Liza's POV
Napag-alaman ko kay Ethan na nagsasama na pala sina Mara at Andrew sa iisang bubong.Tinanong niya ako kung papaano ko nakilala ang dalawang magkasintahan, sinabi ko na matalik akong kaibigan nuon ni Mara at ka-schoolmate ko naman si Andrew. Inamin na rin niya sa akin na may lihim siyang pagtingin para kay Mara.Masakit para sa akin ang isipin na ang dalawang lalaki sa buhay ko ay iisa lang din ang babaeng iniibig. Kaya magmula ng araw na iyon ay sinundan ko na si Andrew, kahit saan man siya magpunta. Inalaman ko rin ang lahat-lahat sa kaniya pati na ang mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Mara. Nasaksihan ko mismo ang pagtatalo nilang dalawa at ang takbo ng relasyon nilang dalawa.Inaakala ko nuon na masaya silang nagsasamang dalawa, pero napagtanto ko rin na hindi pala talaga lahat ay puro masasaya lang.Gayunpaman ay hindi ako makakapayag na magkaLiza's POVMakalipas ang ilang taon, magmula noong maghiwalay sina Mara at Andrew ay hindi ko naman inaasahang magkakaroon pala ng pag-asa si Ethan sa kaniya. Masaya ako para sa kaniya, lalo na sa dalawa kong matalik na kaibigan.Nagkaroon na rin ako ng lakas na loob upang ipagtapat kay Mara na matagal na kaming magkakilala dalawa ni Ethan.Gayunpaman ay hindi ko pa rin pinaalam sa kaniya kung paano kami nagkakilalang dalawa, dahil alam kong malulungkot lang siya kung babanggitin ko lang sa kaniya ang pangalan ni Andrew. Sa ilang taon na nakalipas ay marami na rin ang nagbago sa aming mga buhay. Gaya na lang ni Ethan na natupad din sa wakas ang pinapangarap niyang maging isang doktor, si Mara naman na nagmamanage ng isang boutique shop at ako, bilang isang wedding organizer.Actually, ako nga ang taga-manage sa nalalapit nilang kasal ni Ethan. Ngunit sa hindi
Kasalukuyang nasa loob ng wedding hall sina Andrew at Mara, upang tignan ang magiging venue ng nalalapit nitong kasal at para natin makatiyak kung ano pa ba ang kulang roon. "Ano, sumagot na ba?" tanong ni Liza kay Mara at pauli-ulit na niyang kinokontak ang phone number ni Ethan, pero wala ring sumasagot. "Hindi pa rin e," tugon niya na may pag-aalinlangan sa tono ng boses niya. "Ano ba naman iyan si Ethan! sigurado ka bang nasabi mo sa kaniya na ngayong araw ang praktis niyong dalawa?" ani ng kaibigan sa kaniya. "Oo naman, pinaalala ko pa nga sa kaniya 'yon kaninang umaga at nag-send din ako ng text messages sa kaniya para hindi niya makalimutan," turan niya na malungkot ang kaniyang mukha. "Baka busy si sir sa mga pasyente niya? ganoon talaga kapag doktor ang mapapangasawa mo, hindi lahat ng oras niya ay ilalaan niya lang sa'yo. Nagka-client
Nang makarating na si Mara sa harapan ni Andrew ay halos namumugtong ang kaniyang mga mata, habang nakayuko naman ang ulo ng binata. Umakbay siya sa braso nito at sabay na naglakad patungo sa altar. Sabay silang huminto sa paglalakad nang matunton na nila ang destinasyon nila. Natahimik silang lahat sa loob at bumitaw na rin si Mara sa kaniya. "Gusto mo bang makarinig ng kwento?" ang bigla na lang sumambit sa bibig ng dalaga kaya napaangat ng ulo si Andrew at napatingin sa kaniya. "Hindi ito ang unang karanasan ko na maikasal sa isang lalaki. I mean, minsan na akong kinasal pero..." huminto ito sandali sa pagsasalita at niyuko ang kaniyang ulo. "Pero, hindi siya dumating ng araw na iyon. Hinintay ko siya sa loob ng simbahan ng magdamag, hanggang sa makarating siya. Umaasa ako na babalikan niya ako, pero magmula non ay hindi na siya muli pang nagpakita sa akin," pagkarinig naman n
Kasalukuyang nasa loob ng italian restaurant si Mara, nakaupo sa reservation table na pina-reserve ni Ethan para sa kanilang dalawa at halos labing limang minuto na siyang naghihintay roon, ngunit hindi pa rin dumarating ang kaniyang nobyo.Nang may biglang nagsalita mula sa likuran niya at mabilis naman siyang napalingon sa pag-aakalang si Ethan na nga yung lalaking nakatayo roon."Mara?""Ethan-" subalit laking pagtataka na lamang niya nang makita si Andrew at tila parehas pa silang nagulat sa isa't-isa."A-anong ginagawa mo rito?" usisa ng dalaga sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa mukha niya.Halos napatayo rin siya at palingon-lingon sa paligid nila, upang hagilapin ang fiancee nito subalit ni anino nito ay wala siyang nakita."Pinapunta ako rito ni Mr. Ethan at may importante raw siyang sasabihin sa akin," ang tinugon naman ni
Sandaling hininto ni Andrew ang sasakyan sa isang tabi nang mapansin niyang nakatulog na pala si Mara sa tabi niya habang sila ay bumabyahe patungo sa bahay nito. Maingat siyang lumapit at inayos ang ulo nitong nakatabingi upang hindi mangalay ang kaniyang leeg. Pagkatapos non ay hinawi niya ang hibla ng buhok nitong natatakpan ang kalahati niyang mukha at saka sinilid sa likod ng tenga niya. Tahimik niya itong pinagmamasdan at naisipan niyang kuhanan ito ng litrato. Mga tatlong kuha ang ginawa niya at siyaka ito muling pinagmasdan ng maigi. "Paano ka nakakatulog ng mahimbing na katabi ako? ang lalaking nagpapaiyak sa'yo palagi at nagwasak ng iyong puso?" mahinang turan niya habang tinititigan niya ang maamo nitong mukha. "Patawad kung nanggulo na naman ako sa buhay mo. Patawad kung nagpakita na naman sa'yo ang manlolokong lalaking ito, patawad kung ito lang din ang magagawa
"Good morning, may i ask for, Doktor Ethan?" ang sabi ni Liza sa isang nurse receptionist sa nurse station. "Si Dok Ethan ba ang hinahanap mo?" kaagad din naman siyang napalingon sa babaeng doktor na nagsalita mula sa likuran niya. "Yes," tugon niya habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik. "Ako nga pala si doktor Ara, close friend at katrabaho ako ni dok Ethan." Pagpapakilala nito sa kaniya, sabay nilapag ang isa niyang kamay upang makipagkamayan sa kaniya. Hindi naman nagdalawang isip na hawakan ito ni Liza at ngumiti na lang sa kaniyang labi. "Ako naman si Liza, matalik niyang kaibigan." Pagpapakilala naman niya. "Ahh, i see. Puwede bang makausap muna kita sandali?" pagkasabi nito ay kaagad din naman silang nagtungo sa office nito, habang pinagmamasdan naman ng dalaga ang itsura ng office nito sa loob. "Pa
Mara's POV Mahigit dalawang linggo ko nang nakakasama si Andrew sa lahat ng mga lakad ko, upang kumpletuhin ang mga kakailanganin sa nalalapit naming kasal ni Ethan at kung saan siya din dapat ang gumaganap sa ginagampanan ni Andrew ngayon. Halos mahigit dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Ethan, ni hindi man lang siya tumatawag sa akin upang kamustahin ako o kahit alamin man lang ang lagay ng preparation namin para sa kasal.Sa tuwing tinatawagan ko naman siya sa phone number niya ay palagi siyang out of coverage o kaya naman ay abala sa pagtatrabaho niya bilang isang doktor. Subalit, habang lumilipas ang segundo, minuto, oras at panahon ay unti-unti na din nagiging delikado ang nararamdaman ko para kay Andrew. Pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa dating ako na marupok at patay na patay sa kaniya.Sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya ay mas lalo pan
Mara's POVTinungo ko ang hospital na nakasaad sa medical result ni Ethan. Sumakay ako ng taxi upang mas mapabilis ang pagpunta ko roon, pagkababa ko naman ng sasakyan ay pinagmasdan ko ng maigi ang nasabing hospital. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung hospital na kung saan na-confined ang lola-lolahan nuon ni Ethan at kung saan din ako dinala nuon ni Andrew nang ako ay mapilayan, pagkatapos kong madulas sa loob ng banyo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumuloy na nga ako sa loob nito. Pagkapasok ko naman sa loob ay nadatnan ko ang ilang mga pasyente roon na nagpapabilad sa araw o kaya naman ay naglalakad-lakad.Pinagmamasdan ko ang bawat paligid ko, nagbabakasakaling makikita ko lang siya doon bilang isa sa mga pasyente. Sinubukan ko muling tawagan siya sa phone number niya, pero nakapatay pa rin ito at wala akong ring na naririnig. Sa kabil