LOGINLUCY'S POV
“Minerva told me you did something shameful, have you lost your mind?!” bungad ni papa sa akin. “ Ano nalang ang sasabihin ng pamilyang Hidalgo sa atin?! Ano ang pumasok sa kokote mo at nagpakasal ka sa bodyguard mo, Lucy?!” Hinanap ng mata ko ang babae sa likuran ni papa na nanatiling nakaupo sa loob ng kotse, nakangisi siyang pinapanuod ako. Ano na naman ang pinagsasabi nito at ganito ang reaksyon ni papa? Hindi niya talaga kayang patahimikin ang buhay ko kahit umalis na ako kung nasaan sila! Sinamaan ko siya ng tingin, kung p’wede lang pumatay gamit ang mga mata ay kanina pa siyang naghihingalo! “I'm talking to you, Lucy!” Umangat muli ang kamay ni papa. Hindi na ako nag abalang iwasan ‘yon. “Honey!” Nagmamadaling bumaba sa kotse si Minerva at hinawakan ang braso ni papa. “Huwag mo namang masyadong saktan si Lucy. Gan'yan din naman ako sa’yo noon, hindi ba? Hindi ako makapaghintay na makasal sa'yo,” malambing niyang sabi. Gusto ko nang masuka sa mga salitang narinig ko mula sa babae ni papa. Of course, nagawa nga niyang sirain ang pamilya namin, maikasal lang siya kay papa. Isang sarkastikong tawa ang lumabas sa bibig ko. “‘Wag mo akong itulad sa’yo, Minerva. Hindi ako naninira ng pamilya para—” “Lucy!” nanggagalaiting sigaw ni papa sa akin. Tiningnan ko si papa nang walang halong kahit anong emosyon kung hindi galit at pagkadismaya lamang. “Sinasabi ko lang ang totoo, papa. Tatanggapin kong pinapagalitan mo ako kung napahiya ko ang pangalan natin pero hindi ko tatanggapin na maihalintulad sa hitad mong kabit—” Isang sampal ulit ang natanggap ko mula kay papa pero ngayon ay mas masakit na. Hindi dahil mas malakas ito kung hindi dahil sinaktan niya ako para ipagtanggol ang babaeng sumira sa kung anong meron ako— nang kung anong meron kami ni mom nang nabubuhay pa siya. “Mr. Russ, nakahanda na po ang tanghalian. Pumasok na po kayo sa loob. Masyado pong mainit dito sa labas at hindi maganda sa kalusugan n'yo ngayon iyon, mas mainam kung sa loob kayo mag-usap-usap,” ani Feron habang pasulyap-sulyap sa akin. “Tama ang bodyguard mo, Leandro. Tara na sa loob. Kailangan mo ring kumalma dahil hindi makakabuti ‘yan lalo na at dumadalas ang pagpunta natin sa hospital,” ani Minerva at saka inalalayan si papa papasok. Doon palang lumabas si Mich mula sa kotse. Halata ang takot at awa sa mukha niya ng magtama kami ng tingin. “A-Ate Lucy, sorry kung nagpunta kami rito,” nanginginig ang labi na sambit niya. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na ayos lang, pero tuwing nakikita ko ang mukha ni Minerva sa kaniya ay hindi ko magawang dalhin ang sarili ko para gawin iyon. Tanging ngiti lang ang nagawa ko at tapik sa balikat niya. Sana ay sapat na iyon para pagaanin ang loob niya. “Ms. Mich, pumasok ka na sa loob. May mga niluto si Manang Beng na mga paborito mong,” singit na naman ni Feron nang mahalata niya ang awkwardness sa pagitan naming dalawa ni Mich. Lumiwanag na kahit paano ang mukha ni Mich. Mabilis lang talaga pasayahin pag bata pa. Agad siyang tumakbo at sumunod kina papa sa loob ng mansion. Hindi naman ito ang unang beses na pumunta sila rito kaya alam na rin niya ang pasikot-sikot. “Ayos ka lang ba?” May kung anong rahan sa boses ni Feron na parang humahaplos sa dibdib ko, pakiramdam ko tuloy ay maluluha ulit ako kahit hindi ko gusto. “Ikaw kaya ang masampal, magiging ayos ka lang kaya?” Hindi ko mapigilan na maging sarkastiko at ikutan siya ng mata. “Sinampal mo ako kanina pero ayos lang naman ako, so ibig sabihin ay ayos ka lang at hindi ko na kailangan kumuha ng yelo para lagyan ‘yan,” sabi niya at tinalikuran ako. “Sayang lang, may dahilan ka sana para hindi humarap sa hapagkainan—” Hinablot ko ang dulo ng suit uniform niya. “Fine! Masakit ang pisngi ko na parang pinapaso sa sobrang init…” Unti-unting humina ang boses ko nang makita ko ang kakaibang tingin niya sa mukha ko. Napaigtad pa ako ng maramdaman ang hinlalaki niyang maingat na hinaplos ang pisngi ko. “Hindi ka na sana sumagot. ‘Yang bibig mo kasi ay masyadong magaspang,” aniya at sa labi ko naman humaplos ang daliri niya. Tinapik ko ang kamay niya. “At hahayaan ko na lang ang babaeng ‘yon na siraan ako?” “Hindi ba mas mainam kung tahimik mo siyang gagantihan kaysa harap-harapan? Sino ang napasama sa harap ni Mr. Russ kanina, hindi ba’t ikaw rin?” Umiling-iling siya na para bang maling-mali ako. “Bakit? Kapag ikaw ba, tahimik kang gumanti sa mga taong may ginawa sa’yong masama?” Tinaasan ko siya ng kilay. Akala mo naman talaga ay may kaaway siya. Tumayo siya nang matuwid at saka namulsa. Tumingin pa siya sa langit at ngumisi bago sumagot. “Kung ako ang gaganti, hindi ko hahayaang maisip nila na kalaban ako, Ms. Lucy.” Saglit akong napatitig sa kaniya at natigilan. Sa mga oras na iyon ay para akong nawalan ng salita na isasagot sa kaniya…Parang ibang Feron ang nagsasalita ngayon sa harapan ko. “Bakit gan’yan mo ako tingnan? Sinagot ko lang ang tanong mo, Ms. Russ.” Bumalik na ang dati niyang halos walang emosyon na mukha. “Binibigyan na nga kita ng ideya eh,” makahulugan niyang dagdag. Umismid ako, nagiging madaldal na siya. “Tigilan mo ako. Hindi ko akalaing totoo pala ang sabi na pag tahimik ang isang tao ay may iniisip siyang kakaiba.” Nauna na akong naglakad papasok sa mansyon. Kahit paano ay nabawasan ang bigat ng dibdib ko sa nangyari dahil sa kakulitan ni Feron. “Wala akong kakaiba na iniisip, Ms. Russ.” habol niya sa akin para makahabol ngunit ang distansya namin sa isa’t-isa bilang bodyguard ko ay andoon pa rin, nanatili siyang nasa likuran ko lang. “Whatever, mauna na ako sa kuwarto.” Hinawi ko ang buhok ko at nilagpasan ang dining room. Narinig ko pa si papa na tinatawag ako. “Kakakain lang po niya Mr. Russ, isa pa ay kailangan ko pong gamutin ang pisngi nya…” Hindi ko na narinig ang iba pang palusot ni Feron kay papa nang tuluyan na akong makalayo sa kanila. Isa pa ay hindi ko rin naman malulunok ang pagkain kung kaharap ang babaeng ‘yon. Padabog akong pumasok sa kuwarto at tiningnan ang sarili sa salamin suot pa rin ang gusot-gusot na wedding dress. Halos maawa ako sa hitsura ko. Naagaw lang ang atensyon ko ng sunod-sunod na mag-vibrate ang cell phone na hawak ko. Agad kong binasa kung ano ang mga mensaheng dumating. Andrew: Mag-usap tayo, Lucy. Ayusin natin ang gulo. Alam mo kung gaano kagusto ng pamilya natin na mangyari ang kasal na ‘to. Andrew: Reply to me, Lucy. Andrew: You like me, right? I also do so let's fix this. Gagawa ako ng paraan para ma-void ang kasal n'yo ni Feron basta matuloy lang ang kasal natin.LUCY'S POV Ilang minuto ko pang tinitigan ang cell phone ko bago ito muling tumunog. I didn't reply to any of his messages kaya heto, tumatawag na si Andrew. Agad kong sinagot ang tawag at hinihintay kong magsalita siya sa kabilang linya. Naiinis pa rin ako sa kaniya dahil sa nangyari.“Lucy, can you hear me? C’mon, let's talk it out.” Malambing na ang boses niya ngayon. Napakagat ako sa ibaba kong labi para lang pigilan ang sarili kong patawarin siya agad.“May dapat ba tayong pag-usapan, Andrew?”“Yes, baby. I'm sorry sa nangyari kanina. Hindi ko naman akalaing wala ka sa mood. I should have known better. Don't worry, may nakausap na akong attorney na makakatulong para mapawalang bisa ang nangyaring pirmahan kanina,” mahaba niyang lintanya sa kabilang linya. “So let's meet tonight, okay?”Tonight?Napatingin muli ako sa repleksyon ko sa salamin. Medyo nagkakaroon na ng pasa ang pisngi ko at halata na rin ang medyo pamamaga nito.“I don't think I can—”“Baby, please? Ilang linggo na
LUCY'S POV “Minerva told me you did something shameful, have you lost your mind?!” bungad ni papa sa akin. “ Ano nalang ang sasabihin ng pamilyang Hidalgo sa atin?! Ano ang pumasok sa kokote mo at nagpakasal ka sa bodyguard mo, Lucy?!”Hinanap ng mata ko ang babae sa likuran ni papa na nanatiling nakaupo sa loob ng kotse, nakangisi siyang pinapanuod ako. Ano na naman ang pinagsasabi nito at ganito ang reaksyon ni papa? Hindi niya talaga kayang patahimikin ang buhay ko kahit umalis na ako kung nasaan sila! Sinamaan ko siya ng tingin, kung p’wede lang pumatay gamit ang mga mata ay kanina pa siyang naghihingalo!“I'm talking to you, Lucy!” Umangat muli ang kamay ni papa. Hindi na ako nag abalang iwasan ‘yon.“Honey!” Nagmamadaling bumaba sa kotse si Minerva at hinawakan ang braso ni papa. “Huwag mo namang masyadong saktan si Lucy. Gan'yan din naman ako sa’yo noon, hindi ba? Hindi ako makapaghintay na makasal sa'yo,” malambing niyang sabi.Gusto ko nang masuka sa mga salitang narinig ko
LUCY'S POV “Let's talk,” wika ko pagkahinto pa lang ng kotse sa harap ng mansion. Kailangan kong makausap si Feron tungkol sa nangyari.“Magpahinga ka muna Ms. Russ. Mukhang pagod na pagod ang mukha mo. Mamaya ay darating na ang ama mo kasama ang asawa n'ya para kumustahin ka. Alam nating dalawa ang mangyayari kung makikita niya ang hitsura mo ngayon,” seryosong turan ni Feron.Alam kong pababalikin ako ni papa sa main house kung saan siya nakatira kasama ang bago niyang asawa at ang half-sister ko at hindi ko gugustuhing sundin iyon. Kahit siguro nanghihina ako o may sakit ay mas pipiliin ko pang mag-isa kaysa makasama ang mga taong naging dahilan ng pagkasira ng ulo ni mama at…Mabilis akong umiwas ng tingin. “Pero ang tungkol sa kasal…kailangan nating pag-usapan ‘yon.”Bumuntong-hininga siya. “Sisiguraduhin kong hindi kakalat ang nangyari—”“Hindi iyon ang problema ko! Andrew was there. He knew about it! Paano ko i-e-explain sa pamilya namin ang ginawa mo? Hindi mo dapat pinirmaha
LUCY’S POV Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full length body mirror. Suot ko ang fitted wedding gown na hapit na hapit sa katawan ko dahilan para mas makita ang kurba nito. Isang buwan na lang at gaganapin na ang kasunduang kasal sa pagitan ng pamilya Hidalgo at ng pamilya namin. Business marriage kung tawagin ngunit hindi para sa akin— dahil ako ang namilit para matupad lang ito, ang makasal sa lalaking gustong-gusto ko. “Feron, nakahanda na ba ang kotse na gagamitin natin?” Tiningnan ko sa salamin ang lalaking diretso ang tindig sa likuran ko, ang pinakamalapit na tauhan ni lolo mula noon. Ang kulay coffee brown niyang mata ay agad na tumitig sa akin nang diretso na agarang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa buo kong sistema. Agad akong napaiwas ng tingin at tinuon ang atensyon ko sa pagsuklay sa aking wavy na buhok. Ilang taon na simula ng maging bodyguard ko siya, ngunit ang seryoso at misteryoso niyang aura ay hindi pa rin nagbabago hanggang







