Share

Chapter 6

Author: Rocel
last update Petsa ng paglalathala: 2026-02-21 01:51:09

Lalaine POV

“Anong nasa isip mo, Lai?” tanong sa akin ni Elsa kaya napatingin ako sa kanya.

Umiling lang ako, pero ang totoo, ang nangyari kahapon ang laman ng isip ko.

Nasasaktan ako sa nalaman ko tungkol kay Jeric. May mapapangasawa na pala siyang iba, at kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano niya kamahal ang fiancée niya.

Kilala ko si Jeric. Alam ko kung paano siya tumingin kapag nagmamahal, at iyon mismo ang nakita ko sa kanya kahapon habang kasama niya si Arianne.

Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Mahigit limang taon na kaming hiwalay, at sobra-sobra ko siyang nasaktan noon.

Mas dapat pa nga akong magpasalamat dahil tinutulungan niya ako sa kaso ko, kahit wala na siyang obligasyong gawin iyon.

Siguro mas nararapat na maging masaya na lang ako para sa kanya. Napakasakim ko naman kung ipagkakait ko pa ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon.

Tama siya—Attorney at akusado na lamang ang relasyon namin. Iyon na lang. Kaya niya siguro ako tinutulungan dahil naaawa siya sa akin… o dahil sa mga pinagsamahan namin sa mahabang panahon.

May biglang kumatok sa pinto at kusang bumukas iyon. Hindi ko inaasahan ang bumungad—si Jeric, nakangiti, may dalang mga pagkain.

“Good morning, Ms. Cristobal,” bati niya, halatang nasa magandang mood.

“Good morning din po, Attorney,” sagot ko, pilit na ngumiti dahil ayokong masira ang mood niya.

Ngunit tila sandaling sumimangot siya, bago muling ngumiti.

“I have good news for you, Ms. Cristobal. Malaki ang tsansa mong manalo sa kaso. Marami nang ebidensyang nakuha ang mga inutusan ko—malinaw na self-defense lang ang nangyari,” masaya niyang sabi bago niya ako biglang niyakap.

Matagal ang yakap niya. Nakakapanibago, pero masarap sa pakiramdam na muling mapunta sa kanyang mga bisig.

Nang kumalas siya, tumingin ako sa mga mata niya. Wala na roon ang dating kislap—ang mga matang nagsasabing mahal niya ako.

Ngumiti na lang ako at tumango. Ganoon din siya.

Bigla niyang kinuha ang cellphone niya at may tinawagan. Matapos ang maikling usapan, humarap siya sa akin.

“Ms. Cristobal, kailangan ko munang magpaalam. Posibleng ilang buwan akong mawawala.”

Bigla akong kinabahan, sinabayan ng matinding lungkot. Pero wala na akong karapatang pigilan siya—hindi tulad ng dati, na kapag ayaw kong umalis siya, hindi talaga siya aalis.

“Kailangan naming mag-focus sa kasal namin ni Arianne. Tomorrow night ang engagement party namin, kaya hindi na ako makakapunta simula bukas.”

Tumango na lang ako. Masakit, pero wala akong magagawa. Isa na namang pangarap na sa iba mapupunta.

“Don’t worry, may magbabantay sa’yo. Parating na siguro siya,” sabi niya habang tinitingnan ang relo niya, tila nagmamadali.

Siguro sobrang nami-miss na niya ang fiancée niya. Ganyan siya magmahal—kahit isang oras pa lang kayong magkahiwalay, ramdam mo na agad ang pananabik niyang makita ang taong mahal niya.

Masarap mahalin ang isang Jeric. Isang bagay na sinayang ko noon, pero hindi ko pinagsisisihan, lalo na’t kapalit nito ang kaligayahan niya.

Makalipas ang ilang minuto, may kumatok muli sa pinto.

Pumasok ang isang lalaking naka-cap, naka-shades, at leather jacket. Kasingtangkad ni Jeric at halos pareho rin ng tikas ng katawan.

“Good morning, Attorney. I’m Lt. Abraham Monticillo,” pakilala niya.

Kinabahan ako sa apelyido niya. Monticillo—kadugo ng mga Monticillo.

“You’re a Monticillo?” seryosong sabi ni Jeric. “I’m sorry, but I can’t hire you to guard Ms. Cristobal. Alam mo naman siguro kung bakit.”

“But Attorney Fuentebella, hindi porke’t Monticillo ako ay kalaban na rin ako. Bakit hindi natin tanungin ang kliyente ninyo kung mapagkakatiwalaan niya ako?” sagot ng lalaki sabay hubad ng cap at shades.

“Kamusta na ang magandang kababata kong iyakin, ha, Bee?”

Napanganga ako.

“Ambo?!” halos pasigaw kong sabi nang makilala siya. Ngumiti ako, punong-puno ng pasasalamat. Lumapit siya at niyakap ako, at ganoon din ang ginawa ko.

“Bee, pulis na ako. Tulad ng sinabi ko noon—magsisikap ako para maprotektahan ka. Ngayon, tutuparin ko na ang pangako ko,” masaya niyang sabi.

“Sorry, Bee, hindi kita natulungan agad,” dagdag niya.

“Ayos lang, Bo. Ang mahalaga, ligtas ka na at nandito ka. Alam kong ligtas ako kapag kasama kita,” sagot ko.

“Wala ‘yon, Bee. Basta para sa’yo.”

Nagkakayakap pa rin kami nang may umubo sa likod namin.

“Ahem. Mukhang magkakilala pala kayo at may tiwala ka sa kanya, Ms. Cristobal,” sabi ni Jeric, pilit ang ngiti. Nakipagkamay siya kay Ambo at nagpaalam.

“Bee, ’di ba siya yung dati mong boyfriend at—” sisimulan sana ni Ambo, pero agad kong tinakpan ang bibig niya. Tumango na lang ako, baka may makarinig—lalo na si Elsa.

“Hindi ka ba nasasaktan? O may pagsisisi man lang sa sakripisyong ginawa mo para sa kanya?” tanong ni Ambo.

“Masaya na ako, Bo. Ang mahalaga, naging maganda ang kinalabasan ng lahat. Tingnan mo siya—isa nang sikat na attorney at masaya sa love life niya. Sapat na sa akin iyon.”

Huminga ako nang malalim.

“May hihilingin lang ako sa’yo. Puntahan mo ang kambal ko. Dalhin mo sila sa ligtas na lugar. Kapag gumaling na ako at natapos ang tatlong hearing, pupuntahan ko sila. Please, Bo.”

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

“Don’t worry. Bago mo pa hilingin, nagawa ko na.”

Tatlong buwan ang lumipas. Nakalabas na rin ako ng ospital. Ibinili ako ni Jeric ng condominium, pero tinanggihan ko. Mas pinili kong tumira kina Ambo.

Next month, pupuntahan na namin ang mga anak ko. Tatanggalin na rin ang semento sa mga binti ko. Bukas ang huling hearing namin.

At ngayon—araw ng kasal ni Jeric.

Imbitado kami. Hindi rin naman tama kung hindi kami aattend. Pumunta ako para tuluyan ko nang tanggapin na hindi na siya akin at hindi na magiging muli.

Sa likod ako ng simbahan umupo. Ayokong mapansin ng mga kaibigan niya—kilala nila ako.

Tumunog ang musika. Pumasok si Jeric kasama ang mga magulang niya, kasunod ang apat niyang kaibigan. Para silang mga artista—gaya noong high school kami.

Napansin kong may hinahanap siya. Kumaway si Ambo at nag-thumbs up si Jeric. Nilingon niya ako—nagkatitigan kami. Ngumiti ako nang bahagya, at ganoon din siya.

Pumasok ang bride. Napakaganda niya. Hindi nakapagtataka kung bakit minahal siya ni Jeric.

Nang tanungin ng pari kung may tututol, sandaling tumahimik ang lahat. Tumingin si Jeric sa akin. Ngumiti ako at tumango. Ngumiti rin siya.

Natapos ang kasal.

Parang gumuho ang dibdib ko nang halikan niya ang bride at ideklarang mag-asawa na sila. Buti na lang nakaupo ako—kung hindi, baka bumagsak na ako. Gusto kong tumakbo, pero hindi ko magawa dahil sa semento sa aking binti.

Mas masakit pa ito sa lahat ng naranasan ko.

Dinala ako ni Ambo sa kotse. Lumapit siya kay Jeric. Napatingin sa akin si Jeric, halatang nag-aalala. Agad akong umiwas ng tingin—hindi ko kayang umiyak sa harap niya.

Habang umaandar ang sasakyan, napansin kong hindi kami papunta sa reception. Itinigil niya sa gilid ng kalsada.

“Bee, pwede na.”

Alam ko ang ibig niyang sabihin.

Tinapik niya ang braso niya. Inilapit ko ang mukha ko roon—at doon ko na pinakawalan ang lahat ng luha at sakit na nararamdaman ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Playful Destiny    The Finale

    Finale (last chapter) Lalaine POV Napamulat ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata. Pagbangon ko, nag-unat muna ako—pagod kagabi. Paano ba naman, umisa na naman ang Hari matapos naming magsayaw. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Ngunit may napansin ako—wala si Ga sa tabi ko. Sa isang sulok, may nakita akong sulat. Bigla akong na-excite. Baka may sorpresa na naman! Ganito talaga siya—sobrang sweet. Pero nawala ang ngiti ko nang mabasa ko ang laman nito. Agad akong lumabas ng tent. Napakasarap ng hangin at napakaganda ng paligid, pero hindi ko iyon ma-appreciate. Bumalik ako sa tent—wala na rin ang mga gamit ni Ga. Inikot ko ang buong lugar, pero wala siya. Tumayo ako sa gilid ng talon at sumilip, baka naroon siya—pero wala. Nagsimula na akong matakot. “Ga! Nasaan ka na ba? Akala ko ba wala nang iwanan?! Ano na naman ’to?!” sigaw ko kahit nanginginig ang boses ko. “Itong sulat na ’to—ano ’to? Bakit ka nagpapaalam, Ga? Sorry na kung isinugal ko ang pagmamahal mo sa mali

  • Playful Destiny    Final 1

    Third POV Masayang nakarating sila Jeric at Lai sa airport. Magkahawak sila ng kamay habang hinihintay ang pagdating ng kanilang gagamiting sasakyan. Ilang minuto ay dumating na din. Napangiti si Lai sa nakita. "Na sayo pa din pala to Ga?" Turo niya sa motor na nasa harapan nila. Kinuha niya agad ang helmet na pink na nasa likod nito at sinuot sa kaniyang sarili. "Bilis Ga! Halika na dito." Natawa si Jeric sa kinilos ng kaniyang mahal kung kaya't lumapit siya dito agad. Si Lalaine na ang nagsuot ng helmet sa kaniya. "Hindi, halatang exited ka Ga." Sumakay na si Jeric sa motor at kasunod non ay inalalayan niyang umangkas ito sa kaniyang likuran. "Sobrang na miss ko to." Sabi ni Jeric na may matamis na ngiti sa labi, habang yakap yakap siya ni Lai sa kaniyang likuran. "Ako din Ga, na miss ko to, super!" Higpit na yakap ni Lai sa kaniya. Pinatakbo na ni Jeric ang kanilang gamit na sasakyang motor. Habang tinatahak nila ang daan papunta sa kanilang paraiso. Ang daming pumapasok na

  • Playful Destiny    Chapter 35

    Lalaine POVNandito ako sa kwarto ko, nakatitig sa dalawang ticket na nasa kamay ko. Iniisip ko kung tama ba ang desisyong pumayag ako. Itutuloy ko pa ba ito?“Matutunaw ‘yan, sis!”Napangiti ako sa biglang pumasok. Lumapit siya at bumeso sa akin. Inalalayan ko siyang umupo dahil buntis na naman siya. Siguro nga lahi namin ang kambal, dahil sa pangalawang pagbubuntis niya ay kambal na agad.“Bakit ba titig na titig ka diyan sa tickets?” sabay kuha niya sa kamay ko.“Pupunta ka ng Cebu? Bakit dalawa ‘to? Sino kasama mo?” kunot-noong tanong niya.“Si Jeric,” sagot ko. “Sabi niya, balikan daw namin ang magagandang nakaraan namin at pagkatapos nun, bumuo raw kami ng panibago.”Napayuko ako at humugot ng malalim na hininga.“Oh? Eh bakit parang malungkot ka? Ayaw mo nun? Maayos na ulit ang pamilya niyo?”Tumingin ako sa kanya.“Hindi naman ako malungkot, Ate. Sa totoo lang, may kasiyahan akong nararamdaman sa puso ko. Pero hindi ko rin maalis ang takot… baka may mangyari na naman ulit. Ay

  • Playful Destiny    Chapter 34

    Lalaine POV Ilang araw nang nakatira sa bahay si Jeric. Palagi siyang nagpaparamdam sa akin. Mahirap man, kailangan kong tiisin. Mahal ko si Jeric hanggang ngayon-alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal. Nandito ako ngayon sa klase ko, kahit hanggang ngayon ay masama pa rin ang pakiramdam ko. Tumayo na ako para magturo kahit masama ang katawan ko. "Okay, good morning, class," pilit kong naging maayos dahil ayokong magkaproblema ang mga estudyante ko at ayokong wala silang matutunan. Habang nagtuturo ako, napansin kong sa ibang direksyon nakatingin ang mga estudyante ko. "Class, bakit hindi kayo nakikinig sa klase ko? High school na kayo, dapat marunong na kayong makinig. Hindi tama na nagsasalita ako dito tapos kayo sa iba nakatingin!" Nainis na ako dahil kanina pa ako nagtuturo kahit may sakit ako, pero yun naman pala, walang nakikinig. Nagtaas ng kamay ang isa kong estudyante. "Ma'am, kasi po kanina pa po nasa bintana yung mukhang artistang lalaki. Nasa may puno po," sabi ni

  • Playful Destiny    Chapter 33

    Jeric POV Tatlong taon na ang nakalipas mula nang maging ganito na lang kami ni Lai—malayo sa isa’t isa. Ako? Bumalik lang naman ako sa Amerika, habang sila ng mga anak ko ay nasa Pilipinas. Hindi ko naman sila pinababayaan dahil linggo-linggo akong umuuwi para makita ang mga bata at, siyempre, si Lai. Pero malamig siya sa’kin. Palagi siyang busy tuwing nandoon ako. Natupad na kasi ang pangarap niya—na maipagpatuloy ang pagiging teacher, at sabay pa siyang naging model ngayon. Minsan, ganon din ako sa kaniya. Nahihiya na rin siguro ako. Pero palagi naman akong may pasalubong sa kaniya, at nagte-thank you naman siya—sa mga sticky notes nga lang. Nawala ang atensyon ko sa pagtingin sa litrato naming mag-iina nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Nakakabwisit—istorbo sa pag-iisip. “What?!” inis kong sagot. Biglang tumawa ang gago sa kabilang linya. Wala nang iba—ang pinaka-tarantado sa amin, si Niel, a.k.a. Nilo. [Grabe ka naman, bro! Nangangamusta lang yung pinakagwapo mong

  • Playful Destiny    Chapter 32

    Lalaine POV Masaya ko dahil napatunayang wala akong kasalanan sa lahat ng mga krimen na nangyari at ipinaratang sa akin. Masakit man sa kalooban at isipin na ilang taon kong pinagdusahan ang mga kasalanang hindi ko naman pala ginawa, ganoon talaga ang buhay. Ang mahalaga, nalagpasan ko ang lahat sa awa ng Diyos. Binigyan Niya ako ng sapat na lakas para kayanin ang bawat pagsubok na dumaan sa akin. "Bee let's go?" Tumango ako kay Bo at inayos ang mga prutas na dadalhin namin para kay Ate. Sabik na sabik na akong makita siya mayakap, at personal na mapasalamatan. Nakatayo na ako sa tapat ng kwartong matagal ko nang pinapangarap pasukin. Ang kwartong kinaroroonan ng taong pinagkakautangan ko ng kung ano ako ngayon at kung nasaan ako sa buhay. Sa lahat ng taong dumaan at nanatili sa paligid ko, alam kong siya ang tunay na nagmahal sa akin. Kahit hindi niya ito laging ipinapakita, ramdam ko ang pagmamahal niya—hindi kulang, hindi sakto lang, kundi sobra pa, kahit na palaging lihim.

  • Playful Destiny    Chapter 27

    Third POV Sa isang kwartong madilim, may isang lalaking nakatuon sa kanyang laptop. Tanging liwanag ng screen ang nagbibigay anyo sa kanyang mukha, na bahagyang nakasilip sa dilim. Bawat video na kanyang pinapanood ay sinusuri niyang mabuti—paulit-ulit niyang pinapakinggan ang mga boses, iniisa-i

  • Playful Destiny    Chapter 25

    Author’s POV Nakatayo sa harap ng isang malaking salamin ang isang babaeng kagagaling lamang sa pag-iyak. Dahil sa naranasan pananakit ng kaniyang damdamin. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi bago ngumisi. Inayos niya ang magulo niyang buhok, saka nag-apply siya ng make

  • Playful Destiny    Chapter 24

    Lalaine POV Nagising ako at ramdam ko agad ang matinding sakit ng ulo. Nakatulog pala ako pagkatapos kong pakainin ang mga anak ko ng hapunan at mag-iiyak sa kwarto. Pero bakit iba ang paligid? At bakit nasa sahig ako nakahiga? Dahan-dahan akong tumayo at inilibot ang tingin ko sa paligid. Iban

  • Playful Destiny    Chapter 22

    Ang sarap nang gising ko dahil sa nangyari kagabi. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ang lahat ng nangyari sa amin.Nag-ayos ako nang sarili bago pumunta sa kusina para ipaghanda sila ng almusal. Ewan ko ba, bigla na lang nagpapaalam isa-isa ang mga kasama namin dito sa bahay.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status