Chapter 5
Ramdam ko ang bigat sa likod ng kanyang mga salita. Para bang alam niya kung ano ang tunay kong nararamdaman, pero pinili niyang huwag na lang tanungin pa. "Anak," malumanay na dagdag niya, "ang mahalaga ay masaya ka rin, ha? Hindi lang dapat ibang tao ang masaya." Napayuko ako, pilit na ikinukubli ang nangingilid kong luha. "Opo, Ma." "Hala, sige na’t magpahinga ka na sa kwarto mo. Ako nang bahala rito." "Salamat po, Ma," sagot ko bago tuluyang umakyat ng hagdan. Pagpasok ko sa kwarto, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Sa wakas, wala nang nakakakita. Doon ko na pinalaya ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Tahimik akong humikbi, hinayaan ang bawat kirot na lumabas. Si Ninong Axel… may iba na. At wala akong magagawa kundi tanggapin iyon. "Let's move on," bulong ko na lang sa aking sarili, pilit na pinapalakas ang loob ko. Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi at huminga nang malalim. Hindi pwedeng habambuhay akong magpakalunod sa sakit. Kailangan kong ipakita na kaya ko. Bumangon ako mula sa kama at tumingin sa salamin. Nakita ko ang namumugto kong mga mata, isang paalala ng damdaming pilit kong itinatago. Pero kasabay nito, nakita ko rin ang isang babaeng kailangang maging matatag. "Kaya mo 'to, Akira," muling bulong ko sa sarili ko, kasabay ng pagpilit ng isang maliit na ngiti. Kinuha ko ang isang hairbrush at inayos ang magulong buhok ko. Hindi ko hahayaang makita nila ang bigat na dinadala ko. Magiging normal ako — isang masayahing Akira na walang bahid ng lungkot. Paglabas ko ng kwarto, naamoy ko agad ang nilulutong sinigang ni Mama. Hinayaan ko ang amoy ng maasim at maalat na sabaw na bahagyang magbigay ng init sa puso ko. "Anak, halika na’t kumain," tawag niya mula sa kusina. Ngumiti ako at tumango. "Opo, Ma." Isang araw, magiging mas madali rin ang lahat. At kahit gaano pa kasakit ngayon, alam kong darating din ang oras na masasabi ko nang tuluyan ko nang naka-move on. Paglapit ko sa hapag-kainan, agad akong sinalubong ng mainit na mangkok ng sinigang. Naamoy ko ang halimuyak ng maasim na sabaw na tila nagpapagaan ng pakiramdam ko. "Wow, Ma! Mukhang sobrang sarap nito," pilit kong ngumiti, sinusubukang itago ang bigat na dinadala ko. "Syempre naman!" Masiglang tugon ni Mama. "Paborito mo 'yan, 'di ba? Saktong-sakto para maibsan yang pagod mo." Tumango ako at naupo. Sinubukan kong gawing normal ang bawat galaw ko. Kinuha ko ang kutsara at humigop ng mainit na sabaw. Napasinghap ako sa asim na tumama sa panlasa ko, pero sa kabila noon, may bahagyang ginhawang dala ito. "Anak," biglang bungad ni Mama habang tinutusok ang isang piraso ng baboy. "Kumusta ka naman talaga? Parang tahimik ka yata." Saglit akong natigilan. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya nang hindi niya mahalata ang lungkot ko. "Okay lang po ako, Ma," sagot ko, pilit na pinapakalma ang boses ko. "Pagod lang siguro sa school. Malapit na rin naman po kaming magtapos." Tumango si Mama, pero ramdam ko ang pagtitig niya na tila binabasa ang bawat emosyon sa mukha ko. "Sigurado ka, anak? Alam mo namang andito lang ako kung gusto mong maglabas ng sama ng loob." Napangiti ako nang bahagya. "Opo, Ma. Salamat po. Wala naman po akong problema." Hindi ko alam kung naniwala siya o hindi, pero pinili niyang hindi na magtanong pa. Sa halip, pinuno niya ulit ang plato ko ng ulam. "Sige, ubusin mo 'yan para lumakas ka. At bukas, maaga ka ulit pumasok." "Opo, Ma," sagot ko bago muling kumuha ng kanin. Habang kumakain, sinubukan kong ipagtabuyan ang mga alaala ng araw na ito — si Ninong Axel, si Grace, at ang sakit na dulot ng katotohanang hindi kailanman magiging akin ang lalaking matagal ko nang minahal. Pero gaya ng sinabi ko kanina sa sarili ko… Let's move on! Napahinto ako sa pagkain at ibinaba ang kutsara. Muling bumalik ang kirot na matagal ko nang kinikimkim. Tumingin ako sa dingding kung saan nakasabit ang isang lumang litrato — ako, si Mama, at si Papa. Masaya kaming nakangiti noon, walang bahid ng lungkot o pangamba. "Pero, Ma," mahina kong bulong, halos pabulong lang. "Namimiss ko si Papa." Napuno ng katahimikan ang pagitan namin. Ramdam ko ang bigat ng mga salitang binitiwan ko. Tila isang sugat na matagal nang pilit tinatakpan, pero ngayong gabi, kusa itong bumuka muli. Lumapit si Mama at marahang hinawakan ang kamay ko. Kita ko rin ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata, pero pilit niyang pinanatili ang tapang. "Alam ko, anak," mahinang sagot niya. "Namimiss ko rin siya. Araw-araw." Hindi ko na napigilan ang mga luhang bumagsak mula sa aking mga mata. "Sana andito pa siya, Ma. Kung andito lang si Papa... siguro, mas madali lahat." Hinila ako ni Mama papunta sa kanya at yinakap nang mahigpit. Ramdam ko ang init ng kanyang pagmamahal, ang tanging bagay na nagpapagaan ng sakit. "Anak," bulong niya, hinahaplos ang buhok ko. "Alam ko mahirap. Pero alam mo rin na ayaw ni Papa na makita tayong malungkot. Gusto niyang maging masaya ka, magpatuloy, at tuparin lahat ng pangarap mo." Huminga ako nang malalim, pilit na nilulunok ang pait ng pagkawala. "Alam ko, Ma. Pero minsan... parang kulang pa rin." "Normal lang ‘yan, anak. Pero tandaan mo, hindi ka kailanman nag-iisa. Andito ako. At si Papa... andiyan lang siya." Tumingin si Mama sa litrato, pilit na ngumiti sa kabila ng luha. "Bantay natin siya." Niyakap ko siya nang mas mahigpit. Kahit wala na si Papa, ramdam ko pa rin ang presensya niya sa mga alaala at pagmamahal na iniwan niya. At kahit gaano kasakit, kakayanin ko. Para kay Mama. Para kay Papa. Para sa sarili ko.Chapter 27Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala sa sulok ng sala. Tahimik ang buong bahay, pero sa loob ko—gulo. Parang sasabog ang dibdib ko sa bigat ng mga lihim na ilang taon ko nang kinikimkim.Akira.Ang anak kong walang kamalay-malay.Anak kong hindi ko isinilang sa pagmamahal… kundi sa isang kasunduang may kapalit.Pero siya lang ang liwanag sa buong buhay kong nababalot sa kadiliman.Napahawak ako sa dibdib ko habang binabalikan ang mga alaala. Kung paanong dahan-dahan akong natuto siyang mahalin. Paanong naging totoo ang pagiging ina ko kahit alam kong… may taong babalik para agawin siya sa akin.At ngayon, bumalik na nga ang aninong iyon—si Lucien.Tahimik, ngunit nananakot. Walang kinakausap na batas, kundi kapangyarihan.Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Hindi na sapat ang pagtatago.“Liza… oras na.”Parang multo sa utak ko ang tinig ni Lucien. Parang sinasakal ako sa tuwing naririnig ko ‘yon.Pero hindi ako basta-basta bibitaw.Hindi ko hahayaang makuha nila
Chapter 26Liza POVDumating na ang kinatatakutan ko… ang araw na muling haharapin ang katotohanan—na may maghahanap na sa kanya. Kay Akira.At hindi ko alam kung paano ko siya poprotektahan… ngayong wala na akong maitatago.Sa totoo lang, hindi sa akin nanggaling ang egg o ang sperm.Isa lamang akong surrogate… isang sinadyang tagapagdala ng bata na mula sa dalawang nilalang na hanggang ngayon ay misteryoso rin para sa akin.Oo, ako ang nagluwal kay Akira. Ako ang kilala niyang ina. Pero ang dugo niya—hindi sa akin.At noong nalaman kong may banta sa buhay ng batang dinadala ko pa lang noon… tumakas ako.Nagpakalayo-layo.At doon ko nakilala si Arman—ang lalaking walang pag-aalinlangang tumanggap sa akin at sa batang isisilang ko.Siya ang tumayong ama ni Akira. Sa papel. Sa paningin ng iba.Pero sa katotohanan… isa rin siyang hindi dapat makaalam ng buong kwento."Ma…"Napalingon ako. Si Akira, nakatayo sa pintuan ng sala, hawak ang bag niya. Kita ko sa mga mata niya—may mga tanong.
Chapter 25 "Sa wakas natagpuan din kita, bunso..." Mahinang sabi ng estrangherong si Lucien, halos pabulong, at hindi ko ito agad narinig. "Excuse? Anong sabi mo?" tanong ko, takang-taka. Kumunot ang noo ko habang pilit inaalala kung tama ba ang dinig ko. Ngumiti lang siya. Isang ngiting may laman. "Nevermind," sagot niya. "Uwi ka na. Masyado ka nang matagal dito." Bago pa ako makapagsalita muli, tumayo siya, itinapon ang basyo ng kape sa basurahan, at nagsimulang maglakad palayo. Hindi man lang lumingon. Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Sa bawat hakbang niya, tila ba may iniwang tanong sa utak ko na walang kasagutan. Bunso? Hindi ko alam kung bakit pero tumindig ang balahibo ko. May kung anong misteryo sa presensya niya—mainit, malamig, nakaka-aliw pero delikado. Hindi ko siya kilala, pero pakiramdam ko… konektado siya sa isang bahagi ng buhay kong matagal ko nang kinakaligtaan. Napatingin ako sa orasan. Hatinggabi na. Napag
Chapter 24Akira POVParang may humila sa puso ko pababa. Biglaan. Walang babala."Fiancée?"Ang salitang 'yon ay tila sumabog sa pagitan naming tatlo, ngunit ang pinakamasakit—walang pagtutol na nanggaling kay Axel. Wala man lang siyang ipinaliwanag. Walang kahit anong pagtanggi.Napangiti ako, pilit. Ganoon pala.Isang gabi lang pala akong babae sa paningin niya. Sa umaga, muli akong naging inaanak… isang bata… isang lihim na kailangang itago sa likod ng isang pekeng engagement.O totoo ba talaga?Totoong siya ang pinili niya?At ako? Laruan lang sa isang gabing puno ng kasalanan?Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit, sakit, o selos na unti-unting sumisingaw mula sa dibdib ko.Napatingin ako kay Grace. Napakaganda niya, elegante, at walang bahid ng pagkabasag sa presensya niya. Samantalang ako… suot pa ang shirt ni Axel, mukhang babae mula sa isang gabing hindi dapat nangyari.“Excuse me…” mahinang bulong ko, bago ako mabilis na lumakad paakyat sa hagdan.
Chapter 23Humigpit ang kapit niya sa akin habang unti-unti kong hinahalikan ang kanyang balat—mainit, malambot, nanginginig sa sabik at kaba. Ang bawat daing niya, bawat haplos, ay parang musika sa pandinig kong matagal nang nananahimik.Hindi na ako nagtanong kung sigurado siya. Ramdam ko sa bawat paghinang ng kanyang labi sa akin, sa bawat pagbuka ng kanyang katawan sa init ko, na matagal na rin niyang tinatago ito—ang pagnanasang ipinagbabawal ngunit hinahanap-hanap.Dahan-dahan kong hinubad ang bawat saplot na nagpapagitna sa amin. Wala ni isa mang salitang binitiwan, pero ang mga mata niya… nagsusumamo, nagtitiwala.“Angkinin mo na ako, Axel…”Mababa ang tono niya, pero tumama iyon sa kaibuturan ng pagkatao ko. Wala na akong rason para magpigil. Ako na ang lalaking matagal niyang hinintay. At siya na ang babaeng isinumpa kong hindi ko gagalawin—hanggang ngayong siya na mismo ang nag-alay sa akin ng sarili.Pinagdugtong kami ng dilim. Pinagsama ng kasalanan. At ngayong gabi… kami
Chapter 22 Axel POV Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko napigilang huwag siyang titigan—mula pa noong pumasok siya sa bahay na ito, tila may kung anong bumalik sa dibdib ko. ‘Yung matagal ko nang tinapakan para hindi umusbong… pero ngayong narito na siya, mag-isa, malapit—masyadong malapit—parang imposibleng hindi sumabog ang lahat ng pinipigil ko. Tahimik siya. Nanginginig ang kamay habang hawak ang tasa. Pero ‘yung mata niya… nanunumbalik ang alaala ng batang kilala ko noon. Pero hindi na siya bata. Lalo na ngayong 25 na siya. Lalo na ngayong… ganito na ang nararamdaman ko. Napalunok ako. Pinikit ko ang mata, pilit inaayos ang tibok ng puso kong parang hayop na gustong kumawala. Pero isang tingin lang ulit sa kanya, sa mga labi niyang nanginginig… sapat na. Wala akong ibang narinig kundi ang ihip ng hangin. Wala akong ibang nakita kundi siya. Wala akong ibang naramdaman kundi ang udyok na… “Akira,” mahina kong tawag, halos isang bulong. Napalingon siya