Share

Chapter 26

Renrem's POV

"Oh saan ang lakad mo?" tanong ni Tito pagkalabas ko ng kwarto.

"May delivery lang po," maikli kong sagot.

Nasa sala lahat sila at abala sa panonood pati na rin si Mika. Lumapit ako papunta kay Mika para magpaalam.

"Hon alis muna ako," saad ko at tumingin lang siya sa akin sabay tango.

Hinalikan ko siya sa pisnge at tumingin ulit sa kaniya. Hindi ko alam pero parang araw-araw siyang gumaganda at nagiging blooming.

"Delivery ba talaga?!" biglang singit ni Papa sa amin.

Hindi ko alam kung may alam na si Papa sa mga pinaggagawa ko o hinala na naman. Pati si Jay, naguguluhan na ako sa kanila.

"May delivery ako Pa. Sa may Valenzuela, kung gusto mo pa po sumama kayo," may pagka sarkastiko kong tono.

"Kung pwede lang lagyan ka ng camera sa buong katawan mo eh," sarkastiko ring tono ni Jay.

Umiinit na ang sa pagitan naming tatlo kaya napatingin sila sa amin maliban kay Mika na parang walang naririnig o nakiki

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status