Share

Chapter 03

Author: Author Rain
last update publish date: 2026-10-22 10:21:59

-Willa-

“He’s having an affair with my wife.” Iyon ang mga katagang sinabi sa akin ni Alexander.

Hilam sa luha ang aking mga mata na napalingon ako sa kanya. Ilang sandali ko siyang tinitigan bago marahas na umiling, pilit na itinataboy ang mga salitang narinig ko.

No. That can’t be true.

Best friend ko si Stacy. Mula pa noong college, magkaibigan na kami. Marami na kaming pinagsamahan, at sa lahat ng taong nakilala ko, siya ang isa sa mga taong lubos kong pinagkakatiwalaan.

Hinding-hindi niya magagawa sa akin ang ganoong bagay.

“You’re lying,” mariin kong sabi kay Alexander, bagama't hindi ko magawang tingnan siya nang diretso sa mga mata.

Gusto kong maniwala na nagsisinungaling lamang siya. Gusto kong isipin na may iba siyang dahilan kung bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na ito. 

Ngunit ang mas masakit, kahit pilit kong itinatanggi ang lahat, may maliit na bahagi sa puso ko na natatakot na baka totoo ang mga sinasabi niya.

Kanina lang ay palihim niya akong kinausap at ipinaliwanag ang planong gagawin niya. 

Gusto niyang ipakita sa akin kung ano ang tunay na ugali ni Kiefer. Ayon sa kanya, hindi ko pa daw lubos na kilala ang sarili kong asawa, at panahon na para malaman ko ang katotohanan.

Pero hindi ako naniwala sa kanya.

Paano ko paniniwalaan ang mga sinasabi niya kung sa mga mata ko ay napakabait na asawa ni Kiefer? Sa loob ng maraming taon naming pagsasama, hindi ko kailanman inakalang magagawa niya akong lokohin. Mahal niya ako. O iyon lang ang gusto kong paniwalaan?

College pa lamang kami nang magsimulang manligaw sa akin si Kiefer. Ilang taon din niya akong niligawan bago ko siya tuluyang sinagot, dahil noong una ay talagang wala akong gusto sa kanya.

Hindi naman sa may kulang sa kanya. Sadyang hindi ko lang nakikita ang sarili ko na boyfriend ang isang katulad niya.

Pero naging matiyaga siya sa panunuyo sa akin.

Sa kabila ng paulit-ulit kong pagtanggi, hindi siya sumuko. Hanggang sa dumating ang panahong natutuhan ko na din siyang mahalin.

At sa buong panahong iyon, si Stacy ang isa sa mga taong pinaka-supportive sa relasyon namin.

Siya ang nakikinig sa mga kwento ko tungkol kay Kiefer. Siya ang nagbibigay sa akin ng payo kapag may tampuhan kami. 

Kaya paano ko magagawang paniwalaan na ang dalawang taong pinagkakatiwalaan ko ay kaya akong lokohin?

Paano nila magagawang pagtaksilan ako nang ganoon kadali, gayong pareho silang may mahalagang puwang sa buhay ko?

At higit sa lahat, bakit naman pagtataksilan ni Stacy si Alexander?

Sa lahat ng lalaking nakilala ko, si Alexander Perez na yata ang pinakamalapit sa perpektong lalaki. Gwapo, mayaman, matikas, at may kumpiyansang hindi kailangang ipagsigawan. 

Kayang-kaya niyang makuha ang halos lahat ng bagay na gugustuhin niya.

Ngunit higit sa mga iyon, ang palagi kong hinahangaan sa kanya ay ang pagiging loyal niya kay Stacy.

Sa tuwing nakikita ko silang magkasama, kitang-kita ko kung gaano niya pinahahalagahan ang asawa niya. Hindi siya iyong tipong lalaking naghahanap ng atensiyon mula sa ibang babae. Sa halip, para bang si Stacy lamang mundo niya.

Noong unang ipakilala sa akin ni Stacy si Alexander, hindi ko maikakailang nakaramdam ako ng inggit sa kaibigan ko.

Paano niya nagawang makabingwit ng isang lalaking katulad ni Alexander? Nasa kanya na ang halos lahat ng katangiang hinahanap ng isang babae. 

Minsan nga, pabiro kong tinanong si Stacy kung ano ang ginawa niya sa nakaraang buhay niya para makakuha ng ganoong klaseng asawa.

Tumawa lamang siya noon at sinabing masuwerte lang daw talaga siya.

At ngayon, ang mismong lalaking pinaniniwalaan kong tapat na tapat sa asawa niya ay nagsasabing may relasyon si Stacy sa ibang lalaki.

At sa asawa ko pa talaga na kaibigan din niya.

“Wala ka bang napapansin sa asawa mo nitong mga nakaraang buwan?”

Naputol ang magulong pag-iisip ko nang muling magsalita si Alexander.

Dahan-dahan akong napalingon sa kanya.

Nakaupo na siya ngayon sa sofa, nakasandal ang likod at nakabuka ang dalawang braso sa sandalan nito. Bahagyang nakabukas ang ilang butones ng kanyang puting long-sleeved shirt, dahilan para masilip ko ang matipuno niyang dibdib.

Agad akong umiwas ng tingin.

Goodness, Willa! Hindi iyan ang dapat mong isipin ngayon!

Napailing ako sa sarili kong naisip at pilit na itinuon ang atensyon sa tanong niya.

May napansin ba ako kay Kiefer nitong mga nakaraang buwan?

Sa totoo lang, meron. Madami.

At ngayong binabalikan ko ang mga pangyayaring iyon, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung bakit hindi ko agad pinagdugtong-dugtong ang mga palatandaan.

Tatlong buwan na ang nakararaan nang mapansin ko ang bakas ng lipstick sa kuwelyo ng polo shirt ni Kiefer.

Nang araw na iyon, kakauwi lamang niya mula sa trabaho. Habang inaasikaso ko ang mga gamit niya, hindi ko sinasadyang mapansin ang pulang marka sa puting tela ng kanyang damit.

Wala akong lipstick na ganon ang kulay. Masyadong itong matingkad, kaya hindi ko maiwasang tanungin siya kung saan galing ang marka na iyon.

Ngunit sa halip na mataranta, kalmado lamang siyang sumagot.

Marami daw siyang babaeng kliyenteng nakipagbeso sa kanya nang araw na iyon. Malamang ay isa sa kanila ang nakapag-iwan ng marka sa kanyang damit.

Dahil sa trabaho niya, madami siyang mga nakakasalamuha, lalo na kapag may kinakatagpo siyang mga buiness client. Isa pa, hindi ko rin naman gustong maging isang asawang naghihinala sa bawat maliit na bagay.

Kaya kahit may kaunting pagdududa sa puso ko, pinili kong paniwalaan siya.

Sinabi ko sa sarili kong wala iyong ibig sabihin. Na baka nagkataon lamang.

Pero hindi pa doon natapos ang mga bagay na hindi ko maipaliwanag.

May isang hapon din na nag-text sa akin si Kiefer bandang alas-kuwatro.

Kasalukuyan akong naghahanda ng hapunan nang matanggap ko ang message niya. Sinabi niyang meron daw siyang dinner meeting kasama ang isang business associate at hindi siya makakasabay sa akin sa pagkain.

Ang pangalan ng taong binanggit niya ay si Mr. Lao, isang negosyanteng manggagaling pa raw sa Singapore.

Noong una, hindi ko naman iyon pinag-isipan nang husto. Sanay na akong may mga biglaang pagbabago sa schedule ng asawa ko dahil sa trabaho niya.

Pero nang mapansin kong maaga siyang aalis, may kung anong nagtulak sa akin na tawagan ang office niya.

Hindi ko naman kailangang maghinala agad. Gusto ko lamang makatiyak na nagsasabi siya sa akin ng totoo.

“Hello, Mrs. Martin. This is Willa Sullivan. Nandiya pa ba ang asawa ko sa office?” malambing kong tanong nang sagutin ng secretary niya ang tawag.

Si Mrs. Martin ang matagal nang secretary ni Kiefer. Nasa singkuwenta anyos na siya at may lima nang anak, kaya hindi ko kailanman naisip na pagdudahan siya. Kung tutuusin, para na nga siyang ina ng asawa ko.

“Oh, hi, Mrs. Sullivan!” masigla niyang bati. “Kakaalis lang po ni Sir Kiefer. Mga fifteen minutes na po ang nakakalipas.”

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa kusina. 4:15 PM.

Ibig sabihin, nung nagtext siya sa akin ay paalis na siya.

“Sabi niya, dinner meeting daw ang pupuntahan niya. Alas-kuwatro pa lang kasi,” komento ko, pilit na pinananatiling kaswal ang tono ng boses ko.

“Dinner meeting po?” tila nagtatakang tanong ni Mrs. Martin. “Sino daw po ang makakasama niya?”

Napakunot ang noo ko.

Hindi ba dapat alam ng secretary niya kung sino ang business associate na makakasama niya sa isang mahalagang meeting?

“Si Mr. Lao daw. Galing pa daw siya ng Singapore.”

Sandaling natahimik si Mrs. Martin sa kabilang linya.

Pagkatapos ay sinabi niya ang mga katagang tuluyang nagpalakas sa kabog ng puso ko.

“Sa Wednesday pa po ang dating ni Mr. Lao, Mrs. Sullivan. Baka po nagkamali lang kayo ng dinig.”

Para akong nawalan ng hangin dahil Lunes pa lang ngayon. Napakapit ako sa gilid ng mesa.

Kung sa Wednesday pa darating ang lalaking sinabi ni Kiefer na makakasama niya sa dinner meeting, sino ang pupuntahan niya nang gabing iyon?

At bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin?

“Ah…” pilit kong sagot, kahit pakiramdam ko ay unti-unting nanlalamig ang mga kamay ko. “Baka nga. You think he has planned something for tonight?” maingat kong tanong.

“Hindi ko po alam, Mrs. Sullivan. Pero wala naman po siyang naka-sked na pupuntahan ngayon.”

“Okay, Mrs. Martin. Thank you. Huwag mo na lang sabihin sa kanya na tumawag ako. Hindi naman importante ang sasabihin ko.”

“Sige po. Have a nice day, Mrs. Sullivan.”

“You too. Bye!”

Pagkababa ko ng tawag, matagal akong nakatitig sa cellphone ko.

May kung anong bumigat sa dibdib ko noon. Sa unang pagkakataon, hindi ko maalis sa isip ko ang posibilidad na may itinatago sa akin si Kiefer.

Ngunit sa halip na komprontahin siya, pinili kong manahimik. Baka may ibang dahilan.

Baka may sorpresa siyang inihahanda para sa akin, o baka hindi lang talaga niya naipaliwanag nang maayos ang sitwasyon.

Napakaraming dahilan ang ginawa ko para bigyang-katwiran ang kanyang mga kilos, dahil mas madaling paniwalaan ang mga iyon kaysa harapin ang posibilidad na niloloko na niya ako.

At ngayon, habang nakaupo ako sa harap ng boss niya, unti-unting bumabalik sa alaala ko ang bawat pagkakataong pinili kong huwag magtanong.

Dahan-dahan akong napalingon kay Alexander.

Nakataas ang mga kilay niya na tila hinihintay ang sagot ko. Hindi siya nagmamadali, at hindi rin niya ako pinipilit na magsalita. 

Tahimik lamang siyang nakatingin sa akin, na para bang alam niyang may mga bagay akong naaalala na ayokong sabihin sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Patikim ng Asawa Mo   Chapter 04

    -Willa-“Wala akong napansing kakaiba sa asawa ko nitong mga nakaraang buwan. He’s still the loving and loyal husband I know,” sagot ko kay Alexander habang diretso akong nakatingin sa mga mata niya.Gusto kong ipakita sa kanya na buo ang tiwala ko kay Kiefer. Na kahit ano pa ang sabihin niya, hinding-hindi ako basta-bastang maniniwala sa mga paratang niya laban sa asawa ko.Pero sa kaibuturan ng puso ko, may kung anong bumabagabag sa akin.Paano kung totoo ang lahat ng mga sinasabi niya?Paano kung ang lalaking minahal ko at pinili kong makasama habang-buhay ay siya ring taong sisira sa akin?Tahimik akong napasinghap nang makita ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng mga labi ni Alexander. Para bang hindi siya naniniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Para bang alam niyang nagsisinungaling ako sa sarili ko at hinihintay na lamang niyang ako mismo ang makakita sa katotohanang pilit kong iniiwasan.“Are you sure?” tanong niya.Hindi ko napigilang mapatingin sa mga kamay niya

  • Patikim ng Asawa Mo   Chapter 03

    -Willa-“He’s having an affair with my wife.” Iyon ang mga katagang sinabi sa akin ni Alexander.Hilam sa luha ang aking mga mata na napalingon ako sa kanya. Ilang sandali ko siyang tinitigan bago marahas na umiling, pilit na itinataboy ang mga salitang narinig ko.No. That can’t be true.Best friend ko si Stacy. Mula pa noong college, magkaibigan na kami. Marami na kaming pinagsamahan, at sa lahat ng taong nakilala ko, siya ang isa sa mga taong lubos kong pinagkakatiwalaan.Hinding-hindi niya magagawa sa akin ang ganoong bagay.“You’re lying,” mariin kong sabi kay Alexander, bagama't hindi ko magawang tingnan siya nang diretso sa mga mata.Gusto kong maniwala na nagsisinungaling lamang siya. Gusto kong isipin na may iba siyang dahilan kung bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na ito. Ngunit ang mas masakit, kahit pilit kong itinatanggi ang lahat, may maliit na bahagi sa puso ko na natatakot na baka totoo ang mga sinasabi niya.Kanina lang ay palihim niya akong kinausap at ipina

  • Patikim ng Asawa Mo   Chapter 02

    -Alexander-Nang makita ko sa CCTV footage na papasok na sa elevator si Kiefer habang akay-akay ang walang malay na si Willa, agad kong pinatay ang cellphone ko at inihagis iyon sa ibabaw ng kama. Pagkatapos ay niluwagan ko ang necktie ko bago ako pabagsak na sumalampak sa sofa. "He really did it, that dumb a$$ bastard!"Ilang sandali akong nakatitig sa kisame habang pinipigilan ang sariling huwag magpadala sa matinding galit na nararamdaman ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na may mga lalaking kayang gawin ang lahat para lamang makuha ang gusto nila, kahit pa ang kapalit nito ay ang dignidad at pagkatao ng sarili nilang asawa. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng awa kay Willa. Ang lalaking pinakasalan niya at minahal ay ganito pala kasama.Kinuha ko ang bote ng wine na nasa ibabaw ng mesa at nagsalin sa baso. Pagkatapos, mabilis kong tinungga ang lahat ng laman nito.Hindi pa man tuluyang nawawala ang pait ng alak sa aking lalamunan ay narinig ko na ang sunod-sunod na katok sa p

  • Patikim ng Asawa Mo   Chapter 01

    -Alexander-“Patikim ng asawa mo,” bulong ko kay Kiefer Sullivan habang magkatabi kaming nakatayo sa isang sulok ng ballroom kung saan ginaganap ang selebrasyon para sa silver anniversary ng kumpanya kong Perez Industries.Sandali siyang natigilan sa sinabi ko, na para bang hindi niya agad naunawaan ang ibig kong sabihin. Pero nang magtama ang aming mga mata, unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.Matagal nang inaasam ni Kiefer ang posisyon bilang Executive Vice President sa kumpanya ko. Sa kasalukuyan, isa siyang General Manager, at ilang beses na rin siyang lumapit sa akin upang hilingin ang promotion na iyon.At ngayong gabi, sa mismong selebrasyon ng ika-dalawampu't limang anibersaryo ng Perez Industries, muli na naman siyang naglakas-loob na lapitan ako para kulitin tungkol sa inaasam niyang posisyon.Ang hindi niya alam, may kapalit ang pabor na hinihingi niya sa akin. At ang kapalit na iyon ay ang sarili niyang asawa.I smirked as I watched him struggle to process my

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status