Chapter 1
Akira POV "Hoy, Akira!" sigaw ng kaibigan kong si Jane habang pabagsak na bumagsak ang bag niya sa mesa. "Bakit?" sagot ko nang walang gana, sabay irap sa kanya. "Pansinin mo kaya 'yung manliligaw mo na si Clark!" may bahid ng inis sa boses niya. Napatingin ako kay Clark na kasalukuyang nag-aabang sa tapat ng classroom namin. Suot pa rin niya ang nakaayos na uniform at dala ang paborito niyang black tumbler. Sa totoo lang, wala naman akong reklamo sa kanya. Gwapo, matangkad, at matalino rin. Siya 'yung tipo ng lalaki na madaling magustuhan ng karamihan — pero hindi ko lang magawang ibalik ang parehong damdamin. "Hindi ko naman siya sinabihan na ligawan ako, Jane," sagot ko, habang iniiwas ang tingin. "Pero halata namang gusto ka niya. Grabe, girl! Kung ako lang 'yan, matagal ko nang sinagot!" biro niya, sabay tawa. Napangiti ako nang pilit. Hindi naman sa suplada ako, pero may dahilan kung bakit hindi ko mabuksan ang puso ko para kay Clark — dahil matagal nang may ibang nagpapatibok nito. Mabilis kong tinapik ang balikat ni Jane. "Halika na nga, baka mahuli pa tayo sa klase." Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mapaisip. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila na ang laman ng puso ko ay isang taong imposibleng mahalin? Isang lalaking walang kaalam-alam na siya ang tanging iniibig ko. Si Ninong Axel. At kahit ilang beses ko nang pinilit burahin ang damdaming ito, lalo lang itong lumalalim. "Akira, seryoso ka ba? Lagi mo na lang iniiwasan 'yang si Clark," malakas ang bulong ni Jane habang bumubuntong-hininga. "Ewan ko, Jane. Wala naman akong nararamdaman para sa kanya," sagot ko, pilit na iniwas ang mga matang kanina pa nakatitig sa akin. "Hindi mo man lang ba siya bibigyan ng chance? Hindi naman lahat ng tao kasing perfect ni Ninong Axel mo," banat niya sabay irap, halatang nang-aasar. Napahinto ako sa sinabi niya. Ninong Axel. Kahit sa simpleng banggit ng pangalan niya, parang may kung anong kilig na gumapang sa dibdib ko. "Ano ka ba, Jane? Wala 'yun," tanggi ko, kahit ramdam kong namula ang mukha ko. "Wala, ha? Eh bakit ikaw 'tong laging nag-i-stalk sa social media ni Ninong Axel? At aminin mo, 'di mo rin pinalalagpas 'yung mga pictures niya na naka-black suit. Tsk, tsk." "Hoy! Hindi ako ganun!" Napahawak ako sa pisngi ko, pakiramdam ko’y lalo lang akong namula. "Akira, hindi mo ko maloloko. Forty na si Ninong Axel mo, 'di ba? Pero bakit parang mas crush mo pa siya kesa kay Clark?" "Jane!" Napapatingin na ang ibang estudyante sa amin sa ingay ng boses niya. "Sinasabi ko lang naman. Malay mo, may hidden desire ka lang para sa mga daddy vibes!" bulong niya, pero halata ang tuwa sa mga mata niya. "Gusto mo talaga akong batukan, ano?" bulong ko pabalik. Ngumiti lang si Jane. "Basta ako, nandito lang para maging supportive sa 'yo. Kahit pa—" Biglang may sumulpot na pamilyar na boses sa likuran namin. "Akira." Halos tumigil ang mundo ko nang marinig ko iyon. Dahan-dahan akong lumingon, at doon siya — si Clark, nakangiti at hawak ang isang maliit na paper bag. "Pwede ba kitang makausap?" Naramdaman ko ang tapik ni Jane sa balikat ko. "Good luck," bulong niya bago tumalikod at iniwan akong mag-isa. Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Sa likod ng mga titig ni Clark, naroon ang pag-asa. Pero sa kabila ng lahat, isa lang ang malinaw sa akin — hindi siya ang taong gusto kong makausap ngayon. Dahil sa kabila ng lahat ng ito, ang nasa isip ko ay si Ninong Axel pa rin. "Hay nako, Akira. Ang laki kaya ng age gap ninyong dalawa, no?" sabay irap ni Jane habang nagsusungit-sungitan. Napabuntong-hininga na lang ako. Alam ko naman ‘yun. Paulit-ulit ko nang sinasabi sa sarili ko. "Alam ko na ‘yan, Jane. Hindi mo na kailangang ipaalala," sagot ko, pero halata pa rin ang pangungulit niya. "Eh bakit ka pa rin umaasa? Forty na si Ninong Axel mo! I mean, kahit pa mukha siyang nasa early thirties lang at mukhang model ng mga luxury suits, ‘di pa rin maaalis na Ninong mo siya!" "Jane!" napasinghap ako, natatawa pero naiilang. "Wala akong sinasabing umaasa ako, okay? Tsaka—" "Huwag ka ngang denial queen! Kung hindi mo siya crush, bakit ka natutulala tuwing nababanggit ang pangalan niya? At bakit tuwing family gathering, ikaw ang unang nagvovolunteer na kumuha ng drinks para sa kanya?" Napaatras ako. "Hoy! Hindi totoo ‘yan!" "Ah, hindi? E ‘yung last Christmas party? Sino ‘yung nag-effort mag-bake ng brownies kasi favorite daw ni Ninong Axel ‘yun?" "Hindi ako ‘yun. Accident lang na brownies ang nadala ko!" "Accident, Akira? Seriously?" Umiling-iling siya, halatang nagpipigil ng tawa. "Girl, ang tanging ‘accident’ lang dito ay kung paano ka nahulog sa Ninong mo." Hindi ko na napigilan ang mapahawak sa mukha ko. Grabe si Jane. Bakit ba ang hilig niyang ungkatin ‘to? "Jane, enough na. Wala akong pag-asa kay Ninong Axel. Tsaka, may mga bagay na mas okay nang manatiling lihim." "Baka nga." Ngumisi siya, pero bago pa ako makapagsalita ulit, tumunog na ang bell hudyat ng pagsisimula ng klase. "Pero," bulong niya habang naglalakad na kami papasok, "alam mo bang minsan, ang mga lihim na damdamin, kahit anong itago, kusang lumalabas? Kaya good luck na lang, bes." Nagpatuloy siya sa paglalakad, iniwan akong naiwan sa doorway. Napatingin ako sa malayo, at sa isang iglap, parang bumalik na naman ang imahe ni Ninong Axel sa isip ko. Ang mapanuksong ngiti niya, ang malamlam na titig ng mga mata — at ang mga alaala ng mga gabing hindi ko kayang limutin. Misteryo na lang ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? O isang lihim na pag-ibig na kahit gaano ko pa itanggi, patuloy na lumalalim? Habang tumutunog ang huling bell ng araw, nagsimula na ang huling klase namin. Ako at si Jane ay parehong kumuha ng kursong Bachelor of Secondary Education (BSED). "Akira, focus ka na," bulong ni Jane habang naupo kami sa likod na bahagi ng classroom. "Mamaya na ‘yang mga Ninong Axel thoughts mo."Chapter 27Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala sa sulok ng sala. Tahimik ang buong bahay, pero sa loob ko—gulo. Parang sasabog ang dibdib ko sa bigat ng mga lihim na ilang taon ko nang kinikimkim.Akira.Ang anak kong walang kamalay-malay.Anak kong hindi ko isinilang sa pagmamahal… kundi sa isang kasunduang may kapalit.Pero siya lang ang liwanag sa buong buhay kong nababalot sa kadiliman.Napahawak ako sa dibdib ko habang binabalikan ang mga alaala. Kung paanong dahan-dahan akong natuto siyang mahalin. Paanong naging totoo ang pagiging ina ko kahit alam kong… may taong babalik para agawin siya sa akin.At ngayon, bumalik na nga ang aninong iyon—si Lucien.Tahimik, ngunit nananakot. Walang kinakausap na batas, kundi kapangyarihan.Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Hindi na sapat ang pagtatago.“Liza… oras na.”Parang multo sa utak ko ang tinig ni Lucien. Parang sinasakal ako sa tuwing naririnig ko ‘yon.Pero hindi ako basta-basta bibitaw.Hindi ko hahayaang makuha nila
Chapter 26Liza POVDumating na ang kinatatakutan ko… ang araw na muling haharapin ang katotohanan—na may maghahanap na sa kanya. Kay Akira.At hindi ko alam kung paano ko siya poprotektahan… ngayong wala na akong maitatago.Sa totoo lang, hindi sa akin nanggaling ang egg o ang sperm.Isa lamang akong surrogate… isang sinadyang tagapagdala ng bata na mula sa dalawang nilalang na hanggang ngayon ay misteryoso rin para sa akin.Oo, ako ang nagluwal kay Akira. Ako ang kilala niyang ina. Pero ang dugo niya—hindi sa akin.At noong nalaman kong may banta sa buhay ng batang dinadala ko pa lang noon… tumakas ako.Nagpakalayo-layo.At doon ko nakilala si Arman—ang lalaking walang pag-aalinlangang tumanggap sa akin at sa batang isisilang ko.Siya ang tumayong ama ni Akira. Sa papel. Sa paningin ng iba.Pero sa katotohanan… isa rin siyang hindi dapat makaalam ng buong kwento."Ma…"Napalingon ako. Si Akira, nakatayo sa pintuan ng sala, hawak ang bag niya. Kita ko sa mga mata niya—may mga tanong.
Chapter 25 "Sa wakas natagpuan din kita, bunso..." Mahinang sabi ng estrangherong si Lucien, halos pabulong, at hindi ko ito agad narinig. "Excuse? Anong sabi mo?" tanong ko, takang-taka. Kumunot ang noo ko habang pilit inaalala kung tama ba ang dinig ko. Ngumiti lang siya. Isang ngiting may laman. "Nevermind," sagot niya. "Uwi ka na. Masyado ka nang matagal dito." Bago pa ako makapagsalita muli, tumayo siya, itinapon ang basyo ng kape sa basurahan, at nagsimulang maglakad palayo. Hindi man lang lumingon. Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Sa bawat hakbang niya, tila ba may iniwang tanong sa utak ko na walang kasagutan. Bunso? Hindi ko alam kung bakit pero tumindig ang balahibo ko. May kung anong misteryo sa presensya niya—mainit, malamig, nakaka-aliw pero delikado. Hindi ko siya kilala, pero pakiramdam ko… konektado siya sa isang bahagi ng buhay kong matagal ko nang kinakaligtaan. Napatingin ako sa orasan. Hatinggabi na. Napag
Chapter 24Akira POVParang may humila sa puso ko pababa. Biglaan. Walang babala."Fiancée?"Ang salitang 'yon ay tila sumabog sa pagitan naming tatlo, ngunit ang pinakamasakit—walang pagtutol na nanggaling kay Axel. Wala man lang siyang ipinaliwanag. Walang kahit anong pagtanggi.Napangiti ako, pilit. Ganoon pala.Isang gabi lang pala akong babae sa paningin niya. Sa umaga, muli akong naging inaanak… isang bata… isang lihim na kailangang itago sa likod ng isang pekeng engagement.O totoo ba talaga?Totoong siya ang pinili niya?At ako? Laruan lang sa isang gabing puno ng kasalanan?Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit, sakit, o selos na unti-unting sumisingaw mula sa dibdib ko.Napatingin ako kay Grace. Napakaganda niya, elegante, at walang bahid ng pagkabasag sa presensya niya. Samantalang ako… suot pa ang shirt ni Axel, mukhang babae mula sa isang gabing hindi dapat nangyari.“Excuse me…” mahinang bulong ko, bago ako mabilis na lumakad paakyat sa hagdan.
Chapter 23Humigpit ang kapit niya sa akin habang unti-unti kong hinahalikan ang kanyang balat—mainit, malambot, nanginginig sa sabik at kaba. Ang bawat daing niya, bawat haplos, ay parang musika sa pandinig kong matagal nang nananahimik.Hindi na ako nagtanong kung sigurado siya. Ramdam ko sa bawat paghinang ng kanyang labi sa akin, sa bawat pagbuka ng kanyang katawan sa init ko, na matagal na rin niyang tinatago ito—ang pagnanasang ipinagbabawal ngunit hinahanap-hanap.Dahan-dahan kong hinubad ang bawat saplot na nagpapagitna sa amin. Wala ni isa mang salitang binitiwan, pero ang mga mata niya… nagsusumamo, nagtitiwala.“Angkinin mo na ako, Axel…”Mababa ang tono niya, pero tumama iyon sa kaibuturan ng pagkatao ko. Wala na akong rason para magpigil. Ako na ang lalaking matagal niyang hinintay. At siya na ang babaeng isinumpa kong hindi ko gagalawin—hanggang ngayong siya na mismo ang nag-alay sa akin ng sarili.Pinagdugtong kami ng dilim. Pinagsama ng kasalanan. At ngayong gabi… kami
Chapter 22 Axel POV Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko napigilang huwag siyang titigan—mula pa noong pumasok siya sa bahay na ito, tila may kung anong bumalik sa dibdib ko. ‘Yung matagal ko nang tinapakan para hindi umusbong… pero ngayong narito na siya, mag-isa, malapit—masyadong malapit—parang imposibleng hindi sumabog ang lahat ng pinipigil ko. Tahimik siya. Nanginginig ang kamay habang hawak ang tasa. Pero ‘yung mata niya… nanunumbalik ang alaala ng batang kilala ko noon. Pero hindi na siya bata. Lalo na ngayong 25 na siya. Lalo na ngayong… ganito na ang nararamdaman ko. Napalunok ako. Pinikit ko ang mata, pilit inaayos ang tibok ng puso kong parang hayop na gustong kumawala. Pero isang tingin lang ulit sa kanya, sa mga labi niyang nanginginig… sapat na. Wala akong ibang narinig kundi ang ihip ng hangin. Wala akong ibang nakita kundi siya. Wala akong ibang naramdaman kundi ang udyok na… “Akira,” mahina kong tawag, halos isang bulong. Napalingon siya