Share

Kabanata 2

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-10-31 14:04:05

LUCY'S POV 

“Let's talk,” wika ko pagkahinto pa lang ng kotse sa harap ng mansion. Kailangan kong makausap si Feron tungkol sa nangyari.

“Magpahinga ka muna Ms. Russ. Mukhang pagod na pagod ang mukha mo. Mamaya ay darating na ang ama mo kasama ang asawa n'ya para kumustahin ka. Alam nating dalawa ang mangyayari kung makikita niya ang hitsura mo ngayon,” seryosong turan ni Feron.

Alam kong pababalikin ako ni papa sa main house kung saan siya nakatira kasama ang bago niyang asawa at ang half-sister ko at hindi ko gugustuhing sundin iyon. Kahit siguro nanghihina ako o may sakit ay mas pipiliin ko pang mag-isa kaysa makasama ang mga taong naging dahilan ng pagkasira ng ulo ni mama at…

Mabilis akong umiwas ng tingin. “Pero ang tungkol sa kasal…kailangan nating pag-usapan ‘yon.”

Bumuntong-hininga siya. “Sisiguraduhin kong hindi kakalat ang nangyari—”

“Hindi iyon ang problema ko! Andrew was there. He knew about it! Paano ko i-e-explain sa pamilya namin ang ginawa mo? Hindi mo dapat pinirmahan ‘yon eh!” Tumaas na ang tono ng boses ko. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa nangyari.

“Ms. Lucy, ginawa ko ‘yon dahil utos mo—”

“Kung uutusan ba kitang tumalon sa bangin ay gagawin mo?”

Umigting ang panga niya saka niya ako tiningnan. “Hindi ako tànga—”

“Exactly! Hindi mo rin sana sinunod ang utos ko na pirmahan ang form. Now we're married in paper, what's now?!” Halos masabunutan ko ang sarili ko sa frustration.

Alam ko naman na may kasalanan din ako, pero kasi…

“Then, I will be your husband. That's simple!” may diin din niyang sigaw. Halos sabay na nanlaki ang mga mata naming dalawa.

“Tinaasan mo ako ng boses? Wow!” napipikon na sabi ko. Mabilis kong hinubad ang seatbelt at tuluyan na akong lumabas ng kotse. How dare him!

Narinig ko rin ang mabilis na pagbukas ng pinto sa tabi niya. Tulad ko ay lumabas na rin siya mula sa driver's seat at umikot papunta sa gawi ko.

“Hindi ko sinasadya na itaas ang boses ko pero hindi ko naman kasalanan na sumunod ako sa utos mo. Ikaw na rin ang nagsabi, amo kita at bodyguard mo ako… Wala akong karapatan na tanggihan ka, ‘di ba?” 

Ramdam ko ang pagpipigil sa boses niya pati na rin ang init ng titig niya na parang iniinpeksyon ang bawat emosyong dadaan o guguhit sa aking mukha.

Pumihit ako paharap sa kaniya habang magka-cross ang dalawa kong braso sa aking dibdib. Agad ko siyang tinaasan ng kilay at umismid. 

“Isa pa, alam mo ang dahilan kung bakit hindi pumirma ang lalaki na ‘yon kanina pero bakit gusto mo pa rin siyang pakasalan at magbulag-bulagan?” kunot noo niyang tanong.

“Hindi trabaho ng bodyguard ang kwestyunin ang desisyon ko. Alam ko na alam mong wala akong ibang gustong pakasalang lalaki kung hindi si Andrew lang.”

“Kahit ilang taon mo siyang hinabol-habol?” sarkastiko niyang tanong. Mukhang nakakalimutan niya ng bodyguard ko lamang siya. “At ngayon na ikakasal na kayo, hindi ka pa rin niya kayang unahin—”

Halos mamanhid ang palad ko sa lakas ng pagsampal ko sa pisngi niya. Medyo tumagilid din ang ulo niya sa kanan. 

“Sino ka para magsalita ng ganiyan sa akin?! Nakakalimutan mo yata na hamak na bodyguard lang kita…”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang mainit niyang palad na mariin akong hinawakan sa pala-pulsuhan at hinila ako pasandal sa kotse. “Oo, tama ka. Bodyguard mo ako pero mukhang may nakakalimutan ka rin yata.”

Ang matalim niyang tingin sakin ay parang binubuhay ang kakaibang init sa sistema ko. Sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa ay halos makita ko ang reflection ko sa kulay brown niyang mga mata.

“Hindi mo nalang ako bodyguard ngayon kundi asawa mo na rin, Ms. Russ…” Mas nilapit pa niya ang mukha niya sa akin. “O baka naman gusto mo pang tawagin kita bilang Mrs. Sandoval para maalala mo?” nanunuya niyang bulong sa aking tainga. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. 

Naninindig ang balahibo ko sa init ng hininga niyang humahalik sa tainga ko. Idagdag pa ang parang nang-aakit niyang malalim na boses.

Binuka ko ang bibig ko ngunit walang boses o salita na gustong lumabas mula roon, para akong naba-blangko sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa.

“O-Of course not!” Inis na nilagay ko ang dalawang palad sa dibdib niya at sinubukan siyang itulak palayo. “Tanging surname lang ni Andrew ang gusto ko at gagawa ako ng paraan para lang ma-void ang certificate ng kasal natin.”

Naramdaman ko na natigilan siya saglit dahil sa sinabi ko, pero wala akong pakialam kung ano ang dahilan. Kung mananatili pa kami sa ganitong posisyon ng mas matagal ay baka hindi na ako makahinga, pero sa halip na matinag siya ay mas inilapit pa niya ang katawan niya sa akin.

Isang maling galaw na lang at parang magdidikit na ang mga labi namin.

Parang may sariling buhay ang mga mata ko na bumaba ang tingin papunta sa labi niya. Sakto namang pinasadahan ng dila niya ang ibabang bahagi noon para basain.

Paulit-ulit akong napalunok. Ngayon ko lang napansin na may kissable lips pala siya—

“Sure, Ms. Russ ituloy mo ang kasal n'yo kung ‘yon ang gusto mo.” Siya na ang mismong humiwalay sa akin at tinalikuran ako. Tuloy-tuloy na siyang naglakad papasok sa mansion at hindi na ako hinintay pa.

Akmang hahakbang na rin ako papasok, nang pumasok sa gate ang limang itim na kotse. Saktong huminto ang gitnang kotse sa tapat ko.

Mariin kong naikuyom ang mga palad ko ng bumukas ang pinto sa harap ko, mukha agad ni papa ang bumungad sa akin.

“Lucy,” tawag niya ng may awtoridad. Muling nagbalik ang mga ala-ala ng kami pa nila mama ang magkakasama. At kahit noon pa, mayroon na siyang aura na pag may sinabi siya ay kailangan mo na agad gawin.

Instinctively, I moved two steps backward.

“Papa.” Yumuko ako bilang paggalang sa kaniya at sa pag-angat ng ulo ko ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa pisngi ko.

Rinig ko ang tunog sa magkabila kong tainga. Dahil sa impact ng palad ni papa, para akong mabibingi.

Umangat ang kamay ko para sapuhin ang pisngi na parang napaso sa kakukulong tubig sa sobrang init at hapdi, kahit hindi ko gusto ay biglang nagluha ang mga mata ko.

Papa is enraged. Just by looking at him now, I know that I am doomed. Why did that fúcking Feron sign the marriage certificate? Now, I have to face the consequences of his bold action.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 157

    LUCY’S POV“S-She’s bleeding, please help!” Nagmamadali si Feron na lumapit sa front desk habang buhat-buhat niya ako.Agad kaming nilapitan ng nurse na nasa gilid. “Ano pong nangyari kay ma’am?” Walang panic sa mukha ng nurse pero halatang nag-aalala na rin ito dahil sa reaksyon ni Feron.“Nagising siya sa sakit ng tiyan, tapos may dugo na,” sagot niya at tiningnan ako. “Ano pa ang nararamdaman mo?”Umiling ako, hindi ko magawang magsalita sa kirot ng tiyan ko. Kahit gusto kong ako na mismo ang magpaliwanag sa nurse ay hindi ko magawa. Mas madali sana kung masabi ko ang sitwasyon ko.Nagtinginan ang dalawang nurse na nasa front desk. “Sir, iupo mo po siya sa wheelchair at pumasok kayo sa room number four.”Pareho kaming napatingin ni Feron sa itinuro nilang room. Examination room iyon. Napakagat ako ng ibabang labi.“O-Okay, thank you,” alangang sagot ni Feron at agad akong inupo sa wheelchair.“P’wede po kayong maiwan saglit dito sir? Paki-fill out po muna ang form tungkol kay ma’am

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 156

    LUCY’S POVNangingislap ang mga mata ni Feron habang tinitingnan ako. “C-Can you please repeat what you said, Lucy?” tanong niya ng may nanginginig na boses. “I don’t want to repeat myself, Feron. I already said it and I won’t say it again.” Napasinghap ako nang hapitin niya ang bewang ko palapit sa kaniya at binaon ang mukha sa gilid ng aking leeg. “Damn, nanginginig ang katawan ko.” Kahit ang boses niya ay nanginginig din pero hindi ko masabi. Ayaw ko namang asarin siya sa sitwasyon. “Goddàmn, I wanna cry.” Mas siniksik pa niya ang mukha sa akin at may pailan-ilang singhot akong naririnig mula sa kaniya. “F-Feron ano ba… umayos ka nga.” Nagsisimula na ring manginig ang boses ko. Baka ito na rin ang pagkakataong hinihintay ko para sabihin ang totoo sa kaniya. Ngayong alam ko nang gusto niyang bumuo ng pamilya kasama ako. Hindi niya magagawang tanggihan ang bata. Magiging masaya kaming pamilya. “Maayos ako, pero pagdating sa’yo para akong nawawala. No matter how much I compose my

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 155

    LUCY'S POV“Pauwi na si Race galing Milan,” balita ni Feron habang nakaupo kami sa sofa at nanonood ng balita tungkol kay Tito Alfred. “Tapos na ang imbestigasyon tungkol sa nangyari sa atin. Nahuli na rin ang ilan sa grupo nila.” “May lead na ba tayo kung sino ang nasa likod ng nangyari o ituturo na naman nila tayo sa wala?” Ayaw ko ng masayang ang oras namin sa wala. Kung hanggang ibang bansa ay kaya nilang manipulahin, ano na lang ang gagawin ko?“Don’t worry, sabi ni Race ay may maganda siyang balita. Baka bukas o sa isang araw ang dating niya.” Hinaplos niya ang buhok ko nang dahan-dahan. “Matatapos din ang lahat ng ‘to.” “Sana nga,” mahina kong bulong at sumandal sa balikat niya. Hinayaan ko ang lahat ng bigat ko sa kaniya. “Gusto ko nang matapos ang lahat ng ‘to.” Gusto kong maging tahimik ang buhay namin ni Feron at para masabi ko na rin sa kaniya ang tungkol sa baby namin. Tumikhim ako at tiningala siya. “M-May gusto lang akong itanong,” agaw ko ng atensyon niya. “Hmm? Ask

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 154

    LUCY’S POV “Anong ginagawa mo rito? May naiwan ka ba?” puno ng pagtataka kong tanong nang makita ko si Feron na nakatayo muli sa harapan ng pintuan. “Wala akong naiwan,” seryosong sagot niya at inayos ang suot na damit. “I’m here to fulfill my other job.” “Other job? What do you mean?” naguguluhan kong tanong. “Oh. Sorry for the late introduction. I’m Feron from FKS Security Agency and I will be your bodyguard from now on,” malawak ang ngiti niyang anunsyo. “What?” Para akong nabibingi. “Anong ibig mong sabihin, paanong ikaw?” He shrugged and put his hand on his pocket like it’s not a big deal. “Maybe it’s destiny?” Ngisi niya at yumuko palapit sa akin. “Wala raw ibang bodyguard ang p’wedeng mag-stay sa tabi mo kung hindi ako,” dagdag pa niya. “Y-You… Paano mo nagawang kunin ang trabaho bilang bodyguard ko? Isa pa, paano ang trabaho mo sa kumpanya?” “I have so many ways when it comes for you, Lucy. Isa pa, suwerte lang talaga akong agency na pag-aari ko ang unang nakak

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 153

    LUCY’S POVNapakawalanghiya niya! Paano niya nagawa kay papa ang ganoong bagay? Pakiramdam ko ay mas masahol pa siya sa lahat ng sumira sa amin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kamay ko. “Bakit mo ako hinila palabas, Feron? Hindi ko pa siya nakakausap. Kailangang pagbayaran ng lalaking ‘yon ang ginawa niya kay papa! Anong kasalanan ni papa sa nga Hidalgo para gawin niya ‘yon? Halos magkaibigan na ang turingan nila noon… p-pero nagawa niyang patayin si papa.”Hindi kumibo si Feron, sa halip ay hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. “Lucy, kahit anong mangyari sa akin ka lang magtitiwala.”Natigilan ako sa lamig ng boses niya. “Paano ko gagawin ‘yon kung minsan ka na ring nagsinungaling sa akin, Feron? Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan sa inyong lahat!” naiiling kong wika.“Mas mainam kung lahat kayo ay hindi ko na lang pagkatiwalaan. Ayaw ko nang umasa sa mga taong nasa paligid ko.” Itinulak ko siya palayo sa akin at sa

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 152

    ANDREW’S POV“Pa’.” Nagmamadali akong lumapit sa kaniya nang makasalubong ko sina Lucy sa labas ng building. Halatang-halata ko ang galit sa mukha ni Feron. “Anong ginawa ng lalaking ‘yon sa’yo?” agad kong tanong nang mapansin ko ang gusot niyang kuwelyo.“Wala silang ginawa sa akin. Huwag kang masyadong over react sa mga bagay-bagay. Ano na naman ba ang ginagawa mo rito? Hindi ba’t sinabi ko na sa’yong mas asikasuhin mo ang business natin? Kung araw-araw kang pupunta rito, sa tingin mo ba ay may mag-aasikaso ng business eh nag-iisang anak lang kita?”“Mas mahalaga pa ba ang business sa’yo papa? Gusto kitang dalawin dito araw-araw at wala kang magagawa. Kung gusto mong makapag-focus ako sa business ay huwag mo nang patagalin ang pagtambay mo rito at gumawa ka na ng paraan para makalabas ka,” walang pagpipigil kong turan at inayos ang mga pagkaing ipinahanda ko kay manang.Sa totoo lang, kung p’wede lang na rito na muna ako ay gagawin ko. Tuwing pupunta ako rito ay si Tito Leandro ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status