Share

Kabanata 59

”Baka sabay tulak ako paalis sa kama.”

“Pwede mo siyang lasingin hanggang sa wala na siyang magawa. Nawawala ang kontrol ng mga lalaki sa kanilang sarili ‘pag lasing sila. Magiging madali ang mga bagay kung buntis ka sa anak niya. Ang posisyon mo bilang reyna ng pamamahay ay sigurado na kahit ‘di mo na ipaglaban. Tama, dapat mong planuhin ito sa mga araw na kakatapos lang ng regla mo dahil iyon ang pinaka fertile mong araw.”

Nagbuhol-buhol ang utak ni Catherine dahil sa iba’t-ibang iniisip niya. Nagpaplano na siya dating magbuntis bago pa pumasok sa relasyon.

“Pero hindi niya ako mahal. Ang pamilyang ganoon ay hindi magandang kapaligiran para sa bata…”

“Dapat pinaghandaan mo na ito nung napagdesisyunan mong pakasalan siya ng biglaan,” pagputol sa kanya ni Freya, “Isa pa, kung gusto mong maghiganti, ‘di ba? Ito ang pinaka magandang paraan para masama sa Lowe family at makagawa ng gulo para sa kanila gamit ang posisyon mong asawa ni Shaun Hill. Isipin mo kung gaano iyon ka sarap sa p
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status