Namiss ko na talagang bumalik at magtrabaho sa mansion. Gusto ko na ulit na makakwentuhan ang mga nagtatrabaho doon at… mayroon din akong gustong makita. Gusto ko na syang makita uli. Bakit ba ang tagal ng mga araw at bakit ang tagal gumaling ng sugat ko? Kainis! Namiss ko na si Señorito kahit sabihin pa nating tuwing gabi tinatawagan nya ako at nag-uusap kami pero iba pa rin kasi kapag kaharap at nakakasama ko sya.
Oo, nag-uusap pa rin kami ni Señorito Adolfo tuwing gabi at alam naman iyon ni tatay tsaka okay lang sa kanya. Hindi ko nga maintindihan na hindi kami nauubusan ng maikukwento sa isa’t isa tuwing gabi, para bang hindi kami nagsasawa na makipag-usap sa isa’t isa. Sa totoo lang, simula ng malaman ni Señorito Adolfo na nagkasugat ako may nagbago sa paraan ng pag-uusap naming dalawa. Nagkabaliktad na kami ng posisyon dahil ako na ang nauunang magkwento ngayon. Oo, pinapauna nya akong magChapter 19 Tapos na si Nurse Christian sa paggamot ng paa ko at pati na rin sa pagtukso sa akin. Nagsanib pwersa pa sila ni Tita Thalia sa pag-away sa akin. Kagigil! Ang buong pangalan pala ng papa ni Pepe ay Christian Aguire at talagang namana ni Pepe ang ugali na pagiging bully sa tatay niya. Bakit ba ako ang napagdidiskitahan ng mag-ama na ito?Naglalakad na kami ni Tita Thalia palabas ng hospital, pupunta pa kasi kami sa eskwelahan ko para malaman kung enrolled na talaga ako saka kukuha ng listahan ng mga kakailanganin.“How’s your foot?” tanong ni Tita Thalia na nasa daan pa rin ang pansin pero minsan ay napapasulyap sa akin. Napansin ko rin na maingat syang maglakad, siguro para hindi siya matapilok sa taas ng taking niya.“Hindi na po masakit,” sagot ko. Totoo naman kasi. Pinainum ako kanina ni Nurse Christian ng gamot na request ni Tita Thalia. Painkiller yata ang tawag ni tita sa gamot na yon. A basta! Yong gamot para hindi ko maramdaman ang
Prologue “Anong pangarap mo ‘pag laki mo?” tanong ko sa kanya habang nasa bughaw at maaliwalas na langit ang tingin ko. Nakaupo kaming dalawa ngayon sa damuhan at nakasilong sa lilim ng punong duhat sa tabi ng palayan. “Hindi ko alam,” ‘yon lang ang sagot niya at nakatingin pa rin sa malapad na palayan. “Wala ka ba talagang naiisip na gusto mong maging sa ‘pag laki mo? Ako kasi marami akong gustong matupad kaya nagsisikap talaga ako dahil gusto ko na lahat ng naiisip at pangarap ko ay matupad.” Sabi ko sa kanya at tiningnan siya. Oo, iyon talaga ang gusto ko at gagawin ko ang buo kong makakaya para lang sa mga pangarap ko. “Pangarap na matupad…” bulong niya na para bang iniisip niyang maigi ang sinabi ko. “Masaya kaya sa pakiramdam kapag natupad mo ang pangarap mo.” “May natupad ka na ba?” “Ah… Wala pa naman.”sagot ko sa tanong niya. Kasi nga di ba, kapag l
Chapter 1 “Hay naku!” bulalas ko saka tumayo ako at umunat-unat para maibsan ang pananakit ng batok ko. Sinuntok-suntok ko pa ang balikat ko para lang mabawasan ang pananakit. “Oh? May araw na pala.” Hindi ko man lang namalayan na maliwanag na ang sikat ng araw. Mukhang hindi ko namalayan dahil sa busy ako sa pagkopya ng aralin namin at pagsagot ng assignment. Inayos ko muna ang mga gamit ko sa eskwela at sinilid sa luma kong bag bago ko pinatay ang sinindihan at ginamit kong kandila. May kuryente naman kami kaso nga lang naisip ko na kandila na lamang ang gagamitin ko para makatipid sa bayarin at isa pa pinulot lang naman namin to sa sementeryo kapag pauwi na kami galing sa paaralan. Buti nga sinamahan ako nina Rayray at Isming sa pamumulot edi nakalibre. Walang gastos! Lumabas na ako ng kwarto at naglakad papuntang kusina para makapaghanda ng agahan pero hindi na pala kailangan dahil naghahain na si tatay sa hapagkainan. “Good morning, tay!”
Chapter 2 Simula ng umalis si Ma’am Marta tumayo lang ako sa tabi ng Senorito na nasa fountain pa rin ang tingin. Bulag ba talaga ito e parang nakakakita naman sya at parang nag-eenjoy pa nga siya sa fountain e, wala sigurong fountain sa kanila. Wag syang mag-alala dahil hindi sya nag-iisa. Pero kasi e… Nababagot na ako! Kailan ba siya magsasawa kakatingin sa fountain? Kanina pa siya nakatayo dyan e hindi ba siya nangangalay? Ano ba ang dapat kong gawin? Sabi naman kasi ni Ma’am Marta na bantayan ko sya para walang masamang mangyari sa kanya. Ang kaso nababagot na talaga ako. Nabuburo na ang laway ko. Baka mapanis to at pagmulan pa ng airpollution saka ako pa sisihin ng atmosphere dahil nabutas na talaga sya. “Ahh… Señorito,”panimula ko. Hindi na talaga ako makatiis, kailangan kong magsalita. “Gusto nyo bang ipasyal ko kayo sa palibot?” Please, magsalita ka o kahit isang tango lang para malaman ko naman na
Chapter 3Dalawa na lang kami ang naiwan sa kwarto. Naku! Ano na ang gagawin ko? Inglisero pa naman ang isang ito. Naku naman, oo!Pero ang gwapo nya talaga Kahit na namamaga pa ang mga mata nya, malamang na kakagising nya lang. Ang magulo nya ring buhok na ang lambot tingnan, ang sarap sigurong hawak-hawakan nyan kasi alaga sa shampoo. Hindi kagaya ng buhok ko na twice a week lang malatikim ng shampoo, mumurahin pa na nabibili sa tindahan. Haay! Well, ano naman ngayon e basta may buhok kesa sa iba dyan na hindi na talaga tinutubuan ng buhok.Okay! Tama na munang kwento tungkol sa buhok, balik tayo kay Señorito na nakatulala pa rin habang nakaupo sa malapad niyang kama. Gusto kong makita ang kulay green nyang mga mata, wala kasing ganito sa amin e.Naglakad ako papunta sa may dulo ng kama at tumayo kaharap niya. Nakatayo lang ako rito sa harap niya habang siya naman ay nakaupo sa malapad na kama. Hindi nya naman ak
Chapter 4Araw ng Sabado at ngayon ang araw na iyon, nandito pa rin ako sa bahay. Sa totoo lang, sa bahay lang naman talaga ako kapag Sabado. Ito ang araw na pinili ko para makasama ang bahay namin. Bonding time naming ng bahay. Sa araw na ito ibubuhos ko ang lahat ng lakas ko para gumawa ng mga gawaing bahay. Yup! Gawaing bahay ang ginagawa ko kapag Sabado. Wala kasing ibang maasahan sa bahay dahil nagtatrabaho pa rin si tatay kapag ganitong araw kaya ako na lang ang maiiwan sa bahay.Nagluluto ako ngayon ng agahan namin tutal ako ang naunang magising sa aming dalawa ngayong araw.“Wow! Nagluto ang prinsesa ko. Ano kayang menu namin ngayong umaga?” bungad ni tatay nang makapasok siya ng kusina.“Kanin at nilagang itlog,” sagot ko sa tanong niya habang nasa pinapatay na apoy pa rin ang pansin. Inin na lang kasi ang kaning niluluto ko.“Saan mo nilaga ang itlog?” Nagtataka siguro si tatay ng makitang
Chapter 5 Alas tres na ng hapon ng matapos ko ang labahan ko. Grabeng kuskusan at kusutan ang ginawa ko para lang matapos ang lahat ng lalabhan ko. Peew! Kapagod, pero ayos lang! May mga kasama rin kasi ako sa paglalaba kaya hindi rin boring. At isa pa, nagpaunahan kami sa paglalaba na kung mahuli ay talo. Hindi man ako ang nauna pero hindi rin naman ay ang nahuli. Haha! Safe! Pagkatapos maglaba, nagkayayaan na maligo sa batis kaya hindi na ako humindi dahil basa na rin naman ako. Saka naghanap kami ng kagang sa likod ng mga malaking bato. Alam nyo ban a ang dami kong nahuli. Ang galing ko! Ulam na kayo mamaya sa akin. Hehe! Para sa kaalaman ng lahat ang kagang ay isang maliit na parang alimango na nabubuhay sa tubig tabang at nagtatago sa mga bato. Ngayong pauwi na kami, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad. Ang saya ko dahil libre na ang ulam naming mamaya. Ano kayang magandang menu sa mga kagang na to? Ginataan? Pakulua
Chapter 6 Hagis. Kuha ng bato. Tuldok. Tuldok. Salo. Hagis. Kuha ng bato. Tuldok. Tuldok. Salo. Dalawang linggo na lang, graduation na namin! Excited na ako! Pero ngayong papalapit na ang pikahihintay naming okasyon e super busy kami lalo pa sa pagmemorize ng graduation song at tamang pagkuha ng diploma. Paulit-ulit na nga e at nakakasawa na. Kanina nga ilang beses kaming paulit-ulit na kumanta at nagpraktis din kami kung paano umakyat ng stage para kukunin ang diploma saka bababa. Namamaos na nga ako kakakanta at nangangawit na kakatayo sa taas ng stage. Saka paulit-ulit pa kaming akyat-baba ng stage para sa pagkuha ng diploma. Anong akala nila sa amin, ulyanin na madaling makalimot? Ngayon nga lang kami ipinagpahinga ni Ma’am dahil recess at may pasok kami kay Sir Sungit pagkatapos. Hindi naman talaga Sungit ang pangalan ni Sir pero sadyang masungit lang ang ugali niya kaya tinatawag namin siyang Sir Sungit kapag wala siya sa ha