Home / Romance / Paid Pleasure / KABANATA II

Share

KABANATA II

Author: Guronuii
last update Last Updated: 2025-11-28 00:09:36

KABANATA II

NAGHAGALPAKAN ang lahat ng kaibigan ni Kayde matapos niyang ikwento ang nangyari. Hindi na siya nagulat nang makita ang ilan na nakahiga na sa sahig at halos hindi na makahinga sa katatawa. Wala talagang aasahan sa mga ito—ni isa'y walang matinong kaibigan.

Inubos niya ang laman ng bote at masamang tinitigan ang mga kaibigang tuwang-tuwa, samantalang siya nama'y nanggagalaiti at hindi makapaniwala sa nangyari.

"Dude, isa lang ang ibig sabihin niyan. Nakahanap ka na ng katapat," ani Garrie habang tinatapik-tapik ang balikat niya. "Ano ang pakiramdam na maging isang bayarang lalaki?" At muli na namang nagtawanan ang mga ito na parang mga baliw.

Inis niyang inalis ang kamay ng kaibigan at itinaas ang gitnang daliri. "F*ck you, you know that?"

"Huwag n'yo nang asarin. Problemado ang kaibigan natin," saway ni Denrik—na siya lang yata ang nag-iisang matino sa barkada.

"Thanks, Den," aniya, kahit papaano'y nagkaroon siya ng kaunting pag-asa sa grupo.

"Anyways, ano ang pakiramdam na maging bayarang lalaki?" dagdag pa ni Denrik, ngayon ay nakatitig sa kaniya gamit ang inosentong mga matang nanunukso. Binawi agad ni Kayde ang pasasalamat. Wala na talagang pag-asa ang mga kaibigan niya.

Itinaas ni Kayde ang kamao. "Ito, gusto n'yo maramdaman?" Hindi na nakapagpigil ang lahat at muling humagalpak ng malakas na tawa.

"Ito naman, hindi mabiro. Curious lang kami," ani Denis, ngunit agad ding natahimik nang tapunan siya ng masamang tingin ni Kayde.

"Kidding aside, what are you going to do next?" seryosong tanong ni Denrik habang kinukuha ang ID na nakapatong sa mesa. "Alam mo na ang pangalan at kung nasaan siya. Pupuntahan mo ba siya para i-clarify ang maling akala niya, o hahayaan mo na lang?"

Kaagad na natahimik si Kayde. Inosente ang babae. Hindi nito alam kung sino siya, pero hindi maikakaila na naapakan ang pride niya.

Tinapik ni Denrik ang balikat niya. "Ikaw na ang bahala sa susunod na mangyayari."

Tulala at walang imik si Bambi habang nakaupo sa gilid ng kama sa loob ng kaniyang kwarto. Ilang beses na niyang nilinis ang katawan, ngunit pakiramdam niya'y marumi pa rin siya. Ngayong malinaw na ang isip, bumabalik ang lahat—ang bawat haplos at halik kagabi na hanggang ngayon ay kumikiliti sa kaniyang buong katawan.

Aware siya na maaari siyang mabuntis. Hindi sila gumamit ng proteksyon, bagay na lalo niyang ikinabahala. Paano kung may nakakahawang sakit ang lalaki? Hindi iyon malabo dahil isa itong callboy na siguradong marami nang nakatalik na babae.

"Bambi, saan ka ba nagpunta? Bigla ka na lang nawala kagabi," tanong ni Lani, halatang nag-aalala.

Binalingan niya ang kaibigan saka hinila ito sa kama. Kailangan niya ng opinyon ni Lani sa nangyari.

"May sasabihin ako sa 'yo," pabulong niyang turan sabay hawak sa mga braso nito.

Kumunot ang noo ni Lani. "Bakit? Ano 'yon?"

Nagpakawala si Bambi ng malalim na buntonghininga. Isa-isa niyang ikinuwento ang lahat mula nang umalis ito hanggang sa paggising niya kinabukasan na walang saplot at katabi ang lalaki. "G-Gano'n. Ano ang gagawin ko?"

"Bakla ka! Binihisan ka lang, nakipag-one night stand ka na! At hindi ka pa nag-ingat!" mariing sabi ni Lani. "Magpa-check-up ka. Unahin ang kalusugan bago ang lalaki. Siguradong limot ka na niyon at hindi na kayo magkikita pa."

"Paano ka nakasisigurado na limot na niya at hindi na kami magkikita?" tanong niya.

"One night stand nga, 'di ba? Pagtapos ng isang gabi, limot na ang lahat. Gano'n 'yon," sarkastikong tugon nito.

"Mas mabuti na gano'n na lang ang isipin," kagat-labing wika ni Bambi.

"Basta, after 18 to 45 days, magpa-check-up ka na," payo nito.

"Pwede naman bukas agad."

Ayaw na niyang magsayang pa ng oras. Kung mag-o-overthink siya, lalo lang hihina ang resistensya niya.

"Makinig ka, Inday. Hindi made-detect kung ngayon ka magpapa-check-up." Napabuntonghininga si Lani.

Inihilig ni Bambi ang ulo sa balikat nito at tumingin sa bintana. Lumubog na ang araw, at sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip. Ano ba ang nagawa niyang kasalanan? Naging mabuti naman siya pero paulit-ulit siyang binibigyan ng problema.

"Huwag kang masyadong mag-alala. Maski ang callboy, nag-iingat din. Pero mas mabuti nang makasigurado," dagdag pa ni Lani.

Tahimik si Bambi, hanggang sa pumasok sa isip niya ang mga sinabi ng lalaki kagabi—na pampalipas-oras lang nito ang mga babae.

"Oo nga pala, ano ang itsura ng callboy?" tanong ni Lani.

Hindi sinasadyang umayos siya ng upo at napatingin sa kaibigan. Bumalik sa alaala niya ang mala-anghel nitong mukha at ang hubog ng katawan na kayang magpaikot ng ulo ng kahit sinong babae.

"Sakto lang," tipid niyang sagot.

"Sakto lang?" napangiwi si Lani. "Weird ang panlasa mo. Ipaliwanag mo sa 'kin ang 'sakto lang.'"

"Basta, sakto lang."

Sakto lang—para makalaglag ng panty.

MABILIS na lumipas ang mga araw. Unti-unting nawala sa isip ni Bambi ang tungkol sa break-up at mas iniisip niya ang nangyari noong gabing iyon. Hindi siya mapakali, lalo na ngayon na hawak na niya ang envelope ng test result na kanina pa niyang kinatatakutan.

Malakas ang kabog ng dibdib niya habang nakaupo. Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang buksan at basahin ang resulta. Nawala ang kaba nang makita niyang negative—wala siyang sakit. Ilang araw din siyang halos hindi makatulog sa kaiisip, pero ngayon ay nakahinga siya nang maluwag.

Dahil sa tuwa, hindi niya mapigilan ang tumawag agad kay Lani.

"Hey, Inday! Nakuha mo na?" bungad nito, halatang sabik.

"Yeah, negative," puno ng kagalakan niyang sagot. "Nakahinga ako nang maluwag. Anyway, are you free tonight?"

"Mag-iinom tayo?" May excitement sa boses nito. Kahit kailan, puro alak lang ang nasa isip ng kaibigan.

"Nah. Na-trauma na ako," naiiling niyang tugon.

"Sa tingin ko wala na rin akong ibang gagawin. Kita na tayo?"

"Pwede. Hintayin kita sa D's Café, harap ng office."

Tahimik na nakaupo si Bambi sa café habang walang tigil ang pag-scroll niya sa social media, hinihintay si Lani. Kanina, matapos kunin ang test result, kinailangan pa niyang dumaan sa trabaho para ipasa ang folder na nakalimutan niya sa sobrang taranta bago siya umalis.

"Hi, Miss. Remember me?"

Mabilis siyang nag-angat ng tingin, at agad ding ibinalik iyon sa cellphone. Isang lalaking halos makalaglag-panga ang nakatayo ngayon sa harapan niya.

Hindi niya pinansin. Wala siyang kilalang ganoon kaguwapo. Hay, naku. Ilang oras pa ba akong paghihintayin ni Lani?

"Snob," anito bago naupo sa harap niya, dala ang isang nakakalokong ngiti. "Hindi mo na ako kilala?"

Kumunot ang noo niya. "Sino ka ba?"

"Ouch! Gano'n na lang ako kabilis kinalimutan?" Kunwari'y nasaktan ito at hinawakan pa ang dibdib. "Naalala ko tuloy ang gabi na halos wala kang tigil sa pagsigaw ng pangalan ko."

Napatingin siya rito, at doon na bumalik sa alaala niya ang lahat. Sa sobrang pagmamadali niyang makaalis kinabukasan, at sa dami ng problemang dumating sa loob ng tatlong linggo, nakalimutan na niya ang mukha ng lalaki.

"Mukhang naaalala mo na ako," sabi nito sabay tingin sa envelope na nasa mesa. "It's negative."

"Huh?"

"The test results. Mukhang nagpa-check-up ka." Tumikhim siya. "Don't worry. Sa lahat ng babaeng naikama ko, ikaw lang ang hindi ko ginamitan ng proteksyon."

Napairap siya. "Kailangan ko bang magpasalamat doon?"

"You should be pleasured," sagot nito na parang nagbubuhat ng sariling bangko.

Ang kapal ng hangin! Baka tangayin ako, bulong niya sa isip.

Wala siyang maisagot at pinili na lang ang manahimik.

"Anyway, Kayde," anito, sabay lahad ng kamay.

Nag-aalangan siya. "Bam—"

"Bambi Tubiano," putol ng lalaki, binanggit pa ang buong pangalan niya.

Napabilis ang tibok ng puso niya. "Paano mo nalaman?"

Kumunot ang noo niya nang ilapag nito ang isang ID sa mesa—ang ID na matagal na niyang hinahanap.

"Paano napunta sa iyo 'to?!" ilang araw din niya 'yong hinanap sa bahay, at halos nagpagawa na siya ng bago.

"Kung gusto mong malaman, puntahan natin ang hotel na—"

"Shut up!" putol niya, halatang umiinit ang ulo.

Si Bambi ay kilala bilang kalmado at mahinhin, pero ngayon lang siya nakatagpo ng ganitong klase ng lalaki: makalaglag-panty nga ang hitsura, pero sobrang hambog. Para bang kulang na lang ay magpagawa ito ng trono at magdala ng sariling korona.

Ano bang kailangan ng lalaking 'to? lihim niyang bulong habang pasimpleng sinulyapan ito.

"Baka hindi ka makapagtrabaho dahil hawak ko ang ID mo," sagot agad ng lalaki, na para bang nabasa ang iniisip niya. Hindi lang pala hambog—matalas pa ang pandinig.

"Kung gusto mong isauli, sana iniwan mo na lang sa receptionist o noon mo pa binalik. Kumuha na ako ng bago, at kahit nakita mo 'to, dapat hindi mo na kinuha. Wala ka nang pakialam. It's just a one-night stand. Dapat kinabukasan, kalimutan na."

"Baby, I'm just a concerned citizen," ani Kayde, lumapad ang ngiti. "Paano kita makakalimutan kung ako ang nakauna sa 'yo? At papaano ako mawawalan ng pakialam kung ikaw mismo iniwanan ako ng pera kinabukasan? It's so shameless of me kung hindi ko man lang maibalik ang ID mo."

"Salamat sa pagbalik. Makakaalis ka na," putol niya sa usapan at sumenyas para paalisin ito.

"Hindi pa ako nagla-lunch. Dito na rin ako kakain—if you don't mind." Nagkunwari pa itong inosente.

"I mind," mariin niyang sagot, nakataas ang kilay. "Maraming bakanteng upuan dito. Pumwesto ka na lang sa iba."

"Gusto ko rito," sagot ng lalaki, sabay kumpas sa waitress. "She's paying," dagdag pa nito at itinuro siya, dahilan para lalo siyang mamuhi.

"Ikaw ang kakain, ikaw ang magbabayad," kontra niya.

"Baby, my body and service are worth more than a hundred fifty pesos," balik ni Kayde, nakangisi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paid Pleasure   KABANATA XXIV

    “Hindi mo kasalanan ‘yon.” Bumuga siya ng hangin saka isinandal ang likod sa elevator. “Hayaan mo na, sigurado na susunod na araw ay huhupa na ang usapan patunkol sa atin.”“Gusto mo i-clarify ko?”“Hindi sila maniniwala kahit abutin ka pa ng kinabukasan sa kakapaliwanag. Mas mabuti ng hayaan na, lilipas at makakalimutan din nila ‘yon.” Aniya.“Kung sa bagay.” Problemado din na usal ng binata saka sunod-sunod na bumuga ng hangin. “Isabay na kita sa pag-uwi?”“Hindi na, baka madagdagan pa ulit ang chismis patungkol sa atin. Mahirap na.” Mabilis na tanggi. Ayaw nya na mas lalong lumaki pa ang issue—mas lalo na ngayon na lahat ng mata ay nakatingin sa kanila.LUMIPAS pa ang tatlong araw, taliwas sa inaakala ni Bambi ang nangyayari sa paligid niya. Hindi nawala ang usapan patungkol sa kanila ni Cedric, mas lalo lang itong dumarami at kahit ang simpleng pagsasalubong nila ay binibigyan ng malisya ng mga tao sa paligid.Wala siyang naging problema, pilit na lumalayo sila sa isa’t isa ng bin

  • Paid Pleasure   KABANATA XXIII

    Walang tulog at hindi makapag-isip na maayos na pumasok sa trabaho si Bambi na may malaking itim sa ilalim ng mga mata. Matapos ang pag-uusap nila ni Lani ay nagpaulit-ulit sa isipan niya ang mga sinabi ng kaibigan, naguguluhan sa sarili, at gayon na rin sa nararadaman.Kaibigan ang tingin niya kay Kayde, magmula ng una ay hindi na nagbago iyon pero ang ginagawa niya para dito ay hindi gawain ng magkaibigan lang. At ganon din ang binata na bukas na bukas sa kaniya magmula ng magkita sila ulit.Nagdikit ang kilay ni Bambi ng mapansin ang titig sa kanya ng mga tao. May mali ba sa mukha ko o masyadong malaki ang eyebags ko? Isip-isip niya at ilang beses na pinunasan ang mukha. Hanggang sa makapasok sa loob ng opisina ay hindi maalis ang tingin ng mga ka-trabaho niya.“Ikaw ah, Bambi, may hindi ka sinasabi sa amin—” lumapit si Angel na may malaking ngiti sa labi at nag-umpisang sundot-sundutin ang tagiliran niya. “—kailan pa nag-umpisa ang relasyon niyong dalawa?” dagdag pa nito.“Ano ang

  • Paid Pleasure   KABANATA XXII

    “May nangyari ba?” Ani Bambi na puno ng kuryosidad nsa tono ng pananalita.“Nangyari ‘yon nang mga bata pa kami, na-dengue siya at kinailangan na ma-confine ng ilang araw. Bumisita kaming apat ni Denis, nag-umpisa silng magtakutan na masyadong pinaniwalaan ni Kayde kaya magmula ng araw na ‘yon ay hindi na siya ulit nagpa-confine ulit unless naghihingalo na siya.”Kaya pala kahit anong pilit niya nakaraan ay laging ‘hindi’ o ‘ayaw’ ang sagot nito sa kaniya. Nang dahil lang sa naging kwentuhan nila—hindi naman kaya masyadong immature siya para maniwala hanggang ngayon sa kwento na iyon?“Kaya pala.” Hindi manlang ito nag-abala na sabihin sa kaniya ng gabing iyon. “K-kelan siya babalik—babalik pa ba siya?”“Iyon lang ang hindi ko sigurado.” Hindi siya nakaimik. Wala na ‘tong balak bumalik pagtapos ng lahat-lahat?Teka? Bakit ba siya apektado kung hindi na ito abalik? One-night standl lang naman ang nangyari sa kanila. At mas makabubuti na rin na hindi na sila magkita ulit—dahil hindi dap

  • Paid Pleasure   KABANATA XXI

    Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ni Bambi ng dumapo ang tingin sa bakanteng upuan sa tabi. Wala si Kayde, matapos gumaling mula sa trangkaso ay nag-umpisa na rin ito magtrabaho. At kinakailangan bumalik sa branch kung saan ito tunay na nagtratrabaho.Limang araw na rin ang lumipas ng umalis ito, walang naging paramdam ang binata matapos ang pag-alis nito. Naging boring ang araw-araw para kay Bambi, siguro nasanay na siya sa resensya nito sa maigsing panahon.Mabili na lumipas ang oras, araw ngbiyernes at marami ang nag-uuwian. Balak niya manatili sa apartment ng dalawang araw at magpahinga, wala siyang ibang pupuntahan o makakausap dahil wala rin si Lani—hindi pa rin nakakauwi.“Ms. Bambi, sumabay ka na dito.” May ngitin pag-aaya ng lalaki. Ang sikretarya ng may-ari na siyang kasalukuyan na namamahala rito.Tinignan niya ang paligid, may iilang nakatingin sa pwesto niya at hinihintay ang magiging sagot. “Salamat na lang po, sir.” magalang na pagtanggi niya.Ramdam ni Bam

  • Paid Pleasure   KABANATA XX

    Tahimik na nag-uumagahan si Bambi at Kayde, parehas na walang umimik habang nanunuod ng balita sa cellphone ang dalaga. Hindi ito nakapasok sa trabaho ng dahil sa kaniya, nakokonsensya siya pero kahit ganon ay masaya sia na hindi siya iniwan nito.Mabugso-bugso pa rin ang ulan sa labas, maayos na ang pakiramdam niya matapos ang magdamag at maari na siyang umuwi ngayong araw na kaniyang pinagpapasalamat. Hindi niya kakayanin na manatili pa ng isang gabi sa hospital—ito ang ikamamatay niya, hindi ang lagnat.Sa gitna ng tahimik na pagkain nila, sunod-sunod na katok ang umagaw sa atensyon nilang dalawa. Tumayo si Bambi bago pinagbuksan ang dalawang lalaki na nasa labas—ang mga kaibigan ni Kayde pero kulang ng isa, wala si Garrie na kasalukuyan nasa bakasyon.“Good morning, Bam!” Denis.“Hi, Bambi!” Denrik.Pumasok ang dalawa, inilapag ang isang basket ng prutas bago inabot ang isang piraso ng gumamela na mukhang binunot lang sa labas ng hospital. “For you.”“Paano niyo na laman na andito

  • Paid Pleasure   KABANATA XIX

    Bumalik sa aalala niya ang gabi ng nasa hotel sila. Nakayakap lang ang binata sa kanya buong gabi, hindi nito hinawakan ang maselan na parte ng katawan o kahit manyakin siya, yumakap lang ito at panay ang halik sa tutok ng ulo niya—na nagpapasecure sa pakiramdam niya mas lalo na habang nasa loob siya ng mga braso nito.“Hindi ako makakatulog.” dagdag pa nito.“Pag may hindi maganda kang ginawa—naku!” banta niya.“I Promise.” Sunod-sunod siyang bumuntong hininga, lumapit kay Kayde na mabilis umisod ng higaan at binigyan siya ng pwesto.Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ‘to. Siguro ay dahil may sakit ‘to at unang tinupok ng sakit ay ang utak niya? Umayos sila ng higa. Nakaunan siya sa braso nito habang nakayakap ito at nag-umpisang halik-halikan ang rurok ng ulo niya. Samantala, malayo ang katawan nila, delikado—baka tumirik ang mata niya.Ito ang paborito nitong pwesto? Nang nasa hotel sila ay ganon din ang pwesto nilang dalawa. Kung sabagay, mas secure siya sa ganong pwesto at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status