Teilen

Chapter 5

last update Veröffentlichungsdatum: 02.08.2026 20:02:50

Nanatiling nakadikit ang cellphone sa tainga ni Joy habang nakatitig sa kisame ng halos wala nang lamang dorm room.

Tahimik na ang kwarto niya. Nakakabingi ang sobrang katahimikan. At kahit tahimik ang kwarto niya ay wala pa rin siyang maisip. At sumakit na lang tuloy ang ulo niya dahil dahil sinusubukan niyang intindihin kung normal ba ang kausap niya.

Patawanin ko siya? Tanong niya sa sarili. Pukingina! Ano ba 'to? Job interview ba o talent search? Parang balak pa siyang gawing clown ah. Clown pala ang gusto nito bakit hindi na lang ito mag-purchase ng subscription sa N*****x tapos manood ng mga comedy show?

Napakurap siya nang ilang beses. Parang mawawala siya sa katinuan niya eh.

"Hello?" muli nitong tanong sa kabilang linya. "Nandiyan ka pa ba?"

Ay hindi, wala na ko dito. Kabahan ka na, bulong ng utak niya. Grabe talaga ang mga mayayaman eh no? Kung anu-ano na lang ang naiisip para lang magwaldas ng pera. Tapos tayong naghihikahos sa buhay, lahat gagawin para lang makahanap ng pera.

Buhay nga naman.

"Opo." Bumuga pa siya ng hangin pagkatapos niyang sumagot.

"So?"

Napakamot siya sa noo. So? So what?

"Sir..."

"Alexander." Putol nito sa litanya niya sana.

"Po?"

"Alexander. Hindi ako sanay sa 'Sir.'"

Napailing siya. Lakas talaga ng trip no? Taga tawa ang gusto tapos ayaw pang patawag ng Sir. Ow wow!

Hindi sanay? CEO ka tapos hindi sanay? Angal ng utak niya.

"Edi. Mr. Alexander?"

"No."

"Boss Alexander?"

"No."

Anak ka ng tatay mo! Ano bang gusto mong itawag ko sayo!

"Kuya?"

Biglang natahimik ang kabilang linya. Napakagat siya sa labi.

Ay, mali yata, singit ng utak niya. Eh paano ba naman kasi, ayaw ng Sir, ayaw din ng Mr. At ayaw din tawaging boss? Saan ba siya lulugar?

Ilang segundo ang lumipas bago niya narinig ang isang napakahinang buntong-hininga.

"Alexander."

Napangiwi siya. "Ang awkward naman po."

"Mas awkward ang 'Kuya.'"

Napahawak siya sa bibig. Mukhang napikon niya yata. Ayaw ba talaga nitong nirerespeto? Samantalang siya gusto ngang makatapos ng pag-aaral para lang matawag na Ma'am. Tapos ito na bilyonaryo na, ayaw pang patawag ng Sir. Aba angas ah.

"Okay na nga. Alexander."

"Better."

Huminga siya nang malalim. "Sige... paano ko po kayo papatawanin?"

Kailangan niya ng pera eh. Hindi naman siguro masama kung sunggaban na niya ang offer nito diba?

"That's your problem."

Napasinghap siya. Ay wow. Ang bait.

"Ano po ba ang nakakatawa sa inyo?"

"Wala."

"Hindi po puwedeng wala."

"I haven't laughed in years."

Napakunot ang noo niya. "Years?"

Ang angas nga naman talaga. Mayaman pero hindi nakakatawa? Robot ba tong kausap niya?

"Years."

Napalunok siya. Robot nga siguro talaga ang kausap niya.

Saglit siyang napaisip bago napangiti.

"Sige."

"I'm listening."

"Knock knock."

Mahabang katahimikan pa ang dumaan bago ito nagsalita.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Nagjo-joke po, ano pa ba?"

"I know."

"Edi sagutin niyo po."

"I don't know how."

Napadilat siya. "Hindi niyo alam ang knock knock?"

"No."

Napahawak siya sa noo.

Lord, grabe naman to. Saan mo ba to nilagay ang taong to? Malayo ba to sa kabihasnan?

"Okay..." Huminga siya nang malalim. "Knock knock."

"Who's there?"

"At least marunong pala."

Muli na namang natahimik ang lalaki. Napangiti siya nang bahagya.

"Banana."

"Banana who?"

"Banana split."

"May kasunod pa po."

"I'm waiting."

"'Yung split kasi tayo sa conversation."

Mahabang katahimikan. Napangiwi siya. Pati yata siya ay hindi natawa sa sariling joke.

"Ang corny..." Reklamo nito sa kaniya.

Ay edi, sorry ha?

"Sorry po."

"That was terrible. Very terrible. Terribly... creative."

Napataas ang kilay niya. Creative? Hindi ba insulto iyon?

"Sir—este Alexander..."

"Yes?"

"Hindi ka po ba talaga tumatawa?"

"Hindi."

"Kahit sa memes?"

"No."

"Videos ng pusang nahuhulog?"

"No."

"Baby na umiiyak?"

"No."

"Mga taong nadudulas?"

"No."

Napakamot siya sa ulo. "Ano'ng klaseng tao ka ba?"

"I've been asking myself the same question."

Bigla siyang natahimik. Hindi niya inaasahang ganoon ang isasagot nito. Hindi iyon mayabang. Hindi rin sarkastiko.

Parang alam mo yong rason ng taong pagod talaga. Napailing siya upang alisin ang kung anumang naiisip.

"Hindi kita mapapatawa kung ayaw mong tumawa."

"Maybe."

"So bagsak na 'ko?"

"No."

"Ha?"

"You're still talking."

"Hindi ba requirement ang patawanin ka?"

"It is."

"E hindi naman kita napatawa."

"I didn't say you failed."

Napakunot ang noo niya. "Ang labo mo."

"So I've been told."

Napaupo siya nang maayos sa kama. Unti-unti nang nawawala ang kaba niya. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil hindi ito katulad ng inaasahan niyang CEO.

Hindi ito sumisigaw. Hindi rin nagyayabang. Weird lang talaga.

"Alexander."

"Yes?"

"Pwede ba 'kong magtanong?"

"You already did."

Napairap siya. "Ayan."

"What?"

"'Yan."

"What?"

"'Yan ang problema mo."

"Ano'ng problema ko?"

"Lahat sinasagot mo nang parang nasa debate ka. Normal ka ba?"

Tahimik ulit ang pumagitna sa kanilang dalawa at makalipas ang ilang segundo ay nagsalita rin ito.

"I don't know."

Hindi niya alam kung bakit pero parang biglang bumigat ang hangin sa palagidi. Hindi biro ang sagot nito. Parang totoo eh. Randam niya yong hinanakit nito sa mundo. Or hinanakit niya talaga yon, masyado lang siyang occupied kaya hindi niya na napapansin.

Napabuntong-hininga siya. "Sige. I'm listening."

"Ikaw naman."

"What about me?"

"Subukan mong patawanin ako."

Mahabang katahimikan at pagkatapos...

"I've never tried."

"Exactly."

"So?"

"Paano mo malalaman kung mahirap ang isang bagay kung hindi mo susubukan?"

Naramdaman niya ang bahagyang paghinga ng lalaki. Pagkatapos...

"Brian."

Napakunot ang noo ni Joy.

"Ha?"

"I asked my assistant what joke he knows."

Hindi niya napigilang matawa. "Hindi ikaw 'yon!"

"I know."

"Teka..." Napatawa na talaga siya. "Nagpatulong ka?"

"Apparently."

Tuluyan na siyang napahalakhak. Hindi dahil sa joke. Kundi dahil nai-imagine niya ang isang seryosong CEO na biglang tatanungin ang assistant niya ng,

*"Brian, tell me a joke."*

Napailing siya habang tumatawa.

"Okay ka lang ba?" tanong nito.

"Oo. Mukha ba kong abnormal?"

Tumatawa pa rin siya. "Sorry..."

Hindi niya mapigilan ang matawa sa kabilang linya… Hanggang sa natahimik na ang mga ito.

Pero sa kabilang bahagi ng lungsod, sa pinakataas na palapag ng Montalban Holdings, nakatayo si Alexander sa harap ng floor-to-ceiling window habang hawak ang cellphone.

Tahimik siyang nakikinig. Sa bawat mahinang halakhak ni Joy. Sa bawat paghabol nito ng hininga. Hindi niya namalayang unti-unting umangat ang sulok ng labi niya.

Napahinto si Brian sa pagbukas ng p***o. Napatitig siya sa boss niya.

"Sir..."

Hindi sumagot si Alexander. Nanatili lang siyang nakikinig sa kabilang linya. Dahan-dahan at halos hindi mapansin.

Pero malinaw, ngumingiti siya. At sa loob ng maraming taon ay ngayon lang ulit nangyari iyon.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Played by the Billionaire   Chapter 39

    Hindi pa rin talaga mawala sa isip ni Joy ang tungkol kay Clara. Kahit anong pilit niyang ituon ang buong atensyon sa kaniyang laptop, paulit-ulit pa ring bumabalik sa alaala niya ang maganda at eleganteng babaeng nakilala niya sa lobby.She's a friend.Iyon ang sinabi ni Alexander. Pero bakit parang kulang na kulang ang dalawang salitang iyon para patahimikin ang nagwawala niyang dibdib?Napailing si Joy habang nakatitig sa screen ng kaniyang laptop. Ilang minuto na siyang nakatutok sa parehong spreadsheet pero wala man lang siyang natatapos. Iisa pa rin ang cell na kanina pa niya gustong ayusin."Concentrate, Joy..." bulong niya sa sarili.Huminga siya nang malalim at muling nag-type. Pero dahil sa paglutang ng kaniyang isip, isang maling pindot ang nagawa niya."Aray!" napaatras siya sa upuan at napahawak sa sariling noo sa matinding frustration.Hindi naman niya kailangang alalahanin si Clara. Hindi niya kailangang isipin kung bakit alam nitong nakatira siya sa bahay ni Alexander.

  • Played by the Billionaire   Chapter 38

    Hindi pa rin talaga nawala sa isip ni Joy ang tungkol kay Clara kahit pa katatapos lang ng palitan nila ng biro ni Alexander. Sa halip na gumaan ang kaniyang pakiramdam, mas lalo lang siyang kinakain ng matinding kuryosidad.Hindi ako nagseselos, pilit niyang pangangatwiran sa sarili habang tinititigan ang natitirang cake sa kaniyang plato. Wala siyang anumang karapatang magselos. Hindi niya boyfriend si Alexander at wala rin itong ipinangako sa kaniya na kahit ano, may kontrata lang sila na may malinaw na mga hangganan at kondisyon.Pero bakit parang may prying hand sa dibdib niya na pilit kumukurot sa puso niya tuwing naaalala ang maganda at eleganteng babaeng 'yun?Napailing siya at muling kumuha ng maliit na subo ng cake. "Hindi ako nagseselos..." pabulong niyang sabi sa sarili.Tahimik na nakaupo si Alexander sa kabilang bahagi ng kitchen island habang abala sa pag-inom ng tubig. Biglang napalitan ng matinding hiya ang buong sistema ni Joy nang mag-angat ito ng tingin at huling-h

  • Played by the Billionaire   Chapter 37

    Hindi agad nawala ang ngiti sa mga labi ni Joy. Sa totoo lang, hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa sa sagot ni Alexander.“Difficult ba talaga ako?” ulit niya habang bahagyang nakataas ang kaniyang kilay.Tumango lang ang lalaki habang kalmado at pormadong nakasandal sa kitchen island. “Very.”“Wow.” Napailing siya habang pinipigilan ang sariling mapangiti. “At least honest ka diba.”“I always am.”“Hindi ka nga sinungaling,” panunukso niya habang nakatitig sa guwapong mukha nito. “Masama lang talaga 'yung ugali mo.”Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi ni Alexander. Napansin agad iyon ni Joy, at hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang naging kakaiba ang pakiramdam niya sa dibdib. Simula kasi nang makilala niya ang lalaki, napakabihira nitong ngumiti. Kadalasan ay napakaseryoso ng mukha nito, 'yung tipong parang buong mundo ang pinapasan sa balikat. Kaya sa tuwing napapangiti niya ito, kahit gaano pa katipid, para bang may maliit siyang achievement na nakukuha.Huw

  • Played by the Billionaire   Chapter 36

    Bakit parang kilala niya ako?Iyon ang kauna-unahang tanong na pumasok sa isip ni Joy habang nakatitig sa magandang babae sa harapan niya. Hindi niya agad maibuka ang kaniyang bibig. Nanatili siyang nakaparalisa habang unti-unting bumibitaw ang kamay ni Clara sa kaniya."I've heard a lot about you."Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang sinabi ng babae. Dahil sa kakaibang kaba sa dibdib, napalingon si Joy kay Alexander. Tahimik lang itong nakatayo sa tabi niya, matangkad, seryoso ang mukha, at tulad ng dati ay hindi mabasa ang ekspresyon ng mga mata."About me?" muli niyang tanong, halos hindi mahanap ang sariling boses. "Yes." Bahagyang tumagilid ang ulo ni Clara habang may eleganteng ngiti sa mga labi. "Alexander talks about you."Nanlaki ang mga mata ni Joy. Parang may sumabog na fireworks sa kaniyang dibdib at biglang uminit ang kaniyang mga pisngi. Alexander talks about me? Bakit? Anong pinag-uusapan nila tungkol sa akin?"A-Ano naman pong sinabi niya?" nauutal niyang t

  • Played by the Billionaire   Chapter 35

    Hindi agad nakasagot si Joy. Nanatili siyang nakatayo sa tahimik na hallway, halos hindi alintana ang lamig ng aircon dahil sa tindi ng titig sa kaniya ni Alexander. Matangkad, seryoso, at pormal na pormal sa suot nitong dark suit, he looked every bit the intimidating boss that he was."The people who are talking about me?" paniniguro niya.Isang tipid at mabigat na tango ang isinagot nito. "Yes."Napahigpit ang hawak niya sa baso ng tubig na kanina pa niya bitbit, halos mamanhid na ang mga daliri niya sa lamig. "So... narinig mo?""I heard enough." Pinasadahan nito ng kamay ang buhok, tila pilit kinokontrol ang inis.Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang nalaman nito ang totoo, o mas lalo lang maiinis dahil pakiramdam niya ay pabigat siya."Alexander, hindi naman malaking bagay iyon," pilit niyang pinagaan ang sitwasyon."It is." Matigas nitong sagot."No, it's not.""Someone questioned your position in this company, Joy." Madilim ang mga mata nitong nakat

  • Played by the Billionaire   Chapter 34

    Hindi na mapakali si Joy buong umaga.Kahit anong pilit niyang ituon ang atensyon sa monitor ng laptop, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang mga mapanuksong bulungan na narinig niya kanina."Maybe she's not just an employee."Napairap siya at napakagat sa ibabang labi. Eh ano naman kung hindi? Pinindot niya nang madiin ang keyboard. Employee ako. Legitimate employee.Napahinto siya nang maalala ang totoo. "Okay, technically may dalawang kontrata," bulong niya sa sarili sabay ngiwi. Hindi naman niya kontrolado ang isip ng ibang tao, pero naiinis siya.Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto at pumasok si Daniel. "Ms. Reyes, Mr. Montalban wants you in the conference room. Ngayon na."Napabuntong-hininga na lang siya. Kinuha niya ang notebook niya at pilit na pinakalma ang sarili.Pagpasok niya sa conference room, agad siyang sinalubong ng lamig ng aircon. Umayos siya ng tayo. Hindi siya sanay sa ganitong meeting kasama ang mga senior executives.Pero ang agad na nakaku

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status