Share

Chapter 2

Penulis: A.N.J
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-19 20:21:40

Chapter 2

Napanguso ako at sinimangutan siya. "Ikaw kaya ang walang tigil na nangangantiyaw."

"Hindi ko kasalanan na ikaw ang hopeless romantic na nahulog sa hot ninong mo," biro niya ulit, pero napangiti rin ako.

Tahimik na pumasok ang professor namin, si Sir Ramon, bitbit ang isang makapal na notebook at laptop. Isa siyang matandang propesor na kilala sa pagiging mahigpit, pero magaan naman siyang kausap kapag wala nang klase.

"Good afternoon, class," bati niya habang sinusuri ang mga pangalan sa attendance sheet.

"Good afternoon, Sir!" sabay-sabay naming sagot.

"Ngayong araw, pag-uusapan natin ang lesson planning at effective classroom management techniques," aniya, sabay bukas ng laptop. "Since future educators kayo, dapat matutunan ninyo kung paano maging maayos at organisado sa loob ng classroom."

Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa lecture, pero sadyang matigas ang ulo ng isip ko. Mula nang magising ako kaninang umaga, ilang beses nang bumabalik sa utak ko ang imahe ni Ninong Axel. Ang paborito niyang itim na suit, ang matipuno niyang katawan, at ang nakakahalinang ngiti niya — para bang may sariling paraan ang utak ko para ipaalala kung sino talaga ang laman ng puso ko.

"Miss Quezon?"

Natauhan ako nang marinig kong tawagin ako ni Sir Ramon. Lahat ng mata ay nakatingin na sa akin, at pakiramdam ko’y bigla akong nanliit.

"Yes, Sir?"

"Can you tell us the importance of setting rules and regulations inside the classroom?"

Napalunok ako. Sa kabutihang palad, may natandaan naman ako sa lecture niya.

"Ah, Sir, setting rules and regulations helps maintain discipline and order in the classroom. It also creates a safe and conducive learning environment for students," sagot ko, pilit na pinapakalma ang kabang nararamdaman.

"Very well," tango ni Sir Ramon, at nagpatuloy na siya sa discussion.

Napabuntong-hininga ako, sabay naramdaman ang banayad na tapik ni Jane sa aking braso.

"Akira, next time, huwag nang lumipad ang isip, ha? Baka si Ninong Axel na naman ang nasa utak mo."

Napailing na lang ako, pero hindi ko na napigilan ang isang munting ngiti.

Oo, tama si Jane. Malaki ang age gap namin ni Ninong Axel. Pero paano nga ba pipigilan ang puso kapag ito na mismo ang bumubulong ng pangalan niya?

Habang tuloy-tuloy ang lecture ni Sir Ramon, pilit kong pinakikinggan ang bawat salitang sinasabi niya. Pero kahit anong gawin ko, tila may bahagi ng utak ko na ayaw mag-focus.

"Akira," bulong ni Jane habang kunwari’y nagsusulat ng notes. "Ano bang plano mo? Ganyan ka na lang ba habang buhay? Titingin-tingin at magpapantasya kay Ninong Axel?"

Napairap ako. "Hindi ako nagpapantasya, Jane."

"Ah, talaga? E bakit parang mas kilig ka pa sa kanya kesa sa mga romance movies na pinapanuod natin?"

Napapailing na lang ako. Minsan talaga, parang wala nang preno ang bibig ng kaibigan ko.

"Tsaka, Akira," patuloy niya, "isipin mo naman, forty na si Ninong Axel. I mean, oo, hot siya. Pero hindi ka ba naiilang? Parang ang laki ng gap n’yo."

"Hindi naman siguro ganoon kalaki," pabulong kong sagot, sinisiguradong hindi maririnig ng mga katabi namin. "Tsaka, mas mature siya. Hindi tulad ng mga ka-age natin na puro laro lang sa buhay."

"Tsk. Pero paano kung may girlfriend na siya? O worse, asawa?"

Biglang tumigil ang mundo ko. Hindi ko rin naman alam ang sagot doon. Si Ninong Axel kasi, kahit sobrang close namin sa family gatherings, hindi naman siya madalas magkwento tungkol sa personal niyang buhay. Lagi siyang seryoso at tahimik.

"Eh di mas lalo nang wala," mahina kong sagot, pilit na itinatago ang lungkot sa boses ko.

"Pero paano kung wala pa?" bumuntong-hininga si Jane. "Akira, aminin mo na. May chance ka pa rin."

Napailing ako. "Hindi ganoon kadali, Jane. Hindi ko rin naman alam kung anong nararamdaman niya. Tsaka, hello? Ninong ko siya. Baka isipin niya, baliw ako."

"Malay mo, ikaw rin ang weakness niya," biro ni Jane, sabay kindat.

"Hindi ko na ‘yan iisipin. Tapusin na lang natin itong lecture," sabi ko, pilit na ibinalik ang atensyon ko sa discussion.

Pero kahit pa anong pilit kong mag-focus, isang bagay ang malinaw — sa kabila ng lahat ng pangangatwiran ko, ang puso ko ay patuloy na bumubulong ng pangalan niya.

"Jane, pwede bang wag ka nang maingay? At isa pa, malapit na tayong makapagtapos ng pag-aaral. Baka dito pa tayo bumagsak!" bulong ko sa kanya, sabay tiningnan siya ng masama.

Napailing si Jane, pero hindi na rin siya sumagot. Mukhang alam niyang tama ako. Ilang buwan na lang at finally, makakapagtapos na rin kami ng BSED. Isang hakbang na lang at magiging ganap na kaming mga guro.

Habang patuloy ang lecture ni Sir Ramon, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa mga notes ko. Pero kahit anong pilit kong mag-focus, para bang nasa likod ng isipan ko pa rin ang usapan namin ni Jane.

Ninong Axel.

Bakit nga ba sa dami ng taong puwede kong magustuhan, siya pa? Isang lalaking halos dalawang dekada ang tanda sa akin. Pero kahit anong pigil ko, hindi ko mapigilan ang tibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya.

Hindi lang dahil sa itsura niya — na para bang isang CEO na laging maayos at pormal manamit — kundi dahil sa paraan ng pagtrato niya sa akin. He’s always gentle. Mapanuri ang mga mata niya, laging nagmamasid, pero may lambing at respeto.

"Akira," bulong ulit ni Jane, at napansin kong nag-roll call na si Sir Ramon.

"Quezon, Akira?" tawag ng professor namin.

"Present po, Sir!" sagot ko agad, sabay ng tipid na ngiti.

"Good. Make sure you’re listening. Sayang naman kung malalampasan ninyo itong lesson na ‘to."

"Opo, Sir," sabay sabing tiningnan ko si Jane na halatang nagtatawa pa rin.

"Akira, focus," mahinang sabi ko sa sarili ko.

Pero kahit anong pilit kong gawing focus ang lesson, hindi ko pa rin mapigilan ang isang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.

Paano kung may paraan para malaman ko kung may pagtingin din si Ninong Axel sa akin?

Pagkatapos ng klase namin kay Sir Ramon, agad kaming nag-ayos ng mga gamit ni Jane.

"Finally! Tapos na rin si Sir. Akala ko aabutin na tayo ng siyam-siyam sa dami ng discussion," reklamo niya habang isinusuot ang bag.

"Sus, para namang nakinig ka," tukso ko. "Kanina ka pa daldal nang daldal."

"E ikaw rin naman! Kung hindi lang Ninong Axel ang nasa isip mo, baka ikaw pa ang star student ni Sir Ramon," sagot niya na may kasamang kindat.

"Hay naku, Jane. Tama na nga 'yan," sagot ko, sabay hinila siya palabas ng classroom. "Next subject na tayo."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 27

    Chapter 27Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala sa sulok ng sala. Tahimik ang buong bahay, pero sa loob ko—gulo. Parang sasabog ang dibdib ko sa bigat ng mga lihim na ilang taon ko nang kinikimkim.Akira.Ang anak kong walang kamalay-malay.Anak kong hindi ko isinilang sa pagmamahal… kundi sa isang kasunduang may kapalit.Pero siya lang ang liwanag sa buong buhay kong nababalot sa kadiliman.Napahawak ako sa dibdib ko habang binabalikan ang mga alaala. Kung paanong dahan-dahan akong natuto siyang mahalin. Paanong naging totoo ang pagiging ina ko kahit alam kong… may taong babalik para agawin siya sa akin.At ngayon, bumalik na nga ang aninong iyon—si Lucien.Tahimik, ngunit nananakot. Walang kinakausap na batas, kundi kapangyarihan.Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Hindi na sapat ang pagtatago.“Liza… oras na.”Parang multo sa utak ko ang tinig ni Lucien. Parang sinasakal ako sa tuwing naririnig ko ‘yon.Pero hindi ako basta-basta bibitaw.Hindi ko hahayaang makuha nila

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 26

    Chapter 26Liza POVDumating na ang kinatatakutan ko… ang araw na muling haharapin ang katotohanan—na may maghahanap na sa kanya. Kay Akira.At hindi ko alam kung paano ko siya poprotektahan… ngayong wala na akong maitatago.Sa totoo lang, hindi sa akin nanggaling ang egg o ang sperm.Isa lamang akong surrogate… isang sinadyang tagapagdala ng bata na mula sa dalawang nilalang na hanggang ngayon ay misteryoso rin para sa akin.Oo, ako ang nagluwal kay Akira. Ako ang kilala niyang ina. Pero ang dugo niya—hindi sa akin.At noong nalaman kong may banta sa buhay ng batang dinadala ko pa lang noon… tumakas ako.Nagpakalayo-layo.At doon ko nakilala si Arman—ang lalaking walang pag-aalinlangang tumanggap sa akin at sa batang isisilang ko.Siya ang tumayong ama ni Akira. Sa papel. Sa paningin ng iba.Pero sa katotohanan… isa rin siyang hindi dapat makaalam ng buong kwento."Ma…"Napalingon ako. Si Akira, nakatayo sa pintuan ng sala, hawak ang bag niya. Kita ko sa mga mata niya—may mga tanong.

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 25

    Chapter 25 "Sa wakas natagpuan din kita, bunso..." Mahinang sabi ng estrangherong si Lucien, halos pabulong, at hindi ko ito agad narinig. "Excuse? Anong sabi mo?" tanong ko, takang-taka. Kumunot ang noo ko habang pilit inaalala kung tama ba ang dinig ko. Ngumiti lang siya. Isang ngiting may laman. "Nevermind," sagot niya. "Uwi ka na. Masyado ka nang matagal dito." Bago pa ako makapagsalita muli, tumayo siya, itinapon ang basyo ng kape sa basurahan, at nagsimulang maglakad palayo. Hindi man lang lumingon. Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Sa bawat hakbang niya, tila ba may iniwang tanong sa utak ko na walang kasagutan. Bunso? Hindi ko alam kung bakit pero tumindig ang balahibo ko. May kung anong misteryo sa presensya niya—mainit, malamig, nakaka-aliw pero delikado. Hindi ko siya kilala, pero pakiramdam ko… konektado siya sa isang bahagi ng buhay kong matagal ko nang kinakaligtaan. Napatingin ako sa orasan. Hatinggabi na. Napag

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 24

    Chapter 24Akira POVParang may humila sa puso ko pababa. Biglaan. Walang babala."Fiancée?"Ang salitang 'yon ay tila sumabog sa pagitan naming tatlo, ngunit ang pinakamasakit—walang pagtutol na nanggaling kay Axel. Wala man lang siyang ipinaliwanag. Walang kahit anong pagtanggi.Napangiti ako, pilit. Ganoon pala.Isang gabi lang pala akong babae sa paningin niya. Sa umaga, muli akong naging inaanak… isang bata… isang lihim na kailangang itago sa likod ng isang pekeng engagement.O totoo ba talaga?Totoong siya ang pinili niya?At ako? Laruan lang sa isang gabing puno ng kasalanan?Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit, sakit, o selos na unti-unting sumisingaw mula sa dibdib ko.Napatingin ako kay Grace. Napakaganda niya, elegante, at walang bahid ng pagkabasag sa presensya niya. Samantalang ako… suot pa ang shirt ni Axel, mukhang babae mula sa isang gabing hindi dapat nangyari.“Excuse me…” mahinang bulong ko, bago ako mabilis na lumakad paakyat sa hagdan.

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 23

    Chapter 23Humigpit ang kapit niya sa akin habang unti-unti kong hinahalikan ang kanyang balat—mainit, malambot, nanginginig sa sabik at kaba. Ang bawat daing niya, bawat haplos, ay parang musika sa pandinig kong matagal nang nananahimik.Hindi na ako nagtanong kung sigurado siya. Ramdam ko sa bawat paghinang ng kanyang labi sa akin, sa bawat pagbuka ng kanyang katawan sa init ko, na matagal na rin niyang tinatago ito—ang pagnanasang ipinagbabawal ngunit hinahanap-hanap.Dahan-dahan kong hinubad ang bawat saplot na nagpapagitna sa amin. Wala ni isa mang salitang binitiwan, pero ang mga mata niya… nagsusumamo, nagtitiwala.“Angkinin mo na ako, Axel…”Mababa ang tono niya, pero tumama iyon sa kaibuturan ng pagkatao ko. Wala na akong rason para magpigil. Ako na ang lalaking matagal niyang hinintay. At siya na ang babaeng isinumpa kong hindi ko gagalawin—hanggang ngayong siya na mismo ang nag-alay sa akin ng sarili.Pinagdugtong kami ng dilim. Pinagsama ng kasalanan. At ngayong gabi… kami

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 22

    Chapter 22 Axel POV Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko napigilang huwag siyang titigan—mula pa noong pumasok siya sa bahay na ito, tila may kung anong bumalik sa dibdib ko. ‘Yung matagal ko nang tinapakan para hindi umusbong… pero ngayong narito na siya, mag-isa, malapit—masyadong malapit—parang imposibleng hindi sumabog ang lahat ng pinipigil ko. Tahimik siya. Nanginginig ang kamay habang hawak ang tasa. Pero ‘yung mata niya… nanunumbalik ang alaala ng batang kilala ko noon. Pero hindi na siya bata. Lalo na ngayong 25 na siya. Lalo na ngayong… ganito na ang nararamdaman ko. Napalunok ako. Pinikit ko ang mata, pilit inaayos ang tibok ng puso kong parang hayop na gustong kumawala. Pero isang tingin lang ulit sa kanya, sa mga labi niyang nanginginig… sapat na. Wala akong ibang narinig kundi ang ihip ng hangin. Wala akong ibang nakita kundi siya. Wala akong ibang naramdaman kundi ang udyok na… “Akira,” mahina kong tawag, halos isang bulong. Napalingon siya

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status