Share

Labing- isang Kabanata - Nakaraan

“Sana huwag mong isipin na masama ang araw ng kaarawan dahil ngayon sa parehong araw namatay si Leticia, Talulla,” komento ni Genevieve na umagaw sa atensyon ko. Napahinto ako sa paghiwa ng cake ko at napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin.

Akala ko ang sasabihin niya sa akin kung gaano siya nanghinayang na maagang namatay ang ate Letty. Parang sirang plaka kasing ganun palagi ang reaksyon ng mga nakaka-usap ko tuwing dumarating ang araw na ito. Hindi ko inasahan ang sinabi ni Genevieve. Wala sa oras akong napalunok at mabilis akong umiwas ng tingin. Walang kumausap sa akin na ako ang paksa maliban kay Daiki. Nakakapanibago lang dahil maliban sa hindi kami ganoon kalapit kay Genevieve, ay madalang ko lang siyang kausapin noong mga panahon.

“Huwag kang mag-alala, hindi sumagi sa isipan ko iyan,” pagsisinungaling ko sa kanya. Simula ng nataon ang pakamatay ni Ate Letty sa kaarawan ko ay sumpa na ang tingin ko sa araw ng kaarawan ko. “Siya nga pala, A
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status