LOGINPAGKARAAN ng siyam na buwan, halos naibuhos ko ang buong lakas ko para maipanganak ang nasa sinapupunan ko. Hindi ako pumayag na ipalaglag ang anak ko. Nawala si Draken sa 'kin, pero hindi na ang anak ko.
Pinalayas ako ni papa sa bahay kaya nagsimula na akong mabuhay na mag-isa. Sinamahan ako nina mama at Mathew no'ng manganak ako. Dinadalaw-dalaw nila akong madalas sa tinutuluyan kong apartment para makita ang baby boy ko. Si Madrid Tierro. Isinunod ko siya sa apelyido ko at hindi sa ama niya. Naghahatid-hatid sila mama at Mathew ng mga pangangailangan namin sa pang-araw-araw at inaalagaan din nila ang anak ko. "Kailangan ko nang umalis, mama. Ikaw na po munang bahala kay Madrid," pagpapaalam ko kay mama. "Ako na ang bahala sa apo ko. Mag-iingat ka," sabi naman ni mama. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako umalis. Nagtatrabaho ako sa mall as a saleslady. Simula kasi nung magbukod na kami ng anak ko, kailangan ko na ring maghanap ng mapagkakakitaan para sa pangangailangan naming mag-ina. Twenty three years-old na ako. Kaya ko na ang mga ganitong bagay. HALOS panay ang iyak ni Madrid tuwing madaling araw kaya napupuyat din ako. Hindi naman pwedeng dito sina mama at Mathew lagi dahil may mga kani-kaniya rin silang ginagawa. Kaunting tiis at tyaga pa para sa 'kin. Para mapalaki ko nang maayos ang anak ko. Sa tuwing pagsapit ng day off ko, sideline ko ang pag-o-online selling. Mga damit, perfume, at kung ano-ano pang bagay ang ibinebenta ko para kumita. Mahirap, oo. Pero kailangan. Naging ganito ang buhay naming mag-ina. At ako bilang isang ina, kailangan kong dumoble ng kayod para sa pangangailangan ng anak ko. Bagaman binibigyan ako nina Mathew at mama ng mga pangangailangan, hindi ko naman pwedeng iasa sa kanila lahat. At isa pa, sasapit din ang anak ko sa taong mag-aaral na siya. Kailangan kong pag-ipunan ang bagay na 'yon. Kailangan kong maghanda para doon. Hindi na ako umasa at aasa pa na tutulungan ako ni Draken. Simula nang ipagbuntis ko si Madrid at hanggang sa maipanganak ko, wala na akong balita sa kaniya. At hindi ko na kailangan pang makibalita para sa kaniya. Sapat na ang nasaksihan ng buhay ko, hindi siya karapat-dapat sa 'kin o kahit na sa anak ko. Isa siyang irresponsableng lalaki. ABALA ako sa pagsasaayos ng mga in-order nang bigla, sumulpot sa unahan ko si Charlie. Ang suki ko sa pag-o-online selling ko. Palagi siyang bumibili ng mga T-shirt at short sa 'kin. Magaganda naman kasi ang quality e. "Ano? Kukuha ka ba ulit ng T-shirt?" tanong ko sa kaniya pero inilingan niya ako. "Ano? Porque ba nandito ako e o-order lang ako?" tanong niya sa 'kin. "E ano nga bang ginagawa mo rito?" tanong ko naman sa kaniya. "Jusko naman! Ang tagal ko nang bumibili sa 'yo tapos hindi mo man lang napapansin? Tsk! Syempre binibisita ka," sabi niya sa 'kin. "E bakit mo naman ako binibisita? May sakit ba 'ko? Wala naman, ah? Tsaka, wala ka bang ginagawa?" sunod-sunod kong tanong. "Ito naman. Tss. Yayain sana kitang mag-lunch. Kung pwede?" "Ay? For the first time, ah? Treat mo?" "Malamang! Itong babaeng 'to. Tanghali na oh. Tara na." "Tsk! Teka, ito na." Simula nung nag-online selling ako, si Charlie na ang palagi kong nakikitang umo-order sa 'kin. Naging suki ko siya. At nung makausap ko siya, napagtanto kong palabiro pala siyang tao. Kwela. Nakakawala ng stress kapag gumugulat siya sa 'kin. Inaamin ko, magaan ang loob ko sa kaniya. At simula nitong niyaya niya akong mag-lunch, napapadalas na rin ang paglabas-labas namin. Kung hindi lunch, minsan dinner o kaya kahit sa breakfast. Sinasama-sama rin namin si Madrid na palagi niyang binubuhat-buhat. ILANG BUWAN na ni Madrid at ilang buwan na ring nanliligaw si Charlie sa 'kin. Hindi ko pa rin siya sinasagot dahil natatakot ako. Natatakot akong magmahal ulit. Kahit nung makilala ni Mathew si Charlie, ang tanong niya sa 'kin, "Ate, talaga bang papasok ka ulit sa isang relasyon?" "Bakit? May masama ba?" tanong ko naman pabalik. "Wala naman. Pero bilang kapatid mo, nag-aalala lang ako sa 'yo. Ayokong mangyari ulit ang nangyari sa buhay mo noon nang dahil sa lalaki. Unti-unti ka nang bumabangon ngayon at sana, wala na uling lalaking magpapabagsak ng lahat ng pinaghirapan mo." Naiintindihan ko si Mathew. Concern siya sa 'kin. At 'yon din naman ang iniisip ko e kaya nag-aalangan akong sagutin si Charlie. Pero hindi ko naman sa sinasabing masamang tao si Charlie. Siguro, hindi pa ako handang bumalik sa pakikipagrelasyon. At nang sabihin ko naman ang bagay na 'to kay Charlie, naiintindihan naman daw niya ako. Hinding-hindi siya titigil at ipo-prove niya sa lahat ng tao, sa pamilya ko at sa 'kin na karapat-dapat siya sa 'kin. Para sa 'min ni Madrid.Nang makaalis si Coney ay tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Humarap ako kay Andrade at akmang hahaplusin ang kaniyang pisngi, ngunit bigla naman niyang iniwas ang kaniyang mukha."Why did you lie to me?" tanong niya habang nakatingin sa ibang gawi."H-Hindi ko naman gustong ilihim sa 'yo 'to habang buhay e. N-Naghahanap lang ako ng magandang tyempo. A-Ayokong saktan ka, Andrade," paliwanag ko. Napangisi siya sa 'kin."So it really means na ginamit mo lang ako.""H-Hindi naman sa gano'n," pagtanggi ko, ngunit nang titigan niya ako sa mga mata ay bumalik ang aking konsensya. "O-Oo, ginamit kita... noon. G-Ginawa ko 'yon para pagselosin si J-Julian at pabagsakin siya, p-pero nauwi ang lahat sa wala. Sinayang ko ang kaunting panahon sa buhay ko p-para maghiganti. G-Gusto ko lang namang maranasan niya ang g-ginawa niya sa 'kin noon e," paliwanag ko pa sa kaniya.Hindi umimik si Andrade, sa halip ay nakatingin lang siya sa 'kin."Julian never loved me, p-pero ginagawa ko pa rin ang
Nag-taxi na lang ako para makapunta na agad sa company building ni Andrade. Halos mag-aalas onse y media na nang makarating ako. Namalengke at nag-prepare ako ng tatlong putahe para sa kaniya; buttered shrimp, ensalada at may Sinigang pa."Francine Quanton," sabi ko sa guard, dahil sinabi ko kay Andrade na malapit na akong dumating."Pasok po, ma'am. Mag-elevator lang po kayo then sa fifth floor po ang opisina ni sir Andrade," sabi ng guard."Ah, okay. Salamat po!" tugon ko bago pumasok sa loob.Gaya ng sinabi ng guard ay nagtungo ako sa elevator, paakyat ng fifth floor. Nang makarating ako ay tinahak ko ang hallway upang hanapin ang office ni Andrade."Ayun," mahinang sabi ko sa aking sarili nang makita ko ang CEO's Office. Pinuntahan ko 'yon at kumatok nang tatlong beses, bago ko pinihit ang busol nito. "Nandito na yung—"Hindi ko na natuloy pa ang pagsasalita ko nang bumungad sa 'king mga mata ang isang babaeng nakaupo sa harapan ng office table ni Andrade. Tinignan niya ako mula u
Alas siete pa lang ng umaga ay nagtungo na kami sa b-in-ook ni Andrade na private resort para makapag-bonding kami."Sallie, pakisuyo nga nito. Saglit lang at hihiwain ko 'tong mga kamatis," sabi ko. Abala kami nina Sallie at Mama sa pagpe-prepare ng foods. Iilan lang naman ang iniihaw namin.Habang abala kami ay napatingin ako sa bag ni Andrade nang marinig ko ang pag-ring ng phone nito. Dahil abala siya sa pool ay ako na ang kumuha at sumagot ng tawag.I was about to ask kung sino ito, pero bigla namang may nagsalita."Andrade, kailan ba tayo magkikita? I was calling and texting you, pero hindi ka naman sumasagot."Bumigat ang pakiramdam ko nang marinig ko ang boses ng babae mula sa kabilang linya. Gusto ko siyang sagutin, pero hindi ko ginawa dahil naalala ko ang tungkol sa ex-wife ni Andrade.Imbis na sagutin ay in-off ko na lang ang tawag nito.NAG-SWIMMING na rin kami nina Mama at Sallie, isang oras matapos naming kumain lahat. Habang nasa pool ay tahimik lang ako. Nasa isip ko
Medyo binibilisan ko ang kilos ko dahil ang sabi ni Andrade ay nag-book siya ng restaurant para sa family. Pinauna na raw niya sina Mama, Papa, at mga kapatid ko dahil hindi kami magkakasya sa kotse niya. Nag-book din siya ng ride for them."We have to go now, France. Masyadong mahigpit yung kakainan natin. They said na kung anong araw at oras b-in-ook, dapat sakto rin ang dating at alis natin," pagmamadali ni Andrade sa 'kin."Huh? Napaka-OA naman nila. Wait lang naman. Hindi mo naman sinabi sa 'kin na nag-book ka. Kung sinabi mo lang sana nang maaga, e 'di nakapag-prepare na sana ako," reklamo ko sa kaniya."I'm sorry, my love. Biglaan ko lang kasing na-book e," sabi nito ngunit inilingan ko na lang siya bilang tugon.Binilisan ko na lang lalo ang kilos ko bago kami umalis upang magtungo na sa mahigpit na restaurant na 'yon. Hindi ko alam kung bakit pa kami sumakay ni Andrade ng kotse e mukhang malapit lang 'to sa bilis niyang magpaandar."Come on," sabi nito nang pagbuksan niya ako
"Uy, ate, ha? Ngumingiti ka mag-isa."Napatingin ako kay Sallie nang magsalita ito. Ngayon ko lang napansin na nandito silang apat kong mga kapatid upang tulungan ako."H-Huh? H-Hindi, ah! Nagpe-prepare ako ng almusal natin," pagtanggi ko."Ano ba ang lulutuin natin?""Oo nga? Sabihin niyo kung anong ambag namin, ah?"Natawa ako at nailing sa kanila. Isa-isa kong sinabi sa kanila ang mga lulutuin at gagawin nila upang mapabilis ang pagpe-prepare namin ng almusal.Habang abala kami sa paghihiwa, paghuhugas, paghahalo at pagpiprito ay hindi namin mapigilan ang magkuwentuhan at magtawanan."U-Uhmm... ate, gusto ko sanang samantalahin ang pagkakataong 'to p-para humingi ng tawad sa 'yo—at sa lahat ng mga nagawa ko," sambit ni Sallie."Ako rin, ate. Sorry sa mga nagawa ko.""Sorry, ate.""Sana mapatawad mo kami.""Mahal na mahal ka namin, ate. Salamat din sa lahat ng sakripisyo mo para sa pamilya natin."Napahinto ako sa ginagawa ko habang tinitignan sila isa-isa. Dama ko ang pag-iipon ng
"Wala na kami ni Julian."Natahimik sila sa aking sinabi at tila hindi makapaniwala na hindi na kami magkasama ni Julian.Gusto pa nilang magtanong, ngunit nagtungo na si Andrade sa direksyon namin, dala ang mga gamit naming dalawa."Good evening," bati niya. Ibinaba niya ang hawak ng isa niyang kamay upang magmano sa mga magulang ko."Tuloy kayo. Tuloy," sabi ni Papa kaya't pumasok na kami sa loob. Tinulungan ng mga lalaki kong kapatid si Andrade sa dala nito upang ilagay sa kwarto. Samantala ay pumwesto naman kami sa dining area."Kumusta ang byahe?" tanong ni Papa."It went well po. By the way, I'm Andrade Vanzant, her boyfriend," magalan pa niyang pagpapakilala. Nagpakilala naman isa-isa ang family ko sa kaniya."Halika na't kumain na tayo. Mukhang pagod na pagod kayo. Anak, tulungan mo nga akong..."Marahan kong sinusulyapan si Andrade at napapansing nakangiti siya habang pinagmamasdan niya ang family ko.SINIGURADO ko munang nakatulog na si Andrade sa kwarto bago ako lumabas upa
"Tara na, kumain na tayo," pagyayaya ni Charlie nang makarating siya dala ang dalawang balot ng uulamin namin.Tinulungan ako nina Von at Aileen na mag-prepare ng mga gagamitin sa pagkain at saka kami pumwesto sa mga bakanteng upuan."Good evening, everyone," pagbating bigla ni Matthew nang makarat
Matapos ang kalahating araw ng pagtatrabaho, hindi muna ako hinatid pauwi ni Draken, sa halip ay nagtungo kami sa Wolfgang Steakhouse para kumain. Nag-order lang kami ng dalawang Filet Mignon at drinks."Ano namang naisipan mo at dinala mo 'ko rito?" tanong ko sa kaniya habang nas kalagitnaan kami
Kanina ko hinahaplos ang magkabilang kamay ko sa kabang nararamdaman ko. Kasalukuyan naming tinatahak ni Draken ang daan patungo sa Ravish restaurant."You look nervous," dinig kong sabi niya habang nananatili pa rin ang tingin sa daan.May mata ba siya sa tainga?"Baka makita kasi ako nina Von at
Tinapos lang naming laruin ang halos fifty tokens na dala ni Madrid kanina bago kami nagpunta sa NBS para bumili ng mga kakailangan pa ni Madrid sa school. Bigla-bigla na lang kasi siyang nagkakaroon ng project kaya uunahan ko ng bumili ng gamit.Kasalukuyan kaming naggo-grocery para may stock sa b







