Ella POV
“What?” gulat na sambit ko.
“You heard me right. Gusto ni Miguel na ikaw ang maging field assistant nila. Alangan namang tanggapin ko yun. C’mon Ella, hindi ko magagawa sayo yun, kahit pa gipit na gipit na ako, and besides, hindi naman naghihirap ang company natin kaya hindi pa ’ko desperada na tanggapin ang demand niya.” paliwanag ni Macy.
Parang ang hirap iprocess sa utak ko ang sinabi niyang gustong mangyari ni Miguel.
“Bakit ako? It doesn't make sense at all.” naguguluhan kong tanong. Tanong hindi para kay Macy kundi para sa sarili ko.
“I know. Sabi niya, he prefers to work with someone he knows, but i doubt it.” ani Macy.
Napaupo na lang ako na pilit iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari.
“Paano kung may galit pala siya sayo at gusto ka nyang gantihan? Eh di ako pa itong naglagay sayo sa kapahamakan.” mapaklang napatawa si Macy sabay inom ng kape na tinimpla ko.
Napabuntong hininga ako. Alam ko naman na kahit magprinsinta akong ituloy ang project ay hindi pa rin papayag si Macy. Kilalang kilala ko ang kaibigan ko. Napakabait niya pero may paninindigan siya at isang salita.
“Hindi naman siguro. Nung magkita kami, mukhang naka-move on na talaga siya at mukhang mahal na mahal nya ang fiancee niya. Alam kong hindi fake yung nakita ko sa kanila, maganda talaga ang relationship nila.” giit ko.
“I won’t take a chance Ella. Hindi natin kailangan ang pera niya. Like you said, it doesn’t make sense kung bakit ikaw ang kailangang mag-asikaso ng kasal niya. hindi niya dapat irequest yun in the first place, dahil mag-ex kayo kahit pa anong sabihin niya. Respeto naman sana para sayo ‘noh.” ani Macy at tumaas pa ang kilay.
“Masyado mo yatang tinarayan sa telepono kaya ayaw sayo.” dinaan ko na lang sa biro dahil na-iistress na rin ako sa pinag-uusapan namin. Pareho kami ni Macy.
Yung inis sa mukha nito ay biglang nag-iba. Umirap ito at napatawa.
“Masyado ka yatang nagpaganda kaya gusto sayo.” ganti naman nito.
Ako naman itong napairap nang mabilis niyang naibato sa akin ang sinabi ko. Naupo ako sa harapan niya.
“Gwapo pa rin ba?” nakakalokong tanong ni Macy.
Pinamulahan ako ng mukha. Ang totoo kasi, ay mas gumwapo ngayon si Miguel. Mas nagmatured ito na mas bumagay rito.
“Hindi na, losyang na.” tanggi ko.
Napatawa naman ng malakas si Macy.
“Sus….” makahulugang sabi nito na naniningkit ang mga matang tumingin sa akin.
“Totoo. Mas gwapo na ngayon si Enzo.” sagot ko.
Biglang napatingin si Macy sa akin. Kita ko ang pagkislap sa mga mata nito nang banggitin ko ang pangalan ni Enzo..
“Siyempre para samen ni Dino, mas pogi si papa Enzo.” nakangiting anito.
Bibiruin ko pa sana siya nang magring ang aking cellphone. Tumatawag si kuya June kaya agad kong sinagot ang tawag nito. Napatayo ako nang marinig ang boses ng kapatid ko. Napapikit ako nang sabihin nito sa akin kung bakit ito napatawag.
Nasa Cebu ngayon si kuya dahil Roving Auditor siya sa isang shoe company. Cebu branch ang ino-audit niya ngayon. Nang matapos naming mag-usap ay agad akong nagpaalam kay Macy.
“Pasensya na Macy kailangan ko lang puntahan ang pamangkin ko. Nasa police station siya ngayon, napa-trouble. Wala si kuya, ako muna ang pupunta dun.” taranta kong sabi. Nagulat si Macy sa narinig.
“Ingat ka, sana okay lang si Jerald.” anito na may himig pag-aalala.
Hiwalay si kuya sa ina ng pamangkin ko. Nagttrabaho din ito sa abroad kaya naman ako ang tumatayong guardian ni Jerald kapag wala si kuya. Agad kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling umalis ng opisina na nag-aalala para sa 15-anyos na pamangkin ko. School hours ngayon, nagtataka ako kung bakit ganitong kaaga nagkaproblema. Mabait naman ang pamangkin ko kaya nag-aalala ako sobra, pero ang sabi ni kuya ay si Jerald ang may kasalanan. Kaya naman mas lalo akong nag-aalala.
Nagmaneho ako gamit ang company car. Eto na rin ang pang araw-araw kong service. Dahil sa nature ng trabaho namin ay kinailangan akong ibili ni Macy ng sasakyan lalo na at hindi ko pa afford ang bumilli ng sariling kotse.
Mabuti na lang at hindi traffic ngayon kaya mabilis akong nakarating sa police station. Pagkatapos kong magpark ay halos patakbo akong pumasok sa loob. Natanaw ko ang aking pamangkin na naka-upo sa harapan ng lamesa ng isang police officer. Humahangos akong lumapit sa kanila.
“Tita..” bulalas ni Jerald nang makita ako at napatayo ito na halatang namomroblema.
“Jerald anong problema?” nag-aalala kong tanong dito.
Hinawakan ko agad siya sa braso at tiningnan kung hindi ba ito nasaktan. Nakayuko ito pero pasulyap sulyap sa kaharap kaya pumihit ako at sinundan ko kung ano ang tinitingnan niya. Ngayon ko lang napansin ang lalaking naka-upo sa tapat ni Jerald. Laking gulat ko nang makilala ito– si Miguel!
Hindi tuloy ako nakapagsalita agad. Anong ginagawa niya rito at bakit sila magkasama ni Jerald dito sa police station?
“Kayo po ba ang tiyahin ng batang ito?” para akong nagising nang marinig ang boses ng police kaya hinarap ko ito sabay tango.
“Ako nga po.” tugon ko.
“Maupo muna kayo.” wika ng police.
Tumabi ako kay Jerald at naupo sa tabi niya. Kay mamang pulis lang ako nakatingin at ayaw magawi ang mga mata ko sa direksyon ng lalaking hindi ko na sana gustong makaharap ulit.
“Ms. Chaves, nahuli ni Mr. dela Vega ang pamangkin nyo na binubutas ang gulong ng sports car nya.” pag-uumpisa ng police.
Hindi ako makapaniwala sa tinuran nito. Bigla akong napalingon kay Jerald at nagkasalubong ang mga mata namin. Napayuko ito at dahil dun ay kumpirmado ko nang totoo ang ibinibintang sa kanya.
Sports car? Ang mahal ng gulong nun. Napapikit ako ngang mariin. Nuh ba naman yan? Gastos na naman. Hindi naman kami mayaman kaya paniguradong mamumroblema si kuya nito.
“Jerald…” frustrated kong usal habang nakatingin sa pamangkin ko na nakayuko pa rin.
“Napag-utusan lang po ako tita.” mahina nitong sabi at namumula na ang mga mata nito.
“Sinong nag-utos sayo?” hjindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses.
“May nangungursunada po kasi palagi sa akin school. Sabi nila, hindi na raw nila ako kukulitin kung susundin ko ang ipagagawa nila sa akin. Sabi nila butasin ko daw yung gulong.”
Hindi ko maintindihan kung magagalit ako o maaawa sa pamangkin ko.
“Mag-usap tayo mamaya tungkol dyan sa mga nambubully sayo pag-uwi natin.” mahinga kong sabi dito habang napapahilot sa noo ko.
“Ms. Chavez, ang pamangkin nyo lang ang nakita sa lugar na pinangyarihan. Kaya naman, pamangkin nyo lang ang pwedeng sasampahan ni Mr. dela Vega ng reklamo. Kung gusto nyo ay pag-usapan nyo muna ito ng maayos bago natin iproseso ang kaso. Ang bata pa naman niyang pamangkin nyo. ” wika ng police at saka tumayo.
“Maiwan ko muna kayo at pag-usapan nyo ito ng complainant.” anito at saka tumalikod.
Wala akong magawa kundi ang harapin si Miguel na kanina ko pang pilit na iniiwasang makaharap. Paglingon ko sa kanya ay nakatingin na ito sa akin. Parang sanlibong paru-paru ang nagliliparan sa aking dibdib dahil sa tingin nito na parang tumatagos sa aking kaluluwa. Hindi ko matagalan ang tingin niya kaya ako ang unang nagbaba. Lihim akong humugot ng buntong hininga at saka tumikhim. Lakas loob ko siya muling hinarap.
“Mr. dela Vega…, pasensya na kayo sa ginawa ng pamangkin ko. Pakiusap, wag na sana kayong magsampa ng reklamo, babayaran na lang namin ang danyos. Napakabata pa ng pamangkin ko, baka makakasira pa ito sa record niya. Mabait naman ang pamangkin ko. Naniniwala ako at alam kong napilitan lang siyang gawin yun.” pakumbabang sabi ko kay Miguel.
Hinintay kong sumagot siya ngunit ilang saglit na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito sumasagot. Makikiusap pa sana akong muli nang magsalita ito.
“I'm not going to make you pay for the damages or take legal action.”
Bigla akong nakahinga ng maluwag– upang muli lang kabahan dahil sa sunod na sasabihin nito.
“Be my field assistant!”