Share

Chapter 7 - Deja vu

Author: GrindnShine
last update publish date: 2026-04-21 16:41:20

Upang basagin ang tensyon, nagtanong siya..

"Ano po ang mga libangan ninyo Mr. Valderama?"

"Making money." direktang sagot nito.

"?" natitigilan si Elara sandali bago ngumiti at sinabing..

"Me too, Gusto ko rin pong kumita ng pera."

""I love the hustle. Nakaka-satisfy 'yung feeling na ang dami mong natatapos at the same time, lumalago ang income mo."" dagdag ni Aless

"Same here." sagot naman ni Elara.

“ Aside from making money, I also love spending it on others." makahulugang sabi nito sabay titig kay Elara.

Nagtaas ng kilay si Elara, nararamdaman niya ang nakatagong kahulugan sa mga salita nito. Naningkit ang kanyang mga mata.

Tinitigan siya ni Aless gamit ang kanyang malalim at itim na mga mata at nagpatuloy..

"Kung pakakasalan mo ako, bibigyan kita ng isang 1,200 square-meter na villa sa isang prime location, isang Porsche na kulay Ice Berry Pink, a housekeeper, at hindi mo na kailangang gumawa ng gawaing bahay. Bukod pa riyan, bibigyan kita ng 200,000 pesos bilang pocket money buwan-buwan."

Sa mundo ng mga hayop, ang mga lalaki ay umaakit ng babae sa pamamagitan ng pag-awit, pagpapakita ng makukulay na balahibo, o pagsasayaw. Sa madaling salita, ganoon din ang ginagawa ni Aless. Ipinapakita niya ang kanyang lakas at kaya niya sa status nito sa buhay.

Gusto niyang pakasalan siya ng babae. At hindi niya hahayaang maghirap ito kasama niya. Bukod dito, sa yaman niya, kaya niyang ibigay ang komportableng buhay para sa kanyang magiging kabiyak.

Siyempre, mayroon din siyang mga kondisyon. Sa isang banda, ang kanyang mga hiling ay hindi madaling tanggapin ng karaniwang babae.

Dahil pumunta siya sa blind date, naroon si Aless na may intensyong magpakasal. Ang kasal ay nangangahulugang dalawang tao ang magsasama.

Sa paglipas ng panahon, lalabas ang tunay na ugali ng bawat isa. Ayaw niyang manloko ng babae, ayaw niyang maging sobrang mapusok bago ang kasal at pagkatapos ay babalewalain lang ang asawa.

Gusto niyang pag-usapan ang lahat nang malinaw, irespeto ang kanyang partner, at bigyan ito ng karapatang pumili.

“ I’m very busy with work, often traveling overseas for business. My schedule doesn't really allow me to spend quality time with a partner. Ang ideal marriage para sa akin ay 'yung may respeto tayo sa isa't isa but we mind our own business…” tinitigan niya muna ito ng malalim bago nagpatuloy.

“Ms. Elara, are you okay with that?"

“ Stone cold “ bulong ni Elara sa kanyang isip habang nakatingin dito. Hindi akalain na ganito ito kadiretso.

May mga taong nagpapanic kapag hindi nakatanggap ng reply sa loob ng limang minuto, habang ang iba naman ay kampante lang kahit bukas pa sumagot. May mga gustong laging may tugon sa lahat ng bagay para makaramdam ng seguridad, habang ang iba ay mas pinapahalagahan ang kanilang kalayaan.

Walang mali sa paghahanap ng atensyon, pero ang pinakamagandang solusyon ay humanap ng taong kapareho mo ng pangangailangan para walang nasasakal. Ang mga taong "high demand" ay dapat sa kapwa nila "high demand," at ang mga "low demand" ay para sa kapwa nila "low demand."

Tiningnan ni Elara si Aless bago nagsalita.

"Mr. Valderama, iyan din po ang ideal kong kasal." sagot ni Elara pagkatpos ang isang mahabang katahimikan.

Dahil lumaki sa mataas na lipunan, alam niya ang mga hindi nakasulat na panuntunan ng kasalan sa mayayamang pamilya. Kaya maagap siyang nagtanong,

"Do we need to sign a prenuptial agreement?"

"Yes, we have too" sagot ni Aless.

Hindi tutol si Elara sa pagpirma ng prenuptial agreement. Hindi naman siya nakatulong sa pag-iipon ng yaman ni Aless bago sila magkita. Para sa kanya, isang biyaya na kung bibigyan siya nito ng pera, at karapatan din nito kung hindi.

Ito ang unang pagkakataon na nagkita sila ni Aless, at wala pa silang malalim na ugnayan. Bukod dito, para sa isang pamilyang may katayuan tulad ng mga Valderama, ang pera ay hindi sinusukat sa libo-libo kundi sa daan-daang milyon.

Ang imperyong pinaghirapan ng maraming henerasyon ay natural lamang na protektahan nila.

Inisip ni Elara na kung siya ang nasa kalagayan nito at mayroon siyang dambuhalang kayamanan bago ikasal, tiyak na hihilingin din niyang pumirma ng prenuptial agreement.

“ Ms. Castillo, can you live with these terms??" tanong ni Aless

Ngumiti nang bahagya si Elara at sinabing..

"Why not?"

Ngumiti rin si Aless..

"I think we suit each other Miss Castillo. Pinipilit na ako ng pamilya ko na magpakasal. Kahit ngayong araw pwede tayong magpakasal."

Natigilan si Elara. Hindi niya inaasahan na ganun kabilis magdesisyon si Aless.

"Ngayong araw? pakakasalan niya ako ngayong araw?" sigaw na utak niya habang kumukurap kurap.

“ If that is possible, then, It’s ok with me..” may pagdududang sabi niya.

“ I just need some important information about you so I can prepare the papers, any ID's?

"Ow, OK"

Nagmamadaling hinalughog ni Elara ang kanyang bag hanggang sa makuha niya ang kanyang ID.

“ Here " sabay bigay niya ng kanyang pasaporte.

" Perfect!, let's go!"

Kunot ang noong sumunod si Elara, hindi alam kung saan sila pupunta..

Pupunta na kame para magpakasal? nang nakapula ako? puno ang tanong ng utak niya habang sumusunod sa likod ni Aless.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 44 - Waiting 

    Ang Babaeng nakikita niya salamin may kutis-porselana at mapupulang labi, maliit na baywang, at mapanuksong balakang. Ang kanyang mahahabang binti ay nakakaakit, ang makinis na likod ay parang mamahaling hiyas, at ang malalim na guhit sa kanyang dibdib ay tila isang bangin na nakakalunod.Bagaman mapangahas ang istilo ng nightdress na ito, natatakpan naman ang mga dapat matakpan. Ang antas ng pagka-sexy ay sapat lang para manukso.Ang pinaka-mapanukso ay hindi ang pagiging hubad, kundi ang pagiging bahagyang nakatago, malabo, at misteryoso, iyon ang pinaka-nakamamatay na sandata ng isang babae. At ang burgundy na damit na ito ang perpektong halimbawa niyon.Napangiti si Elara sa salamin.Hindi na ito hinubad ni Elara at piniling isuot na lang muna. Tiningnan

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 43 - Sexy Lingerie

    Masyadong "biased" ang utak ni Deo, laging perfect score sa Math, pero hirap na hirap pumasa sa mga language subjects."Ilan nga ulit ang score mo sa essay nung final exam niyo nung Grade 11?""18 points... Naligaw uli kasi ako ng topic." sagot nito."60 points ang total ng essay, tapos 18 lang ang nakuha mo?" di makapaniwalang tanong ni Elara"Sabi nga ng teacher ko, ako na raw ang 'Diyos ng Off-topic.' Kaya ko raw tumakbo mula Greece hanggang India, tapos iikot pa ng kalahati sa mundo bago makabalik sa usapan." tila proud pa na sabi nito."At proud ka pa talaga, ha?"Yumuko si Deo at napakamot sa ulo."Hindi po, Ate."

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 42 - Ang Selos sa mata ni Danica

    "Lara, seryoso, excited na akong makita nina Olivia at Danica ang hitsura mo ngayon. Nakabawas ka ng 80 pounds sa loob ng isang taon! Sigurado ako, kahit magkaharap kayo, hindi nila makikilala na 'yung diyosang nasa harap nila ay ikaw." nagliliwanag ang matang sabi ni Sweetie."Kapag nalaman nilang ikaw talaga 'yan, siguradong para silang tinamaan ng atomic bomb sa gulat!""Nabalitaan ko rin na itong si Danica, panay ang gawa ng paraan para mapalapit kay Aless Valderama. Pangarap niyang maging Mrs. Valderama sa isang iglap, 'yun pala ikaw na ang legit na asawa! Hahahaha!" masayang dagdag nito."At dahil sa pagkakasunod-sunod ng edad sa pamilya C

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 41 - Getting Ready for a Mindblowing Night!

    Hindi lang gwapo si Aless, may taglay din siyang kagandahan na magpaparamdam sa sinumang babaeng katabi niya na wala silang binatbat."Gwapo. Sobrang gwapo." namumula ang mukha at nakangiting sabi nito."Kumusta naman ang katawan? May eight-pack abs ba?" curious na tanong nito muli."Hindi ko alam." agad na sagot nito."Hindi mo alam ang katawan ng legal mong asawa?!" Gulat na gulat na sabi ni Sweetie."Elara, huwag mong sabihing hindi pa kayo natutulog nang magkasama?""Hindi pa talaga."Lalong nagulat si Sweetie."Nakakayanan niyang tiisin ang isang diyosa na may malaking dibd

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 40 - Shopping for lingerie

    Naalala ni Elara ang pag-uusap nila ni Aless sa kusina kagabi. Akala niya ay simpleng kwentuhan lang iyon para magpalipas ng oras, hindi niya inasahan na tatandaan pala iyon ng lalaki.Bigla din niyang naalaala noong nasa pamilya Castillo pa siya, allergic siya sa soybeans at hindi pwedeng kumain ng anumang soy products. Maraming beses niyang sinabi ang seryosong bagay na ito sa kanyang tatay na si Herardo, pero ang bawat ulam sa pamilya Castillo ay laging may sangkap na soybeans.Dahil iyon ang gustong gusto ni Olivia at Danica.Kaya napagtatanto niya na hindi mo talaga magigising ang taong nagtutulog-tulugan dahil lang sa hindi ka niya mahal. Kapag hindi ka mahal, wala silang pakialam sa nararamdaman mo."Kung babalik si Mr. Valderama, pakiusap, Japanese fo

  • Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession   Chapter 39 - Jackpot sa kasal

    Pagkababa ng telepono, hindi na nag-aksaya ng oras si Olivia at agad na tinawagan ang kanyang business partner. Masigla at mapunuri siyang bumati ito."Balae!"Pero ang sagot sa kanya ay matigas na boses"Nababaliw ka na ba?"Nagulat si Olivia."Bakit ka nagmumura?""Sinong balae ang sinasabi mo?" sagot sa kabilang linya."Hindi ba't pinakasalan ka na ni Elara?" takang tanong ni Olivia."Nanaginip ka yata nang gising." sagot ng kausap"Diba nung araw na 'yun, nag-arrange ako ng blind date niyo? Hindi mo ba siya nakita?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status