungusap.
Miss na miss na niya ito.
Palihim niyang itinikom ang kanyang mga kamao upang doon ilabas ang lahat ng galit na nararamdaman niya para kay Devorah. Kailangan niyang magtimpi. Magkamali lang siya ng kaunti, tiyak na mababalewala ang lahat ng hirap niya.
Alam niyang isang araw, matatakasan rin niya ang kasamaan nito. Kaya nga bawat galaw at mga sinasabi at nakakasama nito, tinatandaan niya. May maliit siyang notebook na itinatago. Nahingi niya iyon kay Mia, dating assistant ng doktor. Hindi naman ito nagtagal ng pagtratarbaho duon ngunit sa maiksing sandali ay naikwento niya rito ang lahat ng nangyari at nangako ito sa kanya na kapag nakahanap ito ng pagkakataon, tutulungan siya nitong makatakas.
Minsan, kapag nagpupunta si Devorah dito, may kasama itong isang guwapong lalaki, naririnig niyang tinatawag itong doktor Hector ni Devorah at sa pagkakaalam niya, anak ito ng matandang doktor na siyang nagbabantay sa kanya.
Napakislot siya nang lumapit si Devorah at sipatin ang mukha niya. “Mabubulok ka na siguro dito. Lalo pa at buntis na si Mirabella. Sabagay, matagal na naman kitang hindi kailangan. Ginagamit lang naman kita kapag kakailanganin ng anak ko ng medical records mo.”
Bumaling si Devorah sa doktor, “Aalis na ako. 6pm ang flight ko pabalik ng Maynila. Ipinasok ko na sa account nyo ang hinihingi ninyong pera.” Muli itong bumaling sa kanya, hinagod ang buhok niya, “Magpapakabait ka. . .” bulong nito saka mabilis nang humakbang palabas ng silid. Nang isara nito ang pinto, muling bumuhos ang kanyang mga luha.
“Babawiin ko ang lahat ng ninakaw mo sa akin,” sabi niya sa pagitan nang nagtatangis na mga bagang.
GINISING ng isang masamang panaginip si Aubrey kung kaya't hindi na siya muling dalawin pa ng antok. Bakit ba palagi na lamang niyang napapanaginipan ang Ate Lindsay niya na humihingi ng tulong sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nanaginip ng ganon samantalang safe naman ang 'Ate Lindsay' niya sa piling ni Anthony. Swerte ring hindi naman naapektuhan ang ipinagbubuntis nito sa nangyari. Kung nagkataon ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.Ipinagtanggol siya ng kapatid niya kay Hector ngunit ito pa ang napahamak. Hindi niya masisisi si Anthony kung mapag-isipan man siya nito na napaka-selfish niya. Bumangon siya at uminom ng tubig. Miss na miss na niya si Anthony.Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit nauulit na naman ang mga pangyayari. Damn. Bakit ba hindi siya nakahalata sa mga ginagawang ito ni Hector? Hindi na lamang pagdududa ito, alam niyang may ginagawang masama ang lalaking iyon sa kanya kung kaya't bigla na lamang siyang nawawala sa k
NAKAHINGA nang maluwag si Lindsay nang maya-maya ay lumabas na rin ang doktor sa kwarto niya. Kailangang matiyak muna niya na wala na ito sa hallway bago siya lumabas. Pero paano ba niya iyon gagawin? Tumatakbo ang oras.11:40May ilang minuto pa siya para makalabas dito sa loob ng ospital. Saktong 11:50 muli niyang kinuha ang susi ng kwarto at ipinasok iyon sa lock. Natataranta siya at nagpapanic kaya makailang beses siyang huminga nang malalim bago tuluyang buksan ang lock niyon. Pinakalma niya ang sarili at pasimpleng naglakad sa hallway patungo sa likuran.Ang bilis-bilis ng pintig ng puso niya habang naglalakad. Kung pwede nga lang ay tumakbo na siya. Bahagya pa siyang tumutungo kapag may nasasalubong siya. Hindi siya pwedeng mamukhaan ng kahit na sino.Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang makalabas sa likuran ng ospital. Mula sa may pinto ay natanawan na niya si Mia, kumakaway sa kanya. Tumakbo na siya sa kinaroroonan nito. Naiiyak na niyakap siya ni Mia."God,
PASIMPLENG iniabot ni Mia kay Lindsay ang susi na ninakaw niya mula kay Dr. Bonifacio. Kinausap na niya ang kaibigan niyang si Gerald para tulungan siya nitong maitakas nila si Lindsay. Nakapagplano na rin sila ni Lindsay kung saan niya ito aabangan at kung anong oras.Mula sa likuran, bandang alas-dose ng hatinggabi, halos tahimik na ang ospital at kakaunti na ang mga tao, duon dadaan si Lindsay. Palihim na rin niya itong binigyan ng damit na pampalit, pati make up at nang walang makahalata na isa ito sa mga pasyente duon.Kinakabahan siya ngunit hindi siya matatahimik kung alam niyang may isang taong nagdurusa at may kakayahan naman siyang tumulong. Hindi siya mananatiling bulag sa katotohanan lalo pa at alam niyang illegal detention ang ginagawa ni Dr. Bonifacio kay Lindsay.Bahala na.Alam niyang papatnubayan sila ng Diyos lalo pa at hindi naman mali ang ginagawa niya. Nangako rin siya kay Lindsay na tutulungan niya itong makamit ang hustisya.Samantala ay hindi na makapaghin
HABANG NAKAHIGA ay paulit-ulit na inaanalisa ni Aubrey ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay. Bakit gustong sirain ni Hector ang buhay niya? Nang araw ng kanyang kasal, may ipinainom ba ito sa kanya kung kaya't naisama siya nito sa kung saan at wala siyang kahit na anong maalala? Kinilabutan siya sa mga naiisip.Hindi siya dalawin ng antok. Maraming gumugulo sa utak niya. Doctor si Hector kaya hindi imposible ang hinala niya tungkol dito. Bumangon siya at kinuha ang kanyang cellphone para magresearch tungkol sa lalaki. At si Jenny? Kailangang mahanap niya ang kaibigan dahil baka may alam ito sa totoong nangyari sa kanya ng araw na iyon. Natatandaan niyang ito ang kasama niya ng araw na iyon. Ngunit saan ba niya hahanapin ang kanyang kaibigan?Saan siya mag-uumpisa? Kumuha siya ng tubig sa fridge. Nasa malayong lugar na siya at hindi na siya masusundan pa dito ni Hector. Not unless palihim siya nitong minamatyagan. Kinilabutan siya. Muli niyang tsinek ang mga binta
NAG-USAP NA SINA MIRABELLA at Hector kung kaya't alam na nitong nandito siya ngayon sa condo unit ng kapatid. Pasimple niya itong hinudyatan thru text na umakyat na rin habang naririto siya para maisagawa ang susunod na hakbang nila nang sa gayon ay tuluyan nang magalit si Anthony kay Aubrey at hindi na ito mapatawad pa kahit na kailan.Ilang sandali pa ay narinig na niyang kumakatok sa pinto si Hector. Nilingon niya si Aubrey, "May ini-expect ka bang bisita? Or baka si Anthony yan at. . ." di na niya tinapos ang sasabihin, pinagbuksan niya ang kumakatok. Kunway nagulat pa siya nang makita duon si Hector, "Anong ginagawa mo dito, Hector?" Tanong niya saka nilingon si Aubrey, "Totoo nga palang hindi mo pa rin hinihiwalayan si Hector!" Sumbat niya sa dalaga."Hindi totoo yan!" Mariing tanggi ni Aubrey saka galit na hinarap si Hector, "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sabi ko tigilan mo na ako?"Kunwa'y galit rin siya kay Hector nang harapin ito, "Bakit ba ginugulo mo ang buhay ni Aub
DINATNAN SIYA ng 'Ate Lindsay' niya na nag-iimpake na ng kanyang mga gamit. Namumugto ang kanyang mga mata at ang laki na rin ng inihulog ng katawan niya dahil halos hindi na siya kumakain sa labis na depression na nararamdaman. Buong akala niya ay magiging masaya na siya sa piling ni Anthony ngunit muli ay nasira iyon dahil kay Hector."Kung hindi ako mapapatawad ni Anthony, mabuti pang magpakalayo-layo na lang ako, ate." aniya dito. "K-kumusta na nga pala siya?"Nagkibit ito ng balikat, "Ayun, galit na galit pa rin saiyo.""Ate, maniwala ka sana sa akin. May ginagawa sa akin si Hector kaya parang napapasunod ako sa kanya," sabi niya sa 'kapatid.'"Aubrey, pwede ba, huwag mo akong pagmukhaing tanga. Alam naman natin ang totoo," sagot nito sa kanya, "Sayang. Handa na akong magparaya para sa kaligayahan mo. Sa kaligayahan ni Anthony. Iyon naman pala, sasaktan mo lang siya.""Ate, pati ba naman ikaw, naniniwala kang niloloko ko si Anthony?" Tanong niya sa kapatid."Anong gusto mon







