Compartir

Chapter 65

Autor: jhowrites12
last update Última actualización: 2025-12-08 22:25:38

Tasya's Point of View

Sino ang kaulayaw ni Trisha noong madaling araw?

Napaisip ako. Hindi ako puwedeng magkamali sa narinig. Alangan naman na nananaginip lang ako eh hindi nga ako natulog.

Kahit mainit ay humigpit ang pagkakahawak ko sa kape habang napapaisip pa rin.

"Morning..."

Nang biglang may bumati mula sa likod ko. Nilingon ko ito at nakita kong si Fernando iyon. Pupungas-pungas pa siya na tila kagigising lang.

"Lilia, pagtimpla mo ako ng kape, please. Iyong matapang. I'm so tired. Didn't get enough sleep..." aniya na humila agad ng upuan at naupo.

Mataman akong napatitig kay Fernando. Papikit pikit pa ang kaniyang mga mata na tila inaantok pa talaga. Ni hindi nga nagawang suklayin ang buhok niya. Napansin ko din na may kalmot siya sa bandang leeg. Like he was in a war for the whole night.

Pinag-aralan ko siya. Hindi kaya?

Ipinilig ko ang aking ulo sa masamang isipin. Sa dudang nagsusumiksik sa utak ko. Imposible. Paanong magagawa ni Trisha kay Dominic ang ganito? Si Fernand
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado
Comentarios (7)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
thank you Author 🩷
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
tama yan Tasya move on kana ..
goodnovel comment avatar
jane
next chapter po
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • Pantasya ni Tasya: Forbidden Desire 1 (SSPG)   Chapter 70

    Tasya's Point of View Tuluyang nawala ang tapang sa sistema ko. Humagulhol ako habang naririnig ang iyak ni Tyrone at hinahanap ako. Pilit naman siyang inaalo ni Nanay Flora mula sa naririnig ko. Sinubukan kong pigilan ang iyak. Nagpakatapang muli. "Nay, pakibigay po ang telepono kay Tyrone..." Halos pumiyok na ika ko. "Nanay, saan ka na po?" Bungad pa lang na salita ni Tyrone ay talagang dinurog na ang kalooban ko. Paano ko natiim na huwag siyang makita? Napakasama kong ina. "Nanay uwi ka na po..." tila pakiusap niya. Humihikbi pa dahil kagagaling lang sa iyak."Yes, honey. Uuwi ang nanay. Hintayin mo ako ha? Uuwi na si Nanay..." sabi ko. Hindi lang durog ang puso ko kundi halos napira-piraso ng pino. Napakabata pa niya para maranasan ang ganito. Pero anong magagawa ko? We need to survive."Pangako po?"Napatutop ako sa aking bibig. Mangangako na naman ako ng isang bagay na hindi ko matutupad. I'll break the heart of my little angel. Broke na nga iyon ngayon. Hindi lang si Ta

  • Pantasya ni Tasya: Forbidden Desire 1 (SSPG)   Chapter 69

    Tasya's Point of View Humigpit ang hawak ko sa manibela. Walang tugon si Dominic. Gusto kong kaawaan ang sarili ko. Bakit pa ako nagtanong kung obvious naman kasi talaga ang sagot. Hindi na ako natuto. Gaya ng iba. Hindi ako ang pipiliin niya. Kaya tama lang ang desisyon ko na huwag sabihin ang totoo.Pero imbes na kaawaan ang sarili ay kunwaring natawa na lang ako."Don't mind me. Nag-e-emo lang ako. Sanay akong mag-isa kaya okay lang kahit sabihin mong hindi mo ako pipiliin..."ika ko. Kunwaring masaya. Naglagay na enerhiya sa aking pananalita. Lumingon ako sa kaniya. Nakatitig pa rin siya sa akin kaya ngumiti ako."You look pale, gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Pag-iiba ko sa usapan. Umiling siya. Muling bumaling sa labas ng bintana kaya tumutok na muli ako sa kalsada. Kahit sa loob ko, parang dinudurog ang kalooban ko.I have learned to drive dahil kailangan when I work as a model at kapag umuuwi ako sa probinsiya. Nagkaroon din naman ako ng sasakyan na luma pero hindi d

  • Pantasya ni Tasya: Forbidden Desire 1 (SSPG)   Chapter 68

    Dominic's Point of View"Where am I?" anas ko nang magising. Mabigat ang pakiramdam ng ulo ko nang bumangon kaya napasapo ako doon. "Take a rest, hijo. Nawalan ka ng malay kanina kaya pinagtulungan kang dalhin sa dati mong kuwarto. How are you feeling?"Bumaling ako kay Papa na siyang nagsalita. Nakahalukipkip siyang nasa may bintana. Na para bang hinihintay akong magising. Nakatanaw siya doon. Hindi lumilingon sa akin."Dominic..." Humarap siya sa akin. "Please, intindihin mo ang iyong Mama. She's still hurting sa pagkawala ng kakambal mo..."Kumuyom ang kamao ko. Kahit sinabi niyang magpahinga muna ako ay hindi ko na magagawa pa. Hindi man magsalita si Papa, alam kong sinisisi rin niya si Trisha.Tuluyan akong bumangon at bumaba sa kama."And so was I, Pa..." ika ko. "Dominic, alam natin ang totoo. Your mom, she's doing this as a coping mechanism. Si Trisha—""Pa! It's been a while! Ilang taon na ang nakalipas. And it's Romnick who did this to himself..." argumento ko. "Walang n

  • Pantasya ni Tasya: Forbidden Desire 1 (SSPG)   Chapter 67

    Dominic's Point of View Mabilis ang pagpapatakbo ko. Ipinagpasalamat ko dahil hindi umangal si Tasya noong hilain ko siya para sumama sa akin. Ni wala na nga akong pakialam kahit makita pa siya ni Mama. Makilala siya nito. Hindi ko din naman maililihim ang kaugnayan ni Tasya kay Trisha.I know Mama will get more angrier kapag makikita niyang muli si Tasya. Like adding fuel to the fire. Pero wala na akong magawa pa. Nagsanga-sanga na ang aming mga landas. And it's because of me. Nakarating kami sa mansiyon."Let's go," ika ko kay Tasya. Alam kong hindi siya bababa hanggang hindi ko siya niyayaya. Kahit na nagmamadali na ay pinagbuksan ko pa rin siya ng pinto ng sasakyan. "Tasya..."Matalim lamang niya akong tinitigan. Galit pa rin siya sa akin."Hindi ko sasabihing kaawaan mo ang kapatid mo, Tasya. I just want you to see how my mom treats her. She needs you, bilang kakampi..."Bumaba siya. Muli kong hinawakan ang kaniyang kamay at pasugod na pumasok sa bahay."Senyorito." Agad akong

  • Pantasya ni Tasya: Forbidden Desire 1 (SSPG)   Chapter 66

    Dominic's Point of View "Where are you going?" Pinigilan ko si Trisha dahil papaalis na siya. Nakabihis siya ng itim. Nakasunglass at handang handa na. "You don't need to do this, Trisha..." ika ko. Iyon lang ang tangi kong magagawa.Binaba niya ang sunglasses na suot niya para tumitig sa mga mata ko."It's his death anniversary, Dom..." aniy. Alam ko. Hindi ko naman iyon nakakalimutan kahit kailan.Kumuyom ang kamao ko. Ramdam ko pa rin ang lungkot sa boses ni Trisha. Ang mga mata niya, halatang galing sa pag-iyak. May takot din na mababanaag sa kaniyang mga mata. Pero pilit siyang nagpapakatatag."I know. Pero...hindi mo na kailangan pang gawin ang mga iyan, Trisha..."Mapait siyang ngumiti. Hinaplos niya ang mukha ko. "Kilala mo ang Mama mo, Dom."Napapikit ako habang dinadama ang haplos niya sa pisngi ko. "It's not your fault, Trisha. Kaya huwag mo ng gawin ito para kay Mama..." anas ko. Biglang yumakap sa akin si Trisha. "Sinisisi niya ako sa lahat ng nangyari, Dom. Alam natin

  • Pantasya ni Tasya: Forbidden Desire 1 (SSPG)   Chapter 65

    Tasya's Point of View Sino ang kaulayaw ni Trisha noong madaling araw?Napaisip ako. Hindi ako puwedeng magkamali sa narinig. Alangan naman na nananaginip lang ako eh hindi nga ako natulog.Kahit mainit ay humigpit ang pagkakahawak ko sa kape habang napapaisip pa rin. "Morning..."Nang biglang may bumati mula sa likod ko. Nilingon ko ito at nakita kong si Fernando iyon. Pupungas-pungas pa siya na tila kagigising lang. "Lilia, pagtimpla mo ako ng kape, please. Iyong matapang. I'm so tired. Didn't get enough sleep..." aniya na humila agad ng upuan at naupo.Mataman akong napatitig kay Fernando. Papikit pikit pa ang kaniyang mga mata na tila inaantok pa talaga. Ni hindi nga nagawang suklayin ang buhok niya. Napansin ko din na may kalmot siya sa bandang leeg. Like he was in a war for the whole night.Pinag-aralan ko siya. Hindi kaya?Ipinilig ko ang aking ulo sa masamang isipin. Sa dudang nagsusumiksik sa utak ko. Imposible. Paanong magagawa ni Trisha kay Dominic ang ganito? Si Fernand

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status