Inayos ko muna ang aking higaan bago ako lumabas sa aking kuwarto. Isang linggo rin akong nagpahinga. Ngayon na nanumbalik na ang lakas ko ay handa ko nang isakatuparan ang layunin ko. Ang tugisin si Genivieve Sanarez at parusahan si Mama. Sa loob ng isang linggo kong pahinga rito sa likod ng kambal na talon ay si Bibo ang nangangalap ng balita at impormasyon para sa akin. Hindi ko itatanggi na may talento ang batang ito pagdating sa pag-iimbestiga. Dahil sa kanya nalaman kong nag-utos si Mama na halughugin pati ang kagubatan para mahanap ako. Nagkaroon din ng pagpupulong sa bayan na bibigyan ng pabuya ang kung sino mang makakapagturo kung nasaan ako. Pero kampante akong hindi nila matutunton ang kinalalagyan ng bahay ko. Isa pa, mahigpit kong ipinagbilin kay Bibo na huwag na huwag babanggitin ang pangalan ko kahit kanino. At ang malala pa ay pinatira ni Mama sa Hacienda si Genevieve upang protektahan ito sa laban sa akin. Subalit sa kabila ng lahat, ay natuwa pa rin ako dahil ibinal
Dumiretso ako sa Bag End at pagkapasok ko ay pinili kong hayaan ang dilim ang muling umagapay sa akin. Hilam ang luha kong tahimik akong humiga sa kama ko at mahigpit kong niyakap ang sarili ko tulad ng sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Ang kaibahan lamang ay para akong walang buhay na nakahilata sa kama ko habang nakatitig sa labas at lumuluha. Ganito ba talaga ako kahina? Nakakapagod na. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili ko na huwag akong maapektuhan. Na sanay na ako. Subalit, sa bawat pagbanggit nila sa pangalan ni Ate Letty, pakiramdam ko daig ko pa ang kriminal na paulit-ulit na kinukundina. Kasalanan ko ba talaga ang lahat? Hindi ko alam. Wala akong maalala. “Tiis ka lang, Talulla. Magtiis ka lang,” bulong ko sa sarili ko. Pero hanggang kailangan ako magtitiis? Hanggang kailan ako magdurusa sa kasalanan hindi ko maalala? Kailan ba ako patatawarin ni Mama? Pagak akong natawa nang biglang bumuhos ang malakas na mala
Pagka-alis na pagka-alis nina ‘Ka Tino at Tammy ay ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng katawan. Subalit inabot na ako ng hapon ay wala pa rin akong mahanap. Umabot na ako sa masukal na parte ng gubat subalit wala pa rin akong makitang bakas o palatandaan na sa lugar na dito itinago ni Genevieve ang katawan. Napabuntong-hininga akong napaupo sa gilip ng sapa naghilamos ng mukha. Kanina pa ako naglalakad at naghahanap ng mga bakas o palatandaan subalit wala akong makita. Alam kong imposible na agaran kong mahanap ang katawan ng batang babaeng subalit hindi ko pa rin maiwasang madismaya. Huminga ako ng malalim at inilibot ko ang paningin ko. Kasalukuyan akong nasa gitna ng gubat habang napapalibutan ng naglalakihang mga puno. Napailing na lang ako. Paano ko mahahanap ang katawan sa ganito kakapal at kakomplikadong lugar? Biglang gusto kong panghinaan ng loob. Pagod na pagod na ako. Mukhang kailangan kong bumalik bukas para ipagpatuloy ang paghahanap. Muli akong napabuntong-hininga at ini
“Huwag mong pilitin,” masuyo niyang pahayag habang hawak niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Masaya ako na si Daiki ang nakahanap sa akin kahapon ng gabi. Ayokong may makakita sa akin sa ganung estado at kalagayan. Huminga ako ng malalim bago ko iniwasan ang tingin niya. “Kakayanin ko, Daiki. Hindi naman pwedeng habang buhay na lang akong tatakas, hindi ba? Kailangan ko ring malaman ang totoo,” katuwiran ko sa kanya. Napatingin ako sa labas at hindi ko maiwasang magbalik tanaw. Walang testigo o nakasaksi sa pangyayari ng araw na iyon at ang malala pa ay wala akong maalala kaya hindi nagkaroon ng usad ang kaso ni Ate Letty. At dahil doon, sa akin ibinunton lahat ni Mama ang lahat galit at poot niya. At sa araw din na iyon natapos ang relasyon namin bilang mag-ina. Tuluyan akong kinamuhian ni Mama at walang pagdadalawang-isip niya akong itinakwil. Sa subrang pagkamuhi sa akin ni Mama ay pinalayas niya ako hindi lang sa Hacienda kundi sa buong Isla. Wala akong naging kakampi ng
“Morning sleepyhead,” narinig kong malambing na bulong sa akin na ikinakunot-noo ko. Bakit naririnig ko ang boses ni Daiki. “Get up, sleepyhead. Oras na para magbreakfast.” “Daiki?” ungol ko. Inaatok pa ako. “Yes. Wa.ta.shi.da (It’s me)” bulong niya sa akin. “Ha?” Napadilat ako ng wala sa oras. Mabilis ko siyang hinahanap sa kwarto ko pero hindi ko siya makita. Saka ko naunawaan na nasa cellphone pala nanggagaling ang boses niya nang marinig ko ang tawa niya. Inaantok kong nasapo ang noo ko. Humihikab kong pinulot ang cellphone ko. Hindi ko namalayan na nakaligtaan kong patayin kaninang gabi. “Ohayo, Daiki-kun,” inaantok kong bati sa kanya bago ako bumangon at tinungo ako kusina. “Magandang umaga, hija,” bati sa akin ni Tiya Pepa. “Maghilamos kana para makakain kana.” “Opo,” sagot ko sa kanya. “Natulog ka ba?” baling ko kay Daiki na nasa kabilang linya. “Matutulog pa lang.” “Okay. Oyasumi, Daiki-kun,” paalam ko sa kanya. “Hai,” bulong niya. Bago pa humaba ang usapan namin ay
“Sana huwag mong isipin na masama ang araw ng kaarawan dahil ngayon sa parehong araw namatay si Leticia, Talulla,” komento ni Genevieve na umagaw sa atensyon ko. Napahinto ako sa paghiwa ng cake ko at napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin. Akala ko ang sasabihin niya sa akin kung gaano siya nanghinayang na maagang namatay ang ate Letty. Parang sirang plaka kasing ganun palagi ang reaksyon ng mga nakaka-usap ko tuwing dumarating ang araw na ito. Hindi ko inasahan ang sinabi ni Genevieve. Wala sa oras akong napalunok at mabilis akong umiwas ng tingin. Walang kumausap sa akin na ako ang paksa maliban kay Daiki. Nakakapanibago lang dahil maliban sa hindi kami ganoon kalapit kay Genevieve, ay madalang ko lang siyang kausapin noong mga panahon. “Huwag kang mag-alala, hindi sumagi sa isipan ko iyan,” pagsisinungaling ko sa kanya. Simula ng nataon ang pakamatay ni Ate Letty sa kaarawan ko ay sumpa na ang tingin ko sa araw ng kaarawan ko. “Siya nga pala, A
Bumalik ako sa lugar kung saan ko nakita ang kulay luntian na pinta. Madali ko lang natunton ang lugar salamat sa relo ko na mas matalino pa kay Siri at G****e. Pagkatapos kong kausapin si Bibo kanina ay nagpaalam ako kay Tiya Pepa at Tiyo Camarez na hindi muna ako uuwi ng ilang araw at oobserbaan ko muna ang takbo ng situwasyon ko. Noong una ay hindi sila sang-ayon dahil lubha raw na mapanganib na sa gubat ako magpapalipas ng gabi. Ngunit matiyaga kong ipinaliwanag sa kanila ang kasalukuyan kong situwasyon. Mahigpit kong inihabilin sa kanila na alagaan ang batang lalaki at huwag hayaan itong mapahamak. Ibinilin ko rin sa kanila na umiwas muna sa pagbaba sa patag dahil baka magtaka ang mga tao kung ko bigla silang baba ng paulit-ulit sa patag. Maliban doon, ay sinabi ko rin sa kanila na huwag nila akong hanapin. Ako na ang bahala sa sarili ko lalo na ngayon na mas delikado na ang situwasyon ko. Ako ang pupunta sa kanila at hindi sila ang pupunta sa akin dahil mas mapapanatili ko ang
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nadatnan ko si Daiki sa kusino ko na naghahanda ng pagkain kasama si Nanay Yasmin. Gulat akong napahinto sa pagpupunas ng buhok ko at kunot-noo ko silang tiningnan. May iba’t-ibang pagkain na nakalagay sa mesa ko kasama na ang maliit na cake na nakalagay sa gitna ng mesa. “Akala ko ba sa Dining House tayo kakain?” tanong ko kay Daiki na naglalagay ng baso sa mesa. Sabay silang napatingin sa akin at matamis akong nginitian. “Gusto ni Señorito Daiki, Anak na ipagdiwang ang kaarawan mo ng tayo lang kasama ang Tatay Lanoy mo,” nakangiting pahayag ni Nanay Yasmin habang inilagagay ang mga pinggan sa mesa. “Gusto namin na maging masaya ngayong taon ang kaarawan mo kahit tayo lang,” patuloy niya. Napatingin ako kay Daiki na lumapit sa akin at pumunta sa likod ko at inagaw ang tuwalya sa kamay ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingala sa kanya habang tinutuyo niya ang buhok ko. Hindi ko maiwasang malula kung paano nila ako tratuhin. Sa unang pagkakataon