Share

Chapter 19

Chapter 19

Tapos na si Nurse Christian sa paggamot ng paa ko at pati na rin sa pagtukso sa akin. Nagsanib pwersa pa sila ni Tita Thalia sa pag-away sa akin. Kagigil! Ang buong pangalan pala ng papa ni Pepe ay Christian Aguire at talagang namana ni Pepe ang ugali na pagiging bully sa tatay niya. Bakit ba ako ang napagdidiskitahan ng mag-ama na ito?

Naglalakad na kami ni Tita Thalia palabas ng hospital, pupunta pa kasi kami sa eskwelahan ko para malaman kung enrolled na talaga ako saka kukuha ng listahan ng mga kakailanganin.

“How’s your foot?” tanong ni Tita Thalia na nasa daan pa rin ang pansin pero minsan ay napapasulyap sa akin. Napansin ko rin na maingat syang maglakad, siguro para hindi siya matapilok sa taas ng taking niya.

“Hindi na po masakit,” sagot ko. Totoo naman kasi. Pinainum ako kanina ni Nurse Christian ng gamot na request ni Tita Thalia. Painkiller yata ang tawag ni tita sa gamot na yon. A basta! Yong gamot para hindi ko maramdaman ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status