Share

Chapter 5

Penulis: MystiCat
last update Tanggal publikasi: 2026-02-06 03:52:43

Javier’s POV

Naging maayos naman ang pagpapakilala ko kay Cyanne kagabi, medyo nabawasan na ang kaba ko. Ang hindi ko lang maintindihan, bago ako matulog ay nakatanggap ako ng message mula kay Mommy.

Pinapapunta niya ako ulit sa mansyon.May kailangan daw kaming pag-usapan.

Hindi ako nag-atubili. Maaga akong umalis at nag-iwan na lang ng maikling note sa ref para mabasa ni Cyanne pag gising niya.

Pagdating ko sa mansyon, diretso akong tumungo sa study room. Doon daw kami mag-uusap.

At doon ko na-realize hindi ito basta simpleng usapan.

Sa study room lang kami nagkakaharap kapag seryoso ang pag-uusapan. At base pa lang sa bigat ng katahimikan, alam kong may paparating na hindi ko magugustuhan.

“Anak,” panimula ni Mommy,, “kailangan natin mag-usap tungkol kay Cyanne.”

“May problema ba?” tanong ko. Kumabog ang dibdib ko.

“Makipag hiwalay ka na kay Cyanne dahil hindi kayo pwedeng magpakasal,” diretsong sabi ni Dad.

Parang may humampas sa akin. “Ha? Anong ibig n’yong sabihin?”

Nagkatinginan sila bago muling nagsalita si Mommy. “May nalaman kami tungkol sa kanya.”

Huminga ako nang malalim. “At ano ’yon?”

“Dating escort si Cyanne.”

Nanlamig ang katawan ko. Saglit akong napatawa hindi dahil nakakatawa, kundi dahil alam ko naman na yon.

“So? ’Yon na ’yon?” mariin kong sagot. “Alam ko yun at past niya ’yon.”

“Hindi mo naiintindihan,” singhal ni Dad. “Makakaapekto ’yan sa pangalan ng pamilya natin.”

“Mas importante ba ang pangalan natin kaysa sa taong mahal ko? Matagal na kami ni Cyanne hindi lang ako nagsasabi sa inyo dahil baka husgahan niyo lang siya at hindi nga ako nag kamali” bigla kong nasabi. Natigilan sila.

Tumingin ako kay Mommy. “Mahal ko siya. At kahit anong sabihin n’yo, siya ang pakakasalan ko.”

Tumahimik ang silid. Mabigat. Unti-unting tumigas ang ekspresyon ni Mommy hindi galit, kundi may iniisip.

Nagpalitan sila ng tingin. Si Mommy ang unang nagsalita.

“Kung desisyon mo ’yan,” sabi niya, “hindi ka na namin pipigilan.”

Nagulat ako. Akala ko ipipilit nila ang gusto nila.

“Pero tandaan mo,” dagdag niya, “hindi lahat ng laban ay tungkol sa puso.”

Hindi ko masyadong inintindi ang huli niyang sinabi. Ang mahalaga sa akin hindi na nila kami pipigilan mag pakasal.

Tumalikod ako at lumabas ng silid, dala ang paniniwalang tapos na ang usapan.

***

Scarlett’s POV

“Akala ko ba ayaw mo kay Cyanne dahil anak siya ni Veronica?” tanong ng asawa ko.

“Hindi nagbago ’yon,” sagot ko nang walang emosyon. “Pero narinig mo ang anak natin handa niyang ipaglaban ang babae.”

“Oo, pero akala ko pipigilan natin siya. Bakit ka pumayag agad?” may halong inis niyang sabi.

Hindi ako napangiti dahil sa saya kundi dahil may naisip ako.

“Hindi ako pumayag dahil gusto ko si Cyanne para kay Javier,” sagot ko. “Pumayag ako dahil maaaring ito na ang pagkakataon nating pabagsakin ang mga Mondragon.”

Napakunot ang noo niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

Napabuntong-hininga ako. “Simple lang. Habang nasa atin si Cyanne, magagamit natin siya laban sa mga Mondragon.”

Nanlaki ang mata niya bago dahan-dahang tumango. “Sa bagay… maganda ’yan. Pero paano si Javier?”

“Hindi niya kailangang malaman,” sagot ko. “Magagalit lang siya at lalo pang susuway sa atin.”

Saglit kaming na tahimik.

“Matagal na nating hinintay ’to,” sabi ko. “Pagkatapos ng napakaraming taon, may pagkakataon na tayong tapusin ang laban.”

Tumingin siya sa akin, seryoso.

“Kung ’yan ang paraan para tuluyang matalo ang mga Mondragon…”

Tumango ako.

 “Then so be it.”

Malinaw na sa akin ang isang bagay, hindi lahat ng digmaan kailangang may dugo, sapat na ang isang tao.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Paid to Say I Do   Chapter 163

    Tiffany’s POVHindi ako lumingon.Ayokong marinig pa ang kahit anong lalabas sa bibig niya.Ayokong makita pa ang mukha ng taong buong buhay ko hindi naman pala talaga naging parte ng buhay ko.Isang hakbang. Dalawa.Malapit na ako sa pinto.“Hindi mo ba siya sasabihan?”Boses ni Isabella.Huminto ang paa ko.Hindi dahil gusto kong makinig kundi dahil may kakaiba sa tono niya.Hindi galit. Hindi malamig.Kundi parang… nagmamadali.Dahan-dahan akong lumingon.“Nga ano?” tanong ko.Tahimik siya sandali.Nakatingin lang sa’kin mula sa hagdan.Pero bago pa siya makasagotBiglang may kumalabog sa labas.Isang malakas na yabag.Sunod pa.At sa isang iglapBumukas ang pintuan.Hindi isa. Hindi dalawa.Kundi sunod-sunod.Mga lalaking naka-itim.Armadong lahat.Mabilis ang galaw.Diretso sa loob.Napaatras ako nang kusa.Reflex.Pero hindi ako natakot.Kasi sa paraan pa lang ng pagkilos nila alam ko na agad kung kanino sila.Kay Isabella.Tahimik ang buong bahay.Walang sumigaw.Walang gumal

  • Paid to Say I Do   Chapter 162

    Tiffany’s POVHindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta.Hindi ko na kailangan.Ramdam ko na.Sa bigat ng hangin.Sa tahimik ni Javier.Sa paraan ng paghawak niya sa manibela—mahigpit, kontrolado, pero halatang may iniisip.Huminto ang sasakyan.Isang lumang bahay.Hindi engrande.Pero hindi rin basta-basta.Tahimik.Parang matagal nang walang nakatira pero may nagbabantay.“Dito,” sabi ni Javier.Hindi tanong.Hindi suggestion.Desisyon.Bumaba ako.Hindi ako nag-atubili.Kung ito na ‘yon tatapusin ko na.Pagpasok namin, sumalubong ang amoy ng lumang kahoy at alikabok.Pero may isa pang amoy.Pamilyar.Hindi ko maipaliwanag.Parang nakilala ko na dati.“Stay behind me,” bulong ni Javier.Hindi ako sumunod.Lumampas ako sa kanya.“Hindi na,” sagot ko.“Hindi na ako magtatago.”Hindi na siya kumontra.Hinayaan niya ako.At ilang hakbang pa may bumungad.Isang lalaki.Nakatayo sa gitna ng sala.Parang kanina pa naghihintay.Hindi na siya bata.Pero hindi rin mahina.Maayos ang postu

  • Paid to Say I Do   Chapter 161

    Tiffany’s POV Hindi dahil hindi ko maintindihan.Kundi dahil… masyado kong naiintindihan.Matagal ko nang alam na iba ang ama ko.Hindi siya yung pangalan na ginamit ko buong buhay ko.Alam ko na ‘yon.Matagal na.Pero—“Anak… ng iisang lalaki.”Doon ako tinamaan.Doon ako napahinto.Hindi sa katotohanang may iba akong ama.Kundi sa katotohanang hindi lang pala ako.“Magkapatid kayo.”Parang may biglang bumigat sa dibdib ko.Hindi hangin.Hindi takot.Kundi isang bagay na ayaw kong pangalanan.Napatingin ako kay Javier.Hindi ako humihingi ng sagot.Kasi alam ko narinig niya rin.At pareho kami ng iniisip.Dahan-dahan akong lumingon.Sa lalaking nasa sahig.“Ulitin mo,” sabi ko.Mahina.Pero buo.Ngumiti siya.Parang hinihintay niya ‘to.“Pareho kayong anak,” sabi niya ulit.Mas malinaw.Mas madiin.“Ng iisang lalaki.”Napahigpit ang kamay ko sa gilid ng damit ko.Hindi ako umiiyak.Hindi ako sisigaw.Pero may kumakalmot sa loob ko.“Si Isabella…” bulong ko.Hindi ko na kailangan tap

  • Paid to Say I Do   Chapter 160

    Javier’s POVHindi ako agad nakapagsalita.Yung sinabi niya hindi pumasok agad.Parang tumama… pero hindi pa nagsi-sink in.“Anak ka ng taong sumira sa buhay niya.”Nanlaki ang mga mata ko.Dahan-dahan kong binalik ang tingin sa lalaking hawak ko.Mas humigpit ang kapit ko sa collar niya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” mababa kong tanong.Malamig.Kontrolado.Pero sa loob ko gumagalaw na ang lahat.Ngumiti siya.Parang natutuwa pa.Parang hinihintay lang na itanong ko.“Hindi mo pa alam?” sagot niya.Hindi ko na napigilan.Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha niya.Napaatras siya, napaluhod.Pero hindi siya tumahimik.Hindi pa rin.“Sumagot ka,” madiin kong sabi.Lumapit ako ulit.Hinila siya pataas.“Anong koneksyon nila Isabella kay Cyanne?”Dumura siya ng dugo sa gilid.Tapos tumingin sa’kin diretso.“Pareho silang anak,” sabi niya.Isang segundo.Dalawa.Hindi ako gumalaw.“Anak… ng iisang lalaki.”Parang may sumabog sa ulo ko.Napaatras ako ng kalahating hakbang.Hind

  • Paid to Say I Do   Chapter 159

    Tahimik ang kwarto pero hindi kalmado.Ramdam ko sa hangin pa lang.May nagmamadali.May paparating.Hindi na ito yung katahimikan ng pahinga.Kundi yung katahimikan bago may mangyari.Nakabihis na ako.Simpleng damit lang, pero bawat galaw ko may kirot. Hindi pa rin okay ang katawan ko pero wala na akong pakialam.Mas masakit yung nawala.At hindi na ako papayag na may sumunod pa.Sa gilid ng kama, maingat kong inilalagay ang ilang gamit sa bag.Kaunti lang.Yung kailangan lang.Wala nang luho.Wala nang arte.Survival na lang.Narinig ko ang pag-click ng pinto.Pumasok si Javier.Diretso ang lakad.Walang salita.Pero kita ko agad handa na siya.“Malapit na,” sabi niya, mababa ang boses.Tumango lang ako.Hindi na kailangan ng mahabang usapan.Pareho na naming alam.Lumapit siya sa’kin at kinuha ang bag.“Ako na,” sabi niya.Hinayaan ko.Pero hindi ako tumigil.Tiningnan ko ang paligid ng kwarto parang sinisigurado ko kung may naiwan ba akong mahalaga.Pero ang totoo wala naman na.

  • Paid to Say I Do   Chapter 158

    Javier’s POVHindi pa rin ako kumakalma.Kahit ilang minuto na akong nakatayo sa hallway, nakatitig lang sa kawalan hindi pa rin bumababa yung galit.Mas lalo pa nga.Parang mas lumalala habang tumatagal.Biglang nag-vibrate ang phone ko.Isang mensahe.Unknown number.Nanikip agad ang dibdib ko.Hindi na ako nag-atubili.Binuksan ko.“Masakit mawalan, ‘no?”Nanlaki ang mga mata ko.Sumunod agad ang isa pang mensahe.“Ngayon alam mo na pakiramdam.”Napahigpit ang hawak ko sa phone.Isabella.Wala nang ibang gagawa nito.“Pero huwag kang mag-alala…” “Simula pa lang ‘yan.”“Damn it…” madiin kong bulong.Tumawag ako agad.Hindi na nag-ring.Sinagot agad.“Hello, My husband.”Malamig.Kalma.Parang wala lang.Parang hindi siya ang dahilan kung bakit may nawalan ng buhay.“Nasaan ka?” diretso kong tanong.Walang emosyon.Pero sa loob ko gusto ko siyang durugin.Mahina siyang natawa.“Miss mo na ako agad?”“Stop the game,” putol ko.“Hindi na ito laro.”Tahimik siya sandali.“Para sa’yo si

  • Paid to Say I Do   Chapter 61

    Scarlett’s POVMagdamag akong hindi umalis sa ospital.Tahimik ang kwarto.May steady rhythm ng heart monitor.May amoy ng antiseptic sa hangin.Stable na siya.Head trauma. Fractured rib.Walang internal bleeding.Pero hindi pa rin ako mapakali.Bandang madaling araw, gumalaw siya.Unti-unting imi

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-27
  • Paid to Say I Do   Chapter 49

    Cyanne’s POVPagpasok ko sa kwarto… napahinto ako.Maayos.Hindi lang basta maayos kundi perpekto.Walang kahit isang alikabok sa ibabaw ng mesa.Maayos ang kama, plantsado ang bedsheets, parang hindi ito kwarto na matagal nang walang nakatira.Parang… may naghihintay.Dahan-dahan akong naglakad pa

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-25
  • Paid to Say I Do   Chapter 51

    Javier’s POVHindi ko alam kung anong klaseng kaba ang nararamdaman ko ngayon.Kanina pa ako balisa. Kaninang umaga, tumawag na ako kay Veronica. Sinabi ko sa kanya na nawawala si Cyanne.Pero sa sobrang gulo ng isip ko, saka ko lang na-realize hindi man lang siya nag-panic.Hindi man lang siya nag

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-25
  • Paid to Say I Do   Chapter 50

    Javier’s POVHindi ko na alam kung ilang tawag na ang ginawa ko.Security.Reception.Driver.Kahit ang secretary ko.Walang nakakita kay Cyanne na lumabas ng may kasama.Walang nakakaalam kung saan siya pumunta.Parang naglaho siya.Isang araw na lang bago ang kasal.Isang araw.Hindi ako mapakali

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-25
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status