Mag-log inAlas-singko ng hapon, tumayo si Aless mula sa kanyang swivel chair, isinalansan ang itim na suit sa kanyang braso, at lumabas. Pagbukas niya ng pinto ng opisina, laking gulat niya nang bumungad sa kanya ang kanyang lola."Lola, anong ginagawa niyo rito?" tanong niya."Nabalitaan kong aalis ka na naman para sa isang business trip ngayon?" sagot ng lola ni Aless."Sino pong nagsabi sa inyo niyan?"Yumuko lang ang assistant sa tabi, hindi makaimik sa takot. Hindi naman binenta ni Lola ang kanyang source.."Huwag mo nang alamin. Narito ako para sa isang bagay. Gusto kong makilala ang asawa mo, ang apo ko na hindi ko pa nakikita."
“ Miss Locson, pwede na po kayong pumasok” sabi ni James.Pumasok si Ivory sa opisina na may mahinhin na ngiti at malambing na boses."President Valderama, narito po ako para mag-report tungkol sa academic performance ng kapatid ninyo.""May iba akong gustong malaman ngayon." Malamig ang ekspresyon sabi ni Aless.Nagtaka si Ivory sa turan nito. Dati, ang kapatid niya lagi ang unang tinatanong nito. Anong nagbago?"Ano po iyon, President?""Lumabas na ba ang recruitment results kahapon?""Opo, President. Nakapag-send na rin kami ng offers sa mga nakapasa." confident na sagot nito.
Umuwi si Elara at naghintay nang naghintay, pero walang tumatawag. Dahil marami ring inaasikaso si Aless, doon na muna ito natulog sa kanyang opisina.Kinabukasan ng tanghali, bumalik si Aless sa kanilang mansyon. Pagpasok niya, nakita niyang kumakain si Deo nang mag-isa."Nasaan ang ate mo?" tanong nito."Wala raw po siyang gana, hindi siya kakain.""Alam mo ba kung bakit?" takang tanong ni Aless."Humm, nag-interview kasi siya kahapon, mukhang ligwak yata." malungkot na sagot nito.Napaisip ng malalim si Aless at umakyat sa kwarto sa second floor. Nakita niya si Elara na natutulog nang mahimbing suot ang isang pink and white na nightgown. Napakaamo ng mukha nito habang nat
Nasa second interview na siya kasama ang department manager na si Kyle De Leon.“Ms. Castillo, napakahusay ng skills mo. May tanong lang ako, given na uso na ngayon ang online classes where teachers are required to appear on camera, bakit zero ang recorded experience mo in this area?”Hindi nagpaligoy-ligoy si Elara at tapat na sumagot.."Dahil ang dati ko pong boss, sinabing hindi raw maganda ang image ko. Kapag daw nagpakita ako ng mukha sa camera, baka matakot lang ang mga estudyante."Natawa nang bahagya ang manager."Ms. Elara, mukhang nagbibiro ka yata."Sandaling pinagmasdan ni Kyle ang maamong mukha ni Elara at ang perpekto nitong tindig. Sery
Bago lumabas bitbit ang kanyang resume, sumilip muna siya sa kwarto ni Deo."Deo, ngayong hapon, bukod sa pagsagot ng limang sets ng test papers, kailangan mo ring mag-practice ng penmanship. Magsulat ka ng sandaang pahina base sa model na ito, ha?"Naibuga ni Deo ang iniinom niyang soda sa narinig."Ate naman! Hindi naman ganyan ang tamang pagpapalaki ng kapatid," reklamo ni Deo."Kapag nakasandaang pahina ako, baka maputol na ang kamay ko!""Ayos lang naman kung hindi mo matapos," kaswal na sagot ni Elara habang nag-aayos."Pero siguradong wala kang kakaining beef mamayang gabi.""Hala, paborito ko 'yun!" bagsak ang
Noong pumanaw ang kanyang ina at nakaranas siya ng pang-aapi sa labas, umiyak siya sa harap ng kanyang ama na si Herardo. Pero tiningnan lang siya nito nang may pandidiri."Wala ka bang kamay o paa? Kung inapi ka, apihin mo rin sila pabalik. Ang hina-hina mo na nga, may gana ka pang umiyak sa harap ko. Pinapahiya mo ako. Lumayas ka."Mula noon, hindi na muling umiyak si Elara sa harap ng kanyang ama. Mas natutuwa pa nga ang kanyang madrasta at kapatid sa ama kapag nakikita siyang malungkot.Dahil sa kanyang kinalakihan, nakasanayan na ni Elara na magsuot ng matapang na maskara para protektahan ang sarili. Minsan, sa sobrang tagal niyang suot ito, nalilimutan na rin niyang kailangan din pala niya ng pag-aalaga at proteksyon.Kaya naman kapag may nagpapakita sa







