Share

Kabanata 4

Author: Kara Nobela
last update Last Updated: 2024-11-02 23:07:15

Ella POV

Isang linggo na ang nakalipas mula nang magkita kaming muli ni Miguel. Wala na akong narinig pang update tungkol sa kasal nito. Alam kong sinasadya ni Macy na wag nang banggitin ang tungkol dito na siyang ipinagpapasalamat ko. Mabuti na rin yun, tanggap ko nang wala talagang pag-asa sa pagitan namin ni Miguel kahit pa mahal na mahal ko pa rin siya.

Pilit kong ibinalik sa normal ang aking routine at kinalimutan ang naging pagtatagpo namin. Inabala ko rin ang aking sarili sa mga bagong proyektong ibinigay sa akin ni Macy.

“Hulaan mo kung kanino galing to?” masayang sabi ni Dino.

Si Dino ay isa sa PR team namin at isang binabae. Bukod sa katrabaho ay naging malapit na kaibigan na rin namin siya ni Macy. Bukod kay Dino ay may walo pa kaming mga katrabaho na narito sa opisina bukod pa sa mga florists at logistic team na mas madalas ay sa venue namin nakikita. Minana ni pa Macy ang kumpanya mula sa kanyang ina na itinayo nitong mag-isa.

Kagagaling lang ni Dino sa labas at siya ang tumanggap ng bulaklak mula sa nagdeliver. Malawak ang ngiting nakapaskil sa mukha nito habang hawak ang bouquet ng bulaklak. Parang ito pa yung kinikilig gayung hindi naman para dito ang bulaklak. Napangiti at napailing na lang ako sa pakembot kembot nitong paglakad habang papalapit sa akin.

“Ayan na ang bulaklak mo. Ikaw na talaga ang may hawak ng korona.” ani Dino at ipinatong ang bulaklak sa lamesa ko.

“Ang sweet talaga ni Dok Enzo. Bakit ba kasi ayaw mo pang sagutin. Sige ka kapag ako nainip, aakitin at aagawin ko siya sayo.” pabiro pang sabi nito. Kumuha ito ng ilang bulaklak at saka tumalikod.

“Magkaibigan lang kami.” tugon ko.

Tumayo ako at dinampot ang bulaklak upang ilagay yun sa flower vase. Normal na eksena na lang ito sa opisina, ang paminsan minsan na nakakatanggap ako ng mga bulaklak mula kay Enzo. Nagsabi siya nagusto niyang umakyat ng ligaw sa akin pero tinapat ko agad siya na hindi ko pa kayang magmahal ulit. Gentleman naman siya at maayos niyang tinanggap ang desisyon ko pero nanatili pa rin siya sa aking tabi. Alam niya na hanggang pakikipagkaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Kaya eto, hindi man siya lantarang nanliligaw, panay naman ang paramdam nito kagaya ng pagpapadala ng mga bulaklak.

Nakilala ko si Enzo noong panahon na halos mawalan na akong nang pag-asa, dahil yun ay ang pinakamadilim na parte ng buhay ko. Si Enzo ang aking Surgical Oncologist three years ago nang sumailalim ako sa Laparoscopic Ovarian Cystectomy nang madiagnose na may pelvic mass ako or sa madaling salita ay tumor sa pelvic area.

“From Enzo?” tanong ni Macy nang mapadaan siya sa pwesto ko at nakitang inaayos ko ang mga bulaklak. Tinanguan ko siya at itinuloy lang ang aking ginagawa.

“Bakit hindi mo na lang siya bigyan ng chance? Ideal boyfriend naman si Dok Enzo.” muling tanong ni Macy. Umiling iling lang ako sa sinabi nito.

“Mabait siya pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya at alam niya yun.” maikling tugon ko.

Lumapit si Macy sa akin at tinulungan ako. Tuwing nagpapadala si Enzo ng mga bulaklak ay isinasalin namin yun sa mga flower vase at dinadala kung saan saan sa dito office.

“Maswerte ka kay Enzo.” ani Macy. Masaya ang pagkakatingin sa mga bulaklak habang sinasalansan ang mga yun.

Kagaya ni Dino ay vocal si Macy na crush din nito ang doktor. Gwapo naman talaga si Enzo at hindi na ako magtataka na maraming nagkakagusto dito. Kahit yung ibang katrabaho kong babae dito sa office ay kinikilig sa tuwing dumadalaw ang binatang doktor. Hindi ko lang talaga type si Enzo. Isa pa, mula noon hanggang ngayon ay walang ibang laman ang puso ko kundi si Miguel at alam kong hinding hindi na siya mapapalitan ng kahit sinong lalaki sa puso ko.

Nang maalala ko ang pangalan niya ay muli na naman akong nakaramdam nang kirot kaya mabilis ko itong isinantabi sa aking isip. Hindi makakatulong kung palagi ko na lang siyang maalala .

“Mukhang hindi ka yata busy ah.” pansin ko kay Macy.

Kahit boss ko siya ay nakasanayan na naming mag-usap ng kaswal kahit nasa trabaho pa kami. Dun kami mas komportable at maganda naman ang resulta nun sa trabaho namin.

“Hindi masyado.” simpleng sagot nito habang sinisipat sipat kung maganda ang pagkaka-arrange nya ng mga bulaklak sa tatlong flower vase.

“Akala ko ba may big project ka?” tanong ko sa kanya.

Alam kong malaking project ang kasal nina Miguel. Malaking personlidad si Miguel dahil CEO ito ng pinakamalaking pharmaceautical company sa bansa. Big opportunity ito para sa company ni Macy. Hindi lang sa promotion kundi pati na rin sa kikitain. Ayaw ko mang banggitin ang tungkol dito dahil alam kong ayaw din ni Macy na pag-usapan pa ngunit nagtataka lang ako na parang relax lang ito ngayon. Kilalang kilala ko si Macy, kapag may malaking project ay aligaga na dapat ito ngayon.

Tumingin ako sa kanya nang hindi ito sumagot. Nagsalubong ang tingin namin ngunit nag-iwas ito nang tingin.

“Inirerelax ko lang ang isip ko bago sumalang sa malaking proyekto.” anito at ngumiti sa akin at dinampot ang isang flower vase na may mga bulaklak.

“Ikaw ba talaga yan bestie? Ang workaholic kong kaibigan, marunong na ring magrelax?” pabiro kong tanong na naninibago sa ikinikilos niya.

“Ngayon lang ‘to.” natatawang sagot ni Macy at tumalikod na, dala ang flower vase at saka nagtungo sa kanyang opisina.

Hinabol ko siya nang tingin. Alam kong stress ito dahil sa pagkakahospital ng kaniyang ina kahit pa sinasabi nito na okay lang siya. Kaya naman, naisip kong ipagtimpla siya ng kape. Kape ang stress reliever ni Macy. Pareho kami ng gustong timpla ng kape kaya gumawa ako para sa aming dalawa. Nang matapos ako ay ipinatong ko muna sa table ko ang para sa akin at saka nagtuloy ako sa paglalakad upang dalhin ang kape na para sa aking kaibigan.

Medyo nakaawang ang pintuan ng opisina ni Macy nang makalapit ako. Magkausap sina Macy at Dino. Dinig na dinig ko ang kanilang mga boses dito sa labas. Papasok na sana ako nang marinig ko ang sinabi ni Dino.

“Sayang naman yung project with Mr. Dela Vega. Ang laki pa naman sana ng potential budget na iaalok nila.” ramdam ko ang panghihinayang sa boses nito.

“I know, but I have my personal reasons at hindi ako nanghihinayang kahit malaki pa ang i-offer nila.”

“Pero kung matutuloy ito, baka mareach na agad natin ang target profit this year.” dugtong pa ni dino na tila kinukumbinsi talaga si Macy.

Nang sumilip ako ay nakita ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Macy.

“There are more important things than business, Dino. Like I said It's very personal.” tugon ni Macy.

Saka ako pumasok ng opisina at sabay silang napatingin sa akin.

“Okay Macy, pero sana pag-isipan mong mabuti. Sige na babalik na ako sa pwesto ko. ” ani Dino at saka tumayo.

Tumingin siya sa hawak kong kape nang mapatapat sa akin. Lumabi pa ito sa akin.

“Ako kaya kelan mo ipagtitimpla ng kape.” biro ni Dino. Natawa na lang ako.

“Kapag gusto mo na ang lasa ng kape.” pabirong sagot ko.

Alam kong nagbibiro lang ito dahil hindi naman talaga siya umiinom ng kape. Naglakad itong muli at tuluyan nang lumabas ng silid. Binalingan ko ng tingin si Macy. Nagsalubong ang tingin namin. Nabalisa ito at naglumikot ang mga mata. Ipinatong ko sa table niya ang tasa ng kape na para sa kanya.

“Dahil ba sa akin?” tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot at humigop lang ng kape.

“Hindi mo ba tinanggap ang project with Miguel dahil sa akin?” muli kong tanong sa kanya sa mas seryosong boses.

Tumingin siya sa akin at saka huminga nang malalim. Halatang sukol na ito at hindi na magagawa pang tumanggi.

“Tama lang ang desisyon ko na hindi tanggapin ang wedding plan nila.” pag-amin nito.

“Sana tinanggap mo na lang, sayang naman yung profit. Hindi naman ako magpapa-apekto dahil hindi ako sasali sa project na yun.” wika ko.

“Hindi ko kayang tanggapin ang demand nya.” ani Macy. Tiningnan ko siya at saka ako nagsalita.

“Ganun naman talaga ang mga client’s natin may mga request kahit na hindi natin gusto pero nagagawan naman natin ng paraan ang—”

Pinutol ni Macy ang aking sasabihin nang magsalita ito.

“Gusto ni Miguel na ikaw ang maging field assistant nila. Naiintindihan mo naman siguro ang ibig sabihin nun. Ikaw ang sasama sa lahat ng activities nila for wedding preparation, at kung hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari, hindi niya itutuloy ang project.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Fe Balais Hslili
ohh how cruel naman Miguel let Ella move on ikakasal kna e o bka nga Ikaw ang hindi pa nakaka move on Lalo na at Nakita kayo uli🥱
goodnovel comment avatar
Hazel
mukhang di pa dn naka move c Miguel ah
goodnovel comment avatar
Marla Poral
May bago kaming aabangan na kwento mo Ms.A! Happy New Year
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Planning His Wedding   Kabanata 192

    “Ikaw, bakit ka narito? Alam mong wala si Ella dito. Nasa bakasyon pa sila ng asawa niya.” kalmadong wika ni Mike. “Sinusundo ko ang asawa ko. Bibisitahin namin ngayon ang biyenan ko.” kaswal na tugon ni Enzo. Biglang nanlaki ang mga mata ni Mike. “Anong sabi mo? Asawa mo?” gulat na tanong ni

  • Planning His Wedding   Kabanata 191

    Kahit may bahagyang pantal pa sa braso, pakiramdam ni Macy ay okay na siya. Wala na rin ang hapdi at kati dahil mabilis na umepekto ang gamot sa kanya at hindi na siya kailangan turukan. Pero nagugutom naman siya. Hindi siya nakapagluto kaya mag-iinit na lang siguro siya ng mga tira niya na nasa re

  • Planning His Wedding   Kabanata 190

    Masama ang loob na tumalikod si Macy at nagtungo sa kanyang silid. Nangangati pa rin ang kanyang ilong kaya naisip niya magshower na lang at baka sakaling mawala yun. At para iwaglit na rin sa isip ang sama ng loob. Ayaw niya sa lahat ay yung may mabigat na dinadala. Hindi niya gustong ine-ent

  • Planning His Wedding   Kabanata 189

    3rd person POV Kinabukasan maagang umalis ng condo si Macy dahil balik trabaho na siya. Naging normal lang ang takbo ng araw na dumaan, na para bang hindi siya bagong kasal. Hindi gaya ni Ella na hanggang ngayon ay nasa honeymoon pa rin. Hindi naman sa inililihim ni Macy ang kasal, hindi lang ni

  • Planning His Wedding   Kabanata 188

    Napangiti ako dahil feeling ko, adobo ko yung sinasabi ni Aling Belen. Kahit asumera lang, medyo kinilig ako sa kwento niya. Alam ko namang nagustuhan talaga ni Enzo yung adobo ko. Andami niya kayang nakain noon. Kaya ngayong nandito nako, sisiguraduhin kong busog palagi ang tiyan niya.Matapos kong

  • Planning His Wedding   Kabanata 187

    Macy POV “Ako na ang sasama sa asawa ko.” ani Enzo habang hawak ako sa aking braso. Napatingin si Dr. Salvador kay Enzo sunod ay sa akin. Agad naman nitong naintindihan ang sinabi ni Enzo. Tumango tango ito at saka ngumiti. Sumingit muna ako para magpaalam. “Mauna na ‘ko.” maayos kong paalam sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status