Sabay-sabay kaming nagtanghalian nina Draken at Madrid sa labas ng bahay. Nasa dulo si Draken at si Madrid ang pagitan naming dalawa. Tahimik lang akong kumakain habang nagkukwentuhan at nagkukwentuhan silang dalawa."Alam niyo po? Lagi po akong nagpe-pray na sana, makita at makasama ko po kayo. Ngayon, hindi po ako makapaniwala na nakakasama ko na po kayo. Kumpleto na po tayo!" masayang sabi ni Madrid.Nakabaling ang atensyon ko sa paligid. Pansin ko mula rito ang dagat. Saang probinsya ba 'to?"Tell me more, son. Gusto kong malaman kumusta kayo ng mama mo when I wasn't around," sabi pa ni Draken."Mama did everything for me, papa. I'm so lucky to have her as my mama. Kahit po na hindi man po niya sinasabi sa 'kin ang tungkol sa inyo, he gave me your picture para po makilala kita," kuwento ng anak ko. Kaagad akong napatingin sa kaniya at kay Draken na nakatingin sa 'kin.He smiled.Muli kong binalik ang atensyon ko sa pagkain at nanatiling tahimik."I want you both. I want to experie
"Mathia, I love you. I did all of these to be with you again. Bakit ba hindi mo 'yon nakikita?" tanong ni Draken."Ayokong bumalik sa dati. Ayokong maging magulo ang buhay ko at ni Madrid," sagot ko rito."Mama."Lumingon ako sa gawi ng anak ko na malungkot ang mukha. Kinakalikot niya ang mga daliri niya na para bang natatakot."Mama, siya po ang papa ko, 'di ba?" tanong niya sa 'kin. Hindi na ako nakapagpigil pa, naluha ako nang tanguan ko siya bilang sagot. "C-Can I hug him?""Y-Yes, anak," nag-aalangan kong sabi.Sa tuwa at pagkasabik ng anak kong si Madrid, bukas palad siyang tumakbo patungo kay Draken upang yakapin ito nang mahigpit. Sinalubony naman ni Draken ng mahigpit na yakap ang anak namin at hinalikan ang pisngi nito."Son, I missed you. Finally, you're in my arms," saad ni Draken sa gitna ng paghinga nang malalim."P-Papa..." sambit naman ng anak ko.Hinayaan ko sila hanggang sa kumalas sila sa isa't isa mula sa yakapan. Hinarap ako ng anak ko at nasilayan ko ang tears of
Nakapiring ang mata ko kaya hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng mga lalaking dumukot sa 'min ni Madrid. Ang anak ko, umiiyak sa takot."A-Anak, Madrid?" paghahanap ko hanggang sa makapa ko ang balikat niya. Agad kong niyapos ang anak ko at gayundin siya sa 'kin.Ramdam ko ang panginginig naming dalawa sa tindi ng takot."S-Saan niyo ba kami dadalhin? H-H'wag niyo kaming sasaktan. P-Pakiusap," sambit ko sa mga lalaki."Tumahimik ka na lang. Hindi namin kayo sasaktan," sabi ng isang lalaki na may kalaliman ang boses. Hindi na lang ako umimik. Isiniksik ko ang anak ko dahil alam kong takot na takot din siya sa mga nangyayari ngayon.Tinahak namin ang napakahabang daan at hindi ko alam kung saan kami papunta. Hindi ko man alam kung anong oras na pero sa pagkakatantsa ko, halos dalawang oras na kaming nasa daan. Hindi ako makatulog 'di gaya ng anak kong si Madrid na mahimbing ng nagpapahinga sa yakap ko.Unti-unti kong nararamdaman ang antok ko pero hindi ko 'yon hinahayaan dahil sa t
"P-Po? Paano po nangyari 'yon?" tanong ni Madrid."Nagwo-work si mama sa isang restaurant na pagmamay-ari pala ng papa mo. Hindi ko alam noong una pero nalaman ko lang kalaunan," paliwanag ko."Gano'n po ba? Bakit hindi niyo po sinabi sa 'kin, mama?""P-Pasensya ka na, anak, ha? Pasensya ka na dahil naglihim sa 'yo si mama," paninimula ko sa anak ko. "Kinain ako ng galit sa papa mo dahil iniwan niya ako noong 4th anniversary namin. Buntis na ako sa 'yo no'n. Umalis siya, iniwan niya ako, kaya ako na ang bumuhay sa 'yo.""Mama, did papa tell you why he left you?" tanong pa ni Madrid."Because of his parents. He must obey them. So, he gave us up and returned after ten years," sagot ko.Naupo si Madrid at niyakap ako. Niyapos ko rin ang anak ko sa tuwa at awa."Mama, if you think that I'm mad, I'm not. Alam mo po na gustong gusto kong makita si papa. All I want is to see him," sabi niya."I will do it for you, anak, but not this time. We're going somewhere to calm everything that happene
Matapos ang paglalantad ni Matthew, tuluyan na akong hindi nakaimik. Walang ano-ano akong patakbong umalis at kaagad nagpara ng trycicle. Ang luha ko, hindi ko mapigilan. Tuloy-tuloy ang pagtulo nito para ilabas ang bigat na dinadala ko."Mathia? Anak? B-Bakit umiiyak ka?" tanong ni mama nang makarating ako sa bahay. Hindi ko na nagawa pang punasan ang mga luha ko kaya't nakita ng anak ko ang sitwasyon."Mama? Mama, what happened po?" nag-aalala namang tanong ni Madrid nang salubungin niya ako ng yakap."S-Si Matthew..." sambit ko. Hindi ko matuloy ang sinasabi ko dahil sa paghikbi."Anak, anong nangyari sa inyo ng kapatid mo?" nag-aalala pang tanong ni mama habang hinahaplos ang likod ko.Bago pa man ako makasagot, narinig namin mula sa labas ang tunog ng motor. Ilang sandali pa, biglang pumasok si Matthew. Sinundan niya ako pauwi."Ano bang problema mo, Matthew?! Bakit mo ginawa 'yon?!" inis na inis kong tanong dito."Hindi ba dapat sa 'yo mo itanong 'yan, ate? Bakit ka naglihim sa
Hindi ko na mapigilan pa ang luha ko nang maisara ko ang pinto. Hindi ko hinayaan na magtuloy-tuloy 'to dahil siguradong mahahalata nila ang mga mata ko.Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang panyong dala ko at inayos ko ang aking sarili. Nagbuga ako ng isang malalim na paghinga."H'wag kang magpapatalo, Mathia," sambit ko sa sarili ko.Muli akong huminga nang malalim at handa ng bumalik sa loob, ngunit nang buksan ko ang pinto ng banyo, halos mapatalon ako sa gulat nang madatnang nakatayo sa gilid si Charlie.Nakatingin siya sa direksyon ko. Teka? Umiiyak ba siya?"C-Charlie? Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kaniya. Bago pa man ako makarinig ng sagot ay nagulat ako nang bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang kamay ko kaya't nakaramdam ako ng takot. "Charlie, b-bitiwan mo 'ko. N-Nasasaktan ako.""Nasasaktan ka? Ako ba? Tinanong mo ba kung nasasaktan ako?" tanong niya sa 'kin sa gitna ng paghikbi niya. "Alam mong mahal na mahal kita, Mathia, p-pero bakit mo 'ko ginanito? Bakit siya?