Share

CHAPTER 10

Anak, behave ka rito kina Tito Chito at Lolo mo ha?" mahigpit na bilin ni Luisa kay Becca.

Ngayong araw na kasi siya babalik ulit sa bahay ni Jaron at dahil hindi niya alam kung kailan ulit siya makakauwi sa kanila ay ipinagtapat niya na kahapon sa pamilya niya ang tungkol sa bago niyang trabaho. Noong una ay hindi pumayag si Fredo sapagkat mawawalay sa kanila si Luisa pero kalaunan ay wala na rin itong nagawa dahil sa huli ay nanaig pa rin ang pagiging ama niya at naiintindihan niyang ginagawa lang naman iyon ni Luisa para kay Rebecca.

Samantalang si Becca naman ay iyak nang iyak buong gabi at pinipigilan ang pag-alis ng kaniyang ina. Mabuti na lang at naging maayos din ang lahat sa bahay nila kung kaya't hindi mabigat ang loob niyang iwan ang mga ito.

"Ate, mag-iingat ka roon ha? Kapag may kailangan ka magsabi ka lang," bilin naman ni Chito sa kaniya.

"Huwag mo na akong alalahanin, Chito kaya ko na ang sarilli ko, ikaw na muna ang bahala kay Becca habang wala pa ako ha? Kayo rin kap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status