공유

Chapter 3

작가: A.N.J
last update 최신 업데이트: 2025-03-19 20:27:47

Chapter 3

Dumiretso kami sa kabilang building kung saan ang Educational Psychology namin. Isa ito sa mga paborito kong subject dahil mahilig akong mag-observe ng mga tao at mag-analyze ng behavior nila. Minsan nga, naisip ko rin kung paano ko maiintindihan ang sarili kong nararamdaman — lalo na pagdating kay Ninong Axel.

Pagkapasok namin, agad akong naupo sa tabi ng bintana habang si Jane naman ay naupo sa tabi ko. Ilang minuto lang, pumasok na si Ma’am Castillo, ang professor namin.

"Good afternoon, class," bati niya na may malapad na ngiti.

"Good afternoon, Ma’am!" sabay-sabay naming sagot.

"Today, we’ll be discussing the different psychological theories that can be applied in teaching and learning," aniya habang nagsusulat sa whiteboard. "But before that, I want to hear your insights. In your opinion, how important is understanding human behavior for a teacher?"

Nagtaas ng kamay ang ilang kaklase ko, at isa-isa silang nagbahagi ng sagot. Tahimik akong nakikinig, sinusubukan ding buuin ang sagot ko sa isipan ko.

"Akira Quezon?" Tawag ni Ma’am Castillo. "What are your thoughts?"

Nagulat ako, pero agad kong inayos ang sarili ko.

"Understanding human behavior is important for teachers because it helps us respond to the needs of our students," sagot ko nang may kumpiyansa. "When we understand their emotions and behavior, we can adjust our teaching methods to ensure they learn effectively. It also allows us to build stronger connections with them."

"Very well said," sabi ni Ma’am Castillo, tila impressed. "That’s a great perspective, Akira."

Nakangiti akong bumalik sa pagkakaupo. Sa gilid ng aking mata, nakita ko si Jane na bumubulong.

"Ang galing mo talaga, pero paano naman si Ninong Axel? Naiintindihan mo rin ba ang behavior niya?"

"Jane!" siniko ko siya, pero napatawa na rin ako.

"Eh baka naman psychology rin ang sagot sa love life mo," tukso niya ulit. "Analyze mo na rin kaya ang puso mo?"

Nilingon ko siya ng masama, pero sa loob-loob ko, nagtatalo na naman ang isip at puso ko.

Kung simpleng behavior lang sana ang kailangang i-analyze, siguro matagal ko nang nalaman kung paano ko dapat harapin ang nararamdaman ko para kay Ninong Axel.

"Okay, class! Dismiss!" anunsyo ni Ma’am Castillo, sabay tapik sa kanyang desk.

Agad na nagtayuan ang mga kaklase namin, abala sa pag-aayos ng kanilang mga gamit at pag-uusap. Si Jane naman, gaya ng inaasahan, ay agad na bumaling sa akin.

"Finally! Uwian na!" sigaw niya nang may labis na tuwa. "Anong plano mo mamaya, Akira?"

"Uuwi na agad," sagot ko habang inaayos ang bag ko. "May gagawin pa ako sa bahay."

"Talaga ba? O baka naman may bigla kang mapadaan sa coffee shop malapit sa opisina ni Ninong Axel?" tukso niya, sabay ngising pilya.

"Jane!" siniko ko siya nang mahina. "Hindi ako stalker, no!"

"Sabagay," bumuntong-hininga siya. "Pero kung ako lang ang may Ninong na kasing hot ni Ninong Axel, baka araw-araw akong dumaan sa opisina niya."

"Ikaw na talaga!" Napailing na lang ako. "Seryoso, uuwi na ako. Hindi ko rin naman alam kung nandoon siya o wala."

"Malay mo, swertehin ka!"

"Basta, umuwi ka na rin at baka kung ano na naman ang maisip mong kalokohan," natatawang sabi ko.

Sabay kaming lumabas ng classroom, at habang naglalakad sa hallway, ramdam ko ang mga tingin ng ilang kaklase namin. Hindi na bago ‘to. Maraming nagtatanong kung bakit single pa rin ako, lalo na’t sabi nila, may mga nagkakagusto naman sa akin — gaya ni Clark na hindi ko rin masyadong pinapansin.

Pero paano ko ba ipapaliwanag sa kanila?

Paano ko sasabihin na ang tinitibok ng puso ko ay para sa lalaking dapat ay hindi ko iniibig?

Habang naglalakad kami palabas ng campus, hindi pa rin mapigilan ni Jane ang kakulitan niya.

"Akira, seryoso ako. Bakit ba hindi mo bigyan ng chance si Clark? Gwapo naman siya, matangkad, at halata namang may gusto talaga sa’yo."

Napabuntong-hininga ako. "Jane, ilang beses ko bang sasabihin? Wala akong nararamdaman para kay Clark. Hindi ko naman siya gustong paasahin."

"Pero paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"

"Hindi ko na kailangang subukan kung alam ko namang wala," sagot ko nang diretso. "Ayoko lang din magpanggap na may feelings ako kung wala naman talaga."

"Tsk. Ewan ko sa’yo, Akira," inis na sabi ni Jane. "Napaka-choosy mo talaga."

Natawa ako sa reaksyon niya. "Hindi naman ako choosy. Gusto ko lang sigurado."

"Sigurado? O ninong mo lang talaga ang gusto mo?" sabay ng isang mapanuksong ngiti.

"Jane!" itinulak ko siya nang bahagya, pero nagtawanan lang kami.

Pagdating namin sa labas ng gate, isang itim na SUV ang agad kong napansin. Kuminang ang sasakyan sa ilalim ng araw, at tila sobrang pamilyar ito.

"Uy, Akira," bulong ni Jane, bahagyang hinihila ang braso ko. "Teka lang, ‘di ba ‘yan—"

Naputol ang sasabihin niya nang bumukas ang pinto ng sasakyan. At doon, tila bumagal ang lahat nang makita ko kung sino ang bumaba.

Si Ninong Axel.

Suot niya ang isang dark blue na long-sleeve polo na naka-rolled up hanggang siko, kasabay ng itim na slacks na bumagay nang husto sa matikas niyang katawan. Nasa kanyang kaliwang kamay ang isang mamahaling relo, at bawat galaw niya ay puno ng kumpiyansa.

Lalo akong kinabahan nang tumama ang mga mata niya sa akin. Tumigil siya saglit, tila pinag-aaralan ang reaksyon ko. Hindi ko alam kung magtatago ako o tatakbo, pero isang bagay lang ang sigurado — bumilis ang tibok ng puso ko.

"Akira," malamig pero matining niyang tinig. "Sabay ka na sa akin. Ihahatid na kita."

Nagkatinginan kami ni Jane, parehong gulat.

"A-ako, Ninong?" nauutal kong tanong.

"Oo," matipid niyang sagot. "May kailangan tayong pag-usapan."

Walang anu-ano, pakiramdam ko ay parang nabalot ng misteryo ang mga susunod na sandali.

Ano kayang kailangan naming pag-usapan?

Itinulak ako ni Jane patungo sa kotse ni Ninong kaya wala akong magawa kundi buksan ang front seat pero agad din ako napaatras nang may nakita akong isang magandang babaeng naka upon doon.

"Sa backseat ka umupo, siya pala si Grace ang fiencee ko!" seryoso nitong sabi sa akin.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 27

    Chapter 27Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala sa sulok ng sala. Tahimik ang buong bahay, pero sa loob ko—gulo. Parang sasabog ang dibdib ko sa bigat ng mga lihim na ilang taon ko nang kinikimkim.Akira.Ang anak kong walang kamalay-malay.Anak kong hindi ko isinilang sa pagmamahal… kundi sa isang kasunduang may kapalit.Pero siya lang ang liwanag sa buong buhay kong nababalot sa kadiliman.Napahawak ako sa dibdib ko habang binabalikan ang mga alaala. Kung paanong dahan-dahan akong natuto siyang mahalin. Paanong naging totoo ang pagiging ina ko kahit alam kong… may taong babalik para agawin siya sa akin.At ngayon, bumalik na nga ang aninong iyon—si Lucien.Tahimik, ngunit nananakot. Walang kinakausap na batas, kundi kapangyarihan.Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Hindi na sapat ang pagtatago.“Liza… oras na.”Parang multo sa utak ko ang tinig ni Lucien. Parang sinasakal ako sa tuwing naririnig ko ‘yon.Pero hindi ako basta-basta bibitaw.Hindi ko hahayaang makuha nila

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 26

    Chapter 26Liza POVDumating na ang kinatatakutan ko… ang araw na muling haharapin ang katotohanan—na may maghahanap na sa kanya. Kay Akira.At hindi ko alam kung paano ko siya poprotektahan… ngayong wala na akong maitatago.Sa totoo lang, hindi sa akin nanggaling ang egg o ang sperm.Isa lamang akong surrogate… isang sinadyang tagapagdala ng bata na mula sa dalawang nilalang na hanggang ngayon ay misteryoso rin para sa akin.Oo, ako ang nagluwal kay Akira. Ako ang kilala niyang ina. Pero ang dugo niya—hindi sa akin.At noong nalaman kong may banta sa buhay ng batang dinadala ko pa lang noon… tumakas ako.Nagpakalayo-layo.At doon ko nakilala si Arman—ang lalaking walang pag-aalinlangang tumanggap sa akin at sa batang isisilang ko.Siya ang tumayong ama ni Akira. Sa papel. Sa paningin ng iba.Pero sa katotohanan… isa rin siyang hindi dapat makaalam ng buong kwento."Ma…"Napalingon ako. Si Akira, nakatayo sa pintuan ng sala, hawak ang bag niya. Kita ko sa mga mata niya—may mga tanong.

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 25

    Chapter 25 "Sa wakas natagpuan din kita, bunso..." Mahinang sabi ng estrangherong si Lucien, halos pabulong, at hindi ko ito agad narinig. "Excuse? Anong sabi mo?" tanong ko, takang-taka. Kumunot ang noo ko habang pilit inaalala kung tama ba ang dinig ko. Ngumiti lang siya. Isang ngiting may laman. "Nevermind," sagot niya. "Uwi ka na. Masyado ka nang matagal dito." Bago pa ako makapagsalita muli, tumayo siya, itinapon ang basyo ng kape sa basurahan, at nagsimulang maglakad palayo. Hindi man lang lumingon. Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Sa bawat hakbang niya, tila ba may iniwang tanong sa utak ko na walang kasagutan. Bunso? Hindi ko alam kung bakit pero tumindig ang balahibo ko. May kung anong misteryo sa presensya niya—mainit, malamig, nakaka-aliw pero delikado. Hindi ko siya kilala, pero pakiramdam ko… konektado siya sa isang bahagi ng buhay kong matagal ko nang kinakaligtaan. Napatingin ako sa orasan. Hatinggabi na. Napag

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 24

    Chapter 24Akira POVParang may humila sa puso ko pababa. Biglaan. Walang babala."Fiancée?"Ang salitang 'yon ay tila sumabog sa pagitan naming tatlo, ngunit ang pinakamasakit—walang pagtutol na nanggaling kay Axel. Wala man lang siyang ipinaliwanag. Walang kahit anong pagtanggi.Napangiti ako, pilit. Ganoon pala.Isang gabi lang pala akong babae sa paningin niya. Sa umaga, muli akong naging inaanak… isang bata… isang lihim na kailangang itago sa likod ng isang pekeng engagement.O totoo ba talaga?Totoong siya ang pinili niya?At ako? Laruan lang sa isang gabing puno ng kasalanan?Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit, sakit, o selos na unti-unting sumisingaw mula sa dibdib ko.Napatingin ako kay Grace. Napakaganda niya, elegante, at walang bahid ng pagkabasag sa presensya niya. Samantalang ako… suot pa ang shirt ni Axel, mukhang babae mula sa isang gabing hindi dapat nangyari.“Excuse me…” mahinang bulong ko, bago ako mabilis na lumakad paakyat sa hagdan.

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 23

    Chapter 23Humigpit ang kapit niya sa akin habang unti-unti kong hinahalikan ang kanyang balat—mainit, malambot, nanginginig sa sabik at kaba. Ang bawat daing niya, bawat haplos, ay parang musika sa pandinig kong matagal nang nananahimik.Hindi na ako nagtanong kung sigurado siya. Ramdam ko sa bawat paghinang ng kanyang labi sa akin, sa bawat pagbuka ng kanyang katawan sa init ko, na matagal na rin niyang tinatago ito—ang pagnanasang ipinagbabawal ngunit hinahanap-hanap.Dahan-dahan kong hinubad ang bawat saplot na nagpapagitna sa amin. Wala ni isa mang salitang binitiwan, pero ang mga mata niya… nagsusumamo, nagtitiwala.“Angkinin mo na ako, Axel…”Mababa ang tono niya, pero tumama iyon sa kaibuturan ng pagkatao ko. Wala na akong rason para magpigil. Ako na ang lalaking matagal niyang hinintay. At siya na ang babaeng isinumpa kong hindi ko gagalawin—hanggang ngayong siya na mismo ang nag-alay sa akin ng sarili.Pinagdugtong kami ng dilim. Pinagsama ng kasalanan. At ngayong gabi… kami

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 22

    Chapter 22 Axel POV Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko napigilang huwag siyang titigan—mula pa noong pumasok siya sa bahay na ito, tila may kung anong bumalik sa dibdib ko. ‘Yung matagal ko nang tinapakan para hindi umusbong… pero ngayong narito na siya, mag-isa, malapit—masyadong malapit—parang imposibleng hindi sumabog ang lahat ng pinipigil ko. Tahimik siya. Nanginginig ang kamay habang hawak ang tasa. Pero ‘yung mata niya… nanunumbalik ang alaala ng batang kilala ko noon. Pero hindi na siya bata. Lalo na ngayong 25 na siya. Lalo na ngayong… ganito na ang nararamdaman ko. Napalunok ako. Pinikit ko ang mata, pilit inaayos ang tibok ng puso kong parang hayop na gustong kumawala. Pero isang tingin lang ulit sa kanya, sa mga labi niyang nanginginig… sapat na. Wala akong ibang narinig kundi ang ihip ng hangin. Wala akong ibang nakita kundi siya. Wala akong ibang naramdaman kundi ang udyok na… “Akira,” mahina kong tawag, halos isang bulong. Napalingon siya

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status