Share

Chapter 3

Author: Rocel
last update Petsa ng paglalathala: 2026-02-20 11:44:53

Lalaine POV

Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin, sinusuklay ang buhok ko habang pinagmamasdan ang sarili. Suot ko ang bestidang kulay pula, mula sa baba ng tuhod hanggang sa balikat, mabigat ang tela at nakakapit sa katawan ko.

Pinagpaguran ko ang bawat galaw ko, pero ramdam ko pa rin ang sakit sa bawat bahagi ng katawan ko. May mga pasa at galos na nagtatago sa ilalim ng tela, at halos hindi ko na maalis sa isip ko ang mga nangyari sa akin kahapon.

May pabango rin akong isinunod sa akin, mabango pero kakaiba ang pakiramdam. Parang sinasabi nito sa lahat:

“Narito siya, handa na para sa kasiyahan nila.” Ngunit alam kong ang kasiyahan na iyon ay kapalit ng aking katawan at dignidad.

Sa limang taon ng pagdurusa at pagkakakulong, sanay na ako sa sakit, pero hindi ibig sabihin na masaya ako rito. Pagod na ako.

“Monticillo! Andayan na ang byenan mo, namimiss ka na!” sigaw ng isang pulis, sabay tawa ng iba.

“Naku! Mamaya fiesta na naman to! Hoooh!” dagdag pa ng isa.

Ang mga tawa nila ay parang dagok sa tenga ko. Hindi ito basta kasiyahan; ito ay panliligalig. Hindi ko na kayang magprotekta sa sarili ko.

Hanggang ngayon, puros pananakit na lang ang nararanasan ko sa kamay nila, at alam kong wala akong magagawa.

Lumapit ang byenan kong babae, mataas ang kilay at nagmumukhang galit na galit. Ang bawat titig niya ay nagbabalik ng lahat ng alaala ng sakit at pang-aabuso. Pinapalapit niya ako, at pakiramdam ko ay muli akong nagbabalik sa impyerno.

“Oh? The bitch is here! How are you, freaking girl? You look so good today, huh?” nilapitan niya ako at hinawakan ang baba ko.

“You know what? I don’t know why my son was so fascinated with you. I know you’re beautiful… pero isa ka lang patay gutom, poor!”

Hinablot niya ang buhok ko at inilapit ang mukha ko sa kanya. Ang bawat haplos at hila ay parang kidlat na dumadaan sa katawan ko. Sabi niya,

“Ito ang tandaan mong babae ka, mali ka nang kinalaban at pinatay! Walanghiya ka, ang nag iisang anak ko pa! Higit pa sa impyerno ang aabutin mo sa kamay ko.”

Hinila niya ako papunta sa mga preso at pulis. Wala nang awa, wala nang kalaban-laban. Isang oras na lang daw ang laya niya bago bumalik, kaya sinimulan nilang pagsubok ang katawan ko.

Lumapit ang ilang preso, at nagsimula ang walang awang pananakit: pagbubugbog, pagsasabunutan, at pagsipa sa katawan ko.

May ilan pang nagpaso ng sigarilyo sa balat ko. Ang bawat tama ay nagpapadala sa akin sa isang mundo ng hapdi at galit, at ang pinaka nakakapaso ay nang mahataw ako ng b****a sa binti—naramdaman ko ang paglabas ng buto sa lugar nito.

“Bago ako mawala,” iniisip ko, “sana makita ko ang lalaking pinakamamahal ko. Sana siya ang huling mukha na makikita ko.”

Natapos ang kanilang galit, at dumating ang byenan ko. Subalit sobrang labo na ng mata ko at napakapagod ng katawan ko, halos hindi ko na makita siya. Inutusan niya ang mga tauhan niyang patayuin ako, pero ang mga binti ko ay hindi na kayang suportahan ang bigat ng katawan ko. Pinilit nila akong tumayo, ngunit bawat hakbang ay parang sinuntok sa utak ko.

“Gewang gewang!” utos ng isa sa mga tauhan, hinawakan ako sa braso.

Ramdam ko ang sakit sa braso ko—baka bali na ito—pero pinilit ko pa rin tumayo. Dahan-dahan ako, bawat hakbang ay puno ng kirot, at tuwing natutumba, pinatatayo pa rin nila ako sa walang awa nilang paraan.

Pagdating ko sa harap ng ilang lalaki, nakatayo sila na parang handang lumapit. Ang bawat titig nila ay nagdadala ng kaba sa puso ko.

“Barilin na lang nila ako para matapos na ang lahat nang paghihirap ko ” iniisip ko, nanghihina na ko.

“B-bubuyin nyo! Pagsawaan nyo lahat, maganda yan, bugbog sarado nga lang!” sabi ng byenan ko habang tumatawa na parang demonya.

" P- para niyo na pong awa. Patayin niyo na lamang po ako, pero wag niyo pong gagawin sakin yon." Nanghihina kong pakiusap pero tila mga bingi ang mga nakapaligid sakin at kita sa mga mukha nilang may masamang pagnanasa at sundin ang utos ng byenan ko.

" Madam kahit ganito itsura nito ngayon, laman tiyan pa din to! Sa gandang babae nito! kahit paulit-ulit!" Sabay tawanan na nakakakilabot ng mga lalaki.

Hinila nila ang dress ko kaya nasira ang nakatabing sa kaliwang balikat ko. Sabay tawa ng malakas. Pilit kong tinatakpan ang aking katawan. Ayoko nito, dibaleng gulpihin na lang nila ako mas tatanggapin ko pa kesa angkinin ako ng mga lalaking hindi ko mahal.

Walang akong magawa, dahil sobrang nanghihina, halos mawalan ng pag-asa—at sa gitna ng lahat, naramdaman ko ang kamay ng isang lalaki sa leeg ko, humahawak sa mukha ko.

Nagulat ako nang marinig ang boses:

“Subukan mong isayad ang labi mo sa leeg ni Lalaine! Kung hindi, mapapatay kita ngayon!”

Hinawakan niya ang mukha ko, at sa gitna ng takot, napalunok ako.

“J-Jeric… P-pangga…” nanghihina kong wika. Ang katahimikan ng paligid, ang init ng katawan ko, at ang bigat ng bawat sugat ay tila napawi ng presensya niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Playful Destiny    The Finale

    Finale (last chapter) Lalaine POV Napamulat ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata. Pagbangon ko, nag-unat muna ako—pagod kagabi. Paano ba naman, umisa na naman ang Hari matapos naming magsayaw. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Ngunit may napansin ako—wala si Ga sa tabi ko. Sa isang sulok, may nakita akong sulat. Bigla akong na-excite. Baka may sorpresa na naman! Ganito talaga siya—sobrang sweet. Pero nawala ang ngiti ko nang mabasa ko ang laman nito. Agad akong lumabas ng tent. Napakasarap ng hangin at napakaganda ng paligid, pero hindi ko iyon ma-appreciate. Bumalik ako sa tent—wala na rin ang mga gamit ni Ga. Inikot ko ang buong lugar, pero wala siya. Tumayo ako sa gilid ng talon at sumilip, baka naroon siya—pero wala. Nagsimula na akong matakot. “Ga! Nasaan ka na ba? Akala ko ba wala nang iwanan?! Ano na naman ’to?!” sigaw ko kahit nanginginig ang boses ko. “Itong sulat na ’to—ano ’to? Bakit ka nagpapaalam, Ga? Sorry na kung isinugal ko ang pagmamahal mo sa mali

  • Playful Destiny    Final 1

    Third POV Masayang nakarating sila Jeric at Lai sa airport. Magkahawak sila ng kamay habang hinihintay ang pagdating ng kanilang gagamiting sasakyan. Ilang minuto ay dumating na din. Napangiti si Lai sa nakita. "Na sayo pa din pala to Ga?" Turo niya sa motor na nasa harapan nila. Kinuha niya agad ang helmet na pink na nasa likod nito at sinuot sa kaniyang sarili. "Bilis Ga! Halika na dito." Natawa si Jeric sa kinilos ng kaniyang mahal kung kaya't lumapit siya dito agad. Si Lalaine na ang nagsuot ng helmet sa kaniya. "Hindi, halatang exited ka Ga." Sumakay na si Jeric sa motor at kasunod non ay inalalayan niyang umangkas ito sa kaniyang likuran. "Sobrang na miss ko to." Sabi ni Jeric na may matamis na ngiti sa labi, habang yakap yakap siya ni Lai sa kaniyang likuran. "Ako din Ga, na miss ko to, super!" Higpit na yakap ni Lai sa kaniya. Pinatakbo na ni Jeric ang kanilang gamit na sasakyang motor. Habang tinatahak nila ang daan papunta sa kanilang paraiso. Ang daming pumapasok na

  • Playful Destiny    Chapter 35

    Lalaine POVNandito ako sa kwarto ko, nakatitig sa dalawang ticket na nasa kamay ko. Iniisip ko kung tama ba ang desisyong pumayag ako. Itutuloy ko pa ba ito?“Matutunaw ‘yan, sis!”Napangiti ako sa biglang pumasok. Lumapit siya at bumeso sa akin. Inalalayan ko siyang umupo dahil buntis na naman siya. Siguro nga lahi namin ang kambal, dahil sa pangalawang pagbubuntis niya ay kambal na agad.“Bakit ba titig na titig ka diyan sa tickets?” sabay kuha niya sa kamay ko.“Pupunta ka ng Cebu? Bakit dalawa ‘to? Sino kasama mo?” kunot-noong tanong niya.“Si Jeric,” sagot ko. “Sabi niya, balikan daw namin ang magagandang nakaraan namin at pagkatapos nun, bumuo raw kami ng panibago.”Napayuko ako at humugot ng malalim na hininga.“Oh? Eh bakit parang malungkot ka? Ayaw mo nun? Maayos na ulit ang pamilya niyo?”Tumingin ako sa kanya.“Hindi naman ako malungkot, Ate. Sa totoo lang, may kasiyahan akong nararamdaman sa puso ko. Pero hindi ko rin maalis ang takot… baka may mangyari na naman ulit. Ay

  • Playful Destiny    Chapter 34

    Lalaine POV Ilang araw nang nakatira sa bahay si Jeric. Palagi siyang nagpaparamdam sa akin. Mahirap man, kailangan kong tiisin. Mahal ko si Jeric hanggang ngayon-alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal. Nandito ako ngayon sa klase ko, kahit hanggang ngayon ay masama pa rin ang pakiramdam ko. Tumayo na ako para magturo kahit masama ang katawan ko. "Okay, good morning, class," pilit kong naging maayos dahil ayokong magkaproblema ang mga estudyante ko at ayokong wala silang matutunan. Habang nagtuturo ako, napansin kong sa ibang direksyon nakatingin ang mga estudyante ko. "Class, bakit hindi kayo nakikinig sa klase ko? High school na kayo, dapat marunong na kayong makinig. Hindi tama na nagsasalita ako dito tapos kayo sa iba nakatingin!" Nainis na ako dahil kanina pa ako nagtuturo kahit may sakit ako, pero yun naman pala, walang nakikinig. Nagtaas ng kamay ang isa kong estudyante. "Ma'am, kasi po kanina pa po nasa bintana yung mukhang artistang lalaki. Nasa may puno po," sabi ni

  • Playful Destiny    Chapter 33

    Jeric POV Tatlong taon na ang nakalipas mula nang maging ganito na lang kami ni Lai—malayo sa isa’t isa. Ako? Bumalik lang naman ako sa Amerika, habang sila ng mga anak ko ay nasa Pilipinas. Hindi ko naman sila pinababayaan dahil linggo-linggo akong umuuwi para makita ang mga bata at, siyempre, si Lai. Pero malamig siya sa’kin. Palagi siyang busy tuwing nandoon ako. Natupad na kasi ang pangarap niya—na maipagpatuloy ang pagiging teacher, at sabay pa siyang naging model ngayon. Minsan, ganon din ako sa kaniya. Nahihiya na rin siguro ako. Pero palagi naman akong may pasalubong sa kaniya, at nagte-thank you naman siya—sa mga sticky notes nga lang. Nawala ang atensyon ko sa pagtingin sa litrato naming mag-iina nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Nakakabwisit—istorbo sa pag-iisip. “What?!” inis kong sagot. Biglang tumawa ang gago sa kabilang linya. Wala nang iba—ang pinaka-tarantado sa amin, si Niel, a.k.a. Nilo. [Grabe ka naman, bro! Nangangamusta lang yung pinakagwapo mong

  • Playful Destiny    Chapter 32

    Lalaine POV Masaya ko dahil napatunayang wala akong kasalanan sa lahat ng mga krimen na nangyari at ipinaratang sa akin. Masakit man sa kalooban at isipin na ilang taon kong pinagdusahan ang mga kasalanang hindi ko naman pala ginawa, ganoon talaga ang buhay. Ang mahalaga, nalagpasan ko ang lahat sa awa ng Diyos. Binigyan Niya ako ng sapat na lakas para kayanin ang bawat pagsubok na dumaan sa akin. "Bee let's go?" Tumango ako kay Bo at inayos ang mga prutas na dadalhin namin para kay Ate. Sabik na sabik na akong makita siya mayakap, at personal na mapasalamatan. Nakatayo na ako sa tapat ng kwartong matagal ko nang pinapangarap pasukin. Ang kwartong kinaroroonan ng taong pinagkakautangan ko ng kung ano ako ngayon at kung nasaan ako sa buhay. Sa lahat ng taong dumaan at nanatili sa paligid ko, alam kong siya ang tunay na nagmahal sa akin. Kahit hindi niya ito laging ipinapakita, ramdam ko ang pagmamahal niya—hindi kulang, hindi sakto lang, kundi sobra pa, kahit na palaging lihim.

  • Playful Destiny    Chapter 16

    Lalaine POV Maaga akong nagising para magluto ng almusal. Nakakahiya naman kasi kung nakikitira kami rito tapos sitting pretty lang ako. Gising na rin ang mga kambal ko dahil sanay silang gumising nang maaga. Nasa garden sila, naglalaro kasama si Bo.“Lalaine, bakit ikaw pa ang nagpe-prepare niyan

  • Playful Destiny    Chapter 15

    Chapter 15Lalaine POVNasa mansyon na kami nina Jeric—napakalaki at napakaganda ng bahay. Papunta na rin si Bo para dalhin ang mga gamit niya rito dahil agad siyang pumayag na tumira kasama nila Jeric, para sa mga anak ko at para sa akin.“Nanay, ang ganda po ng bahay ni Tatay. Parang bahay din po

  • Playful Destiny    Chapter 14

    Chapter 14Jeric POVExcited na kong makita ang mga anak ko,nasa Manila sila kaya ang sinakyan namin ang pag mamay-ari ng pamilya kong eroplano.Kasama ko si Lalaine at ang asawa ko. Hindi naman ako kinakabahang magsama silang dalawa dahil mabait naman ang asawa ko at ganon din naman Si Lai.Bakit

  • Playful Destiny    Chapter 13

    Lalaine POVNapabangon ako sa ingay ng door bell. Sino naman kaya to? Hindi naman to si Bo dahil nag text siya sakin na nasa field raw sila ngayon. Hindi pa naman ako nakatulog dahil nag-aalala ako kay Bo at sa mga sinabi ni Jeric sakin."Sandali, eto na!" grabe naman tong maka doorbell wagas.Pag

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status