Share

Kabanata 1670

Lubos na kinilabutan si Catherine.

Kumunot ang mga kilay ni Shaun nang makita nito ang lalaki sa kanyang harapan. Bahagyang mas maliit ito kaysa sa kanya, at hindi niya maitatangging kaaya-aya itong tignan suot ang kanyang itim na suit. Gayumpaman, may pakiramdam si Shaun na hindi niya magugustuhan ang nasabing lalaki.

Lalo na noong narinig niyang tinawag nito si Catherine bilang ‘Wifey’,

“Cathy, sino siya?” Pabalang-balang na tanong ni Shaun habang hinahawakan nito ang kamay ni Catherine.

Nang masulyapan ni Wesley ang mga mata ni Shaun, tumambad sa mukha nito ang pangmamata. “Asawa niya ako.”

Kumurap ang mga mata ni Shaun. “Ano ang ‘asawa’?”

Napatawa si Wesley. “Nabalitaan ko ngang nasiraan ka ng pag-iisip, pero ngayong nakita na kita, napatunayan ko na.”

“Sino’ng nasiraan ng pag-iisip? Ikaw ang sira ang pag-iisip!”

Pagkatapos manahimik ng ilang sandali ay naalala ni Shaun iyong napanood niya sa telebisyon noong hapong iyon, kaya dinagdag niyang, “Basta pangit, mahilig manggul
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status