MasukKABANATA III
Walang imik si Bambi habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Lani. Hinihintay niyang magsalita ito at mag-umpisang magtanong, pero wala siyang narinig mula rito. Ramdam niya ang panakaw na sulyap nito sa kaniya, para bang naghahanap ng tamang tiyempo upang magsalita.
Tinignan niya ang café na kanilang nilabasan. Nakatayo pa roon ang lalaking pinagbayaran niya ng pagkain. My body and service are more than a hundred fifty pesos. Ibig sabihin, aminado rin itong isa nga siyang bayarang lalaki.
Sayang, gwapo pa naman. Pero kung tutuusin, karamihan ay kakapit sa patalim para mapunan ang kumakalam na sikmura at masuportahan ang araw-araw na gastusin. Ang problema lang, hindi naman ito mukhang dukha para umabot sa ganoong sitwasyon.
"So, paano mo kilala 'yung fafa na kasama mo kanina?" tanong ni Lani, may halong malisyang pahiwatig ang boses.
Binalingan niya ang kaibigan, saka ibinalik ang tingin sa harapan. "Hindi ko siya kilala. Naupo lang siya bigla roon," pagsisinungaling niya.
Tumaas ang gilid ng labi ni Lani. "Naupo lang? Eh ikaw ang nagbayad ng order niya. Don't me, Bambi. Hindi ka marunong magsinungaling, kaya tell me."
Nagpakawala siya ng mahabang buntonghininga. Huli na siya ng kaibigan. "It's nothing. Naiwan daw ang wallet niya at nagugutom na siya kaya—"
"At naniwala ka naman?" putol nito, walang emosyon sa tinig. "His Oystersteel and Everose Gold Rolex GMT-Master II watch costs eight hundred sixty-six thousand five hundred pesos. Ikaw lang ang gaga na maloloko niya."
"Malay natin, peke ang suot niya. Maraming nagkalat na fake products na mas mukhang original kaysa sa totoo," pagpipilit niya. It's impossible. Sobrang impossible na makabili ang katulad ng lalaking iyon ng ganoon kamahal na relo sa ganoong trabaho. "Unless..."
"Unless what?"
"Nothing." Muli siyang napabuntonghininga.
"So, kilala mo nga siya?" ulit ni Lani.
"Alam ko lang ang pangalan niya. 'Yun lang. Nothing less, nothing more," mariin niyang sagot.
Ang pinaka-ayaw niya ay ang magsalita, lalo na ang magpaliwanag, dahil sa huli ay hindi rin siya paniniwalaan. At wala siyang pakialam kung ano ang tingin ng iba—maliban kay Lani, na tanging kaibigan niya simula kolehiyo.
"Okay, okay. Chill ka lang, mare," ani nito.
Inihilig niya ang ulo sa gilid ng bintana at tumingin sa labas ng sasakyan, samantalang ibinalik ni Lani ang atensyon sa kalsada. Hindi niya nagawang maayos na sagutin ang tanong kanina—na ang dahilan daw ng pagpunta ay ang ibalik ang ID. Pero duda siya.
Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi mawaglit sa isip niya ang lalaki. Kung totoo ang sinabi ni Lani... ano nga ba ang gusto nito? Dagdagan ang bayad? Hope not. Wala na siyang pera kung hihingi pa ito ng malaking halaga.
Mabilis niyang binuksan ang passenger side door at lumabas, saka agad na pumasok sa Spa House kung saan sila huminto.
"How's the result?"
"Negative. Nakahinga ako ng maluwag matapos ang halos isang buwang stress at overthinking," sagot niya, saka dumapa. "It's my treat—"
"Nah. Wala ka nang pera." Putol agad ni Lani. "Na-curious talaga ako sa lalaking kasama mo kanina. Familiar ang mukha niya, parang nakita ko na siya kung saan. Hindi ko lang matandaan."
"Ayan ka na naman sa mga nakikita mo," tugon niya.
"Seryoso ako," ani Lani.
"Oo na," sagot ni Bambi na para bang pinipilit na maniwala sa sinasabi ng kaibigan.
Walang imik si Bambi habang inaayos ang mesa bago mag-umpisang magtrabaho. Ang lahat ng maagang dumating ay abala sa kuwentuhan, kanya-kanyang tumpukan at bulong tungkol sa maiinit na tsismis na umiikot sa buong kompanya.
Matagal na niya itong nakasanayan. Araw-araw, tuwing umaga, nakikita niyang nagtutumpukan ang mga ito. At kailanman, hindi siya nakihalubilo—kahit noong bagong pasok pa lang siya sa trabaho. Para sa kaniya, ang mga mahilig sa tsismis ay sila ring mahilig gumawa ng istorya. Ayaw niyang malamatan ang pangalan.
"Bambi, naayos mo na ba 'yung binigay ko sa iyo kahapon?"
Mabilis siyang nag-angat ng tingin. Si Angela—katrabaho at pasimuno ng tsismis sa finance department. Kung ano ang kababanalan ng pangalan, kabaliktaran naman ang katalasan ng dila.
Kinuha niya ang folder at iniabot dito. "Sabihin mo kung may mali o kailangan baguhin," ani Bambi.
"Alam mo na ba ang tsismis?" usisa ni Angela sabay hila ng upuan para umupo sa tabi niya.
"Hindi ako interesado," tipid na ngiti lang ang sagot niya.
Pero hindi pa rin ito tumigil. "Naku, Bambi, kailangan mong maging updated. Malay mo, makabangga mo siya tapos wala kang alam."
Hindi talaga ako interesado. Wala namang mapupuntahan kung puro tsismis lang.
"Balibalita na may mga tao raw mula main building na mag-o-observe dito. At sabi ng iba, baka bumisita rin ang mga kaibigan ng anak ng may-ari ng kompanya."
Kumunot ang noo ni Bambi. "Isang araw lang sila dito?"
"Nope. Three months! Exchange employee program." Tila proud na proud ito. "At may isa pa—"
"At may isa pa?" Hindi pa pala tapos.
Ngumisi si Angela. "Of course! Sabi nila, dito raw gaganapin ang team building. Kaya maghanda ka na sa sunod-sunod na overtime."
"E di ba sa main building madalas ginagawa 'yon?" tanong niya.
"Iyon nga, eh. Hindi alam ng lahat kung anong pumasok sa isip ng nasa taas kung bakit dito biglang inilagay." Umiling-iling pa ito bago tumayo. "Sige, trabaho na tayo. Kung gusto mo pa ng balita, you know where to find me."
Ngumiti lang si Bambi. Ayaw na niyang humaba pa. Kung magpapatuloy si Angela, baka abutin pa sila ng kinabukasan.
Pagkatapos ng trabaho, nagyaya si Lani na mag-shopping. Kung siya lang ang masusunod, mas pipiliin niyang umuwi at magpahinga. Pagod siya buong araw. Pero minsan lang mag-aya si Lani, at kadalasan ay kapag stressed na stressed ito.
"Ano ba'ng nangyari at bigla kang nagyaya?" tanong niya. Ilang araw lang silang hindi nagkita pero halata na ang itim sa ilalim ng mata ng kaibigan.
"Sinong hindi mai-stress kung lahat ng gawain ibinibigay sa akin? Gosh, para bang sabik silang mag-retire!" reklamo nito. "Nga pala, mawawala ako ng ilang buwan. Hindi ko alam kung hanggang kailan."
"Hmm." Nilingon niya ito. "Tumawag ka na lang kung may problema."
"Ikaw ang dapat kong sabihan niyan," balik ni Lani. "Kagagaling mo lang sa break-up. Baka makaisip ka ng hindi maganda. Ayos lang sana kung siya ang saktan mo, pero paano kung sarili mo?"
"Hindi pa ako baliw para gawin 'yon," mariin niyang sagot, saka marahas na bumuga ng hangin. "Sa totoo nga, nakakalimutan ko na siya kahit papaano."
"Aba, mabuti!" ani Lani. "Hindi deserve ng g*gong 'yon na isipin."
Tahimik si Bambi at pinakiramdaman ang masahe. Ilang oras ang lumipas, matapos mag-relax, nag-ikot sila sa mall. Halos lahat ng boutique pinasok ni Lani, at halos lahat din nilabasan nila na may paper bag.
Masakit sa bulsa kapag stressed ang babaeng 'to. Kulang na lang bilhin ang lahat ng makita.
Sa sobrang pagod, bumagsak si Bambi sa pinakamalapit na bench. "Pwede bang magpahinga muna tayo? Ang dami mong pinamili. Hindi mo naman masusuot lahat niyan," reklamo niya.
"Hindi nga, pero ikaw, oo." Umikot ang mga mata ni Lani, saka biglang tumigil at tumingin sa hindi kalayuan. "Ex mo 'yon, 'di ba? Iyong mukhang paa na mahilig magtago sa saya ng nanay niya."
Sinundan ni Bambi ang tingin nito. At tila tinusok ng maliliit na karayom ang dibdib niya nang makita ang lalaking minahal at pinangarap niyang makasama habangbuhay—si Nathan—na masayang kasama ang ibang babae.
Malaki ang ngiti ng ina nito, halatang masaya sa kasama ng anak—isang ngiting ni minsan ay hindi niya nakita o naramdaman noong siya pa ang karelasyon.
Pilit niyang pinigilan ang luha. Sa kanyang mga mata, lantad ang sakit. Nagtama ang paningin nila ni Nathan. Nagulat ito nang makita siya.
Mabilis niyang iniwas ang tingin—at ganoon na lang ang gulat niya nang sa kabilang banda ay naroon si Kayde, may ngising nakakaloko sa labi.
Magpapalibre na naman ba siya?
“Bambi’s boyfriend.”NAIILANG na nag-iwas ng tingin si Bambi sa nakakatunaw na titig sa kaniya ni Kayde habang sinasabi ang mga kataga na iyon. Hindi sa di niya kayang salubungin ang tingin ni Kayde kundi dahil sa malakas na kabog ng dibdib niya at kakaibang nararamdaman niya.Kasinungalingan. Nagpapanggap lang kayo, Bambi, huwag ka magpadala sa lumalabas sa bibig niya. Suway sa sarili niya.“Ha---hahaha! Don’t me, pare. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. How come na ibinigay niya sa iyo ang ilang taon kong hiningi na hindi niya maibigay—” Nakakalokong tawa ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa kanilang tatlo.Huminga siya ng malalim bago sumagot. “He’s telling the truth,” sagot niya habang hinahawakan ang kamay na nasa bewang niya. “Ibinigay ko sa kaniya kahit hindi niya hiningi. Hindi naman masama ‘yons dahil boyfriend ko siya.” “Boyfriend?” May talim ang boses nito na may hindi maipintang mukha. “Naging boyfriend mo ako ng mahigit apat na taon, Bambi!”Natatawang binalingan
Muling bumalik sa isip niya ang mga alaala—ang mga pangyayari noong araw na 'yon—nang magtagpo ang mga mata nila. Masaya ang dalawa, lalo na si Tita Maria, dahil natupad ang plano nitong paghiwalayin silang dalawa."First warning," ani Lani sa tabi niya. "Ilang buwan na rin. Siguro ubos na ang luha mo para sa ingrown na 'yon.""Hindi ako iiyak," nakangiti niyang tugon habang pinatutuyo ang kamay.Pagkakita niya sa dalawang lalaking matagal na niyang iniiwasan sa iisang lugar, mabilis niyang hinila ang kaibigan papunta sa banyo para makatakas. Doon siya magaling—sa pagtakas."Good. Hayaan mo silang magsama. Hindi magtatagal, 'yung babaeng 'yon naman ang lolokohin ng kupal na 'yon." Tumirik pa ang mata ni Lani. "Tara na. Natanggal nga ang stress ko, pero ikaw naman ang na-stress."Mahinang natawa si Bambi sa sinabi nito. Hindi lang stress ang nararamdaman niya—pagod din mula sa buong maghapon.Paglabas nila, huminto si Lani sa harap ng arcade bench. "Nakalimutan ko 'yung isang paper bag
ITO ang unang beses na nagsabi ang Tita Maria na mag-uusap sila, sa tagal niya karelasyon ang anak nito ay ito rin ang unang pagkakaataon na inimbitahan siya nito. Pero sa hindi malaman na kadahilanan, kinakabahan siya maaring malaman o sabihin nito.“Huwag ka mag-aalala, andito ako.” Pinalalakas ni Lani ang loob ng kaibigan.Bumuga ng marahas si Bambi na nagtungo sa front desk, sa hindi malaman na kadahilanan ay ayaw silang pagbigyan ng una pero ng nagpakita na si Lani ay walang magawa ang babae kundi ang pumayag.Invasion of privacy pero hindi siya magpupunta dito kung hindi dahil sa sinabi ng ginang. Mas lalo tuloy kumakabog ang dibdib niya sa kaba.Humigpit ang hawak ni Bambi sa braso ng kaibigan ng makarating sa pinto ng kwarto. Wala siyang ibang ingay na ginawa, gamit ang susi na binigay sa kanila ay binuksan niya ang pinto na hindi umaagaw ng atensyon.Parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng mabilis na bumugad sa kaniya ang kama, kung saan natagpuan ang nobyo na naliligo s
"Son, hindi maganda kung nandiyan ako. Naisip ko na mas makakapag-usap at mas makikilala niyo ang isa't isa kung kayong dalawa lang. So, enjoy, you tw—" Masaya at puno ng pananabik na ani Tita Maria sa kabilang linya."Mom, ang sabi mo ay pupunta ka kaya ako pumayag." Lumingon si Nathan kay Bambi, kinuha ang kamay nito at ilang beses na pinisil. "At kasama ko si Bambi to announce something important.""What?!" singhal ng ina. "Ano na ang sasabihin ni Steph kung isinama mo pa ang babaeng 'yan?!""'Ano ang iisipin ni Bambi kung makita niyang kasama ko si Steph.' That's the right word, Mom." Pagtatama ni Nathan saka sunod-sunod na bumuga ng marahas na buntong-hininga.Walang imik ang ginang sa kabilang linya, nanginginig sa inis at gusto sanang sugurin si Bambi. Kung hindi lang dahil sa anak, matagal na sana niya itong hinarap. 'Panira talaga ang babaeng 'yon.'"Hahayaan ko na lang ang nangyari ngayon, Mom. Pero huwag mo nang uulitin," ani Nathan nang mapansin na hindi na nagsasalita ang
KABANATA IVFlashbackPuno ng pag-aalinlangan ang mukha ni Bambi habang nakatitig sa salamin, nakatuon ang pansin sa repleksyon ng lalaking nasa kanyang likuran. Pinuntahan siya nito upang ayain na sumama sa kanilang pupuntahan.Nalaman niya mula kay Nathan na nag-aaya ang ina nitong kumain sa labas. Subalit, hindi lamang iyon ang dahilan. Kasama kasi ng ginang ang anak ng kanyang kumare—hindi para muling magkita, kundi upang ibugaw ang anak sa iba.Halos taon na rin ang binibilang nila bilang magkasintahan. Matagal na ring alam ng pamilya ni Nathan ang tungkol sa kanila, ngunit patuloy pa rin ang ina nito sa pagtatangka na ipares ang anak sa iba. Dahilan?Simple lang—hindi raw siya nababagay kay Nathan. Kung sa paningin ng iba ay parang langit si Nathan, si Bambi naman ang lupa. Mariing tutol ang pamilya, lalo na ang ginang, na walang tigil sa paggawa ng paraan upang masira ang relasyon nilang dalawa.Marahil ay dahil iyon sa pamilya at antas ng buhay na kinalakhan niya kaya't hindi
KABANATA IIIWalang imik si Bambi habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Lani. Hinihintay niyang magsalita ito at mag-umpisang magtanong, pero wala siyang narinig mula rito. Ramdam niya ang panakaw na sulyap nito sa kaniya, para bang naghahanap ng tamang tiyempo upang magsalita.Tinignan niya ang café na kanilang nilabasan. Nakatayo pa roon ang lalaking pinagbayaran niya ng pagkain. My body and service are more than a hundred fifty pesos. Ibig sabihin, aminado rin itong isa nga siyang bayarang lalaki.Sayang, gwapo pa naman. Pero kung tutuusin, karamihan ay kakapit sa patalim para mapunan ang kumakalam na sikmura at masuportahan ang araw-araw na gastusin. Ang problema lang, hindi naman ito mukhang dukha para umabot sa ganoong sitwasyon."So, paano mo kilala 'yung fafa na kasama mo kanina?" tanong ni Lani, may halong malisyang pahiwatig ang boses.Binalingan niya ang kaibigan, saka ibinalik ang tingin sa harapan. "Hindi ko siya kilala. Naupo lang siya bigla roon," pagsisinunga







