Masuk“Hindi mo kasalanan ‘yon.” Bumuga siya ng hangin saka isinandal ang likod sa elevator. “Hayaan mo na, sigurado na susunod na araw ay huhupa na ang usapan patunkol sa atin.”“Gusto mo i-clarify ko?”“Hindi sila maniniwala kahit abutin ka pa ng kinabukasan sa kakapaliwanag. Mas mabuti ng hayaan na, lilipas at makakalimutan din nila ‘yon.” Aniya.“Kung sa bagay.” Problemado din na usal ng binata saka sunod-sunod na bumuga ng hangin. “Isabay na kita sa pag-uwi?”“Hindi na, baka madagdagan pa ulit ang chismis patungkol sa atin. Mahirap na.” Mabilis na tanggi. Ayaw nya na mas lalong lumaki pa ang issue—mas lalo na ngayon na lahat ng mata ay nakatingin sa kanila.LUMIPAS pa ang tatlong araw, taliwas sa inaakala ni Bambi ang nangyayari sa paligid niya. Hindi nawala ang usapan patungkol sa kanila ni Cedric, mas lalo lang itong dumarami at kahit ang simpleng pagsasalubong nila ay binibigyan ng malisya ng mga tao sa paligid.Wala siyang naging problema, pilit na lumalayo sila sa isa’t isa ng bin
Walang tulog at hindi makapag-isip na maayos na pumasok sa trabaho si Bambi na may malaking itim sa ilalim ng mga mata. Matapos ang pag-uusap nila ni Lani ay nagpaulit-ulit sa isipan niya ang mga sinabi ng kaibigan, naguguluhan sa sarili, at gayon na rin sa nararadaman.Kaibigan ang tingin niya kay Kayde, magmula ng una ay hindi na nagbago iyon pero ang ginagawa niya para dito ay hindi gawain ng magkaibigan lang. At ganon din ang binata na bukas na bukas sa kaniya magmula ng magkita sila ulit.Nagdikit ang kilay ni Bambi ng mapansin ang titig sa kanya ng mga tao. May mali ba sa mukha ko o masyadong malaki ang eyebags ko? Isip-isip niya at ilang beses na pinunasan ang mukha. Hanggang sa makapasok sa loob ng opisina ay hindi maalis ang tingin ng mga ka-trabaho niya.“Ikaw ah, Bambi, may hindi ka sinasabi sa amin—” lumapit si Angel na may malaking ngiti sa labi at nag-umpisang sundot-sundutin ang tagiliran niya. “—kailan pa nag-umpisa ang relasyon niyong dalawa?” dagdag pa nito.“Ano ang
“May nangyari ba?” Ani Bambi na puno ng kuryosidad nsa tono ng pananalita.“Nangyari ‘yon nang mga bata pa kami, na-dengue siya at kinailangan na ma-confine ng ilang araw. Bumisita kaming apat ni Denis, nag-umpisa silng magtakutan na masyadong pinaniwalaan ni Kayde kaya magmula ng araw na ‘yon ay hindi na siya ulit nagpa-confine ulit unless naghihingalo na siya.”Kaya pala kahit anong pilit niya nakaraan ay laging ‘hindi’ o ‘ayaw’ ang sagot nito sa kaniya. Nang dahil lang sa naging kwentuhan nila—hindi naman kaya masyadong immature siya para maniwala hanggang ngayon sa kwento na iyon?“Kaya pala.” Hindi manlang ito nag-abala na sabihin sa kaniya ng gabing iyon. “K-kelan siya babalik—babalik pa ba siya?”“Iyon lang ang hindi ko sigurado.” Hindi siya nakaimik. Wala na ‘tong balak bumalik pagtapos ng lahat-lahat?Teka? Bakit ba siya apektado kung hindi na ito abalik? One-night standl lang naman ang nangyari sa kanila. At mas makabubuti na rin na hindi na sila magkita ulit—dahil hindi dap
Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ni Bambi ng dumapo ang tingin sa bakanteng upuan sa tabi. Wala si Kayde, matapos gumaling mula sa trangkaso ay nag-umpisa na rin ito magtrabaho. At kinakailangan bumalik sa branch kung saan ito tunay na nagtratrabaho.Limang araw na rin ang lumipas ng umalis ito, walang naging paramdam ang binata matapos ang pag-alis nito. Naging boring ang araw-araw para kay Bambi, siguro nasanay na siya sa resensya nito sa maigsing panahon.Mabili na lumipas ang oras, araw ngbiyernes at marami ang nag-uuwian. Balak niya manatili sa apartment ng dalawang araw at magpahinga, wala siyang ibang pupuntahan o makakausap dahil wala rin si Lani—hindi pa rin nakakauwi.“Ms. Bambi, sumabay ka na dito.” May ngitin pag-aaya ng lalaki. Ang sikretarya ng may-ari na siyang kasalukuyan na namamahala rito.Tinignan niya ang paligid, may iilang nakatingin sa pwesto niya at hinihintay ang magiging sagot. “Salamat na lang po, sir.” magalang na pagtanggi niya.Ramdam ni Bam
Tahimik na nag-uumagahan si Bambi at Kayde, parehas na walang umimik habang nanunuod ng balita sa cellphone ang dalaga. Hindi ito nakapasok sa trabaho ng dahil sa kaniya, nakokonsensya siya pero kahit ganon ay masaya sia na hindi siya iniwan nito.Mabugso-bugso pa rin ang ulan sa labas, maayos na ang pakiramdam niya matapos ang magdamag at maari na siyang umuwi ngayong araw na kaniyang pinagpapasalamat. Hindi niya kakayanin na manatili pa ng isang gabi sa hospital—ito ang ikamamatay niya, hindi ang lagnat.Sa gitna ng tahimik na pagkain nila, sunod-sunod na katok ang umagaw sa atensyon nilang dalawa. Tumayo si Bambi bago pinagbuksan ang dalawang lalaki na nasa labas—ang mga kaibigan ni Kayde pero kulang ng isa, wala si Garrie na kasalukuyan nasa bakasyon.“Good morning, Bam!” Denis.“Hi, Bambi!” Denrik.Pumasok ang dalawa, inilapag ang isang basket ng prutas bago inabot ang isang piraso ng gumamela na mukhang binunot lang sa labas ng hospital. “For you.”“Paano niyo na laman na andito
Bumalik sa aalala niya ang gabi ng nasa hotel sila. Nakayakap lang ang binata sa kanya buong gabi, hindi nito hinawakan ang maselan na parte ng katawan o kahit manyakin siya, yumakap lang ito at panay ang halik sa tutok ng ulo niya—na nagpapasecure sa pakiramdam niya mas lalo na habang nasa loob siya ng mga braso nito.“Hindi ako makakatulog.” dagdag pa nito.“Pag may hindi maganda kang ginawa—naku!” banta niya.“I Promise.” Sunod-sunod siyang bumuntong hininga, lumapit kay Kayde na mabilis umisod ng higaan at binigyan siya ng pwesto.Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ‘to. Siguro ay dahil may sakit ‘to at unang tinupok ng sakit ay ang utak niya? Umayos sila ng higa. Nakaunan siya sa braso nito habang nakayakap ito at nag-umpisang halik-halikan ang rurok ng ulo niya. Samantala, malayo ang katawan nila, delikado—baka tumirik ang mata niya.Ito ang paborito nitong pwesto? Nang nasa hotel sila ay ganon din ang pwesto nilang dalawa. Kung sabagay, mas secure siya sa ganong pwesto at







