Nagising ako dahil sa isang malakas na kalampag ng nahulog na bagay sa sahig mula sa labas. Dilat-mata akong napabangon ng wala sa oras at alerto akong napatingin sa buong paligid ko at dali-daling napasilip ako sa bintana ko. Subalit agad akong napa-igik ng maramdam ko ang sakit na nanunuot sa bawat bahagi ng katawan ko nang subukan kong tumayo.
“Anak ng magaling,” bulong ko ng biglang umikot ang paningin ko.Lihim akong napamura nang muling bumalik sa akin ang pinagdaanan ko nitong nakaraang isang linggo. Ang mga pulpol na pulis na iyon. Palibhasa mga walang paninindigan at bumabahag ang buntot kapag nakikita nila si Mama. Ayaw nilang sumama ulit ang tingin ni Mama sa Departamento ng Pulisya simula ng mawala si Ate Letty kaya parati nilang inuuna na paluguran ito kaysa sa pagbibigay at paghahanap ng hustisya. Kulang na lang gawin nilang batas ang salita ni Mama.At ang h*******k na Genevieve ay sinasamantala ang pagkakataon upang lalong maidiin sa akin ang kasalanang hindi ko naman ginawa. Pare-pareho lang silang lahat! Lahat sila ay tinik sa akin lalamunan. Mga hangal! Kailangan kong makaisip ng paraan para malusutan ang galamay at mga mata ni Mama. Para mahanap ko ang ebidensyang hindi nahanap ng mga pulisya.Muling akong napaungol ng muling sumalakay ang pananakit ng katawan ko nang subukan ko ulit na gumalaw. Sinubukan ko ulit pero lalo lang akong napa-igik at ang malala pa ay umiikot pa rin ang paningin ko. Ang humilata sa higaan ko ang pinahuling bagay na gusto kong mangyari pero kita mo nga naman ang kapalaran, kung ano pa ang ayaw ko iyon pa ang nakuha ko.“Huwag mong pilitin ang sarili mo, hija Talulla.” Agad akong napaangat ng tingin at hinahanap ang nagmamay-ari ng boses na tumawag sa pangalan ko. “Pagod na pagod ang katawan mo at marami kang galos kaya nanakit ang katawan mo at nahihilo ka. Kaya halos hindi mo maigalaw ang katawan mo. Himala na nga lang dahil nakayanan mong umakyat hanggang dito sa kalagayan mo,” nag-aalalang paliwanag sa akin ng pamilyar na boses na naririnig ko.“Tiya Pepa?” Paninigurado kong tawag sa kanya. "Tiya, ikaw po ba talaga iya ?"Minsan lang akong bumisita sa bahaging ito ng gubat simula ng mawala si Ate Letty. At ang tanging nakakaalam lamang ng lugar na ito ay ang mag-asawang Tiyo Camares at Tiya Pepa. Magdadalawang-taon na akong hindi na nakakabisita rito kaya hindi ko inaasahan na may madadatnan akong tao sa pamamahay ko. Nagpasya lang akong tumuloy rito at nagbabaka-sakaling maayos pa ang bahay ko dahil wala na akong ibang mapupuntahan.Ngayong nakipag-ugnayan ang mga pulisya kay Mama, sigurado akong wala nang ligtas na lugar para sa akin sa patag. Kontrolado ng mga pulis ang buong bayan habang mahal ng lahat ng mamamayan si Genevieve Sanarez, ang anghel na may maitim na budhi. Kapag tinamaan ka nga naman ng magaling.“Ako nga, hija,” sagot niya sa akin habang nakadungaw sa pintuan ko. Agad naglaho ang inis ko at napalitan ng galak ng makita ko ang matamis niyang ngiti “Nahulog ni Bibo ang paso sa labas. Pagpasensyahan mo na siya, may kalikutan lang talaga ang batang iyon,” paliwanag niya sa akin.“Ah, wala po iyon. Tiya Pepa.”“Nabalitaan namin ang nangyari sa patag kaya agad kaming bumaba rito. Sigurado ka ba talaga hija sa ginagawa mo?” Nag-alala siyang nakatingin sa akin habang may bitbit siyang batya ng tubig. “Hindi madali ang ginagawa mo at lubha pang mapanganib. Tingnan mo ang sarili mo. Puro ka pasa at galos. Mabuti na lang at wala kang tinamo na delikadong sugat kundi diyos ko hindi ko alam ang gagawin ko.”“Alam ko po ang ginagawa ko,” magalang kong sagot. “Paano niyo po nalaman?” Nagtataka kong tanong. Isang linggo na ang lumipas simula ng ako ang tugisin ng mga pulis sa halip na tingnan nila ng maayos ang kaso na sinabi ko. Mas mabilis pa yata ang takbo ng balita kaysa sa aksyon na ginagawa ng pulisya kaysa kaso mismo. Ano ba ang inaasahan ko? May tainga ang lupa, may pakpak ang lintik na balita.“Balita sa buong bayan ang ginawa mo. Ang sinasabi ng mga tao sa patag ay nawawalan ka ng tamang huwisyo ng pag-iisip. Sinisiraan mo raw si Genevieve at pinagbibintangan mo siyang mamatay tao.” Kwento niya sa akin habang inaayos niya ang pagkaka-ayos ng mga gamit ko.“Sigurado po ako sa nakita ko,” matatag kong pahayag habang pinipilit kong bumangon. Pero ang traydor kong katawan ayaw makisama kaya wala akong nagawa kundi manatiling nakahilata sa higaan ko. “At papatunayan ko iyon.”“Anong balak mo ngayon?” Nag-aalalang tanong niya sa akin.“Magpahinga po muna,” ngiwi kong sagot na malambing na ikinangiti ni Tiya Pepa. Kahit kailan talaga ang matandang ito.Nakilala ko si Tiya Pepa at ang asawa niya nung bata pa ako. Naglalaro ako noon sa burol at dinatnan ako ng gabi. Sa subrang lakas ng ulan ay nawala ako sa gubat at si Tiya Pepa ang nakahanap sa akin. Simula nun kapag wala akong ginagawa ay sa kanila ako namamalagi at naglalaro. Nasa tuktok sila ng bundok nakatira, malayo-layo sa burol at lubhang malayo sa patag. Dahilan kaya minsanan lang sila kung dumayo sa patag, at kung dumayo naman sila ay para lang mamili ng mga bagay na hindi natatagpuan sa bundok.“Mabuti naman kung gayon,” sabi niya sa akin. “Totoo ba na tinutulungan ng Mama mo ang mga pulis upang tugisin ka?”“Opo,” kaswal kong sagot sa kanya.Muling umusbong ang galit ko kay Mama ng banggitin siya ni Tiya Pepa. Alam kong galit siya sa akin pero hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos aakalain na papaniwalaan niya si Genevieve kaysa sa akin. Alam kong wala akong hawak na matibay na ebidensya tungkol sa krimeng ginawa ng babaeng iyon pero sana pinaniwalaan man lamang ako ni Mama.Hindi ako sinungaling at higit sa lahat, wala akong intensyon na manira ng puri ng kahit sino. Hindi ko ugaling magkalat ng balitang kutsero para sa sarili kong kapakanan. Pero ang magaling kong ina at ang mga pulpol na pulis, hindi man lamang sila nag-aabalang siyasatin ng mabuti ang lugar na sinabi ko. Pare-pareho lang sila ng sinasabi na hindi kayang gawin ni Genevieve ang binibintang ko sa kanya.“Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago,” malungkot na komento ni Tiya Pepa.“Hindi na po magbabago si Mama, Tiya Pepa,” mariin kong pahayag.Matapos niyang pagbawalang bumalik sa bansa si Kuya Celio at Allegria, ay walang pagdadalawang-isip niya akong itinatwa sa ikalawang pagkakataon. Habang ang magaling kong ama, wala man lang reaksyon at iniuna niya ang negosyo sa ibang bansa kaysa sa tulungan ako. Daig pa niya ang kriminal na tumatakas sa batas kung umalis at talikuran ako. Ano ba ang aasahan ko? Katulad ni Mama, pakiramdam ko kung ituring niya ako ay parang hindi niya ako anak. Biro lang, matagal na na rin akong itinakwil ni Papa. Nakakatawa ‘di ba? Masama raw kasi akong anak.Masama talaga akong anak dahil sisiguraduhin kong malalaman ng lahat ang katotohanan sa pagkamatay ni Ate Letty. Makakahanap rin ako ng paraan. Makakahanap ako ng solidong ebidensya. Malalaman ko rin ang lahat lalo na ngayon na bumalik na ang ala-ala ko. Sisiguraduhin kong magbabayad silang lahat. Lahat sila na may kinalaman sa pagkawala ni Ate Letty. Lahat sila. Wala akong ititira.“Huwag muna nating isipin ang nangyayari sa patag, hija. Sa ngayon, ituon mo muna ang buong atensyon mo sa pagpapagaling. Kung ano man ang balak mo, maisasakatuparan mo lang iyon ng maayos kapag nasa tamang lagay ang katawan mo,” paalala sa akin ni Tiya Pepa.“Opo.” Maliban kay Nanay Yasmin, si Tiya Pepa at Tiyo Camares ang nagpakita sa akin ng pagmamahal na hindi kayang ipakita ng sarili kong mga magulang.“Gusto mong kumain, hija? May inihain akong pagkain sa kusina.”“Sige po,” nakangiti kong sagot sa kanya. “Siyanga po pala, sino po ang naglilinis bahay ko habang wala ako rito?” Hindi ko napigilang itanong sa kanya.“Kami rin ng Tiyo Camares mo, hija at si Bibo kapag wala siyang ginagawa. Hilig ng batang iyon na dito tumambay, minsan dito rin siya natutulog kapag marami siyang ginagawa sa patag.”“Ah,” tango kong sagot sa kanya.“Sana hindi ka magalit, hija, na namamalagi siya rito minsan.”“Nako po. Wala po iyon, Tiya Pepa. Maganda nga po iyon dahil may nag-aalaga ng bahay ko.”“Maraming salamat, hija.” Bahagya siyang yumuko sa akin bilang pasasalamat. “Sige ipaghahain na kita. Nauna na kaming kumain ni Bibo nang mapansin namin na mahimbing ang tulog mo. Dadalhin ko na lang dito ang pagkain mo para ‘di ka na mahirapan.”“Maraming salamat po.”Hindi ko maiwasang mapatingin sa labas ng tuluyang lumabas si Tiya Pepa. Nasa likod ng kambal ng talon ang bahay ko, ngunit nakatayo ito malapit sa bangin kaya malaya kong natataw ang luntiang tanawin ng bundok sa likod ng kambal na tulay. Kahit papaano ay naiibsan nito ang pananakit ng katawan ko subalit hindi nito natanggal sa isipan ko ang galit ko kay Mama at Genevieve Sanarez.Kapag nakapagpahinga na ako ng maayos at maganda na ang pakiramdam ko, babalik ako sa lugar kung saan niya pinatay ang batang babae. Ako mismo ang tutugis sa halimaw na babaeng iyon. Ako at wala ng iba.“Ang lalim ng iniisip mo po, Ate Ganda.”Agad akong napakurap ng marinig kong may tumawag sa akin. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako. Maingat kong inilibot ang tingin ko sa labas upang hanapin ang pinanggalingan ng boese pero wala akong makita. Guni-guni ko lang ba na may tumawag sa akin?“Ate Ganda, nandito po ako sa loob,” sabi ng boses.Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa loob at doon ko nasilayan ang bintaliyong bata na matamis na nakangiti sa akin. Sa tantiya ko nasa labing-apat na taong gulang pa lang ito. Mukha siyang magiliw na bata. Iyong parating positibo at nakangiti. Iyong ngiti niya na nagsasabing palakaibigan siya at madaling pakisamahan. Para siyang si Ate Letty.“Ako po si Bibo. Sinabihan ako ng Nanay na dalhin po ito sa inyo. Kumain na po muna kayo habang mainit pa po itong sabaw. Tapos po bumili na rin ako ng gamot niyo sa patag. Inumin niyo na ri po ito pagkatapos niyong kumain.”Pero hindi ako katulad niya. Hindi ako palangiti na tao at higit sa lahat hindi ako palakaibigan. Isa pa hindi ko rin alam kung ano ang opinyon niya sa akin dahil sa kasalukuyang nangyayari sa patag. Kampante lang ako na hindi niya ako isusumbong dahil anak siya ni Tiya Pepa. Pero hindi ko hawak ang pananaw at pag-iisip niya. Markado akong kriminal sa patag, hindi ko alam kung krimenal din ba ang tingin niya sa akin.Kaya bahagya ko lang siyang tinanguan at inabot ang hawak niyang pinaglagyan ng pagkain ko.“Salamat,” sabi ko sa kanya.“Sige po, maiiwan ko na po kayo. May gagawin pa akong takdang aralin,” paalam niya sa akin. Tinanguan ko lang siya bilang permisyo niya. “At siya nga po pala,” tila may naalala niyang pahayag nang bigla siyang huminto sa pagtalikod sa akin. “Umuwi ang Nanay sa itaas, kaya ako raw po muna ang magbabantay sa inyo. Huwag po kayong mag-alala, ipagtatanggol po kita at poprotektahan dito.” Nakangiti at puno ng gilas na pahayag niya sa akin bago siya yumuko at mabilis na lumabas ng kwarto ko.Pero pasubo na ako nang bigla siyang nakangiting lumitaw ulit sa bintana ko. “Pasenya na po sa abala, gusto ko lang ibigay ito.” Ipinakita niya sa akin ang isang keypad na cellphone. “Inilipat ko po rito ang sim card niyo pansamantala. Dadalhin ko po sa patag ang cellphone niyo para ma-charge ang battery. Huwag po kayong mag-alala, ipupuslit ko po sa eskwelahan para walang makakita.”Mabilis niyang ipinatong ang keypad na cellphone niya sa gilit ng bintana. “Kain po kayo ng marami.” Paalala niya sa akin bago siya kumaripas ng alis. Napailing na lang akong sinundan siya ng tingin. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya, Bibo, dahil napakabibo niyang bata.Nang masigurado kong wala na si Bibo ay agad kong sinimulang kumain. Subalit nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang tumunog ang cellphone na ipinahiram sa akin ni Bibo. Hindi ako nagdalawang isip at mabilis ko ito inabot at tingnan kung sino ang tumatawag. Kunot-noo kong tinitigan ang screen ng cellphone ng makita kong walang pangalan ang tumawag at tanging numero lang ang nakikita ko.Sino kaya ito? Nagdadalawang-isip man ako pero pinili kong sagutin ang tawag. “Hello?” tanong ko sa kabilang linya.“Hi, little sis,” bati niya sa akin habang nasa counter ko pa rin ang kamay niya. Magandang-maganda ang ngiti niya habang nakatingin siya sa akin. Maaliwalas na maaliwalas ang mukha niya na para bang tapos na lahat ng problema niya sa mundo. Suot niya ang damit niya noong libing niya habang malayang nakalugay ang may paka-pula niyang buhok. Nababaliw na ba ako o panaginip lang ito? Wala sa loob kong napatingin kay Nanay Yasim. “Nay, may nakikita niyo po ba siya?” naguguluhan kong tanong sa kanya. Baka proyekto lang si Ate ng imahinasyon ko. Baka nababaliw na ako. “Anong nakikita, anak? Ikaw huwag mo akong pinag-aalala,” naguguluhang balik tanong sa akin ni Nanay Yasmin habang labis ang pag-aalalang nakatingin siya sa akin. Napahilamos ako ng mukha ng mapansin kong kulang na lang ay tumawag siya ng doctor. “N-nay? Pwede niyo po ba akong iwan mag-isa?” pakiusap ko sa kanya habang nanatiling nakapako ang tingin ko kay Ate Letty na masayang umupo sa counter ko. Ayokong lalong mag-alal
Lahat ay nakatingin sa akin pag-apak na pag-apak ko sa loob ng Hacienda. Daig ko pa ang patay na bumangon sa hukay ko kung titigan nila ako. Ang iba ay nagtataka habang ang iba ay hindi makapaniwala na babalik ako.Subalit ang hindi ko inaasahan na kabilang sa babati at mag-aabalang magpakita sa akin ay si Genevieve. Hindi ko alam kong sadyang makapal lang talaga ang pagmumukha niya o sa tingin niya aasta akong may kasalanan katulad ng dati. “Talulla, you are back!” Masiglang pahayag niya habang nakangiti siyang naglalakad palapit sa akin. Akmang yayakapin niya ako pero agad ko siyang tinaasan ng kilay. Nilagpasan ko siya ng walang pasabi sa harapan ng mga matang lihim na nakamasid sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Sa buong buhay niya wala pang tumanggi sa kanya. Parating siya ang tumatanggi sa iba sa harapan ng maraming tao. Subalit ibang usapan na ngayon. Noong araw na hinahabol ako ng mga pulis sa kasalanan hindi ko ginagawa kahit wa
“Are you planning to stay here?” tanong ulit sa akin ni Kuya ng manatili lang ang tingin ko sa papalubog na araw sa dakong kanluran. “Oo. Siguro. Hindi ko pa talaga alam, Kuya,” sagot ko sa kanya. “By the way, I’m sorry about yesterday. Pagpasensyahan mo na si Mama. She can be very nuisance, most of the time. Hindi ko alam na hindi ka niya isinama. I slept in ranch villa kaya akala ko kasama ka nila,” May pag-iinggat na sabi sa akin ni Kuya Celio. Alam kong ayaw lang niyang masaktan o mapikon ako. “I’m sorry, Sis.” Ang tinutukoy niya ang pagbisita nila sa puntod ni Ate Letty kahapon. Lahat ay pumunta maliban sa akin, pati si Genevieve at Rhaia, maging ang ibang malalapit na tauhan sa Hacienda ay sumama sa puntod ni Ate Letty, subalit wala man lamang nag-abalang gisingin ako. Nalaman ko kay Nanay Yasmin na sa Main House sila pinatulog at mag-aalas Cuatro pa lang ng umaga ay umalis na sila at tanghali na sila umuwi. “Wala iyon, Kuya. Kalimutan mo na. Matagal ko nang tanggap na galit
“How did you do that?” manghang-manghang tanong sa akin ni Daiki ng maabutan niya ako. Pagkatapos niyang masigurado na tapos na ang laban ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko na saktong pagkatapos kong kausapin si Rhaia. Oo, si Rhaia, ang nag-iisang taong hindi ko inaasahan na hahawak ng karit ni kamatayan mawala lang ako sa landas niya. Ibig sabihin alam na niya ang relasyon namin ni Daiki. Hindi naman sa itinatago ko na may relasyon kami ni Daiki, hindi ko lang ugaling ipagsabi. “Let me treat your wounds.” Agad napalitan ng pag-aalala ang ekpresyon niya ng mapadako ang tingin niya sa dumudugo kong pisngi. “Are you okay? God! Are you okay? Okay ka lang ba talaga? Daijoubo? Siguro ang relasyon namin ni Daiki ang pinaka-predictable o inaasahan ng lahat, mula sa magkaibigan hanggang sa magka-ibigan. Sinagot ko siya noong una dahil siya lang ang nag-iisang taong nagpakita sa akin ng totoong pang-unawa at pagmamahal. Para sa akin ayoko siyang mawala kaya sumang-ayon ako
Carrie? Kinusot ko ang ilong at pilit kong inaalala si Carrie sa utak ko. Wala akong kilalang Carrie. Sino ba siya?“Carrie?” kunot na kunot ang noo kong tanong sa sarili ko habang pinipilit ko pa rin siyang maalala. “Señorita Talulla, I suggest you to stop,” natatawa niyang suhestyon sa akin. “Alam ko kung bakit hindi mo siya maalala,” pahayag niya bago niya ibinababa ang hawak niyang bago tasa ng kape. “Huh?” Nalilito akong napatingin sa kanya. Anong kalokohan ang ibig niyang sabihin? “Anong ibig mong sabihin na alam mo kung bakit hindi ko siya maalala?” Matama niya akong tiningnan tapos maya-maya ay mayumi siyang ngumiti at sumusukong huminga ng malalim na para bang inaasahan na niya ang tanong ko. “Dahil kinakalimutan mo ang mga tao at bagay na walang kinalaman sa’yo, Señorita Talulla. Kinakalimutan mo ang mga bagay na sa tingin mo hindi mo mapapakinabangan at hindi na mahalaga sayo,” nakangiti niyang paliwanag sa akin pero iba ang sinasabi ng mukha niya, lalong-lalo na ang ma
"Bigyan mo ako ng dalawang linggo pa, Daiki. Pakisabi kay Attorney ihanda niya ang lahat pero kailangan ko ng dalawang linggo para alam lahat ng kailangan kong malaman, ipaalam mo rin kay Kuya Celio,” paliwanag ko sa kanya. “Pagkatapos ng dalawang linggo, sunduin mo ako sa Hacienda.” “Ano ang balak mong gawin ngayon?” Katulad ng paulit-ulit kong sinasabi, hindi madaling kalaban si Mama. Isa siyang higante sa buong mundo hindi lang sa larangan ng negosyo kundi ang pangalan niya ay itinuturing na mukha ng yaman at kapangyarihan, kilala siya ng lahat bilang tagapagmana ni lolo kayawalang gustong bumabangga basta-basta. Napantingin ako kay Daiki, maliban sa pagtulong ni Daiki ay alam kong hindi ko siya maaaring idawit sa problemang ito lalong-lalo na at problemang pampamilya ang puno’t-dulo ng bagay na ito. Malaki ang posibilidad na ang katiwaliaan at kasamaan ni Genevieve ay konektado si Mama subalit kung gusto ko siyang bumagsak, dapat ako hahawak ng susi. I will be the one who will p
Pagkatapos kong makausap si Genevieve sa lumang tulay ay walang paalam ko siyang iniwan at bumalik ako agad sa Hacienda. Pinili kong tanggalin ang sinabi ni Genevieve sa utak ko at nagpasiya akong dumiretso ako sa bahay-aklatan. Agad kong hinahanap ang ARCHIVE section kung saan nakalagay ang lahat ng dokumento tungkol sa pamilya namin. Maliban sa mga impormasyon tungkol kay lolo na hanggang ngayon ay nasa bahay pa rin niya. Pinaandar ko ang lampara at kinuha ko ang hagdanan. Itinago lahat ni Mama ang lahat ng gamit ni Ate Letty, sa subrang pangungulila niya. Kulang na lang pagawan niya ng altar o monomento si Ate Letty. Noong una ay hindi ko maintindihan subalit pilit kong inintindi, iniisip ko na lang na karapatan niya ang mangulila at magluksa dahil nawalan siya ng anak, nawala sa kanya ang pinakapaborito niyang anak. Kinuha ko lahat ng impormasyon tungkol na nahanap ko pa tungkol kay Ate Letty at inilagay ko lahat iyon sa isang malaking kahon at binitbit ko pabalik ng Bag End. Ini
Imbis na sagutin ako ni Daiki ay nakangti niyang hinawakan ang makabilang pisngi ko at walang paalam niya ako hinila at inangkin ang mga labi ko. Sa subrang gulat ko ay hindi ko nasundan ang mga sumunod na pangyayari, basta ang alam ko na lang ay kanlong na niya ako sa kandugan niya at patuloy akong hinalikan. Nanlalaki ang mata kong mabilis siyang itinulak ng tuluyang rumihistro sa utak ko ang ginagawa niya. “Stop!” gimbal at namumula kong pigil sa kanya. “But you haven’t kiss me back,” reklamo niya na lalong ikinapula ng pisngi ko. Dali-dali akong tumayo at iniwan siya sa kinauupuan niya. Wala sa sarili kong napakamot ako ng ilong at umupo sa sahig. “Don’t tell me you still don’t know how to kiss, love,” natatawang tudyo niya sa akin sabay tayo at naglakad siya papunta sa kinauupuan ko. “Gago,” namumula ko pa rin na sikmat sa kanyan. Ipinatong ko ulit sa lupa si Kei, ang relo ko, at muling inilabas ang keyboard kanina. Sinubukan kong ibalik ang pansin ko sa ginagawa ko kanina. An
Katulad ng inaasahan ko, hindi nga kaarawan ko ang dinatnan ko sa Skye Hall kundi ang napakalaking larawan ni Ate Letty na nakapaskil sa bulwagan ng Hall mismo. Masakit, hindi ko itatanggi iyon ngunit mas pinili kong magiging matatag katulad ng paulit-ulit kong ginagawa sa loob ng walong taon niyang pagkawala. Taas-noo akong pumasok sa Hall habang nakaalalay sa akin si Daiki. Pero katulad ng nakasanayan, pinaglalaruan pa rin ako ng tadhana. Aminado akong hindi ko dapat isinisi ang lahat ng kamalasang tinatamasa ko subalit hindi ko kontrolado ang buhay, ano ang magagawa ko kundi isisi sa tadhana, ‘di ba? Parang may direktor at planado lahat ang sumunod na nangyari. Pagpasok na pagpasok namin sa Hall ay si Mama na ang nagsasalita sa harapan at nagbibigay ng mensahe, hindi para sa akin kundi para kay Ate Letty. Pinili kong magtaingang-kawali lang at mahigpit na humawak sa bisig ni Daiki. Hindi ko sasayangin ang damit na regalo ni Lolo para bigyang ligaya si Mama sa ginagawa niya. Mas ti