LOGINJeric POV
I’m finally back in the Philippines—for good. Matagal ko ring inisip kung babalik pa ba ako dito. Too many memories. Too many ghosts. Pero ngayon, iba na ang dahilan ko. Nandito ako hindi para balikan ang nakaraan, kundi para simulan ang bagong buhay ko kasama ang fiancé ko. Bibisitahin namin ang pamilya ko. Gusto naming magkaroon ng formal engagement party bago ang kasal. Hindi lang simpleng salu-salo—kundi isang engrandeng pagtitipon para ipakilala ko si Arianne sa lahat. Sa mga kaibigan ko. Sa mga kamag-anak. Sa mundo ko. Nasa loob kami ng kotse papunta sa hotel. Doon muna kami magpapahinga ngayong gabi, pero bukas lilipad kami papuntang Cebu. Doon ko gustong magpakasal. Sa simbahan. Simple pero solemn. Ayoko ng civil wedding lang. Gusto ko may basbas ng Diyos. “Babe, ano iniisip mo?” malambing na tanong ni Arianne habang hawak ang kamay ko. Napangiti ako at mabilis ko siyang hinalikan sa labi. She smiled back at me, her eyes soft and full of warmth. She’s so beautiful. Hindi lang sa panlabas—kundi sa loob. I can’t imagine my life without her. God, thank You. Thank you for giving me someone like her. “Kailan ko makikilala ang mga best friends mo, Babe?” tanong niya habang yumayakap sa akin. I wrapped my arm around her waist and kissed her neck playfully. Napatawa siya. “Maybe next week. I want to surprise them,” sagot ko. Tumango siya. She never questions my decisions. She trusts me completely. “Babe, huwag mo masyado akong sundin. Baka masaktan kita,” sabi ko nang medyo seryoso. Ngumiti siya. “I love you. I don’t care kung masaktan man ako. But you promise me, diba? Hindi mo na ako sasaktan?” Napangiti ako. “Of course. I love you so much. Ayoko lang na may ginagawa kang ayaw mo, tapos sinusunod mo lang ako. You can say no to me, Babe.” Hinawakan ko ang mukha niya. She kissed me again. “I’m willing to support you. Always.” Napapailing na lang ako. Ang swerte ko sa kanya. Kinabukasan, nakarating na kami sa mansion namin sa Cebu. Ganon pa rin ang itsura. Malawak ang hardin. Maayos ang fountain. Nakataas pa rin ang matandang punong mangga sa gilid ng driveway. The place looks the same. Pero ako? I’m not the same man who left. “Senyorito! Dumating na po kayo!” Lumapit si Mang Roger, ang matagal na naming hardinero. Nakangiti siya, pero may kaunting lungkot sa mga mata niya. “Mang Roger! Kamusta po? Hindi kayo nagbabago ah! Batang-bata pa rin!” biro ko. Tinapik niya ako sa braso. “Kayo po ang mas lalong gumwapo, Senyorito!” Natawa ako at binuksan ang kotse para bumaba si Arianne. “Mang Roger, this is my fiancée. Arianne Benitez.” Saglit nawala ang ngiti ni Mang Roger, pero agad din niya itong ibinalik. “Babe, si Mang Roger. Matagal na siyang kasama sa mansion.” Ngumiti nang matamis si Arianne at nakipagkamay. Napansin ko ang malamig na aura ni Mang Roger. Hindi katulad noon… lalo na kapag kasama si— No. Stop. Hindi ko na dapat iniisip iyon. Isang linggo na kaming nasa Cebu. Next week ang engagement party. Next month ang kasal. Ayokong patagalin pa. Gusto ko na siyang maging asawa ko. Hindi pa alam ng mga tropa ko na nandito na ako. Gusto ko silang i-surprise. Alam kong magugulat sila. Sigurado tatawanan nila ako—ako ang unang magpapakasal sa amin. Isang hapon, habang nakatayo ako sa veranda, napansin ko na naman ang babaeng madalas nasa labas ng gate. Lagi ko siyang nakikitang kausap si Mang Roger. Pagkaalis niya, bumaba ako. “Mang Roger, sino po iyon?” Parang nag-alangan siyang sumagot. “Wala lang po, Senyorito. Mukhang gustong mag-apply sa hacienda. Sinabi ko pong wala nang bakante.” Tumango ako, pero may kakaiba. Habang papaalis siya, nabangga siya ng isang katulong at may nahulog mula sa bulsa niya. Isang kwintas. Nanlamig ang kamay ko. Kilala ko iyon. Ako mismo ang nagpagawa niyan noon. Kalahating puso. Custom design. Isa sa akin. Isa sa— “Paano napunta sa inyo ’to?” mahina kong tanong. “Pinasoli po ni Lalaine, Senyorito. Busy po kayo kaya hindi ko na naiabot agad.” Parang may kumurot sa dibdib ko, pero sandali lang. I thought I would feel pain. Pero wala. Masaya na ako ngayon. “Ibenta niyo na lang po. O kayo na ang bahala. Masaya na po ako.” I meant it. Or at least… iyon ang gusto kong paniwalaan. Kinabukasan, nakasakay ako sa kabayo at nililibot ang hacienda. Ang hangin dito iba. Malinis. Presko. Pero may kakaibang bigat sa dibdib ko. May kumakaway na babae sa may damuhan. Siya iyong laging nasa gate. Lumapit ako. “Ms., may kailangan po ba kayo?” tanong ko habang bumababa sa kabayo. Nakatitig lang siya sa akin. “Grabe, ang pogi n’yo po pala!” sabi niya, kinikilig. Sanay na ako sa ganito. Napabuntong-hininga ako. “Salamat.” Aalis na sana ako nang pigilan niya ako. “Tulungan n’yo po ang kaibigan ko. Kailangan niya po kayo. Lalo na po bukas.” Napakunot ang noo ko. “Sino?” “Si Lalaine Cristobal po.” Parang may sumabog sa utak ko. “What do you mean?” May dumaan na kotse at bigla siyang nagtago sa likod ng puno. “Wag po dito,” bulong niya. Pinapasok ko siya sa mansion. Kasama si Arianne. Ayokong may itinatago sa fiancé ko. Doon niya ikinuwento ang lahat. Ang pagkakakulong. Ang pambubugbog. Ang pagbabayad sa mga pulis. Ang nalalapit na anibersaryo ng pagkamatay ni Louie—na tuwing dumarating iyon, halos patayin na siya sa kulungan. Habang nagsasalita ang babae, parang bumibigat ang hangin sa paligid ko. Ayoko na sanang makialam. I’m about to get married. I don’t want stress. I don’t want drama. Ayoko nang balikan ang nakaraan. Pero nagsalita si Arianne. “Jeric… kahit ano pa ang nangyari noon, hindi mo pwedeng pabayaan ang isang taong nasa panganib.” Tiningnan ko siya. Walang selos sa mukha niya. Walang galit. Compassion lang. “Please. Kung hindi para sa kanya… para sa konsensya mo.” Napapikit ako. Damn. Kaya nga siguro mahal na mahal ko ang babaeng ito. Kinabukasan, pumunta kami sa kulungan. Ayoko sanang isama ang mga bodyguard, pero makulit si Arianne. Ayaw niya raw akong mapahamak. Pagdating namin sa presinto, agad kaming hinarang ng mga pulis. “Sir, hanggang dito lang po. Visiting hours are over,” sabi ng isa sa kanila na parang wala lang. Huminga ako nang malalim. Pinipigilan ko ang galit ko. “I’m here for Lalaine Cristobal. Where is she?” diretso kong tanong. Nagkatinginan ang dalawang pulis. “Ah… hindi po pwede ngayon. May… ah… party po siya.” Party? Nanigas ang panga ko. Alam ko na ang ibig sabihin nila. Hindi iyon party. Iyon ang tawag nila sa pambubugbog. “Ilalabas niyo siya ngayon,” malamig kong sabi. “O lahat kayo, patatanggal ko dito.” Napataas ang kilay ng isa. “Bakit, sino po ba kayo?” Hindi na ako nagsalita. Inilabas ko ang ID ko at inilapit sa mukha niya. Unti-unting nagbago ang ekspresyon niya. “A-attorney…” “Now.” Wala nang nagtanong pa. Pinapasok nila ako sa likod ng kulungan. Habang naglalakad ako sa madilim na hallway, rinig ko ang mahinang iyak. Ang halakhak. Ang tunog ng suntok. At doon ko siya nakita. Hinahawakan ng isang lalaking preso ang buhok niya. May isa pang nakatayo sa gilid na parang nanonood lang. Nakaluhod si Lalaine. Duguan ang labi. Nanginginig ang katawan. “Subukan mong isayad ang labi mo sa leeg niya, papatayin kita.” Hindi ko namalayang nasabi ko na pala iyon. Tumigil ang lalaki at napatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Lalaine nang makita ako. Sa totoo lang… halos hindi ko siya makilala. Punong-puno ng pasa ang mukha niya. Namamaga ang pisngi. May sugat sa noo. Ang isang braso niya ay nakalaylay sa kakaibang anggulo. Bali ito. Maging ang isang paa niya mukhang hindi maigalaw. “J—” may tinawag siya sa akin, pero hindi ko na narinig ng buo. Bigla siyang bumagsak. “Lalaine!" Agad ko siyang binuhat. Magaang siya. Sobrang gaan. Parang wala nang laman ang katawan niya. “Teka! Who are you, man? Huwag mong dadalhin sa hospital yang babaeng ’yan!” sigaw ng isang matabang lalaki na mukhang mataas ang posisyon. “Hindi mo ba ako kilala? Isa akong Monticillo!” Napatawa ako—pero hindi iyon tawang masaya. Tawang babala. “Hindi mo rin ako kilala,” sagot ko habang yakap ko si Lalaine. “At kahit Monticillo ka pa, kaya kong banggain ang pamilya mo.” Lumapit pa siya pero umatras nang makita ang mga bodyguard ko. “Subukan mo akong pigilan,” dagdag ko, malamig ang boses. “At sisiguraduhin kong hindi lang trabaho ang mawawala sa inyo.” Lumingon ako sa mga pulis. “Kayo. Anong tinitingnan niyo? Lahat ng sangkot dito, ihahabla ko. Abuse of authority. Physical assault. Conspiracy. Pili na lang kayo.” Walang nagsalita. Humakbang ako palabas, pero biglang may humarang sa akin. Isang babaeng elegante ang bihis. Matanda pero matalim ang mga mata. “Who are you?” galit niyang tanong. “Bakit napakatapang mo?” Tinitigan ko siya nang diretso. “I’m Atty. Jeric Fuentebella.” Nanahimik siya. Hindi na ako lumingon pa. Mas mahalaga ang buhay ni Lalaine kaysa sa ego ng pamilya nila. Pagdating sa hospital, diretso ICU. Critical. Maraming bali. Internal bleeding. Severe trauma. Comatose. Napatitig lang ako sa salamin ng ICU habang nakahiga siya sa loob. Ang daming nakakabit na tubo sa katawan niya. Machines. Beeping sounds. Ganito ba kalala ang nangyari habang wala ako? “Babe… are you okay?” Napalingon ako kay Arianne. At doon ko lang naramdaman na nanginginig pala ako. Agad ko siyang hinila at niyakap nang mahigpit. “Thank you… and I love you, Babe.” Hindi ko iyon pinlano sabihin. Lumabas lang. Kanina, habang nasa loob ako ng kulungan, wala siya sa tabi ko. Pakiramdam ko mag-isa ako. Galit. Magulo. Pero ngayon, nang makita ko siya—bumalik ang lakas ko. “I love you too,” sagot niya at hinalikan ako sa labi. Hinawakan niya ang mukha ko. “I’m proud of you.” Napapikit ako sandali. Hindi ako bumalik para kay Lalaine. Hindi ako bumalik para sa nakaraan. Pero hindi ko rin kayang balewalain ang mali. At ngayon, habang nakatayo ako sa labas ng ICU, isang bagay ang malinaw sa akin— Mahal ko si Arianne. Siya ang pinili ko. Pero ang laban na ito? Hindi na ito tungkol sa pag-ibig. Kundi sa hustisya. At sisiguraduhin kong may mananagot. Kahit sino pa sila.Jeric POVAraw ng kasal ko.Nakasuot ako ng itim na tuxedo, maayos ang ayos ng buhok, at perpekto ang pagkakatali ng kurbata ko. Sa salamin, mukha akong handa—handa sa bagong yugto ng buhay. Handa sa panghabambuhay na pangako.Pero bakit parang hindi handa ang puso ko?Nakatayo ako sa harap ng bintana ng bridal suite ng simbahan. Mula roon, tanaw ko ang malinis na bakuran, ang mga bisitang dumarating, ang mga sasakyang sunod-sunod ang pagparada. Lahat abala. Lahat masaya.Malalim ang iniisip ko..Bakit ako naguguluhan sa nararamdaman ko ngayon? Hindi ba’t mahal ko na si Arianne? Siya ang pinili ko. Siya ang pakakasalan ko. Siya ang babaeng makakasama ko habang buhay.Pero bakit simula nang muli kong makita si Lai… hindi na siya maalis sa isipan ko?Kahit sa panaginip, dinadalaw pa rin ako ng mga alaala namin. Mga panahong kami pa. Mga panahong buo ako.Palagi ko siyang naiisip.At sa tuwing nakikita ko siya—kahit saglit lang—parang buo na ulit ang araw ko. Parang may kulay ang paligi
Lalaine POV“Anong nasa isip mo, Lai?” tanong sa akin ni Elsa kaya napatingin ako sa kanya.Umiling lang ako, pero ang totoo, ang nangyari kahapon ang laman ng isip ko.Nasasaktan ako sa nalaman ko tungkol kay Jeric. May mapapangasawa na pala siyang iba, at kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano niya kamahal ang fiancée niya.Kilala ko si Jeric. Alam ko kung paano siya tumingin kapag nagmamahal, at iyon mismo ang nakita ko sa kanya kahapon habang kasama niya si Arianne.Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Mahigit limang taon na kaming hiwalay, at sobra-sobra ko siyang nasaktan noon.Mas dapat pa nga akong magpasalamat dahil tinutulungan niya ako sa kaso ko, kahit wala na siyang obligasyong gawin iyon.Siguro mas nararapat na maging masaya na lang ako para sa kanya. Napakasakim ko naman kung ipagkakait ko pa ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon.Tama siya—Attorney at akusado na lamang ang relasyon namin. Iyon na lang. Kaya niya siguro ako tinutulungan dahil naaawa siya sa akin… o dah
Jeric POVIsang linggo na ang nakalipas mula nang ilabas ko si Lalaine sa kulungan at dalhin sa ospital.Na-comatose siya dahil sa matinding pagpapahirap sa kanya. Pero ayon sa doktor, nagising na raw siya dalawang araw na ang nakakalipas.Minsan lang akong dumalaw. Busy ako sa paghahanda ng engagement party namin ni Arianne. Hindi ko muna pinaalam sa mga barkada ko ang nangyari. Ayokong madamay sila sa kasong haharapin ko para kay Lalaine.After ng party, babalik muna si Arianne sa America. Kailangan ko siyang ilayo sa gulo. Protektahan.Dahil alam ko ang sarili ko.Kapag siya ang nasaktan… baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Baka hindi lang kaso ang kaharapin ko—baka dugo na.At ubusin ko ang lahat ng Monticillo.Papunta ako ngayon sa hospital.Kailangan kong kausapin si Lalaine. Kailangan ko ng buong detalye. Kailangan ko ng ebidensya para tuluyan siyang makalaya.Pagdating ko sa ICU floor, sinalubong agad ako ni Elsa.“Pinatulog po siya, Atty. Jeric,” mahina niyang sabi.“Kapag
Jeric POVI’m finally back in the Philippines—for good.Matagal ko ring inisip kung babalik pa ba ako dito.Too many memories. Too many ghosts. Pero ngayon, iba na ang dahilan ko. Nandito ako hindi para balikan ang nakaraan, kundi para simulan ang bagong buhay ko kasama ang fiancé ko.Bibisitahin namin ang pamilya ko. Gusto naming magkaroon ng formal engagement party bago ang kasal. Hindi lang simpleng salu-salo—kundi isang engrandeng pagtitipon para ipakilala ko si Arianne sa lahat. Sa mga kaibigan ko. Sa mga kamag-anak. Sa mundo ko.Nasa loob kami ng kotse papunta sa hotel. Doon muna kami magpapahinga ngayong gabi, pero bukas lilipad kami papuntang Cebu. Doon ko gustong magpakasal. Sa simbahan. Simple pero solemn. Ayoko ng civil wedding lang. Gusto ko may basbas ng Diyos.“Babe, ano iniisip mo?” malambing na tanong ni Arianne habang hawak ang kamay ko.Napangiti ako at mabilis ko siyang hinalikan sa labi. She smiled back at me, her eyes soft and full of warmth.She’s so beautiful. H
Lalaine POV Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin, sinusuklay ang buhok ko habang pinagmamasdan ang sarili. Suot ko ang bestidang kulay pula, mula sa baba ng tuhod hanggang sa balikat, mabigat ang tela at nakakapit sa katawan ko. Pinagpaguran ko ang bawat galaw ko, pero ramdam ko pa rin ang sakit sa bawat bahagi ng katawan ko. May mga pasa at galos na nagtatago sa ilalim ng tela, at halos hindi ko na maalis sa isip ko ang mga nangyari sa akin kahapon.May pabango rin akong isinunod sa akin, mabango pero kakaiba ang pakiramdam. Parang sinasabi nito sa lahat: “Narito siya, handa na para sa kasiyahan nila.” Ngunit alam kong ang kasiyahan na iyon ay kapalit ng aking katawan at dignidad. Sa limang taon ng pagdurusa at pagkakakulong, sanay na ako sa sakit, pero hindi ibig sabihin na masaya ako rito. Pagod na ako.“Monticillo! Andayan na ang byenan mo, namimiss ka na!” sigaw ng isang pulis, sabay tawa ng iba.“Naku! Mamaya fiesta na naman to! Hoooh!” dagdag pa ng isa.Ang mga tawa ni
Lalaine POV Katatapos ko lang maglinis ng banyo at ng lahat ng opisina ng mga opisyales. Amoy kemikal pa ang mga kamay ko at nanunuot sa ilong ko ang halong bleach at amag na tila ba nakadikit na sa balat ko. Kahit anong kuskos ko, pakiramdam ko hindi na mawawala ang amoy ng kulungan sa akin—parang marka na ng pagkatao ko.Pagkatapos ko rito, kailangan ko namang labhan ang mga damit ng ibang preso. Hindi ko naman obligasyon, pero sino ba ako para tumanggi?“Lai, pakisabay naman ’to,” sabi ng kanang kamay ni Mayora sabay lapag ng isang tambak na maruruming damit sa tabi ko. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Para lang akong parte ng sahig na maaari nilang tapakan.Tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa kundi sumunod sa utos nilang lahat. Dito sa loob, ang may kapangyarihan ang nasusunod. At ako? Isa lang akong bilang.Pero kahit sundin ko sila o hindi, masasaktan pa rin naman ako.Napatingin ako sa salamin na nakakabit sa dingding ng banyo. Saglit akong napatigil. Ang la







