MasukEverything is peaceful for Emely. Akala niya ay nahanap na niya ang buhay na gusto niya…malayo sa mga taong minsang naging bahagi ng nakaraan niya at nakatuon lamang sa pagpapalaki sa kanyang anak. Ngunit paano kung isang araw ay muli niyang makaharap ang lalaking pilit niyang tinakasan? Ang ama ng kanyang anak. Paano kung ang lalaking iyon ay hindi lamang basta bumalik sa buhay niya, kundi siya rin palang bagong boss niya? Sa bawat araw na magkasama sila sa iisang opisina, mas nagiging mahirap para kay Emely na itago ang katotohanan. Ngunit hanggang kailan niya maikukubli ang lihim na nag-uugnay sa kanila? At kapag nalaman ng kanyang boss na mayroon silang anak, handa ba siyang harapin ang mga sikreto ng nakaraan at ang damdaming hindi kailanman tuluyang nawala?
Lihat lebih banyakNanginig ang kamay ni Emely habang nakatingin sa harap niya at halos hindi na makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib niya.
Pakiramdam niya ay parang may malaking bato na nakadagan sa dibdib niya habang unti-unting nanlalamig ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa takot, kaba, o dahil sa gulat na hindi niya inaasahang mararamdaman muli matapos ang ilang taon.
Kung alam niya lang na makikita niya ang lalakeng tinatakasan niya sa loob ng tatlong taon ay hindi na sana siya pumunta sa meeting na ito at hindi na siya nag renew ng contract pa rito.
Mas gugustuhin pa niyang maghanap ng ibang trabaho kaysa harapin ang taong pilit niyang kinalimutan.
Ang taong naging dahilan kung bakit tuluyang nagbago ang buhay niya. Ang taong iniyakan at minahal niya ng subra.
Parang nong isang araw lang ay kalat ang pagkakaroon ng isang bagong boss sa kompanya, isang boss na magaling sa negosyo, pero masyadong mainitin ang ulo at walang sinasanto.
Halos lahat ng empleyado ay iyon ang pinag-uusapan sa pantry, elevator, at maging sa group chat nila.
Sabi ng iba, sobrang talino raw nito pagdating sa negosyo, na lahat ng hinahawakan niya ay talaga namang nagiging matagumpay.
Sabi naman ng iba, wala raw itong pakialam kahit gaano pa katagal sa kumpanya ang isang empleyado. Kapag hindi nito nagustuhan ang trabaho mo, sisibakin ka agad.
Ang narinig niya lang ay naipamana na ang kompanya rito dahil ito lang naman din ang kaisa isang tagapagmana ng kompanya dahil ang mga kapatid nito ay may mga sarili ring kompanya, pero rinig niya rin na may sarili din naman na kompanya ito na pinaghirapan niyang itayo, pero hindi lubos akalain ni Emely na ito ang lalakeng tinataguan at tinatakasan niya sa loob ng ilang taon.
Ni hindi nga niya pinagtuonan ng pansin ang pagbabago ng boss nila dahil ang gusto lang niya ay magkaroon siya ng pera para mapagtustos sa pangangailangan ng anak niya.
Hindi niya akalaing sa laki ng mundo ay dito pa sila muling magkikita.
Sa mismong lugar kung saan araw-araw siyang nagtatrabaho.
Sa mismong lugar kung saan wala siyang mapagtataguan.
Nakatayo ito sa harapan, maganda ang tikas ng katawan, matangkad at talaga namang titiklop ang isang babae kapag may ginawa ito.
Kitang-kita pa rin ang natural nitong karisma kahit hindi naman ito ngumingiti.
Ang mamahaling suit na suot nito ay lalong nagbigay ng awtoridad sa presensya nito.
Kitang kita ang kagwapuhan kahit na nakakunot ang noo, ang isang kamay ay nakatago sa bulsa ng slacks nito.
Mas mature na ito ngayon.
Mas seryoso.
Mas malamig.
At mas nakakatakot.
“What? Do you all think this is a playground? You are fvcking giving me a proposal na kahit bata ay magagawa! This is a big company, yet you all give me this sh1ts?” Sarkastikong tanong na ni Alexander kaya halos naging maamong tupa ang lahat at halos hindi an nga rin sila makahinga sa takot.
Parang bumigat ang hangin sa loob ng conference room.
Walang kahit sino ang naglakas-loob na sumagot.
Ang iba ay nakayuko.
Ang iba naman ay hindi makatingin nang diretso rito.
Kumabog pa lalo ang dibdib ni Emely nang mapansin niya ang paglibot ng tingin nito sa lahat.
Pakiramdam niya ay para siyang isang kriminal na anumang oras ay matutuklasan.
Gusto na lang tuloy ni Emely ang itago at ibaon ang sarili niya sa lupa para hindi siya nito makita.
Kung maaari lang sana ay maglaho siya sa mismong sandaling iyon.
“Who the fvcking shit in charge of this fvcking project?” Muling tanong nito gamit ang nakakatakot na boses.
Nanlaki lang ang mata ni Emely nang tumayo ang katabi niyang si Linda, na siyang in charge sa project na ginagawa at hindi alam ni Emely kung dahil sa kaba lang o hindi, o baka namamalik mata lang siya, pero halos mawalan siya ng hangin sa katawan nang magtama saglit ang mata nilang dalawa bago tignan ang tumayong nasa katabi niya.
Ilang segundo lang iyon.
Napakaiksi.
Pero para kay Emely ay parang tumigil ang oras.
Parang bumalik ang lahat ng alaala na pilit niyang ibinaon sa limot.
Humigpit pa lalo ang hawak ni Emely sa papel at tumatagaktak na ang pawis sa kanya.
Pakiramdam niya ay nanginginig na rin maging ang tuhod niya.
“Sir, a-ako po ang in charge,” kinakabahan din namang sambit ni Linda.
“Oh? It’s you? You damn fvcking useless. This is a big fvcking project, yet you are giving me this kind of paper and presentation? Do you want to lose your job right now?” Galit pa rin, pero may halo ng sarkastiko ang boses nito.
Namutla si Linda.
Maging ang ibang empleyado ay napalunok.
Natahimik ang lahat sa tinuran nito at walang naglakas loob pa na nagsalita.
Tanging tunog ng aircon at mabilis nilang paghinga ang maririnig sa buong silid.
Akala ni Emely ay muli pa itong magsasalita ng masasakit na salita, pero tuluyan nang nanuyo ang lalamunan niya na imbes kay Linda nakatingin ang bago nilang boss ay sa kanya na ito nakatingin, tumagal pa ang tingin nito bago muling tumingin sa Powerpoint at saka sa papel na hawak.
Parang may kung anong bumalot sa buong katawan niya.
Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito.
Hindi niya malaman kung nakilala pa ba siya nito o hindi, o baka nakalimut na dahil hindi naman siya importanteng tao para sa kanya.
At iyon ang mas lalong nagpalala ng kaba niya at hindi niya na maintindihan ang sarili niya sa ngayon!
“Umalis na kayo at siguraduhin niyong kapag ibabalik niyo sa akin yan ay maayos na, or else I’ll replace you all and make a reform on this company,” mariin na lang na sambit ni Alexander at saka seryoso nang naupo at saka may pinindot sa laptop sa harap niya.
Nag-unahan pa ang iba sa paglabas, sa takot na baka bigla na lang bawiin ng bago nilang boss ang sinabi at panatilihin pa roon.
Halos magkabanggaan pa nga ang ilan sa pagmamadaling makalabas.
Dahil sa takot sa meeting, halos sabay sabay pang huminga ng malalim ang lahat nang makalabas sila.
“Grabe, nakakatakot siya,” sambit pa ni Daryll, isa sa kasama niya sa team.
“Gwapo sana, pero nakakatakot,” sambit pa ni Linda habang hawak ang dibdib na para bang magkakaroon na ito ng sakit sa puso sa nangyare.
“Ako yata ilang taon nabawas sa buhay ko,” reklamo pa ng isa nilang kasamahan.
Nagkatawanan pa ang iba, pero halatang pilit lamang iyon para mabawasan ang tensyon.
Habang si Emely ay para nang naging isang zombie habang naglalakad dahil hindi pa rin siya makapaniwala na sa loob ng pagtatago niya at pagtakas sa lalakeng minahal niya noon ay bigla na lang magcocross ang landas nila sa pinagtatrabahuan pa niya.
She sighs as she remembers her son, ang anak niyang anak rin ng boss niya ngayon.
Agad na sumagi sa isip niya ang masayahing mukha ng bata.
Ang anak na buong buhay niyang inalagaan mag-isa.
Ang anak na hindi kailanman nakilala ang ama nito.
Muli siyang suminghab nang mapagtantong subrang hirap ng nangyayare sa buhay niya ngayon.
Parang kailan lang ay maayos ang buhay niya bilang single mom, tapos ngayon ay biglang naging komplekado ang lahat.
3 years.
It’s been 3 years since they broke up.
Tatlong taon na niyang tinatakasan ang ama ng anak niya at tatlong taon na rin niyang tinatago kay Alexander na nagkaanak sila.
Tatlong taon na niyang pinaniniwala ang sarili na hindi na sila muling magkikita.
Na mananatiling lihim ang lahat.
Na hindi nito malalaman ang tungkol sa batang bunga ng isang pagkakamali.
She was just really afraid.
She’s afraid that he’ll know about their Son, dahil ang relasyon nila noon ay laro lang naman para kay Alexander, it’s not that serious, it’s a game, larong bigla na lang nagbunga ng isang bata.
At iyon ang pinakakinatatakutan niya.
Paano kung malaman nito?
Paano kung kunin nito ang anak niya?
Paano kung sabihing wala itong pakialam?
Alin man sa dalawang iyon ay ayaw niyang mangyari.
“Kainis!” Singhal na lang ni Emely at saka inuntog ang noo sa lamesa niya dahil hindi naman na niya alam kung ano ba ang iisipin niya o gagawin.
Isang beses.
Dalawang beses.
Tatlong beses.
Hanggang sa napalingon ang ilan niyang katrabaho sa kanya.
Pero wala na siyang pakialam.
Dahil sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon...
pakiramdam niya ay unti-unting bumabalik ang magulong nakaraan na pilit niyang tinakasan.
“Mama, ayan ka na naman. Ayos na nga, matagal na ’yon,” sambit naman ni Emely nang hindi tinitingnan ang mama niya.Pinilit niyang gawing magaan ang boses niya.Ayaw niyang marinig ng kaniyang ina kung gaano kasakit para sa kaniya ang mga salitang iyon.“Matagal na ’yon.”Iyon ang lagi niyang sinasabi.Pero ang totoo, kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi nangangahulugang tuluyan nang nawawala ang sakit.“Hindi ito ang pinangarap ng ama mo para sa’yo. Matagal na? Kahit anong tagal no’n, hindi na mababago na ikinasal ka sa isang matanda para lang hindi makulong ang ama mo. Kaya sa tingin mo ba ayos lang ’yon? Hanggang ngayon ay sinisisi ko ang desisyon namin ng ama mo—”Napayuko si Emely.Ayaw niyang marinig iyon.Ayaw niyang balikan ang mga araw na iyon.Dahil alam niyang kapag nagsimula na ang kaniyang ina, mahihirapan na naman siyang pigilan ang sarili niyang maalala ang lahat.“Ma, wala naman na, hindi ba? Patay na siya kaya huwag na natin siyang pag-usapan,” she said and even sto
Chapter 10“Oh? Ba’t hindi ka pa natutulog? Hindi ka makatulog?” Inangat ni Emely ang tingin at tiningnan ang mama niya.Gabi na... hindi... mali... madaling-araw na, pero hindi pa rin talaga magawang makatulog ni Emely.She couldn’t stop thinking about why Alexander did that.Hindi niya maipagkakaila na talagang nagulo na nito ang isip niya. Nagulo na nito ang buong pagkatao niya pagkatapos ng nangyaring ’yon.She could still feel his lips on hers.Kahit ilang beses na niyang subukang isipin na wala lang iyon, hindi niya magawang burahin sa isip niya ang nangyari. The memory was still fresh in her mind, as if it had only happened a few seconds ago.Pakiramdam niya ay naroon pa rin ang init ng mga labi ni Alexander sa kaniyang mga labi. The way he suddenly pulled her closer, the way he looked at her, and the way he kissed her without even giving her a chance to understand what was happening…lahat ng iyon ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya.She could still remember how he looked a
“Huh?” gulat na gulat na tanong ni Linda. Halos mapatayo pa siya sa gulat habang nakatingin sa secretary ni Alexander. Tumitig lang si Emely sa laptop niya at hindi na tiningnan ang secretary ni Alexander na nasa harapan nilang lahat. “Ah, yes. Huwag na raw i-revise. Pipirmahan na ni Sir ang proposal and report ng team niyo. Binasa niya ulit, and I think nagustuhan na niya,” sambit nito. Pero kahit nakangiti ang secretary, ramdam ni Emely ang tingin nito sa kanya. Parang may alam. At iyon ang lalong nagpailang sa kanya. Hindi sinabi ni Emely sa mga kasamahan niya ang sinabi ni Alexander. Ayaw niyang sabihin dahil baka kung ano-ano ang isipin ng mga ito. She didn't want to explain. She didn't even know how to explain what happened herself. Lung magtatanong sila kung ano ba ang nangyare sa pagpunta niya roon ay talagang hindi niya alam kung ano man ang sasabihin niya. And she definitely couldn't tell them the truth. Not after what happened. Kinagat ni Emely ang labi niya at
Alam niyang malabo iyon.Sobrang labo.Pero hindi niya mapigilang asarin ito bigla.“Of cour—” Galit na bulyaw ni Alexander.Pero muli na naman itong natigilan nang hawakan ni Emely ang kurbata nito.Napatingin si Alexander sa kamay niya.Then he cursed under his breath.“Kapag ba sinabi kong nanlalalaki ako, magvo-volunteer ka?” Napatawa nang kaunti si Emely.Pero hindi niya napansin kung paano bumaba ang tingin ni Alexander sa labi niya.Hindi niya rin napansin ang pagbabago sa ekspresyon nito.Napapikit na siya habang natatawa, pero halos manlaki ang mata niya nang bigla niyang maramdaman ang kamay ni Alexander sa bewang niya.“Ano bang—”“Kiss me and I'll give you this whole day to fix that fvcking report of yours.”Biglang natigil ang oras sa narinig ni Emely. Pakiramdam niya ay nabingi siya at mali lang ang pagkakadinig niya.Hanggang sa maramdaman niya ang haplos ni Alexander sa likod niya at makita ang ngisi sa labi nito.Nalaglag ang panga ni Emely.For a second, she couldn't












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan