- "The hardest thing about loving someone from afar is knowing that they are close enough to touch, but far enough to never feel." Nakahiga na sa ngayon niyang tutulugan si Dianne habang Yakap-yakap ang picture frame kung saan ay naroon ang larawan nila ng asawang si Andrei. Masaya siya na malungkot. Masaya dahil mabuti na ang kalagayan ni Andrei at the same time ay nalulungkot din siya dahil narito lang nga ang kaniyang asawa ngunit hindi naman niya ito o mayakap o maiparamdam man lang ang labis niyang pagmamahal dito. Ang hindi alam ni Dianne ay naroon lang si Andrei sa may pinto, nakatayo, at tahimik siyang pinanonood na umiiyak. Naguguluhan si Andrei sa mga nalaman mula sa mayordoma. Ang babae kasing nagpakilala na kaibigan 'daw' niya ay siya pala niyang asawa at nagdadalang tao sa kaniyang anak. Hindi malaman ni Andrei ang dahilan nito kung bakit inililihim pa sa kaniya nito ang tunay na katauhan. (biglang lumangitngit ang pinto) Biglang napapahid ng luha si Dia
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. ITS GOOD TO BE BACK. Sa wakas ay nakauwi na rin ako sa mansyon. Iba pa rin talaga kapag bahay mo na ang inuwian mo. Maraming gumugulo at katanungan sa isipan ko pero iba pa rin sa pakiramdam na makita at makauwi sa bahay mo. Maswerte akong nakaligtas mula sa isang malagim na aksidente. Ayaw ng mga Doktor ko na pag-usapan pa ang nangyari noong araw na iyon dahil makakasama daw sa mental health ko. Pero paano kaya yon? Paano ko malalaman ang rason kung paano kami naaksidente. Hindi ko kasi maalala kung paano kami nabangga. Ang tanging naaalala ko lang ay yung si Alfa. Si Alfa na mahal na mahal ko. Hindi ko na lubos na maalala kung ano ba ang mga nangyari noong araw bago ako naaksidente basta ang naaalala ko lang ay kumain kami ng Lunch ni Alfa at the rest is blangko na. Naaalala ko naman ang lahat. Itong bahay na ito, ang pangalan ko, at kung sino ako. Ako si Andrei Avendaño known as a youngest billionaire in the country. Naaalala ko pa kung anong k
Araw, linggo, buwan ang lumipas at naghihintay pa rin si Dianne sa hudyat ng Doktor kung kailan siya ulit p-pwedeng makadalaw sa kaniyang asawa. Matatandaan na nagising nga si Andrei pero hindi naman siya nito matandaan. Ang pangalang binabanggit nito ay iba. Anong sakit iyon para kay Dianne. Nagising na nga at lahat-lahat ang asawa niya pero hindi siya nakikilala nito. Ngunit dahil sa dami na ng pagsubok na kanilang pinagdaanan, hindi na para sumuko pa si Dianne. Kahit Miss na Miss na niya ang asawa at para bang nakukulangan na siya ng pag-asa, naniniwala pa rin siya na hindi sa pangalan o mukha , ang pusong nagmamahal ay hindi nakakalimot sa taong tunay na tinitibok nito. Kaya naman laking tuwa n> Dianne ng tawagan siya ng Doktor ni Andrei at sinasabing okay na ito at pwede nang ilabas ng ospital. Sobrang saya ni Dianne sa magandang balita na iyon. Excited siyang nagtungo sa ospital kahit na walang ligo. Bago niya pwedeng ilabas si Andrei ay pinatawag muna siya ng Doktor para ka
Grabe ang takot ko matapos akong maalarma sa pagtunog ng mga aparato na nakakabit sa asawa ko. Hindi pwede! hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ko kaya. Nagmadali akong tumawag ng mga Doktor. Halos mahulog ang puso ko. Hindi ako alam kung paano ang gagawin kong takbo mapuntahan lamang ang Doktor ng asawa ko. Sakto naman din at nakasalubong ko siya. Papunta rin pala siya sa asawa ko para tignan. Hindi ko na kayang kumalma sa mga oras na ito kaya hinila ko na siya patungo sa ICU kung saan nandoon ang asawa ko. "Dok ano pong nagyayari?" nag-aalala kong tanong. Patuloy pa rin sa pagtunog ang Machine at diretso pa rin ang linya. Gusto ko nang umiyak ng malakas. "misis relax." Ito lang ang sagot sa akin ng Doktor. kalmado niyang tinignan ang pasyente. "Paano po akong magrerelax? nasa peligro na po ang buhay ng asawa ko." sabi ko naman habang nakasunod sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung paano niya nasasabi na irelax ko ang sarili ko. "Hindi po misis. Ang aparato po na tumutunog
Mas lalong nagkaroon ng rason si Dianne para tatagan ang loob. Hindi lang siya ang nag-aantay ngayon kay Andrei kung hindi dalawa na sila. Hindi madali sa kalagayan niya pero lumalaban siya. Kailangan niyang ilaban ang pananampalataya niya na magkakaroon ng himala. Ngunit talagang sinusubukan siya ng Diyos. Ayon sa mga Doktor ay hindi nila masasabi kung kailan magigising si Andrei o kung may tsansa pa ba ito na gumaling. Tinapat na siya ng Doktor na 50/50 na si Andrei at himala na lamang kung babalik pa ito sa dati. Bilang asawa ay napakahirap nitong tanggapin. Ngayon pa na magkakaanak na sila. Kahit anong utos ni Dianne sa kaniyang utak na tatagan ang loob ay hindi niya rin masunod dahil hindi biro ang sitwasyon na mayroon sila ngayon. Ang malamig at puting pader ng silid ng ospital ay tila sumasakal sa kanya, pinipigilan siya ng kanilang malamig at matigas na presensya. Ang kanyang mga daliri, payat na dahil sa pag-aalala, ay mahigpit na nakahawak sa mga rosaryo, ang makini
Lalo lang nadagdagan ang pag-aalala ni Dianne. Buong araw hanggang gabi siya iyak nang iyak. Halos walong oras ginamot si Andrei sa loob ng Emergency room bago ito inilipat sa ICU. Hindi pa niya pwedeng lapitan ang asawa dahil ayon sa mga doktor ay maselan ang kalagayan pa nito at under observation pa ito. Inilabas ito sa Emergency room ng walang malay. Samantala ang babaeng tinutukoy ng mga pulis na kasama nito ay inilabas ng E.R. na nakatalukbong na ng kumot. Dalawa lang naman ang nasa ER kaya naisip ni Dianne na tignan kung ito nga ang sinasabing babaeng kasamang naaksidente ng kaniyang asawa. "Saglit po, kilala ko po siya, maaari ko po bang sulyapan ang aking pinsan kahit na sa huling sandali?" pagsisinungaling ni Dianne sa mga nurse. "Okay pero saglit na saglit lang, ha?" sagot naman sa kaniya ng mga ito bilang pagpayag. "Hindi ba kinaya ng pasyente. Kung ikaw pala ang pinsan niya, ikaw na lang din ang pumirma para sa release paper niya para mamaya." Dahil inakala ng mga