Share

Chapter 4

Author: MystiCat
last update publish date: 2026-02-07 19:20:52

Cyanne’s POV

Nagising ako sa hindi pamilyar na katahimikan. Walang busina sa labas, walang ingay ng kapitbahay ibang-iba sa maliit naming inuupahan noon ni Mama. Sandali akong nakatitig sa kisame bago ko tuluyang maalala kung nasaan ako.

Condo ni Javier.

Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Diretso ako sa kusina at nagtimpla ng kape, umaasang ang simpleng gawain na iyon ay makapagpapakalma sa isip ko. Malinis ang paligid, halos walang bakas ng ibang tao parang kontrolado ang lahat, kabaligtaran ng buhay kong puno ng biglaang problema.

Habang hinahalo ko ang kape, may narinig akong yapak.

“Good morning.”

Napalingon ako at bahagyang nagulat. Nakatayo si Javier sa bungad ng kusina, bagong gising, simple lang ang suot. Wala ang pormal at malamig na anyo niya. Tao lang siya normal.

“Good morning, ah mag luluto sana ko ng almusal natin kaso napansin kong wala ka ng stocks. Kaya nag timpla nalang ako ng kape” sagot ko, may kaunting hiya sa boses.

“Ganun ba, hindi kasi ako madalas kumain dito kaya hindi ako namimili” nahihiyang sagot niya. Inabutan ko na rin siya ng kape.

Tahimik. Hindi awkward, pero ramdam ang pagitan parang parehong nag-iingat sa bawat galaw at salita.

“Hindi ako sanay na may kasamang iba sa umaga,” bigla niyang sabi.

Napangiti ako nang bahagya. “Ako rin.”

***

Javier’s POV

Nagkakape kami nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napahinto ako nang makita ko kung sino ang tumatawag si Mommy. Napatingin ako kay Cyanne, at sa isang tango niya, sinagot ko ang tawag.

“Mom, napatawag ka?” pilit kong kinakalma ang boses ko kahit kabado na ako.

“Sino ang inuwi mong babae sa condo mo?” diretso niyang tanong. “Nakita ka ng mga amiga ko. May kasama ka raw na babae pag-uwi.”

Parang biglang bumigat ang dibdib ko. Napatingin ako kay Cyanne bago muling nagsalita.

“Ah… girlfriend ko po. Dito ko muna siya pinatuloy kasi wala siyang matutuluyan sa ngayon.”

“Girlfriend?” gulat na gulat si Mommy. “Bakit hindi mo sinabi sa amin na may girlfriend ka na pala? Dalhin mo siya rito mamaya. Magdi-dinner tayo. Gusto na naming makilala ng Daddy mo.”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko.

“S-sige po,” sagot ko. “See you later.”

Agad kong ibinaba ang tawag at humarap kay Cyanne.

“Nakita raw tayo ng kaibigan ni Mommy na umuwi dito,” paliwanag ko. “Gusto ka nilang makilala. Mukhang napaaga ang pagharap natin sa kanila.”

“S-sige,” sagot niya sabay lunok. “Papasok muna ako sa kwarto para makapag-review… tungkol sa’yo. At tungkol sa atin.”

Simple ang mga salita niya, pero bakas sa boses niya ang kaba. Hindi lang siya ang kinakabahan ako rin.

Tahimik ang byahe namin papunta sa mansyon. Ramdam ko ang tensyon niya kaya dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya. Agad siyang napatingin sa’kin.

“’Wag ka kabahan,” bulong ko. “Nandito ako. Hindi kita pababayaan.”

Ngumiti siya maliit lang, pero sapat para bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.

Ilang minuto lang ay naroon na kami. This is it. The show is about to start.

Bago kami pumasok, muli kong hinawakan ang kamay niya. Hindi na siya kumontra. Kasama iyon sa napagkasunduan naming gawin sa harap ng mga magulang ko.

Pagpasok namin, agad kaming sinalubong ng mga magulang ko sa sala—nakangiti, halatang naghihintay.

“Hi, anak,” bati ni Mommy. “Sakto ang dating n’yo, handa na ang hapunan.”

Dumiretso kami sa dining area.

“So, iha,” bungad ni Dad, “kumusta ang mga magulang mo?”

Saglit na natigilan si Cyanne. Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa.

“Missing in action po ang tatay ko,” maingat niyang sagot. “Bata pa lang po ako nang mawala siya. Nanay ko lang po ang kasama ko. Sa ngayon po, nasa ospital siya, nagpapagaling.”

“Pasensya na,” mahinang sabi ni Mommy.

“Okay lang po,” sagot ni Cyanne.

“May work ka ba?” singit ni Dad.

“Opo,” sagot niya. “Sa Villamor Group po. Warehouse helper.”

Biglang nagkatinginan ang mga magulang ko. 

“Sa kumpanya namin?” tanong ni Mommy.

“Opo,” sagot niya, halatang nagulat din.

Lumipat kami sa sala pagkatapos kumain. Small talk na lang tungkol sa trabaho niya at araw-araw niyang ginagawa sa warehouse. Tahimik lang ako, pero napapansin kong hindi inaalis ni Mommy ang tingin kay Cyanne.

***

Scarlett’s POV

Hindi na sila nag tagal dahil may pasok pa raw sila bukas kaya umuwi na rin sila agad.

“Napansin mo ba?” tanong ko.

Tumango siya. “Kamukha niya.”

Hindi na ako nag paligoy pa. “Tawagan mo na.”

Tahimik siyang tumango at kinuha ang cellphone niya. Lumayo siya ng kaunti, mahina ang boses habang may kinakausap.

“Magsimula ka agad,” narinig kong sabi niya.

Kinabukasan, dumating na ang resulta ng pina imbestigahan namin.Si Cyanne nga ang anak ng mga taong matagal na naming kalaban sa negosyo.

Mukhang hindi lang puso ng anak ko ang nasa panganib ngayon kundi ang buong pamilyang Villamor. Kailangan kong mapigilan ang relasyon nila bago pa mauwi ito sa kasalan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paid to Say I Do   Chapter 163

    Tiffany’s POVHindi ako lumingon.Ayokong marinig pa ang kahit anong lalabas sa bibig niya.Ayokong makita pa ang mukha ng taong buong buhay ko hindi naman pala talaga naging parte ng buhay ko.Isang hakbang. Dalawa.Malapit na ako sa pinto.“Hindi mo ba siya sasabihan?”Boses ni Isabella.Huminto ang paa ko.Hindi dahil gusto kong makinig kundi dahil may kakaiba sa tono niya.Hindi galit. Hindi malamig.Kundi parang… nagmamadali.Dahan-dahan akong lumingon.“Nga ano?” tanong ko.Tahimik siya sandali.Nakatingin lang sa’kin mula sa hagdan.Pero bago pa siya makasagotBiglang may kumalabog sa labas.Isang malakas na yabag.Sunod pa.At sa isang iglapBumukas ang pintuan.Hindi isa. Hindi dalawa.Kundi sunod-sunod.Mga lalaking naka-itim.Armadong lahat.Mabilis ang galaw.Diretso sa loob.Napaatras ako nang kusa.Reflex.Pero hindi ako natakot.Kasi sa paraan pa lang ng pagkilos nila alam ko na agad kung kanino sila.Kay Isabella.Tahimik ang buong bahay.Walang sumigaw.Walang gumal

  • Paid to Say I Do   Chapter 162

    Tiffany’s POVHindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta.Hindi ko na kailangan.Ramdam ko na.Sa bigat ng hangin.Sa tahimik ni Javier.Sa paraan ng paghawak niya sa manibela—mahigpit, kontrolado, pero halatang may iniisip.Huminto ang sasakyan.Isang lumang bahay.Hindi engrande.Pero hindi rin basta-basta.Tahimik.Parang matagal nang walang nakatira pero may nagbabantay.“Dito,” sabi ni Javier.Hindi tanong.Hindi suggestion.Desisyon.Bumaba ako.Hindi ako nag-atubili.Kung ito na ‘yon tatapusin ko na.Pagpasok namin, sumalubong ang amoy ng lumang kahoy at alikabok.Pero may isa pang amoy.Pamilyar.Hindi ko maipaliwanag.Parang nakilala ko na dati.“Stay behind me,” bulong ni Javier.Hindi ako sumunod.Lumampas ako sa kanya.“Hindi na,” sagot ko.“Hindi na ako magtatago.”Hindi na siya kumontra.Hinayaan niya ako.At ilang hakbang pa may bumungad.Isang lalaki.Nakatayo sa gitna ng sala.Parang kanina pa naghihintay.Hindi na siya bata.Pero hindi rin mahina.Maayos ang postu

  • Paid to Say I Do   Chapter 161

    Tiffany’s POV Hindi dahil hindi ko maintindihan.Kundi dahil… masyado kong naiintindihan.Matagal ko nang alam na iba ang ama ko.Hindi siya yung pangalan na ginamit ko buong buhay ko.Alam ko na ‘yon.Matagal na.Pero—“Anak… ng iisang lalaki.”Doon ako tinamaan.Doon ako napahinto.Hindi sa katotohanang may iba akong ama.Kundi sa katotohanang hindi lang pala ako.“Magkapatid kayo.”Parang may biglang bumigat sa dibdib ko.Hindi hangin.Hindi takot.Kundi isang bagay na ayaw kong pangalanan.Napatingin ako kay Javier.Hindi ako humihingi ng sagot.Kasi alam ko narinig niya rin.At pareho kami ng iniisip.Dahan-dahan akong lumingon.Sa lalaking nasa sahig.“Ulitin mo,” sabi ko.Mahina.Pero buo.Ngumiti siya.Parang hinihintay niya ‘to.“Pareho kayong anak,” sabi niya ulit.Mas malinaw.Mas madiin.“Ng iisang lalaki.”Napahigpit ang kamay ko sa gilid ng damit ko.Hindi ako umiiyak.Hindi ako sisigaw.Pero may kumakalmot sa loob ko.“Si Isabella…” bulong ko.Hindi ko na kailangan tap

  • Paid to Say I Do   Chapter 160

    Javier’s POVHindi ako agad nakapagsalita.Yung sinabi niya hindi pumasok agad.Parang tumama… pero hindi pa nagsi-sink in.“Anak ka ng taong sumira sa buhay niya.”Nanlaki ang mga mata ko.Dahan-dahan kong binalik ang tingin sa lalaking hawak ko.Mas humigpit ang kapit ko sa collar niya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” mababa kong tanong.Malamig.Kontrolado.Pero sa loob ko gumagalaw na ang lahat.Ngumiti siya.Parang natutuwa pa.Parang hinihintay lang na itanong ko.“Hindi mo pa alam?” sagot niya.Hindi ko na napigilan.Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha niya.Napaatras siya, napaluhod.Pero hindi siya tumahimik.Hindi pa rin.“Sumagot ka,” madiin kong sabi.Lumapit ako ulit.Hinila siya pataas.“Anong koneksyon nila Isabella kay Cyanne?”Dumura siya ng dugo sa gilid.Tapos tumingin sa’kin diretso.“Pareho silang anak,” sabi niya.Isang segundo.Dalawa.Hindi ako gumalaw.“Anak… ng iisang lalaki.”Parang may sumabog sa ulo ko.Napaatras ako ng kalahating hakbang.Hind

  • Paid to Say I Do   Chapter 159

    Tahimik ang kwarto pero hindi kalmado.Ramdam ko sa hangin pa lang.May nagmamadali.May paparating.Hindi na ito yung katahimikan ng pahinga.Kundi yung katahimikan bago may mangyari.Nakabihis na ako.Simpleng damit lang, pero bawat galaw ko may kirot. Hindi pa rin okay ang katawan ko pero wala na akong pakialam.Mas masakit yung nawala.At hindi na ako papayag na may sumunod pa.Sa gilid ng kama, maingat kong inilalagay ang ilang gamit sa bag.Kaunti lang.Yung kailangan lang.Wala nang luho.Wala nang arte.Survival na lang.Narinig ko ang pag-click ng pinto.Pumasok si Javier.Diretso ang lakad.Walang salita.Pero kita ko agad handa na siya.“Malapit na,” sabi niya, mababa ang boses.Tumango lang ako.Hindi na kailangan ng mahabang usapan.Pareho na naming alam.Lumapit siya sa’kin at kinuha ang bag.“Ako na,” sabi niya.Hinayaan ko.Pero hindi ako tumigil.Tiningnan ko ang paligid ng kwarto parang sinisigurado ko kung may naiwan ba akong mahalaga.Pero ang totoo wala naman na.

  • Paid to Say I Do   Chapter 158

    Javier’s POVHindi pa rin ako kumakalma.Kahit ilang minuto na akong nakatayo sa hallway, nakatitig lang sa kawalan hindi pa rin bumababa yung galit.Mas lalo pa nga.Parang mas lumalala habang tumatagal.Biglang nag-vibrate ang phone ko.Isang mensahe.Unknown number.Nanikip agad ang dibdib ko.Hindi na ako nag-atubili.Binuksan ko.“Masakit mawalan, ‘no?”Nanlaki ang mga mata ko.Sumunod agad ang isa pang mensahe.“Ngayon alam mo na pakiramdam.”Napahigpit ang hawak ko sa phone.Isabella.Wala nang ibang gagawa nito.“Pero huwag kang mag-alala…” “Simula pa lang ‘yan.”“Damn it…” madiin kong bulong.Tumawag ako agad.Hindi na nag-ring.Sinagot agad.“Hello, My husband.”Malamig.Kalma.Parang wala lang.Parang hindi siya ang dahilan kung bakit may nawalan ng buhay.“Nasaan ka?” diretso kong tanong.Walang emosyon.Pero sa loob ko gusto ko siyang durugin.Mahina siyang natawa.“Miss mo na ako agad?”“Stop the game,” putol ko.“Hindi na ito laro.”Tahimik siya sandali.“Para sa’yo si

  • Paid to Say I Do   Chapter 34

    Scarlett’s POVHindi ako sanay mag hintay.Kapag may plano ako, ginagawa ko agad.Nasa harap ko ang final layout ng engagement party. Venue secured, media invited, strategic partners confirmed. Lahat carefully curated.At syempre… personal kong siniguradong nakatanggap ng invitation si Veronica.Hi

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • Paid to Say I Do   Chapter 35

    Javier’s POVDumating ang araw na ito nang mas mabilis kaysa inaasahan ko.Nakatayo ako sa harap ng salamin ng hotel suite na inihanda para sa amin. Maayos ang suit. Perfect ang fit. Flawless ang itsura.Para sa iba, isa itong selebrasyon.Para sa akin… isa itong battlefield.Mula sa bintana, tanaw

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • Paid to Say I Do   Chapter 32

    Javier’s POVNakaharap ako sa bintanta ng opisina, nakatingin sa mga sasakyan sa ibaba.Tahimik ang paligid, pero ramdam ko ang bigat ng sitwasyon.Hindi ko pwedeng hayaang mapahamak si Cyanne sa plano ni Mom.Kailangan ko siyang protektahan, at kailangan ko ring makuha ang clarity mula sa tunay ni

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • Paid to Say I Do   Chapter 28

    Cyanne’s POVNagising ako dahil sa kakaibang katahimikan.Hindi ‘yung tahimik na payapa… kundi ‘yung tahimik na parang may pumipigil.Lumabas ako ng kwarto at agad ko silang nakita sa sala—si Javier, ang mga magulang niya, at si Veronica. Lahat sila nakatayo. Lahat sila tahimik.Parang may naputol

    last updateLast Updated : 2026-03-21
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status