Share

Chapter 04

Author: Author Rain
last update publish date: 2026-10-22 10:22:11

-Willa-

“Wala akong napansing kakaiba sa asawa ko nitong mga nakaraang buwan. He’s still the loving and loyal husband I know,” sagot ko kay Alexander habang diretso akong nakatingin sa mga mata niya.

Gusto kong ipakita sa kanya na buo ang tiwala ko kay Kiefer. Na kahit ano pa ang sabihin niya, hinding-hindi ako basta-bastang maniniwala sa mga paratang niya laban sa asawa ko.

Pero sa kaibuturan ng puso ko, may kung anong bumabagabag sa akin.

Paano kung totoo ang lahat ng mga sinasabi niya?

Paano kung ang lalaking minahal ko at pinili kong makasama habang-buhay ay siya ring taong sisira sa akin?

Tahimik akong napasinghap nang makita ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng mga labi ni Alexander. 

Para bang hindi siya naniniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Para bang alam niyang nagsisinungaling ako sa sarili ko at hinihintay na lamang niyang ako mismo ang makakita sa katotohanang pilit kong iniiwasan.

“Are you sure?” tanong niya.

Hindi ko napigilang mapatingin sa mga kamay niya na unti-unting kinakalas ang mga butones ng suot niyang polo.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at ilang beses na napalunok bago muling nagsalita. “I am very sure.”

Gusto kong maging matatag sa harap niya. Ayokong makita niyang kahit ako mismo ay unti-unti nang nadudurog sa mga posibilidad na pilit kong itinatanggi.

Pagkuwa'y nagkibit siya ng mga balikat na para bang wala na siyang pakialam kung maniniwala ako o hindi.

“Okay. Kung 'yon ang gusto mong paniwalaan, wala na akong magagawa pa. Ibibigay ko na lang sa'yo ang mga ebidensiyang nakalap ko, at ikaw na ang magdesisyon kung ayaw mo pa ring maniwala.”

Hindi ako sumagot.

“But for now, kung gusto mong makuha ang promotion ng asawa mo…”

“I won't do it!” galit kong sigaw bago tuluyang tumayo mula sa kama.

Hindi ko na hinayaang matapos niya ang sasabihin niya. Hindi ko ibibigay ang sarili ko sa kanya, kapalit ng prootion ni Kiefer. Over my dead body!

Ngunit bago pa ako tuluyang makatayo nang maayos, biglang umikot ang paningin ko. Nanghina ang mga tuhod ko at muli akong napaupo sa gilid ng kama.

“Hey, are you okay?” Agad na lumapit sa akin si Alexander. 

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat upang alalayan, pero marahas kong tinabig ang mga kamay niya.

“Don't touch me!” galit kong singhal sa kanya.

Agad akong umusod palayo sa kanya nang maupo siya sa tabi ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang ang epekto niya sa akin. Gusto kong lumayo sa kanya dahil naiinis ako sa mga pinagsasasabi niya.

Pero ngayong malapit na malapit siya sa akin, parang nagliliyab ang buong katawan ko sa sobrang init.

Hindi naman nagpatinag si Alexander sa galit ko.

Sa halip, inabot niya ang baso ng tubig sa ibabaw ng nightstand at inilapit iyon sa bibig ko. “Drink.” mariing utos niya.

Umiling ako at pilit na iniwas ang mukha ko.

“Willa, drink some water.”

“Ayoko!” 

“Stop arguing with me for a second and drink. You look pale.”

May kung anong tono sa boses niya na nagpahinto sa akin. Hindi iyon ang karaniwang mapang-asar at mayabang niyang pananalita. Sa pagkakataong iyon, may bahid iyon ng pag-aalala.

Lalo akong nainis dahil hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang pansinin ang ganoong bagay mula sa kanya.

Wala akong ibang nagawa kundi tanggapin ang baso. Pero bago ko pa man tuluyang maitaas iyon sa aking mga labi, inilagay niya ang isang kamay sa likod ng aking ulo upang alalayan ako.

Tahimik akong uminom, pilit na iniiwas ang aking mga mata sa kanya.

Pagkababa ko ng baso, kinuha niya iyon mula sa akin at ibinalik sa nightstand.

Akala ko ay doon na magtatapos ang lahat, pero bigla na alng niya akong kinabig at mahigpit na niyakap.

Napasinghap ako nang mapalapit ang mukha ko sa dibdib niya. Agad kong naamoy ang mamahalin niyang pabango, na nahaluan ng bahagyang amoy ng alak.

“Alexander…” Hindi ko alam kung paano ko siya itutulak palayo.

Dapat ay magalit ako. Dapat ay layuan ko siya dahil hindi ko naman alam kung ano talaga ang pakay niya sa akin. Pero sa sandaling iyon, tila naubos ang lakas kong lumaban.

Lalo akong nanghina nang maalala ko ang mga sinabi niya tungkol kay Kiefer.

Ang asawa ko, ang lalaking minahal ko nang buong puso at niloloko pala ako.

Hindi ko na napigilang mapapikit habang nakasandal sa dibdib ni Alexander. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko, at kahit pilit kong pinipigilan, unti-unting namuo ang mga luha sa aking mga mata.

Ayoko na sanang umiyak sa harap niya. Ayokong bigyan siya ng dahilan upang isipin na tama siya.

Pero paano ko naman pipigilan ang sakit kung ang mismong lalaking inaasahan kong poprotekta sa akin ang posibleng dahilan ng pagkawasak ko?

Marahan niyang hinaplos ang likod ko gamit ang mainit niyang palad. Hindi siya nagsalita. Hindi niya ako pinilit na aminin ang anumang bagay. 

Hinayaan lamang niya akong manatili sa yakap niya habang unti-unting humuhupa ang panginginig ng katawan ko.

At sa kabila ng lahat, nakakainis mang aminin, bahagya akong kumalma.

“Stay here for tonight,” mahinang sabi niya nang tuluyan akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. “Para hindi mahalata ni Kiefer na gising ka na.”

Hindi ako sumagot.

Nanatili lamang akong nakayuko, abala sa pagpunas sa mga luhang hindi ko na nagawang pigilan. Hindi ko kayang tingnan siya sa mga mata dahil natatakot akong makita sa mukha niya ang isang bagay na hindi ko pa kayang harapin.

“I'll sleep on the couch,” dagdag pa niya.

Napatitig ako sa kanya.

Bakit? Bakit niya ginagawa ang lahat ng ito?

Hindi ko alam ang sagot. Wala akong maisip na dahilan.

“I'll just take a shower,” sabi niya bago tumayo mula sa kama.

Ngunit bago pa siya makalayo, kusa kong inabot ang kamay niya at hinawakan iyon.

Natigilan naman siya sa ginawa ko.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, saka ibinaba ang tingin sa kamay kong nakakapit sa kanya. “What is it, Willa?”

Napakagat ako sa aking labi.

Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari pagkatapos nito. Pero kung may isang bagay akong kailangang malaman ngayong gabi, iyon ay kung hanggang saan ang kaya kong gawin para sa lalaking pinili kong mahalin.

At kung ang kapalit ng promotion ni Kiefer ay isang bagay na hinding-hindi ko kailanman naisip na gagawin ko, kailangan kong malaman kung seryoso nga ba si Alexander sa alok niya.

“Yung kapalit sa promotion ni Kiefer…” mahina kong saad habang nakatingala sa kanya.

Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nawala ang bahagyang ngiti sa kanyang mga labi, at napalitan iyon ng isang seryosong tingin.

“Do you want to do it?” tanong niya na bahagyang kumunot ang noo.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, na para bang gusto niyang tiyaking naiintindihan ko ang sinasabi ko.

Gusto kong protektahan si Kiefer. Gusto kong makuha niya ang promotion na matagal na niyang pinaghirapan. Pero kasabay niyon, ayaw kong ibigay kay Alexander ang anumang karapatang gamitin ako para sa sarili niyang kagustuhan.

At higit sa lahat, ayokong gumawa ng isang bagay na pagsisisihan ko habambuhay.

Pero bago pa man ako makabuo ng sagot, bigla siyang yumuko.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko na nagawang umiwas nang mabilis, at ang sumunod kong naramdaman ay ang pagdampi ng malambot niyang mga labi sa akin.

Natigilan ako sa ginawa niya. For a moment, everything seemed to stop.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Patikim ng Asawa Mo   Chapter 04

    -Willa-“Wala akong napansing kakaiba sa asawa ko nitong mga nakaraang buwan. He’s still the loving and loyal husband I know,” sagot ko kay Alexander habang diretso akong nakatingin sa mga mata niya.Gusto kong ipakita sa kanya na buo ang tiwala ko kay Kiefer. Na kahit ano pa ang sabihin niya, hinding-hindi ako basta-bastang maniniwala sa mga paratang niya laban sa asawa ko.Pero sa kaibuturan ng puso ko, may kung anong bumabagabag sa akin.Paano kung totoo ang lahat ng mga sinasabi niya?Paano kung ang lalaking minahal ko at pinili kong makasama habang-buhay ay siya ring taong sisira sa akin?Tahimik akong napasinghap nang makita ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng mga labi ni Alexander. Para bang hindi siya naniniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Para bang alam niyang nagsisinungaling ako sa sarili ko at hinihintay na lamang niyang ako mismo ang makakita sa katotohanang pilit kong iniiwasan.“Are you sure?” tanong niya.Hindi ko napigilang mapatingin sa mga kamay niya

  • Patikim ng Asawa Mo   Chapter 03

    -Willa-“He’s having an affair with my wife.” Iyon ang mga katagang sinabi sa akin ni Alexander.Hilam sa luha ang aking mga mata na napalingon ako sa kanya. Ilang sandali ko siyang tinitigan bago marahas na umiling, pilit na itinataboy ang mga salitang narinig ko.No. That can’t be true.Best friend ko si Stacy. Mula pa noong college, magkaibigan na kami. Marami na kaming pinagsamahan, at sa lahat ng taong nakilala ko, siya ang isa sa mga taong lubos kong pinagkakatiwalaan.Hinding-hindi niya magagawa sa akin ang ganoong bagay.“You’re lying,” mariin kong sabi kay Alexander, bagama't hindi ko magawang tingnan siya nang diretso sa mga mata.Gusto kong maniwala na nagsisinungaling lamang siya. Gusto kong isipin na may iba siyang dahilan kung bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na ito. Ngunit ang mas masakit, kahit pilit kong itinatanggi ang lahat, may maliit na bahagi sa puso ko na natatakot na baka totoo ang mga sinasabi niya.Kanina lang ay palihim niya akong kinausap at ipina

  • Patikim ng Asawa Mo   Chapter 02

    -Alexander-Nang makita ko sa CCTV footage na papasok na sa elevator si Kiefer habang akay-akay ang walang malay na si Willa, agad kong pinatay ang cellphone ko at inihagis iyon sa ibabaw ng kama. Pagkatapos ay niluwagan ko ang necktie ko bago ako pabagsak na sumalampak sa sofa. "He really did it, that dumb a$$ bastard!"Ilang sandali akong nakatitig sa kisame habang pinipigilan ang sariling huwag magpadala sa matinding galit na nararamdaman ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na may mga lalaking kayang gawin ang lahat para lamang makuha ang gusto nila, kahit pa ang kapalit nito ay ang dignidad at pagkatao ng sarili nilang asawa. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng awa kay Willa. Ang lalaking pinakasalan niya at minahal ay ganito pala kasama.Kinuha ko ang bote ng wine na nasa ibabaw ng mesa at nagsalin sa baso. Pagkatapos, mabilis kong tinungga ang lahat ng laman nito.Hindi pa man tuluyang nawawala ang pait ng alak sa aking lalamunan ay narinig ko na ang sunod-sunod na katok sa p

  • Patikim ng Asawa Mo   Chapter 01

    -Alexander-“Patikim ng asawa mo,” bulong ko kay Kiefer Sullivan habang magkatabi kaming nakatayo sa isang sulok ng ballroom kung saan ginaganap ang selebrasyon para sa silver anniversary ng kumpanya kong Perez Industries.Sandali siyang natigilan sa sinabi ko, na para bang hindi niya agad naunawaan ang ibig kong sabihin. Pero nang magtama ang aming mga mata, unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.Matagal nang inaasam ni Kiefer ang posisyon bilang Executive Vice President sa kumpanya ko. Sa kasalukuyan, isa siyang General Manager, at ilang beses na rin siyang lumapit sa akin upang hilingin ang promotion na iyon.At ngayong gabi, sa mismong selebrasyon ng ika-dalawampu't limang anibersaryo ng Perez Industries, muli na naman siyang naglakas-loob na lapitan ako para kulitin tungkol sa inaasam niyang posisyon.Ang hindi niya alam, may kapalit ang pabor na hinihingi niya sa akin. At ang kapalit na iyon ay ang sarili niyang asawa.I smirked as I watched him struggle to process my

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status