Share

Chapter 6

Author: MystiCat
last update publish date: 2026-02-02 16:00:59

Cyanne’s POV

“Anong oras na, Javier? Nasaan ka na ba?” Para na akong nababaliw dito dahil kanina pa ako palakad-lakad sa sala, habang kinakausap ang sarili ko.

Paano ba naman kasi, kaninang umaga pa umalis si Javier, hanggang ngayon hindi pa nakababalik. Hatinggabi na, sumabay pa ang lakas ng ulan na may kasamang kulog at kidlat. Hindi naman sa concerned ako sa kanya, pero nag-aalala talaga ako. Baka mamaya may nangyari na pala sa kanya, tapos andito lang ako sa condo niya, prenteng nakaupo.

Maghapon lang akong naglinis sa condo niya para hindi naman nakakahiya na nakikitira ako tapos wala pa akong naitutulong dito. Huling message niya sa akin kanina, nasa mansyon na raw siya wala nang sumunod pa. Di ba, sinong hindi mag-aalala doon?

Nandito lang ako sa sala, naghihintay na dumating siya. Kaloka, akala mo naman talaga asawa ko yung hinihintay ko.

“Huy, anong nangyari sa’yo? Wala ka bang payong at basang-basa ka ng ulan?” natataranta kong sambit habang papalapit sa kanya.

“Naiwan ko kasi ang payong ko. Ulan lang naman ’to, okay lang ako.”

Pumunta muna ako sa kwarto para kumuha ng towel bago bumalik sa sala at inabot iyon sa kanya.

“Dapat hindi ka na sumugod sa ulan. Hinintay mo muna sana na tumila,” sermon ko sa kanya habang pinagmamasdan ko siyang magpunas ng katawan niya. Bigla naman akong natulala dahil, sa pagkakabasa niya ng ulan, mas kumapit sa katawan niya ang damit niya na siyang dahilan kung bakit bumakat ang abs niya. Napaiwas ako ng tingin, at alam kong napansin niya iyon dahil bigla siyang tumawa.

“Nag-alala kasi ako sa’yo. Baka hinihintay mo ’ko makauwi, kaya nagmadali na ’ko. Hindi ko naman akalain na hinihintay mo nga ako.”

Bigla naman akong nahiya. Bakit ko nga ba siya hinihintay? Eh wala naman akong dapat pake kung late ba siyang makauwi.

“A-anong hinihintay? Hindi kaya kita hinihintay. Hindi lang talaga ako makatulog kaya nasa sala pa ’ko. Hindi ko naman alam na assumero ka pala,” mabilis kong sagot. Napangiti lang siya sa sinabi ko.

“Okay, sabi mo eh. By the way, kumain ka na ba? Sorry, late akong nakauwi. Dumiretso kasi ako sa office pagkatapos ko sa mansyon,” paliwanag niya habang patuloy pa ring nagpupunas ng sarili.

“Ah, oo. Kumain na ’ko. Nagluto ako kanina ng pagkain natin sana, kaso hindi ka naman pala makakauwi agad. Ikaw ba, kumain ka na? Gusto mo bang initin ko yung pagkain?” Ngumiti siya nang bahagya sa sinabi ko.

“Bakit ka nakangiti riyan? Para kang baliw,” naiinis kong tanong.

“Ang cute mo kasi. Para kang asawa ko kung umasta,” simpleng sagot niya.

Agad naman akong nahiya dahil late ko na na-realize na tama siya. Bakit nga ba ganito ako umasta?

“A-anong asawa ka diyan. Syempre, nahihiya ako sa’yo. Nakikitira lang ako rito, kaya dapat lang na tumulong ako sa’yo.” Nagmadali akong bumalik sa sala at naupo na lang, baka ano pa masabi ko.

Nakita kong naglakad siya papunta sa kusina at tiningnan kung ano yung niluto ko. Simpleng adobo lang naman ’yon kasi wala naman kaming masyadong nabili kahapon sa grocery.

“Kumain na ’ko kanina, pero puwede pa naman ’to bukas. Ilalagay ko na lang sa ref,” sabi niya habang inilalagay na ang adobo sa ref.

Nakita ko siyang papalapit sa’kin, kaya bigla akong nataranta. Hindi ko alam kung anong klaseng upo ang gagawin ko.

“Kamusta naman ang araw mo? Napansin kong malinis ang condo. Hindi mo naman kailangan maglinis dito. Bisita ka, hindi ka katulong dito. Besides, you’re going to be my bride soon.”

Bigla namang uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Lalo akong hindi mapakali. Hindi ko alam, pero biglang uminit yung pakiramdam ko kahit ang lamig-lamig dito.

Hindi pa man ako nakakasagot, bigla na lang siyang naghuhubad ng damit sa harap ko.

“H-huy, anong ginagawa mo? Bakit ka naghuhubad dito?”

Hindi niya ’ko sinagot. Sa halip, dahan-dahan siyang lumapit sa’kin.

“Javier, a-ano ba… hindi ako nakikipagbiruan sa’yo, ah,” sabi ko, pero ngumisi lang siya habang patuloy na lumalapit sa kinauupuan ko. Wala na ’kong maurungan pa dahil nasa dulo na ’ko ng sofa.

“Bakit ka nauutal? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking n*******d?” pang-asar niyang tanong.

Hindi ko alam kung ano ’tong nararamdaman ko, pero nag-iinit yung katawan ko. Sobrang lapit na niya sa’kin, at kitang-kita ko na may mga patak pang tumutulo sa katawan niya.

“Javier, tumigil ka nga. Hindi nakakatuwa ang trip mo.” Pero imbes na lumayo siya, tuluyan na siyang nakalapit sa’kin. Isang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa’kin.

“I just want to say… good night,” bulong niya sa tenga ko, sapat para tumayo ang balahibo ko.

Tumayo siya nang maayos at naglakad papunta sa kwarto niya, habang ako iniwan niyang nakatulala. Tumayo na rin ako at pumasok sa kwarto ko. Dahan-dahan akong naupo sa kama habang iniisip ang nangyari kanina sa sala.

Humiga na rin ako dahil ang gabi na. Kailangan ko nang matulog dahil pupunta ako sa ospital bukas para bisitahin si Mama.

Hindi pa man lumalalim ang tulog ko nang makarinig ako ng kalabog sa kabilang kwarto. Agad akong tumakbo papunta kay Javier para tingnan kung ano yung kumalabog. Kumatok muna ako sa kwarto niya bilang respeto dahil ayaw ko namang biglang pumasok. Walang sumagot, kaya nagdesisyon na akong buksan ang pinto.

Nagulat ako nang makita kong nasa sahig na si Javier tulog, pero nanginginig. Paano nangyari na nalaglag siya sa kama? Agad ko siyang nilapitan para alalayan pabalik sa kama niya.

“Javier, tumayo ka diyan…” Nagulat ako nang hawakan ko siya dahil sobrang init niya. Inaapoy na siya ng lagnat, siguro dahil sobra siyang naulanan kanina. Nahihirapan akong itayo siya dahil ang bigat niya.

Naitayo ko na siya, pero hindi ko inaasahan na matutumba kaming dalawa. Ang awkward pa ng naging pwesto namin dahil nakapatong ako sa kanya. Hindi ako maka-alis dahil bigla siyang yumakap sa akin. Sinusubukan kong kumawala sa yakap niya pero lalo niyang hinigpitan. 

“Dito ka lang…” mahinang sambit niya, halos pabulong paos at mainit ang hininga.

“Bitaw na. Nilalagnat ka. Pupunasan kita para bumaba ’yang init mo,” sabi ko, pilit na matatag kahit nanginginig na rin ang boses ko.

Kumawala siya sa yakap, pero hindi niya inalis ang tingin niya sa’kin.

Doon ko napansin gising na siya. At hindi lang basta gising. Yung mga mata niya… diretso, seryoso, parang may pinipigilan. Para bang may gustong sabihin pero hindi makahanap ng tamang salita.

Tinangka kong tumayo, pero bigla niyang hinawakan ang pulso ko hindi mahigpit, hindi marahas. Parang pakiusap.

“Sandali,” sabi niya.

“Javier…” napahina ang boses ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa init ng palad niyang dumidikit sa balat ko.

Hindi siya sumagot agad. Parang nag-iipon muna siya ng lakas o tapang. Naramdaman ko yung bigat ng katahimikan sa pagitan namin, yung tunog ng ulan sa labas, yung munting paghinga niya na parang hindi pantay.

Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya, at hinaplos yung gilid ng mukha ko sobrang banayad, halos nakakatakot. Para akong napako sa pwesto, hindi ko mahanap kung saan ilalagay yung mga kamay ko, o yung mga mata ko.

Tiningnan niya ako mula sa mga mata ko pababa sa mga labi ko, tapos bumalik ulit sa mga mata ko. Parang sinusukat niya kung tatakbo ba ako.

“Kung ayaw mo…” paos niyang sabi, “sabihin mo.”

Huminga ako nang malalim. Gusto kong magsalita. Gusto kong umangal, magbiro, magtago sa tapang-tapangan ko… pero walang lumabas. Ang totoo, hindi ako umatras.

Isang segundo pa. Dalawa. Tatlo.

At saka niya ako hinila palapit sobrang dahan-dahan na para bang binibigyan niya ako ng pagkakataong umiwas hanggang sa huli.

Naramdaman ko yung init ng noo niya, yung dampi ng hininga niya sa labi ko. Halos magkadikit na kami, pero huminto pa siya sa pinakadulo isang pulgadang pagitan, isang manipis na guhit ng hangin na parang sobrang ingay sa gitna ng katahimikan.

“Please,” bulong niya.

At doon… dumampi.

Hindi agad mariin. Hindi agad malalim. Isang halik na parang tanong na “pwede ba?” at nang hindi ko siya itinulak, nang hindi ako umatras…

Saka lang niya pinatagal. Mas buo. Mas totoo. Parang may matagal na siyang kinikimkim at ngayon lang niya pinakawalan pero maingat pa rin, parang takot siyang masira yung sandaling ’to.

“I want you,” bulong niya, halos wala nang pagitan ang mga labi namin. “Can I have you?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paid to Say I Do   Chapter 163

    Tiffany’s POVHindi ako lumingon.Ayokong marinig pa ang kahit anong lalabas sa bibig niya.Ayokong makita pa ang mukha ng taong buong buhay ko hindi naman pala talaga naging parte ng buhay ko.Isang hakbang. Dalawa.Malapit na ako sa pinto.“Hindi mo ba siya sasabihan?”Boses ni Isabella.Huminto ang paa ko.Hindi dahil gusto kong makinig kundi dahil may kakaiba sa tono niya.Hindi galit. Hindi malamig.Kundi parang… nagmamadali.Dahan-dahan akong lumingon.“Nga ano?” tanong ko.Tahimik siya sandali.Nakatingin lang sa’kin mula sa hagdan.Pero bago pa siya makasagotBiglang may kumalabog sa labas.Isang malakas na yabag.Sunod pa.At sa isang iglapBumukas ang pintuan.Hindi isa. Hindi dalawa.Kundi sunod-sunod.Mga lalaking naka-itim.Armadong lahat.Mabilis ang galaw.Diretso sa loob.Napaatras ako nang kusa.Reflex.Pero hindi ako natakot.Kasi sa paraan pa lang ng pagkilos nila alam ko na agad kung kanino sila.Kay Isabella.Tahimik ang buong bahay.Walang sumigaw.Walang gumal

  • Paid to Say I Do   Chapter 162

    Tiffany’s POVHindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta.Hindi ko na kailangan.Ramdam ko na.Sa bigat ng hangin.Sa tahimik ni Javier.Sa paraan ng paghawak niya sa manibela—mahigpit, kontrolado, pero halatang may iniisip.Huminto ang sasakyan.Isang lumang bahay.Hindi engrande.Pero hindi rin basta-basta.Tahimik.Parang matagal nang walang nakatira pero may nagbabantay.“Dito,” sabi ni Javier.Hindi tanong.Hindi suggestion.Desisyon.Bumaba ako.Hindi ako nag-atubili.Kung ito na ‘yon tatapusin ko na.Pagpasok namin, sumalubong ang amoy ng lumang kahoy at alikabok.Pero may isa pang amoy.Pamilyar.Hindi ko maipaliwanag.Parang nakilala ko na dati.“Stay behind me,” bulong ni Javier.Hindi ako sumunod.Lumampas ako sa kanya.“Hindi na,” sagot ko.“Hindi na ako magtatago.”Hindi na siya kumontra.Hinayaan niya ako.At ilang hakbang pa may bumungad.Isang lalaki.Nakatayo sa gitna ng sala.Parang kanina pa naghihintay.Hindi na siya bata.Pero hindi rin mahina.Maayos ang postu

  • Paid to Say I Do   Chapter 161

    Tiffany’s POV Hindi dahil hindi ko maintindihan.Kundi dahil… masyado kong naiintindihan.Matagal ko nang alam na iba ang ama ko.Hindi siya yung pangalan na ginamit ko buong buhay ko.Alam ko na ‘yon.Matagal na.Pero—“Anak… ng iisang lalaki.”Doon ako tinamaan.Doon ako napahinto.Hindi sa katotohanang may iba akong ama.Kundi sa katotohanang hindi lang pala ako.“Magkapatid kayo.”Parang may biglang bumigat sa dibdib ko.Hindi hangin.Hindi takot.Kundi isang bagay na ayaw kong pangalanan.Napatingin ako kay Javier.Hindi ako humihingi ng sagot.Kasi alam ko narinig niya rin.At pareho kami ng iniisip.Dahan-dahan akong lumingon.Sa lalaking nasa sahig.“Ulitin mo,” sabi ko.Mahina.Pero buo.Ngumiti siya.Parang hinihintay niya ‘to.“Pareho kayong anak,” sabi niya ulit.Mas malinaw.Mas madiin.“Ng iisang lalaki.”Napahigpit ang kamay ko sa gilid ng damit ko.Hindi ako umiiyak.Hindi ako sisigaw.Pero may kumakalmot sa loob ko.“Si Isabella…” bulong ko.Hindi ko na kailangan tap

  • Paid to Say I Do   Chapter 160

    Javier’s POVHindi ako agad nakapagsalita.Yung sinabi niya hindi pumasok agad.Parang tumama… pero hindi pa nagsi-sink in.“Anak ka ng taong sumira sa buhay niya.”Nanlaki ang mga mata ko.Dahan-dahan kong binalik ang tingin sa lalaking hawak ko.Mas humigpit ang kapit ko sa collar niya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” mababa kong tanong.Malamig.Kontrolado.Pero sa loob ko gumagalaw na ang lahat.Ngumiti siya.Parang natutuwa pa.Parang hinihintay lang na itanong ko.“Hindi mo pa alam?” sagot niya.Hindi ko na napigilan.Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha niya.Napaatras siya, napaluhod.Pero hindi siya tumahimik.Hindi pa rin.“Sumagot ka,” madiin kong sabi.Lumapit ako ulit.Hinila siya pataas.“Anong koneksyon nila Isabella kay Cyanne?”Dumura siya ng dugo sa gilid.Tapos tumingin sa’kin diretso.“Pareho silang anak,” sabi niya.Isang segundo.Dalawa.Hindi ako gumalaw.“Anak… ng iisang lalaki.”Parang may sumabog sa ulo ko.Napaatras ako ng kalahating hakbang.Hind

  • Paid to Say I Do   Chapter 159

    Tahimik ang kwarto pero hindi kalmado.Ramdam ko sa hangin pa lang.May nagmamadali.May paparating.Hindi na ito yung katahimikan ng pahinga.Kundi yung katahimikan bago may mangyari.Nakabihis na ako.Simpleng damit lang, pero bawat galaw ko may kirot. Hindi pa rin okay ang katawan ko pero wala na akong pakialam.Mas masakit yung nawala.At hindi na ako papayag na may sumunod pa.Sa gilid ng kama, maingat kong inilalagay ang ilang gamit sa bag.Kaunti lang.Yung kailangan lang.Wala nang luho.Wala nang arte.Survival na lang.Narinig ko ang pag-click ng pinto.Pumasok si Javier.Diretso ang lakad.Walang salita.Pero kita ko agad handa na siya.“Malapit na,” sabi niya, mababa ang boses.Tumango lang ako.Hindi na kailangan ng mahabang usapan.Pareho na naming alam.Lumapit siya sa’kin at kinuha ang bag.“Ako na,” sabi niya.Hinayaan ko.Pero hindi ako tumigil.Tiningnan ko ang paligid ng kwarto parang sinisigurado ko kung may naiwan ba akong mahalaga.Pero ang totoo wala naman na.

  • Paid to Say I Do   Chapter 158

    Javier’s POVHindi pa rin ako kumakalma.Kahit ilang minuto na akong nakatayo sa hallway, nakatitig lang sa kawalan hindi pa rin bumababa yung galit.Mas lalo pa nga.Parang mas lumalala habang tumatagal.Biglang nag-vibrate ang phone ko.Isang mensahe.Unknown number.Nanikip agad ang dibdib ko.Hindi na ako nag-atubili.Binuksan ko.“Masakit mawalan, ‘no?”Nanlaki ang mga mata ko.Sumunod agad ang isa pang mensahe.“Ngayon alam mo na pakiramdam.”Napahigpit ang hawak ko sa phone.Isabella.Wala nang ibang gagawa nito.“Pero huwag kang mag-alala…” “Simula pa lang ‘yan.”“Damn it…” madiin kong bulong.Tumawag ako agad.Hindi na nag-ring.Sinagot agad.“Hello, My husband.”Malamig.Kalma.Parang wala lang.Parang hindi siya ang dahilan kung bakit may nawalan ng buhay.“Nasaan ka?” diretso kong tanong.Walang emosyon.Pero sa loob ko gusto ko siyang durugin.Mahina siyang natawa.“Miss mo na ako agad?”“Stop the game,” putol ko.“Hindi na ito laro.”Tahimik siya sandali.“Para sa’yo si

  • Paid to Say I Do   Chapter 32

    Javier’s POVNakaharap ako sa bintanta ng opisina, nakatingin sa mga sasakyan sa ibaba.Tahimik ang paligid, pero ramdam ko ang bigat ng sitwasyon.Hindi ko pwedeng hayaang mapahamak si Cyanne sa plano ni Mom.Kailangan ko siyang protektahan, at kailangan ko ring makuha ang clarity mula sa tunay ni

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • Paid to Say I Do   Chapter 28

    Cyanne’s POVNagising ako dahil sa kakaibang katahimikan.Hindi ‘yung tahimik na payapa… kundi ‘yung tahimik na parang may pumipigil.Lumabas ako ng kwarto at agad ko silang nakita sa sala—si Javier, ang mga magulang niya, at si Veronica. Lahat sila nakatayo. Lahat sila tahimik.Parang may naputol

    last updateLast Updated : 2026-03-21
  • Paid to Say I Do   Chapter 22

    Veronica’s POVHindi ako mapakali buong maghapon.Alam na nila.Alam na ng mga Villamor na may anak kami.Kanina pa ako pabalik-balik sa sala. Hindi ko alam kung uupo ba ako o tatayo. Parang anumang gawin ko, hindi mababawasan ang bigat sa dibdib ko.“Veronica,” mahinang tawag ng asawa ko. “Halika

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Paid to Say I Do   Chapter 17

    Javier’s POVHindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon.Alam kong hindi pa dapat. Alam kong masyadong maaga. Pero habang nakikita ko siyang umiiyak sa harap ko, habang naririnig ko ang takot sa boses niya parang may kung anong pumutok sa loob ko.Mahal na kita.Tahimik siya.At sa katahimikang iyon,

    last updateLast Updated : 2026-03-19
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status