Share

Chapter 36: Fault

Magdamag akong umiyak sa k’warto ko pagkauwing pagkauwi ko. Wala akong oras para rito pero ito ako ngayon, iyak nang iyak dahil sa bwisit na lalaking ‘yon. Kung mahal na mahal niya naman pala si Dr. Therese, ay sana hindi na siya pumayag na magpakasal sa akin!

Wala rin naman akong balak na pilitin siya noon dahil mas makakabuti ‘yon dahil ayaw ko naman sa kaniya noong una. Ngayon... ewan ko na. I love him too much and I am starting to get annoyed by this fact. Dahil ang hirap hirap niyang hindian. Dahil nagsisimula na akong umasa at maging makasarili.

Kahit alam kong hindi naman siya masaya sa akin. Sakit ng ulo lang ang dulot ko. I am not a wife material and he has been in love with someone else for all those years. Na nakakaya niyang hindi pansinin ang insulto ng babaeng ‘yon sa mama ko at... sa akin, dahil lang sa may sakit siya.

Wala naman dapat akong pakialam kung maniwala siya sa sinabi ni Dr. Therese, pero nakakainis dahil nasasaktan ako ngayon. Hindi

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status