Compartir

Chapter 02

Autor: Author Rain
last update Fecha de publicación: 2026-10-22 10:09:23

-Alexander-

Nang makita ko sa CCTV footage na papasok na sa elevator si Kiefer habang akay-akay ang walang malay na si Willa, agad kong pinatay ang cellphone ko at inihagis iyon sa ibabaw ng kama. 

Pagkatapos ay niluwagan ko ang necktie ko bago ako pabagsak na sumalampak sa sofa. "He really did it, that dumb a$$ bastard!"

Ilang sandali akong nakatitig sa kisame habang pinipigilan ang sariling huwag magpadala sa matinding galit na nararamdaman ko. 

Hindi ko pa rin lubos maisip na may mga lalaking kayang gawin ang lahat para lamang makuha ang gusto nila, kahit pa ang kapalit nito ay ang dignidad at pagkatao ng sarili nilang asawa. 

Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng awa kay Willa. Ang lalaking pinakasalan niya at minahal ay ganito pala kasama.

Kinuha ko ang bote ng wine na nasa ibabaw ng mesa at nagsalin sa baso. Pagkatapos, mabilis kong tinungga ang lahat ng laman nito.

Hindi pa man tuluyang nawawala ang pait ng alak sa aking lalamunan ay narinig ko na ang sunod-sunod na katok sa p***o.

“Mr. Perez…”

“Come in!” malakas kong tawag nang marinig ang boses ni Kiefer.

Ilang segundo lang ang lumipas bago bumukas ang p***o at pumasok sila ni Willa. Nang magtama ang aming mga mata, makahulugan akong napangiti bago ako napasandal sa upuan.

“So, you’ve decided to lend your wife to me para matikman ko?” sarkastiko kong tanong.

Agad siyang umiwas ng tingin. Halata sa kilos niya ang bahagyang pagkailang, ngunit hindi iyon sapat para pigilan siyang ituloy ang kasuklam-suklam niyang plano.

“Hindi naman niya malalaman, Boss,” sagot niya, na pilit na pinananatiling kalmado ang boses. “Tulog na tulog siya, kaya pwede mo nang gawin sa kanya kung anong gusto mo.”

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa baso.

Siraulo talaga ang lalaking ito! Pwede itong maconsider na rap3, since there was no consent from his wife.

Gagawin pa talaga akong kriminal para lang sa isang promotion?

Kung hindi ko lang kailangang magpigil para maisakatuparan ang plano ko, kanina ko pa siya dinamba at binasag ang pagmumukha niya. 

Nakakagigil isipin na kaya niyang ipagpalit ang sariling asawa na para bang isang bagay lang ito na pwede niyang ipamigay kapalit ng posisyong pinapangarap niya.

“Okay.” Pinilit kong panatilihing kalmado ang boses ko. “Ihiga mo na lang siya sa kama, and then you can leave.”

Walang pag-aalinlangan niyang sinunod ang utos ko. Maingat niyang inihiga si Willa sa ibabaw ng kama, saka inayos ang gusot na laylayan ng damit nito na para bang wala lang ang lahat ng ginagawa niya.

Nang matapos siya, humarap siya sa akin at bahagyang ngumiti.

“Sir, ikaw na ang bahala sa asawa ko.” Sandali siyang nag-atubili bago muling nagsalita. “Basta, huwag mong kalimutan ang usapan natin, ha? Yung promotion ko.”

Naningkit ang mga mata ko habang matalim siyang tinitingnan.

Ang kapal ng mukha niya!

Nandito ang sarili niyang asawa, walang malay at walang kamalay-malay na ang taong dapat sana'y nagpoprotekta sa kanya ay siya palang kusang naglalagay sa kanya sa ganitong sitwasyon. 

Pero ang tanging iniisip ng lalaking ito ay ang promotion niya.

Ni hindi man lang niya naisip kung ano ang mararamdaman ni Willa kapag nalaman nito ang ginawa niya. O baka naman wala talaga siyang pakialam?

“Okay,” malamig kong sagot.

Iyon lang ang sinabi ko dahil gusto ko na siyang mawala sa paningin ko. Kung magtatagal pa siya dito, baka tuluyan nang maubos ang natitira kong pasensya at tuluyan ko nang makalimutang may mas mahalagang bagay akong kailangang gawin kaysa suntukin ang pagmumukha niya.

Nakangising nagmamadaling lumabas si Kiefer, tila ba kumbinsido siyang nakuha na niya ang gusto niya. 

Nang tuluyan siyang makalabas, agad akong tumayo at sumunod sa kanya upang isara at i-lock ang p***o.

Pagkatapos ay dahan-dahan akong humarap sa kama.

Sa unang tingin, parang isang diyosa si Willa na himbing sa isang mundong walang problema. Suot niya ang emerald-green na off-shoulder dress na lalong nagbigay-diin sa mala-porselana at makinis niyang kutis. 

Nakalatag sa unan ang mahaba at natural niyang kulay-brown na buhok, na may malalambot na alon sa bawat hibla.

Nakapikit ang magaganda niyang mga mata, habang ang mahahaba niyang pilikmata ay bahagyang nakahimlay sa ilalim ng mga ito. 

Sa kabila ng simpleng ayos niya, hindi maikakailang isa siyang babaeng madaling mapansin sa isang silid na puno ng mga tao.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, ang tanging naiisip ko ay kung gaano kalupit ang mundong ginagalawan niya.

Dahil ang lalaking dapat sana'y nagmamahal sa kanya ay siya ring dahilan kung bakit kailangan niyang maranasan ang ganitong kahihiyan.

Napabuntong-hininga ako bago ako nagsalita. “You can open your eyes now. Lumabas na ang asawa mo.”

Agad na bumukas ang kanyang mga mata.

Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga at ilang sandaling inilibot ang tingin sa silid. Nang tuluyan niyang mapagtanto kung nasaan siya, biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

At pagkatapos ay tuluyan na siyang napahagulgol.

Napailing na lamang ako habang nakasandal sa likod ng p***o at itinupi ang mga braso sa ibabaw ng aking dibdib. Hindi ako umimik. Hinayaan ko muna siyang ilabas ang sakit na ilang sandali pa lamang niyang natuklasan.

Matiim ko siyang pinanood habang nanginginig ang mga balikat niya sa labis niyang pag-iyak.

Sa totoo lang, bago ko pa man ipinatupad ang plano ko kay Kiefer, lihim ko nang kinausap si Willa kanina. 

Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat ng pinaghihinalaan ko tungkol sa asawa niya at kung ano ang balak kong gawin upang patunayan na totoo ang kutob ko.

Pero sa halip na maniwala sa akin, tinawanan lamang niya ako.

“That’s impossible,” mariin niyang sagot habang napapailing. “Hindi ’yan magagawa ng asawa ko. Hindi niya ako ipagpapalit sa trabaho niya.”

Napangiti pa ako nang maalala ko ang ekspresyon niya nang mga sandaling iyon.

Siguradong-sigurado siya sa sarili niyang sagot. Para bang walang anumang pwersa sa mundo ang makapagtutulak kay Kiefer na saktan siya. 

Para bang ang pagmamahal na ipinapakita nito sa kanya ay sapat na patunay na hindi nito magagawang ipagpalit ang kanilang pagsasama sa isang posisyon sa kumpanya.

Nakakalungkot isipin na ganoon niya kakilala ang lalaking pinakasalan niya.

“Bibigyan ko siya ng kunwaring pampatulog,” paliwanag ko sa kanya. “Pero asukal ang laman niyon. Kapag nainom mo na ang alak na ibibigay niya sa’yo, magkunwari kang nakatulog. Hihintayin ko kayo sa kuwarto ko sa taas.”

“Hinding-hindi mangyayari ’yang sinasabi mo!” galit na singhal niya sa akin. Halos magliyab ang mga mata niya sa sobrang galit. “Hinding-hindi ’yan magagawa ni Kiefer sa akin!”

“Let’s see,” nakangisi kong sagot. “Kapag nakarating ka sa kwarto ko, saka tayo mag-uusap. Marami akong sasabihin sa iyo.”

Pinanlisikan niya lamang ako ng mga mata bago tuluyang naglakad palayo sa akin.

At ngayon, nandito siya sa harapan ko, umiiyak dahil ang katotohanang pilit niyang itinatanggi ay siya mismong bumungad sa kanya.

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit para sa kanya. Ang malaman na handa siyang ipagpalit ng asawa niya para sa isang promotion, o ang matuklasang ang taong pinagkatiwalaan niya nang buong puso ay walang pag-aalinlangan siyang inilagay sa isang sitwasyong maaari siyang mapahamak.

Huminga ako nang malalim at bahagyang itinuwid ang pagkakatayo.

“Willa,” tawag ko sa kanya, mas mahinahon na ngayon ang boses ko. “I know this isn't easy for you, but you need to listen to me.”

Patuloy lamang siyang umiyak habang nakatakip ang dalawang palad sa mukha.

“I trusted him,” mahina niyang sambit sa pagitan ng paghikbi. “I trusted my own husband… pero ano itong ginawa niya sa akin?”

Sandaling natahimik ang buong silid, at tanging mahihinang paghikbi lamang niya ang maririnig.

Sa kabila ng galit ko kay Kiefer at sa kagustuhan kong pabagsakin siya at si Stacy, alam kong hindi magiging madali para kay Willa na tanggapin ang lahat.

Hindi ko siya kailangang piliting maghiganti. Hindi ko rin kailangang diktahan kung ano ang dapat niyang maramdaman.

Ang kailangan ko lang gawin ay ipakita sa kanya ang katotohanan at bigyan siya ng pagkakataong makabawi.

Dahan-dahan akong lumapit sa mesa at kumuha ng isang baso ng tubig. Inilapag ko iyon sa mesang nasa tabi ng kama bago muling humarap sa kanya.

“Cry as much as you want. Hindi kita pipilitin na maging matatag agad. Pero kapag handa ka nang malaman ang lahat, may isang bagay akong gustong linawin sa'yo.”

Unti-unti niyang ibinaba ang kanyang mga kamay. Namumula ang kanyang mga mata, at bakas sa mukha niya ang sakit na pilit niyang nilulunok.

“Ano ‘yon?” paos ang boses niyang tanong. “Ano pa ang kailangan kong malaman tungkol sa asawa ko?”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Patikim ng Asawa Mo   Chapter 04

    -Willa-“Wala akong napansing kakaiba sa asawa ko nitong mga nakaraang buwan. He’s still the loving and loyal husband I know,” sagot ko kay Alexander habang diretso akong nakatingin sa mga mata niya.Gusto kong ipakita sa kanya na buo ang tiwala ko kay Kiefer. Na kahit ano pa ang sabihin niya, hinding-hindi ako basta-bastang maniniwala sa mga paratang niya laban sa asawa ko.Pero sa kaibuturan ng puso ko, may kung anong bumabagabag sa akin.Paano kung totoo ang lahat ng mga sinasabi niya?Paano kung ang lalaking minahal ko at pinili kong makasama habang-buhay ay siya ring taong sisira sa akin?Tahimik akong napasinghap nang makita ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng mga labi ni Alexander. Para bang hindi siya naniniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Para bang alam niyang nagsisinungaling ako sa sarili ko at hinihintay na lamang niyang ako mismo ang makakita sa katotohanang pilit kong iniiwasan.“Are you sure?” tanong niya.Hindi ko napigilang mapatingin sa mga kamay niya

  • Patikim ng Asawa Mo   Chapter 03

    -Willa-“He’s having an affair with my wife.” Iyon ang mga katagang sinabi sa akin ni Alexander.Hilam sa luha ang aking mga mata na napalingon ako sa kanya. Ilang sandali ko siyang tinitigan bago marahas na umiling, pilit na itinataboy ang mga salitang narinig ko.No. That can’t be true.Best friend ko si Stacy. Mula pa noong college, magkaibigan na kami. Marami na kaming pinagsamahan, at sa lahat ng taong nakilala ko, siya ang isa sa mga taong lubos kong pinagkakatiwalaan.Hinding-hindi niya magagawa sa akin ang ganoong bagay.“You’re lying,” mariin kong sabi kay Alexander, bagama't hindi ko magawang tingnan siya nang diretso sa mga mata.Gusto kong maniwala na nagsisinungaling lamang siya. Gusto kong isipin na may iba siyang dahilan kung bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na ito. Ngunit ang mas masakit, kahit pilit kong itinatanggi ang lahat, may maliit na bahagi sa puso ko na natatakot na baka totoo ang mga sinasabi niya.Kanina lang ay palihim niya akong kinausap at ipina

  • Patikim ng Asawa Mo   Chapter 02

    -Alexander-Nang makita ko sa CCTV footage na papasok na sa elevator si Kiefer habang akay-akay ang walang malay na si Willa, agad kong pinatay ang cellphone ko at inihagis iyon sa ibabaw ng kama. Pagkatapos ay niluwagan ko ang necktie ko bago ako pabagsak na sumalampak sa sofa. "He really did it, that dumb a$$ bastard!"Ilang sandali akong nakatitig sa kisame habang pinipigilan ang sariling huwag magpadala sa matinding galit na nararamdaman ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na may mga lalaking kayang gawin ang lahat para lamang makuha ang gusto nila, kahit pa ang kapalit nito ay ang dignidad at pagkatao ng sarili nilang asawa. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng awa kay Willa. Ang lalaking pinakasalan niya at minahal ay ganito pala kasama.Kinuha ko ang bote ng wine na nasa ibabaw ng mesa at nagsalin sa baso. Pagkatapos, mabilis kong tinungga ang lahat ng laman nito.Hindi pa man tuluyang nawawala ang pait ng alak sa aking lalamunan ay narinig ko na ang sunod-sunod na katok sa p

  • Patikim ng Asawa Mo   Chapter 01

    -Alexander-“Patikim ng asawa mo,” bulong ko kay Kiefer Sullivan habang magkatabi kaming nakatayo sa isang sulok ng ballroom kung saan ginaganap ang selebrasyon para sa silver anniversary ng kumpanya kong Perez Industries.Sandali siyang natigilan sa sinabi ko, na para bang hindi niya agad naunawaan ang ibig kong sabihin. Pero nang magtama ang aming mga mata, unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.Matagal nang inaasam ni Kiefer ang posisyon bilang Executive Vice President sa kumpanya ko. Sa kasalukuyan, isa siyang General Manager, at ilang beses na rin siyang lumapit sa akin upang hilingin ang promotion na iyon.At ngayong gabi, sa mismong selebrasyon ng ika-dalawampu't limang anibersaryo ng Perez Industries, muli na naman siyang naglakas-loob na lapitan ako para kulitin tungkol sa inaasam niyang posisyon.Ang hindi niya alam, may kapalit ang pabor na hinihingi niya sa akin. At ang kapalit na iyon ay ang sarili niyang asawa.I smirked as I watched him struggle to process my

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status