Partager

Chapter 6 - Ang laro ng tadhana

Auteur: GrindnShine
last update Date de publication: 2026-04-17 13:04:38

Ngumiti si Elara nang matamis habang naglalakad patungo sa kanya. Ang kanyang mapupulang labi ay nagpakita ng alindog na sadyang nakakabighani, habang ang kanyang itim at kulot na buhok ay dahan-dahang sumasabay sa bawat hakbang niya. 

Hapit ang pulang damit sa kanyang balingkinitang baywang, at ang hiwa nito ay naglalantad sa kanyang mahaba at mapuputing binti. Maputing balat, pulang damit, at eleganteng pagkilos, tila isang sining na naglalakad.

Tiningnan ni Aless ang babaeng papalapit sa kanya. Noon lang niya napagtanto na may tao palang kayang magsuot ng kulay pula nang ganoon kaganda. 

Masyadong kapansin-pansin ang kulay, pero hindi ito masakit sa mata. Sa halip, nakakaakit ito. Huminto ang tunog ng kanyang high heels, at isang kakaiba at mahiwagang bango ang humalimuyak sa kanyang pang-amoy.

Umupo si Elara sa harap ni Aless at direkta itong tinitigan. 

"I am here for a blind date."

"Same here" maikling sagot ni Aless. 

Isinara niya ang kanyang libro, at ang baryang may taong 2000 ay naiwang nakatago sa pagitan ng mga pahina.

"Elara Castillo."

"Alessandro “Aless” Valderama"

Inabot ni Elara an kanyang kamay para sa isang handshake at diretso naman itong tinanggap ni Aless sabay tayo. 

Napakurap si Elara nang maramdaman ang tila kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan kaya mabilis niya itong binitawan at ngumiti ng maikli tsaka umupo. 

“ I ordered extra coffee for you, if you don’t mind” sabi ni Aless habang nakatitig kay Elara

“ Thank you” sagot nito sabay inom ng kape. 

Isang manipis na puting bula ang dumikit sa kanyang mapupulang labi bago ito naglaho, na nag-iwan ng bahagyang kinang.

Mukha siyang kalmado sa labas, pero sa loob ay nagkakagulo ang kanyang isip.

Valderama! Si Alessandro Valderama! Sinong nasa elite circle ang hindi nakakakilala sa kanya? 

Sinong hindi pa nakarinig sa pangalang Alessandro Valderama, ang nag-iisang tagapagmana sa pinakamataas na antas ng lipunan? Ang pangalang Aless Valderama ay hindi lamang isang pangalan, ito ay simbolo ng hindi mabilang na yaman, kapangyarihan, at katayuang tila hindi maabot ng sinuman.

Napakaraming dalaga mula sa mga pinaka-maimpluwensyang pamilya ang nangangarap na makalapit sa kanya. Ginagamit nila ang lahat ng koneksyon para lang mapansin at maging "First Lady" ng Elite Circle sa bansa, pero lahat sila ay nauuwi sa kabiguan.

Biglang naalala ni Elara ang narinig niya mula kay Olivia isang taon na ang nakalipas. Sinusubukan nilang mapalapit kay Lola Fely Valderama sa pag-asang ma-i-blind date ni Danica si Aless.

Napangiti nang palihim si Elara. Kung hindi siya nagkakamali, si Danica dapat ang kaharap ng lalaking ito ngayon. 

Ang tadhana nga naman, ang pagkakataong pinaghirapang makuha ng iba, ay kusa na lamang nahulog sa kanyang mga kamay.

Sadyang mapaglaro ang tadhana. 

Nag-ayos si Olivia ng blind date para kay Elara sa isang limampung taong gulang na lalaki, habang ang sariling anak ay inilaan niya sa pinaka-prestihiyosong bilyonaryo sa bansa. 

Hindi lang ito basta favoritism, isa itong hayagang pang-iinsulto. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, si Elara ang naupo sa harap ni Aless.

Marahang ibinaba ni Elara ang kanyang tasa sa platito, na lumikha ng isang banayad na tunog.

Pasimple niyang pinagmasdan si Aless. Ang suot nitong puting polo ay halatang mamahalin, at ang malapad na balikat nito ay nagbibigay ng matipunong hubog sa kanyang dibdib. 

Mula roon, ang kanyang pigura ay paliit patungo sa baywang kung saan nakasuksok ang polo sa itim na suit trousers. Mukha siyang lalaking bihasa at "mahusay" sa lahat ng bagay.

Biglang nauhaw si Elara sa kanyang mga naiisip, kaya muli siyang uminom ng kape. Kasabay nito, lihim din siyang sinusuri ni Aless. 

Napakaputi ng dalaga, isang uri ng kaputian na tila napakaselan at walang anumang bahid.

Pinatitigan siya ni Aless gamit ang kanyang malalim at madidilim na mga mata. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang pamilyar sa dalaga. Habang nakatitig sa mga mata nito, hindi niya napigilang magtanong…

"Nagkita na ba tayo dati?"

Habang nakatitig sa guwapo at nagniningning na mukha ni Aless, malumanay na sumagot si Elara 

"Napakisig at napaka-elegante ninyo po, Mr. Valderama. Kung nagkita na tayo noon, siguradong hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang katulad ng sa inyo."

Ngunit sa loob-loob ni Aless, ganoon din ang kanyang nararamdaman.

Ang kagandahan ni Elara ay hindi basta-basta. Ang kanyang mga mata ay tila sa isang mapanuksong soro, bahagyang singkit at nakataas ang dulo, puno ng misteryo. 

Bawat galaw niya ay kakikitaan ng kakaibang alindog na kayang bumihag ng atensyon sa isang sulyap pa lang.

Bukod sa kanyang mukha, ang kanyang katawan ay sadyang kapansin-pansin. Napakatangkad niya at ang kanyang baywang ay napakapino na tila kayang yakapin ng isang kamay lang, ngunit ang mga bahaging dapat ay mapusok ay sadyang malusog at puno ng buhay.

Siguradong matatandaan ni Aless ang isang babaeng may ganito kakaibang ganda kung nagkataong nagkurus na ang kanilang landas. 

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa sandaling magtagpo ang kanilang mga mata, isang matinding pakiramdam ng déjà vu ang bumalot sa kanya.

Naramdaman ni Elara ang pag-init ng kanyang mga pisngi sa ilalim ng matitinding tingin ni Aless. 

Ang titig ng lalaki ay tila may bigat at nahahawakan, parang isang naglalagablab na apoy na unti-unting tumutunaw sa kanyang depensa.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 317 - Healthy Food

    Mabilis na umalis ang Rolls-Royce, nag-iiwan ng usok sa tapat ng mukha ng pamilya Castillo.Sa loob ng kotse, magkatabing nakaupo sina Elara at Aless sa likod na bahagi. Ang kanilang mga hita ay magkadikit dahil sa kipot ng espasyo. Kahit may dalawang patong ng tela ng kanilang kasuotan, ang init ng balat ng lalaki ay patuloy na gumagapang sa balat ni Elara.Lumingon si Elara sa lalaking nasa kanyang tabi."Bakit hindi mo tinatanong kung anong nangyari kanina?""Hindi na kailangang itanong," ang boses ni Aless ay malalim at buong-buo."Puwede kitang pangaralan kapag tayo lang dalawa sa loob ng kwarto, pero sa harap ng ibang tao, palagi kitang poprotektahan nang walang anumang kondisyon."

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 316 - Favoritism

    Agad na napawi ang kadilimang bumalot sa buong bakuran. Isang sinag ng liwanag mula sa labas ng bumukas na pinto ang direktang tumama sa pwesto ni Elara.Dahan-dahan siyang lumingon at nakita si Aless na nakatayo nang tuwid habang nasisinagan ng liwanag mula sa kanyang likuran.Ang matangkad, makisig, at makapangyarihang pangangatawan nito ay tila pinaliligiran ng gintong awra, na nagbibigay ng isang hindi matitinag na lakas at nagpapakita ng kanyang marangal na estado.Nanlaki ang mga mata ni Elara sa matinding gulat habang nakatitig sa lalaki."Aless..."Hindi ba't nasa Cebu siya ngayon para sa isang business trip?Sina Herardo, Danica, Olivia, kasama ang ma

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 315  - USB

    "Noong pumanaw ang ina nina Elara at Deo, may iniwan itong mga alaala na hanggang ngayon ay nasa kamay ko pa rin.""Anong alaala?" interesadong tanong ni Danica."Mula noong ipanganak sina Elara at Deo, ang nanay nila ay palaging nagrerekord ng video kasama sila tuwing kaarawan nila nang walang patid. Ang mga video na 'yon ay nasa tabi ko ngayon, at sigurado akong gagawin ni Elara ang lahat makuha lang 'yon."Naintindihan agad ni Danica ang plano ng ina."Wala na ang nanay nila at hindi na nila ito makikita sa totoong buhay. Ang makita ang mukha at marinig ang boses ng nanay nila sa video ang tanging paraan para maalala ito. Siguradong magkakandarapa si Elara para makuha 'yan!"Mabilis na naghalungkat ng mga drawer at cabinet

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 314 - Reason for dying

    Ang sandaling mabanggit ang dahilan ng pagkamatay ng ina nina Elara at Deo, ang buong sala ay biglang nabalot ng isang nakabibinging katahimikan.Ang paksang ito ay parang isang high-voltage wire, isang maling hawak lang ay siguradong sasabog ang lahat, kaya naman urong ang dila ng lahat. Si Olivia, na karaniwang napakatulis ng bibig, ay hindi nanganahas na magsalita ngayon. Maging si Danica ay maingat na nagmamasid sa reaksyon ni Herardo.Si Herardo na madalas magmataas at umasta na parang hari ay nanatiling tahimik at hindi makakibo, bakas sa kanyang mukha ang matinding pagkakasala.Tiningnan sila ni Elara at isang malamig na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Para lang siyang nanonood ng mga payaso na nagkakandarapa sa pag-arte sa loob ng isang sirko.Isang katulo

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 313 - Band aid

    "Papa, nagdudugo ang kamay mo!" sigaw ni Danica.Tinitigan niya si Elara nang may nanlilisik na mga mata. "Bakit wala ka man lang reaksyon?!""Hindi naman ako ang nasugatan, bakit ako magkakaroon ng reaksyon?" sagot ni Elara.Natigilan si Danica ng tatlong segundo, bago sumigaw nang mas malakas. "Galit na galit si Papa dahil sa'yo kaya niya nabasag ang tasa, at sa tingin mo pa rin wala kang kasalanan? Napakawalang utang na loob mo! Dapat kang mahiya sa mga ginagawa mo!"Malamig namang sumagot si Elara. "Bilisan mo na lang maghanap ng band-aid para sa papa mo. Kung magpapatumpik-tumpik ka pa ng isang segundo, baka maghilom na ang sugat sa bagal mo."Mabilis na tumalikod si Danica para maghanap ng band-aid. Ang sandaling hinila niya ang drawer at kinuha ang band-aid, bigla niyang napagtanto kung bakit sunod-sunod siya sa mga utos ni Elara.Ang kasalukuyang Elara ay napakaganda, at may napakalakas na awra. Ang bawat kilos nito ay nagpapakita ng isang marangal na antas ng pagkatao, na n

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 312 - Soft Bone

    "Nakita ko lang sa fashion week ang Hermès na bistidang suot mo. Hindi pa 'yan inilalabas dito sa bansa natin, ah. Paano mo 'yan nakuha ngayon?" naiinggit na tanong ni Danica."Dahil mayroon akong mabuting asawa na lumipad pa papuntang Europa para lang bilhan ako ng mga damit. Huwag ka nang mainggit. Ang mga mararangyang haute couture na damit na nagkakahalaga ng daan-daang libo, mayroon akong sampung closet niyan sa bahay. Pang-araw-araw ko lang 'tong suot."Hindi man lang mapangarap ni Danica ang ganoong karangyaan kaya sumagot ito.. "Nagyayabang ka lang naman, eh.""Wala akong obligasyon na magpaliwanag sa mga taong makitid ang utak. Nirerespeto ko ang bawat palaka na nakatira sa loob ng balon, pero tuwing nirerespeto ko sila, binubuhusan ko ng kumukulong tubig ang balon nila."Nanatiling kalmado si Elara habang naglalakad patungo sa hapag-kainan, bago direktang naupo sa pinaka-ulo ng lamesa, ang upuan para sa pinuno ng bahay. Sa kanyang pulang bistida at marangyang kilos, mukhan

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 51 - Only Family

    Hinatid ni Elara sa labas si sweety nung paalis na ito. Sa hallway, nagtanong si Sweety.."Kasal na kayo ni Aless, 'di ba? At si Lola ang pinakamalapit mong kamag-anak. Ang pagbisita mo rito ay parang pag-uwi sa s

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 44 - Waiting 

    Ang Babaeng nakikita niya salamin may kutis-porselana at mapupulang labi, maliit na baywang, at mapanuksong balakang. Ang kanyang mahahabang binti ay nakakaakit, ang makinis na likod ay parang mamahaling hiyas, at ang malalim na guhit sa kanyang dibdib ay tila isan

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 30 - Sleeping together

    Pumasok si Elara sa loob at sinalubong siya ni Deo na kakatapos lang maghugas ng pinggan."Ate, maghahatinggabi na, bakit may dala kang pang red wine?"Lumapit si Deo

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 24 - Long Walk Up

    "Kailangan ko nang maglakad."Paano siya makakahakbang kung hawak pa rin nito ang kanyang baywang? Agad na binawi ni Aless ang kanyang kamay at ibinulsa ito sa kanyang pantalon. Naramdaman ni Elara ang panghihina ng kanyang baywang kaya kumapit na lang siya sa handrail habang umaakyat.Suot niya an

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status