Mag-log inJeric POV
Isang linggo na ang nakalipas mula nang ilabas ko si Lalaine sa kulungan at dalhin sa ospital. Na-comatose siya dahil sa matinding pagpapahirap sa kanya. Pero ayon sa doktor, nagising na raw siya dalawang araw na ang nakakalipas. Minsan lang akong dumalaw. Busy ako sa paghahanda ng engagement party namin ni Arianne. Hindi ko muna pinaalam sa mga barkada ko ang nangyari. Ayokong madamay sila sa kasong haharapin ko para kay Lalaine. After ng party, babalik muna si Arianne sa America. Kailangan ko siyang ilayo sa gulo. Protektahan. Dahil alam ko ang sarili ko. Kapag siya ang nasaktan… baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Baka hindi lang kaso ang kaharapin ko—baka dugo na. At ubusin ko ang lahat ng Monticillo. Papunta ako ngayon sa hospital. Kailangan kong kausapin si Lalaine. Kailangan ko ng buong detalye. Kailangan ko ng ebidensya para tuluyan siyang makalaya. Pagdating ko sa ICU floor, sinalubong agad ako ni Elsa. “Pinatulog po siya, Atty. Jeric,” mahina niyang sabi. “Kapag nagigising po kasi… nagwawala. Gusto po niyang bumalik sa kulungan.” Nanigas ako. Bumalik? Sa impyernong muntik nang kumitil sa buhay niya? “Bakit?” malamig kong tanong. Napayuko si Elsa tila may bumabagabag talaga sa kaniya na gustong sabihin sa akin. “Hindi ko po alam. Pero paulit-ulit po niyang sinasabi na kailangan daw niya. Pero nasa loob pa lang po kami, ayaw niya na po talagang makalabas at ayaw niya man lang pabuksan po ang kaso niya.” Napakunot ang noo ko sa kung ano ang dahilan bakit pilit niyang bumalik doon? At ayaw niyang makalaya, na grabe ang sinapit niya sa mga taong hindi mo malaman kung may mga kaluluwa pa ba?! Ilang oras akong naghintay sa loob ng kwarto niya, nakausap ko na din ang mga naka duty sa kaniyang doktor at mga nurse. Tahimik siyang nakahiga at tulog. Maputla. Nangayayat. Ang dating makinis at mapulang labi niya ngayon, tuyot at may bakas pa ng tuyong dugo sa gilid. Pero kahit gano’n… may anghel pa rin sa mukha niya. Napailing ako. Hindi ko dapat iniisip ‘to. Hindi na dapat. Gumalaw ang kamay niya. Unti-unting bumukas ang mga mata niya. Tumayo agad ako. Pinilit niyang umupo pero halatang mahina pa. Tinawag ko ang doktor. Sinabi nitong pwede na raw siyang maupo- upo para makasanayan. Inalalayan ko siya. Tinawagan ko rin si, Arianne. “Babe, gising na siya.” “Jeric… pangga, salamat nandito ka.” Ngumiti siya sa akin. Mahina. Masakit. At doon ko naramdaman ‘yon. Halo. Hindi dapat. Dapat tapos na. Dapat wala na. “Look, Lalaine Cristobal-Monticillo,” Mariin Kong sabi. “I’m not here to talk about the past. I’m here for your case. I’m your attorney. That’s all. Our relationship is over. Matagal nang tapos.” Tumango siya. Mabagal. Parang napahiya. At bigla akong nakaramdam ng konsensya. “Mas mabuti na unahin natin ang kaso mo,” dagdag ko, mas mahinahon. Tumango ulit siya. “Attorney… babalik na lang po ako sa kulungan.” Nag-igting ang bagang ko. “No.” Mas mabilis ang sagot ko kaysa sa iniisip ko. “Pinayansahan na kita. Lilinisin ko ang pangalan mo. Tutulungan kita sa laban na ‘to.” Sandali akong natahimik. “Because I’m your defender. That’s my job.” Napayuko siya. “Okay lang po kahit hindi na ako makalaya… Kailangan kong makabalik doon. Baka masaktan ang mga an—” Hindi na niya natapos. Bumukas ang pinto. “Hi, Babe!” Parang sinag ng araw ang pagpasok ni Arianne. May dala siyang prutas at bulaklak. Nakangiti. Napakaganda. Lumapit agad ako at kinuha ang dala niya. Hinalikan ko siya sa labi. Paglingon ko kay Lalaine, nakita kong napalunok siya. Mabilis niyang inalis ang tingin. Tumingin sa bintana. Pagbalik ng tingin niya sa amin, pilit ang ngiti. Bakit? Hindi ba’t hindi naman niya ako minahal? Bakit parang may sakit sa mga mata niya? “Babe, this is Lalaine—my client. And Ms. Lalaine, this is my fiancée, Arianne.” Ngumiti si Arianne at inilahad ang kamay. “Nice to finally meet you. Lalaine.” Sandaling nag-alinlangan si Lalaine, pero inabot din niya. “Kinagagalak ko din po kayong makilala, Ma’am.” Tahimik pero magalang, nakangit ng matamis kay Lalaine ang fiancée ko. Ganyan talaga si Arianne sweet at malambing sa lahat. “Ikaw, ano nga pala ‘yung sasabihin mo kanina?” tanong ko nang maalala ko ang dapat sasabihin niyang naputol. Umiling siya at saka yumuko. “Wala po, Attorney.” Hindi ako kumbinsido. Pero hindi ko na pinilit dahil wala naman akong pakelam Ilang oras kaming nanatili doon. Nakipagkwentuhan si Arianne kay Elsa habang ako’y binabasa ang case file. Ayon sa report—may psychological instability raw si Lalaine. Kaya niya napatay ang asawa niya. Impossible. Kilala ko siya. Hindi siya papatay nang walang dahilan. Nagpaalam muna si Arianne at Elsa para bumili ng pagkain sa labas ng hospital. Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Habang binabasa ko ang file, napansin kong gumagalaw si Lalaine. Papaling-paling ang ulo. Parang may masamang panaginip. Lumapit ako. Pawis na pawis siya. Kumuha ako ng bimpo para punasan siya— Pero bigla siyang umupo. Tulala. Tumingin siya sa akin. Tapos umiwas. At bigla siyang nagsigaw. “H-hindi! Hindi ako papayag! Huwag niyong saktan sila! Hindi!” Takot na takot ang boses niya. Hindi ko na inisip ang dapat o hindi dapat. Niyakap ko siya. Mahigpit. “Kalmado. Safe ka. Walang mananakit.” Dahan-dahan siyang kumalma. Unti-unting bumigat ang paghinga. Hanggang sa nakatulog siya sa mga braso ko. Maingat ko siyang hiniga ulit. At doon, habang tulog— “Mahal na mahal kita, Ga…” Parang kutsilyo ang salitang iyon. Ga. Ang tawag niya sa akin noon. Kung noon ko siguro ito maririnig, ako na ang pinaka masayang nagmamahal na lalaki sa buong mundo. Napangiti ako. Mapakla. Dahil ang salitang iyon… parte na lang ng nakaraan. Isang nakaraan na hindi na kailanman babalikan. At kahit anong sabihin ng puso ko— Pinili ko na. Si Arianne ang mahal ko. At sa pagkakataong ito… hindi na ako lilingon pa ng muli sa sakit nang naka lipas.Finale (last chapter) Lalaine POV Napamulat ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata. Pagbangon ko, nag-unat muna ako—pagod kagabi. Paano ba naman, umisa na naman ang Hari matapos naming magsayaw. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Ngunit may napansin ako—wala si Ga sa tabi ko. Sa isang sulok, may nakita akong sulat. Bigla akong na-excite. Baka may sorpresa na naman! Ganito talaga siya—sobrang sweet. Pero nawala ang ngiti ko nang mabasa ko ang laman nito. Agad akong lumabas ng tent. Napakasarap ng hangin at napakaganda ng paligid, pero hindi ko iyon ma-appreciate. Bumalik ako sa tent—wala na rin ang mga gamit ni Ga. Inikot ko ang buong lugar, pero wala siya. Tumayo ako sa gilid ng talon at sumilip, baka naroon siya—pero wala. Nagsimula na akong matakot. “Ga! Nasaan ka na ba? Akala ko ba wala nang iwanan?! Ano na naman ’to?!” sigaw ko kahit nanginginig ang boses ko. “Itong sulat na ’to—ano ’to? Bakit ka nagpapaalam, Ga? Sorry na kung isinugal ko ang pagmamahal mo sa mali
Third POV Masayang nakarating sila Jeric at Lai sa airport. Magkahawak sila ng kamay habang hinihintay ang pagdating ng kanilang gagamiting sasakyan. Ilang minuto ay dumating na din. Napangiti si Lai sa nakita. "Na sayo pa din pala to Ga?" Turo niya sa motor na nasa harapan nila. Kinuha niya agad ang helmet na pink na nasa likod nito at sinuot sa kaniyang sarili. "Bilis Ga! Halika na dito." Natawa si Jeric sa kinilos ng kaniyang mahal kung kaya't lumapit siya dito agad. Si Lalaine na ang nagsuot ng helmet sa kaniya. "Hindi, halatang exited ka Ga." Sumakay na si Jeric sa motor at kasunod non ay inalalayan niyang umangkas ito sa kaniyang likuran. "Sobrang na miss ko to." Sabi ni Jeric na may matamis na ngiti sa labi, habang yakap yakap siya ni Lai sa kaniyang likuran. "Ako din Ga, na miss ko to, super!" Higpit na yakap ni Lai sa kaniya. Pinatakbo na ni Jeric ang kanilang gamit na sasakyang motor. Habang tinatahak nila ang daan papunta sa kanilang paraiso. Ang daming pumapasok na
Lalaine POVNandito ako sa kwarto ko, nakatitig sa dalawang ticket na nasa kamay ko. Iniisip ko kung tama ba ang desisyong pumayag ako. Itutuloy ko pa ba ito?“Matutunaw ‘yan, sis!”Napangiti ako sa biglang pumasok. Lumapit siya at bumeso sa akin. Inalalayan ko siyang umupo dahil buntis na naman siya. Siguro nga lahi namin ang kambal, dahil sa pangalawang pagbubuntis niya ay kambal na agad.“Bakit ba titig na titig ka diyan sa tickets?” sabay kuha niya sa kamay ko.“Pupunta ka ng Cebu? Bakit dalawa ‘to? Sino kasama mo?” kunot-noong tanong niya.“Si Jeric,” sagot ko. “Sabi niya, balikan daw namin ang magagandang nakaraan namin at pagkatapos nun, bumuo raw kami ng panibago.”Napayuko ako at humugot ng malalim na hininga.“Oh? Eh bakit parang malungkot ka? Ayaw mo nun? Maayos na ulit ang pamilya niyo?”Tumingin ako sa kanya.“Hindi naman ako malungkot, Ate. Sa totoo lang, may kasiyahan akong nararamdaman sa puso ko. Pero hindi ko rin maalis ang takot… baka may mangyari na naman ulit. Ay
Lalaine POV Ilang araw nang nakatira sa bahay si Jeric. Palagi siyang nagpaparamdam sa akin. Mahirap man, kailangan kong tiisin. Mahal ko si Jeric hanggang ngayon-alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal. Nandito ako ngayon sa klase ko, kahit hanggang ngayon ay masama pa rin ang pakiramdam ko. Tumayo na ako para magturo kahit masama ang katawan ko. "Okay, good morning, class," pilit kong naging maayos dahil ayokong magkaproblema ang mga estudyante ko at ayokong wala silang matutunan. Habang nagtuturo ako, napansin kong sa ibang direksyon nakatingin ang mga estudyante ko. "Class, bakit hindi kayo nakikinig sa klase ko? High school na kayo, dapat marunong na kayong makinig. Hindi tama na nagsasalita ako dito tapos kayo sa iba nakatingin!" Nainis na ako dahil kanina pa ako nagtuturo kahit may sakit ako, pero yun naman pala, walang nakikinig. Nagtaas ng kamay ang isa kong estudyante. "Ma'am, kasi po kanina pa po nasa bintana yung mukhang artistang lalaki. Nasa may puno po," sabi ni
Jeric POV Tatlong taon na ang nakalipas mula nang maging ganito na lang kami ni Lai—malayo sa isa’t isa. Ako? Bumalik lang naman ako sa Amerika, habang sila ng mga anak ko ay nasa Pilipinas. Hindi ko naman sila pinababayaan dahil linggo-linggo akong umuuwi para makita ang mga bata at, siyempre, si Lai. Pero malamig siya sa’kin. Palagi siyang busy tuwing nandoon ako. Natupad na kasi ang pangarap niya—na maipagpatuloy ang pagiging teacher, at sabay pa siyang naging model ngayon. Minsan, ganon din ako sa kaniya. Nahihiya na rin siguro ako. Pero palagi naman akong may pasalubong sa kaniya, at nagte-thank you naman siya—sa mga sticky notes nga lang. Nawala ang atensyon ko sa pagtingin sa litrato naming mag-iina nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Nakakabwisit—istorbo sa pag-iisip. “What?!” inis kong sagot. Biglang tumawa ang gago sa kabilang linya. Wala nang iba—ang pinaka-tarantado sa amin, si Niel, a.k.a. Nilo. [Grabe ka naman, bro! Nangangamusta lang yung pinakagwapo mong
Lalaine POV Masaya ko dahil napatunayang wala akong kasalanan sa lahat ng mga krimen na nangyari at ipinaratang sa akin. Masakit man sa kalooban at isipin na ilang taon kong pinagdusahan ang mga kasalanang hindi ko naman pala ginawa, ganoon talaga ang buhay. Ang mahalaga, nalagpasan ko ang lahat sa awa ng Diyos. Binigyan Niya ako ng sapat na lakas para kayanin ang bawat pagsubok na dumaan sa akin. "Bee let's go?" Tumango ako kay Bo at inayos ang mga prutas na dadalhin namin para kay Ate. Sabik na sabik na akong makita siya mayakap, at personal na mapasalamatan. Nakatayo na ako sa tapat ng kwartong matagal ko nang pinapangarap pasukin. Ang kwartong kinaroroonan ng taong pinagkakautangan ko ng kung ano ako ngayon at kung nasaan ako sa buhay. Sa lahat ng taong dumaan at nanatili sa paligid ko, alam kong siya ang tunay na nagmahal sa akin. Kahit hindi niya ito laging ipinapakita, ramdam ko ang pagmamahal niya—hindi kulang, hindi sakto lang, kundi sobra pa, kahit na palaging lihim.
Lalaine POVIsang buwan na kaming nandito sa Maynila. Kumuha ako ng apartment na doon muna namin tutuluyan—kami lang ng mga anak ko at si Elsa.Ayokong makasama si Bo sa iisang bahay. Hindi maganda sa paningin na magkasama pa kami lalo na’t may relasyon na kami. Ayokong kung ano ang maisip ng mga a
Lalaine POVDalawang linggo na akong nandito sa bahay nila Tyang, kasama ang mga anak ko.Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala ang saya ko. Para bang walang katapusan ang kaligayahang nararamdaman ko—limang taon ko itong hinintay. Ngayon ko lang tunay na naranasan ang pagiging isang ina. Ganito pal
Lalaine POV Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ngayong si Jeric ay kasal na sa iba at may mahal nang iba.Masakit sobrang sakit. Pero kailangan kong kayanin. Parang hindi ko siya kayang harapin. Pabalik na kami ni Bo ng Cebu dahil bukas ay magsasalita na ang mga witness namin.Pagkatapos noo
Jeric POV Kinabukasan maaga kong nagpunta ng korte. Tinext na ko ni Lt.Abraham na padating na sila. Nakita ko na ang kotse nilang paparating. Agad akong lumapit sa kanila nakita ko agad kung saan nakapwesto si Lai, kaya agad ko syang inabangan para pagbuksan siya ng pinto. Ewan ko, pero gu







