MasukLUCY'S POV
Ilang minuto ko pang tinitigan ang cell phone ko bago ito muling tumunog. I didn't reply to any of his messages kaya heto, tumatawag na si Andrew. Agad kong sinagot ang tawag at hinihintay kong magsalita siya sa kabilang linya. Naiinis pa rin ako sa kaniya dahil sa nangyari. “Lucy, can you hear me? C’mon, let's talk it out.” Malambing na ang boses niya ngayon. Napakagat ako sa ibaba kong labi para lang pigilan ang sarili kong patawarin siya agad. “May dapat ba tayong pag-usapan, Andrew?” “Yes, baby. I'm sorry sa nangyari kanina. Hindi ko naman akalaing wala ka sa mood. I should have known better. Don't worry, may nakausap na akong attorney na makakatulong para mapawalang bisa ang nangyaring pirmahan kanina,” mahaba niyang lintanya sa kabilang linya. “So let's meet tonight, okay?” Tonight? Napatingin muli ako sa repleksyon ko sa salamin. Medyo nagkakaroon na ng pasa ang pisngi ko at halata na rin ang medyo pamamaga nito. “I don't think I can—” “Baby, please? Ilang linggo na lang kasal na natin, kailangan nating ayusin ‘to.” Tinatawag na naman niya akong baby. Ganoon naman siya tuwing may kasalanan siya sa akin. “Andrew, wala sana tayong aayusin kung hindi rin naman dahil sa ginagawa mo—” “I know. I know it's my fault. Kaya nga gumagawa ako ng paraan para maging maayos e. Kailangan ko pa bang lumuhod sa harap mo para maayos natin ‘to? Please, ayusin natin ‘to, tonight…Baby, please?” May narinig akong boses na mahina sa tabi ni Andrew. Halos bulong nga lang ‘yon kaya mas lalong naging malabo sa pandinig ko. “Baby, are you still there? You will meet me later, right? Ayusin natin ‘to,” tanong niya. Sasagot palang sana ako nang may kumatok sa pinto. “Ms. Russ, ito na ang yelo,” sabi ni Feron mula sa labas. “Papasok na ako.” Hindi na niya hinintay ang sagot ko at tuluyan na niyang pinihit ang doorknob at pumasok. Bitbit ang isang pack ng yelo na nasa maliit na tub at cold compressor naman sa kabilang kamay, dumiretso siyang naupo sa sofa sa gilid ng kama ko. Agad kong inilagay sa do not disturb ang cell phone ko at pinatay ang screen. Mas tinuon ko ang pansin sa ginagawa ni Feron. “Sit down, Ms. Russ,” utos niya at tinapik ang space sa tabi niya. Nilapag ko ang cell phone sa ibabaw ng maliit na table sa gilid at naglakad palapit sa kaniya. “Ako na ang bahala. Akin na.” Nilahad ko ang kamay ko para kunin ang cold compressor sa kaniya pero hinawakan niya iyon para hilain ako palapit pa sa kaniya. “Let me do it. Mas maganda kung pantay na maaagapan ang pamamaga sa mukha mo.” Gusto ko pa sanang magreklamo pero nilapat na niya iyon sa pisngi ko. “Ouch! Dahan-dahan lang ang pagdampi!” inis na reklamo ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya habang seryoso pa rin siya sa pagdampi ng tela sa mukha ko. “Simple lang ang ginagawa ko. Dahan-dahan na nga pero para kang bata kung magreklamo samantalang kanina ay parang wala lang sa’yo ang sampal.” Wala lang naman talaga ‘yon. Nasanay na lang din siguro ako. “Iba naman ‘yon. Ngayon ay namamaga na ang pisngi ko.” Bumuntong-hininga ako. “Gusto ni Andrew na mag-usap kami.” Feron side-eyed me and nodded. “Mabuti naman kung gano’n dahil ‘yon naman ang gusto mo.” Pinagpatuloy lang niya ang ginagawa niya at hindi na muling nagsalita. Bumalik na naman siya sa pagiging tahimik na parang walang pakialam sa sinabi ko. “Oo, iyon ang gusto ko. Gustong-gusto kong maikasal sa kaniya.” Mapait akong napangiti. Muli siyang tumango. “Gusto ko lang malaman, ano bang mayro’n sa Andrew na ‘yon at gano’n mo s'ya kagusto?” Tumigil na siya sa ginagawa at lumayo sa akin. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. “Si Andrew ang kasama ko noong namatay si mama. Siya ang taong nagligtas sa akin sa pagkalumbay na hindi nagawa ni papa. Noong una ayos lang naman kung mag g-girlfriend siya, basta nasa tabi ko pa rin siya kahit bilang kaibigan na lang. Naisip ko na darating din ang araw na ako naman. ‘Yong time na sa akin naman s'ya magkakagusto,” kuwento ko. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko para mag-open up kay Feron tungkol dito. Natatawa akong tumingin kay Feron. Sa seryoso ng mukha niya ay para lang akong nagkukuwento sa pader. Wala akong natatanggap na comments o ano, pero ‘yong nakaupo lang siya at nakikinig… sapat na ‘yon sa akin. “Kaya noong sinabi ni papa ang tungkol sa business marriage ay tinanggap ko agad.” Napailing ako nang maalala ko kung gaano ako kadesperado na sumang-ayon noon. “Ngayon?” tanong niya. “Ganoon pa rin ba ang nararamdaman mo?” “Kailangan ko bang sagutin ‘yan?” balik ko na tanong sa kaniya. Tumango siya. Napangiti naman ako sa hindi malamang dahilan. “Oo, ganoon pa rin ang nararamdaman ko tungkol sa kasal naming dalawa. Naniniwala akong ‘pag kasal na kami ay matututunan din niya akong mahalin. Titigil na rin siyang makipagkita kay… Sofia.” Walang nagsalita sa aming dalawa ng ilang minuto. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso pero kita ko sa mga mata niya na marami siyang gustong sabihin. “Paano kung…” Huminto siya saglit para pasadahan ng dila ang ibabang labi niya at muling pinagpatuloy ang sinasabi niya. “Paano kung may ibang lalaki na handa kang bigyan ng pagmamahal na deserve mo?” “I don't think I can reciprocate it,” walang pag-aalinlangan kong sagot. “Andrew is the only one that I want. Kailangan ko lang mas iparamdam ang pagmamahal ko sa kaniya.” Tumango-tango siya at sinimulan nang ligpitin ang mga gamit. “Alright, naiintindihan ko.” Saglit na muling sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya. “Sabihan mo ako kung may kailangan akong gawin para ma-void ang kasal natin, Ms. Russ.” Tumayo na siya bitbit ang tub at cold compressor. “I will drive you tonight to meet Mr. Hidalgo. Just inform me once you're ready.” Pinanuod ko ang likod niya habang papalabas siya sa kuwarto ko. May kung anong kakaiba sa kilos niya ngunit hindi ko mapangalanan kung ano iyon. Nang tuluyan nang makalabas si Feron ay buntong-hininga kong kinuha ang cell phone ko at hinanap ang huling mensahe ni Andrew. Lucy: Fine, let's meet up. Tell me the address, let's fix this.LUCY’S POV“S-She’s bleeding, please help!” Nagmamadali si Feron na lumapit sa front desk habang buhat-buhat niya ako.Agad kaming nilapitan ng nurse na nasa gilid. “Ano pong nangyari kay ma’am?” Walang panic sa mukha ng nurse pero halatang nag-aalala na rin ito dahil sa reaksyon ni Feron.“Nagising siya sa sakit ng tiyan, tapos may dugo na,” sagot niya at tiningnan ako. “Ano pa ang nararamdaman mo?”Umiling ako, hindi ko magawang magsalita sa kirot ng tiyan ko. Kahit gusto kong ako na mismo ang magpaliwanag sa nurse ay hindi ko magawa. Mas madali sana kung masabi ko ang sitwasyon ko.Nagtinginan ang dalawang nurse na nasa front desk. “Sir, iupo mo po siya sa wheelchair at pumasok kayo sa room number four.”Pareho kaming napatingin ni Feron sa itinuro nilang room. Examination room iyon. Napakagat ako ng ibabang labi.“O-Okay, thank you,” alangang sagot ni Feron at agad akong inupo sa wheelchair.“P’wede po kayong maiwan saglit dito sir? Paki-fill out po muna ang form tungkol kay ma’am
LUCY’S POVNangingislap ang mga mata ni Feron habang tinitingnan ako. “C-Can you please repeat what you said, Lucy?” tanong niya ng may nanginginig na boses. “I don’t want to repeat myself, Feron. I already said it and I won’t say it again.” Napasinghap ako nang hapitin niya ang bewang ko palapit sa kaniya at binaon ang mukha sa gilid ng aking leeg. “Damn, nanginginig ang katawan ko.” Kahit ang boses niya ay nanginginig din pero hindi ko masabi. Ayaw ko namang asarin siya sa sitwasyon. “Goddàmn, I wanna cry.” Mas siniksik pa niya ang mukha sa akin at may pailan-ilang singhot akong naririnig mula sa kaniya. “F-Feron ano ba… umayos ka nga.” Nagsisimula na ring manginig ang boses ko. Baka ito na rin ang pagkakataong hinihintay ko para sabihin ang totoo sa kaniya. Ngayong alam ko nang gusto niyang bumuo ng pamilya kasama ako. Hindi niya magagawang tanggihan ang bata. Magiging masaya kaming pamilya. “Maayos ako, pero pagdating sa’yo para akong nawawala. No matter how much I compose my
LUCY'S POV“Pauwi na si Race galing Milan,” balita ni Feron habang nakaupo kami sa sofa at nanonood ng balita tungkol kay Tito Alfred. “Tapos na ang imbestigasyon tungkol sa nangyari sa atin. Nahuli na rin ang ilan sa grupo nila.” “May lead na ba tayo kung sino ang nasa likod ng nangyari o ituturo na naman nila tayo sa wala?” Ayaw ko ng masayang ang oras namin sa wala. Kung hanggang ibang bansa ay kaya nilang manipulahin, ano na lang ang gagawin ko?“Don’t worry, sabi ni Race ay may maganda siyang balita. Baka bukas o sa isang araw ang dating niya.” Hinaplos niya ang buhok ko nang dahan-dahan. “Matatapos din ang lahat ng ‘to.” “Sana nga,” mahina kong bulong at sumandal sa balikat niya. Hinayaan ko ang lahat ng bigat ko sa kaniya. “Gusto ko nang matapos ang lahat ng ‘to.” Gusto kong maging tahimik ang buhay namin ni Feron at para masabi ko na rin sa kaniya ang tungkol sa baby namin. Tumikhim ako at tiningala siya. “M-May gusto lang akong itanong,” agaw ko ng atensyon niya. “Hmm? Ask
LUCY’S POV “Anong ginagawa mo rito? May naiwan ka ba?” puno ng pagtataka kong tanong nang makita ko si Feron na nakatayo muli sa harapan ng pintuan. “Wala akong naiwan,” seryosong sagot niya at inayos ang suot na damit. “I’m here to fulfill my other job.” “Other job? What do you mean?” naguguluhan kong tanong. “Oh. Sorry for the late introduction. I’m Feron from FKS Security Agency and I will be your bodyguard from now on,” malawak ang ngiti niyang anunsyo. “What?” Para akong nabibingi. “Anong ibig mong sabihin, paanong ikaw?” He shrugged and put his hand on his pocket like it’s not a big deal. “Maybe it’s destiny?” Ngisi niya at yumuko palapit sa akin. “Wala raw ibang bodyguard ang p’wedeng mag-stay sa tabi mo kung hindi ako,” dagdag pa niya. “Y-You… Paano mo nagawang kunin ang trabaho bilang bodyguard ko? Isa pa, paano ang trabaho mo sa kumpanya?” “I have so many ways when it comes for you, Lucy. Isa pa, suwerte lang talaga akong agency na pag-aari ko ang unang nakak
LUCY’S POVNapakawalanghiya niya! Paano niya nagawa kay papa ang ganoong bagay? Pakiramdam ko ay mas masahol pa siya sa lahat ng sumira sa amin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kamay ko. “Bakit mo ako hinila palabas, Feron? Hindi ko pa siya nakakausap. Kailangang pagbayaran ng lalaking ‘yon ang ginawa niya kay papa! Anong kasalanan ni papa sa nga Hidalgo para gawin niya ‘yon? Halos magkaibigan na ang turingan nila noon… p-pero nagawa niyang patayin si papa.”Hindi kumibo si Feron, sa halip ay hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. “Lucy, kahit anong mangyari sa akin ka lang magtitiwala.”Natigilan ako sa lamig ng boses niya. “Paano ko gagawin ‘yon kung minsan ka na ring nagsinungaling sa akin, Feron? Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan sa inyong lahat!” naiiling kong wika.“Mas mainam kung lahat kayo ay hindi ko na lang pagkatiwalaan. Ayaw ko nang umasa sa mga taong nasa paligid ko.” Itinulak ko siya palayo sa akin at sa
ANDREW’S POV“Pa’.” Nagmamadali akong lumapit sa kaniya nang makasalubong ko sina Lucy sa labas ng building. Halatang-halata ko ang galit sa mukha ni Feron. “Anong ginawa ng lalaking ‘yon sa’yo?” agad kong tanong nang mapansin ko ang gusot niyang kuwelyo.“Wala silang ginawa sa akin. Huwag kang masyadong over react sa mga bagay-bagay. Ano na naman ba ang ginagawa mo rito? Hindi ba’t sinabi ko na sa’yong mas asikasuhin mo ang business natin? Kung araw-araw kang pupunta rito, sa tingin mo ba ay may mag-aasikaso ng business eh nag-iisang anak lang kita?”“Mas mahalaga pa ba ang business sa’yo papa? Gusto kitang dalawin dito araw-araw at wala kang magagawa. Kung gusto mong makapag-focus ako sa business ay huwag mo nang patagalin ang pagtambay mo rito at gumawa ka na ng paraan para makalabas ka,” walang pagpipigil kong turan at inayos ang mga pagkaing ipinahanda ko kay manang.Sa totoo lang, kung p’wede lang na rito na muna ako ay gagawin ko. Tuwing pupunta ako rito ay si Tito Leandro ang







